“W-What are you doing here?!” Bulalas ko, sinilip lang niya ako saglit, sabay balik ng tingin sa unahan.
“Niyaya ako nila Justine, that’s why I’m here.” Casual na sambit nito. Nilingon ko naman ang dalawang mokong sa likod. Mga nakangising aso lang ang mga walanghiya!
Na-set up na naman ako ng mga 'to, Bakit ba hindi ko nahahalata 'yon? Kainis!
Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili, Chill Zia. Hindi na ako umimik at umayos na ng upo, Wala na rin naman akong magagawa.
"Saan tayo?" Mahinahong tanong ko.
"Tagaytay tayo iyang, kain tayo bulalo treat ko." Sagot ni Justine. Tumango ako at nag-maneho na.
"Are you sure na ikaw ang mag-dadrive Iah? gusto mo ako na? malayo ang tagaytay." Basag ni Austin sa katahimikan, nilingon ko siya saglit, nakatingin pal
Hindi na sila ni Dia? Paano nang-yari ‘yun? Naguguluhan akong tumingin sa kanya. “Hindi na kayo mag-fiance?” masuyong tumango ito, “Kailan pa?” “Bago ako bumalik dito sa pinas hindi na kami mag-fiance ni Dia.” Napamaang na naman ako, naguguluhan, nalilito. “Mas nauna akong bumalik ng pilipinas, sumunod lang si Dia, Hindi pa rin niya matanggap na umurong na ako sa kasunduan.” “Sandali, sandali, naguguluhan ako Austin, P’wede ‘bang linawin mong maigi?” Kung ganoon nga, kung totoo ang sinasabi ni Austin, Hindi alam ni Nicolai ‘to? Geez, Biglang sumakit ang ulo ko. Umayos ito ng pag-kakasandal at tumingala. “Alam kong may na kwento na sa’yo si Nicolai. Tama?” Nagulat ako, paano niya nalaman? Nilingon niya ako at tipid na ngumiti. “Kilala ko ang lalaking ‘yun, sa ilang taon na nakasama ko siya. Kabisado ko na ang ugali no’n, Napakadaldal.” “At lahat ng
KINABUKASAN NANLALATA akong yumuko sa desk ko, argh. Inaantok na ako! Tapos sumasabay pa ‘yung sakit ng ulo ko dahil sa kakulangan ng tulog. Anong oras na rin kami naka-uwi kagabi tapos pag-dating ko sa bahay hindi naman agad ako dinalaw ng antok kahit pagod ako. Ngayon tuloy mukha akong Zombie, Wala pa nga sila Jen kase maaga pa talaga. Pinili kong pumasok na kase hindi na din naman ako makatulog ng maayos, Baka pag-hindi pa ako kumilos makatulog na lang ako bigla at hindi na makapasok ngayon, kaya nag-pasya na lang akong pumasok ng maaga, na ngayon ay pinag-sisisihan ko! Dito ako dinalaw ng antok sa room tapos sumabay pa ‘yung sakit ng ulo ko. Nakakainis! Gusto ko pumunta ng Cafeteria at uminom ng Hot choco! Kaso feeling ko mabubuwal ako ‘e. Hindi din ako nakapag-almusal dahil tulog pa sila kuya ng umalis ako, Kaya din siguro nasakit ang ulo ko kase
Naging tahimik sa Room nila dahil sa utos na rin ni Austin. Unti-unting nag-dadatingan ang iba nilang ka-blockmate, hanggang sa dumating na rin ang bago nilang ka-blockmate, Tahimik ang mga itong naupo. Dahil wala naman ginagawa sila Jen ay nakipag-kilala sila sa apa’t, Friendly naman ang mga ito, Kahit si Grazia na akala nila ay masungit ay nakakausap nila at ngayon ay kaibigan na nila. Kaya lang naman pala ito ganoon kahapon dahil nga sa ginawa ng bullies sa kanila. Galit pala talaga ito sa grupo nila AJ. “Tsk, sorry nga pala sa inasal ko kahapon, badtrip lang talaga ako sa mga mukhang paa na bullies ng school na ‘to, masyado kaming minamaliit porket mayayaman sola” Mahinang paliwanag naman ni Grazia sa mga bagong kaibigan.“Nako, sis ganyan ganyan din kami nung unang araw ng pasukan. Grabe talaga mga ugali ng mga ‘yun.” Sang-
Tahimik ang lahat walang may gustong gumawa ng kahit anong ingay, Nag-iba ang awra ng silid nila Jen simula ng dumating sila Dia. Makalipas ang ilang minuto muling bumukas ang pinto ng kanilang room at niluwa ang kanilang Prof, Nag-kanya-kanyang balik sa kanilang upuan ang iba at umayos ng upo. Napatingin naman ang prof kay Austin na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa harap. “A, Mr. Dela Vega, Bakit d’yan ka naka-upo? Bumalik kana sa upuan mo.” Sita ng Prof sa binata, binalingan naman ito ng tingin ni Austin, Tumayo ito at magalang na nag-salita. “Sorry, Sir, kung dito ako naka-upo ngayon, P’wede po bang hindi muna ako lumipat? May sakit kase si Ms. Villanueva, Pinapabantayan siya sa’kin ng kapatid niya.” Bumaksak ang tingin ng Prof nila sa nakayukong dalaga. Bago muling binalik ang tingin kay Austin.
Mas ok na ang pakiramdam niya ngayon kesa kanina, Gutom at tulog lang pala ang dahilan kaya gano’n ang nang-yari sa kanya. Nang makarecover na siya, Humarap na siya sa mga kaibigan na nag-kukumpulan, Nag-tataka din siya bakit nandoon ang mga ito. Pag-lingon niya nakatingin pa rin sa kanya ang lahat na akala mo ay ngayon lang siya gumising sa mahabang pag-kakahimbing, Nag-tatakang nilibot niya ang tingin sa lahat ng nasa harap niya, tumigil ang tingin niya kay Dia na masama ang titig sa kanya. Nangunot ang noo niya, ‘Bakit ang sama ng tingin sa’kin ng babaeng ‘to? Kakagising ko lang ‘a!’ sambit niya sa kanyang isipan. May nang-yari ba habang natutulog ako? Iniwas niya ang tingin kay Dia, at bumaling kay Austin na ngayon ay sobrang seryoso. “What’s going on here?” mahina niyang tanong, kakagising lang niya pero eto agad ang bumungad sa kan
Inilang hakbang niya ang pagitan nila ni Nicolai, Napansin niya kase ang panginginig nito, Hindi niya inaasahan na ngayon pa malalaman ng binata ang lahat. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ito sa braso. Nangingilid ang luha nito ng humarap sa kanya. “Y-you know about this thing Chloe?" tanong nito sa kanya, pati siya ay naiiyak na din sa nakikitang sakit sa mga mata ni Nicolai, She nodded in response. “W-when did you know?” Ramdam na ramdam sa pananalita nito ang sakit na nararamdaman. “Gio and I talked last night, that's where I found out everything, Napag-tagpi-tagpi ko ang kwento mo at kwento niya. Sasabihin din namin sana sa’yo ‘to, Sinabihan ko si Gio na kausapin ka para malaman mo ang totoo pero hindi namin inaasahan na ganito pala ang mang-yayari.” Paliwanag niya sa kaibigan, ayaw niya na mag-isip ito ng kung ano.Tumango-tango si Nicolai bago bumaling kay
ZIA POV Matapos kaming kumain ng Lunch, nauna ng bumalik sa room namin sila Seb, Jen at ang bago kong kaibigan na sila Grazia. Pinakilala sa’kin kanina nila Jen ang mga ito, masaya ako dahil may bago na ulit akong kaibigan, Nadagdag na naman ang circle of friends ko, Kung dati umiikot lang ang mundo ko kela kuya at sa mga pinsan ko ngayon hindi na. Mas masarap kase sa pakiramdam na may kaibigan ka din na babae, Mas nag-kakaintindihan at nauunawaan agad namin ang isa’t isa hindi katulad ng sa lalaki.Ngayon ay nandito kami ni Gio sa baba ng building namin, nakaupo kami sa Bench habang nakatingin sa kawalan. Ayaw muna kase nitong umakyat sa taas dahil ayaw niya pa daw makita sila Dia, Kahit ako ay ayoko pa din umakyat kaya pumayag ako sa dito muna kami. Wala naman ang susunod namin na Prof dahil may biglaang meeting daw. Buti na lang laging natataon ang mga ganitong pang-yayari na walang Prof.
Napalingon sa’kin si Gio at nagulat ng makita ako. Para siyang nakakita ng multo ‘a? Gulat na gulat? Hindi niya siguro inaasahan na may gising na. Bumaba ang tingin ko sa ginagawa niya, Mag-luluto ba siya? Pinag-masdan ko ang itsura niya, Gulo-gulo ang buhok, naka gray pajama at black sando tapos naka-suot ng apron na blue. Cute.. “Hey, Goodmorning, ang aga mo magising,” Nakangiti kong bati, nag-lakad na ako patungo sa kanya, Bigla naman itong nataranta, pinagliligpit nito ang gamit na nasa ibabaw ng table, Nag-kanda hulog pa ang tinidor. Napataas ako ng kilay, Bakit siya natataranta?“Huy, ano ba ‘yang ginagawa mo? Bakit natataranta ka? Para kang ewan.” Sambit ko ng makalapit na sa kanya, Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa, Napangiwi ako ng parang binagyo iyon, kalat-kalat ang pancake flour. bowl at itlog. Tini