BINUHAT AKO ni Ken papasok sa kwarto namin dito sa resort. Dali dali niyang isinara ang pintuan at narinig ko pa ang pagpihit niya ng lock nito.Hindi marahan ngunit hindi rin naman masakit ang pagkakahiga niya sa akin sa kama. Kasalukuyan siyang nasa ibabaw ko ngayon at magkatapat ang mga mukha namin. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay damang-dama ko ang init ng hininga niya.“Because you misbehaved today, you should receive your punishment. And right now, you need to pay for what you did.”Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magtanong ngunit bigla-bigla ay hinalikan niya na naman akong muli. Kung kanina ay ang paggalaw lamang ng mga labi niya ang nararamdaman ko, ngayon ay hindi na lang iyon basta ganon. Naramdaman ko ang pagkagat niya sa lower lip ko. Dahilan iyon upang bahagya kong maibuka ang bibig ko at ginamit niya ang pagkakataong iyon upang maipasok ang dila niya.Tila ba sinasaliksik niyon ang buong bibig ko. Nalulunod man ay pinilit kong makisabay sa kanya. Ni min
"Nagkatagpo na rin pala ‘tong mga bugok nating mga tropa, mga Dude." ani Paulo na ngayon ay nakatingin sa screen ng kanyang laptop. Kasalukuyan kasi siyang nagba-browse sa kanyang Facebook account nang madaanan niya ang isang post tungkol sa iringang naganap sa pagitan ni Wade at Ji."Sino?" Tanong naman ng kaibigang si Lawrence.Sabay-sabay na nagsilapit kay Paulo ang apat na magkakaibigang sina Karl, Kobe, Lawrence, at Harvey para makita kung sino ang tinutukoy nito."Wade saka Ji the “Bopols”." sagot naman ni Paulo. Alam na kaya ni King ‘to? Nasaan ba ang magaling nating Pinuno? Tangina ‘yong caption nito oh, masyadong controversial." dagdag pa niya na sinabayan pa ng pagtawa."Ano bang nakalagay?" Tanong naman ni Gio na nanatili lang na nakaupo sa upuan habang may nakasalpak na headphone sa tainga. Tutok na tutok pa ito sa kaniyang cell phone. Kunwari pa itong walang pakialam sa pinag-uusapan ng mga kaibigan niya pero heto siya ngayon at nakikiusyoso."Nag-away raw ‘yong dalawa da
“NAKIPAG-AWAY KA na naman, para ka talagang ewan. Madaling mag-init ang ulo mo at ang sungit-sungit mo pa,” malumanay na sermon ko sa kaniya. As usual, ako na naman ang personal nurse niya. Narito na kami ngayon sa unit ni Ken at kasalukuyan siyang sinisermunan dahil sa pakikipagbasag-ulo niya. Minsan naiisip kong ang solusyon niya sa lahat ng problema ay pakikipagsuntukan eh. “Kung nagsabi ka kung saan ka nagpunta, eh ‘di sana ay hindi ako nagpanic nang ganoon,” paninisi pa niya sa akin. “Love, huwag ka kasing masyadong maging padalos-dalos,” sabi ko. Idinampi-dampi ko ang cold compress na kinuha ko sa labas kanina sa pasa na nasa mukha niya. “Paanong hindi ako magpapadalos-dalos? Kalat na kalat sa social media ang pag-aaway ng mga mga g*go dahil sa iyo.” Napakunot ang noo ko. “Sino? At bakit naman sila mag-aaway nang dahil sa akin?” “Sina Ji at Wade. Nag-away daw sila nang dahil sa iyo kanina.” “Dahil?” Nagkibit-balikat siya sa akin. “Sigurado akong nakipag-away si Ji dahil m
“ANO BANG mapapala ko kung sasama ako sa iyo?” Nakapameywang na tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi siya nangungulit na sumama raw ako sa kaniya sa dati naming school. Nasaan ba sila Maureen sa ganitong pagkakataon? Akala ko pa naman sila ang maglalayo sa akin sa lalaking ito. “Naisip ko lang kasi–based na rin sa mga napapanood ko na may katulad na case sa amnesia na mayroon ka ngayon–makakatulong sa pagbalik ng alaala mo kung babalikan mo rin iyong mga lugar na dati ay pinupuntahan mo. And I think, most of the memories that you forgotten were the memories happened on our school,” paliwanag pa niya sa akin na ikinasalubong naman ng kilay ko. “Para saan pa? Kuntento na ako sa kung ano’ng naaalala ko ngayon. At isa pa, sabi ng doktor, kusa raw babalik ang mga iyon kung kailan nila gustong bumalik dahil temporary selective amnesia naman ang nangyari sa akin,” ganting paliwanag ko naman sa kaniya. “Kuntento ka ba talaga sa naaalala mo o natatakot ka lang malaman ang mga nagawa sa iyo n
“ANG AGA namang pa-surprise nito, King,” pang-aasar pa ni Lawrence kay Ken. Maaga kasi siyang kinontak ng kaibigan para magpatulong na ipaghanda ng breakfast si Ciashet kahit pa nga mag-aalas-onse na ng umaga. “Baka naman puwede ko muna itong tikman bago ko ihatid sa itaas, King?” tanong pang muli ng kaibigan saka akmang kukuha ng pagkaing naiayos na sa breakfast tray. Hindi naman nito naituloy ang akmang pagtikim nang maramdaman niya ang matalim na tingin sa kaniya ng kaniyang kaibigan. “Parang tanga naman ito, hindi mabiro,” nakaismid pang sabi niya. Binitbit na niya ang tray paakyat sa unit ni Ciashet. Si Ken naman ay nakasunod lang sa kaniya. “Buksan mo ang pinto,” utos pa ni Ken sa kaniya habang iniaabot sa kaniya ang key card ng unit ni Ciashet. “Kita mo nang may hawak akong—” hindi na rin natuloy ang pagrereklamo niya nang samaan na naman siya ng tingin nito. “Magpasalamat ka at mas malakas ka sa akin, King, dahil kung hindi ay makakatikim ka ng suntok na hindi mo pa natit
HINDI KO mapigilang hindi maging emosyonal sa naabutan kong ayos ng guest room niya—napaka ganda.Sobra akong nagulat sa surpresang ito ni Ken. Hindi ko alam kung paano niya ito naipahanda kahit na kauuwi lang niya kahapon pero sobra ko itong na-appreciate. Sa isang lalaking katulad niya, hindi ko lubos maisip na paghahandaan niya nang ganito ang birthday ko. Bukod doon, nakakatuwang isipin na mas naalala niya pang kaarawan ko ngayon kaysa sa akin.Ang kulay puce pink na canopy sleigh bed na may turkish rose na curtain ang unang nakaagaw ng pansin ko. Alam na alam niya talaga ang favorite color ko. Nakadagdag pa nga sa ganda niyon ang nakalaylay din sa kurtinang mga fairy lights. Akala ko sa mga palabas patungkol sa prinsesa ko lang makikita ang ganitong hitsura ng kama, hindi ko akalain na mae-experience ko pala.Sa ibabaw ng kama, naroon ang isang malaking bouquet ng pink tulips. May kasama pang isang malaking box ng regalo na siyempre ay hindi ko pa alam ang laman. Pagkatapos ay ma
NANUNUYO ANG lalamunan ko at hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sh*t, ayoko nang lumabas pa roon o maski ang magpakita pa sa kanila sa mga susunod pang mga araw. Pakiramdam ko ay iyong scene kanina ang maalala nila sa tuwing magkakasalubong kami!“Love, lumabas ka na riyan . . . para kang timang na nagtatago riyan,” sabi pa sa akin ni Ken.“Ayoko na—nahihiya na ako. Gusto ko nang magpalamon sa lupa, Love,” sagot ko sa kaniya.“Bakit ka naman mahihiya? Sila ang mahiya sa atin dahil pasok sila nang pasok nang walang pasabi. At isa pa, mas malala pa sa naabutan nila kanina ang ginagawa ng mga iyon.” Binuksan niya ang nakatakip na kurtina ng kama. “Come on.”Umiling-iling ako habang nakasimangot sa kaniya. “Ayoko, Love, dito na lang ako.”“Hindi puwede.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin para ako ayain nang bumaba sa kama at sumama na palabas sa kaniya. “Nahuli naman na nila tayo—hindi na magbabago iyon,” tatawa-tawa pang sabi niya.“Nagagawa mo pang t
“MARE!” KAAGAD na salubong sa akin ni Gwen pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Ikinawit pa niya ang kamay niya sa braso at kung makatingin sa akin ay para bang naghihintay siya ng isang kapana-panabik na kuwento.“Manahimik ka riyan, mare, wala akong ikukuwento sa iyo kung kailan at saan nangyari, but yes . . . I’m pregnant,” bulong ko sa kaniya.“Oh my gosh!” sigaw niya nang pabulong at talagang may nalalaman pang pagtakip ng palad sa bibig niya.Thanks God at nakahalata siyang ayaw kong malaman ng iba ang tungkol dito—subukan niya lang ipaalam sa kanila!“How does it feel ba, mare, ang makaisa ang isang Ken Sebastian Alvarez at matikman ang kaniyang nakakaakit na mga labi?” walanghiya pang tanong niya.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Ano bang klaseng tanong iyan? Talaga bang gusto mong sagutin ko iyan?”“It’s just a normal question para sa mga taong naka-experience na ng pagme-make love!”Napasapo na lang ako sa noo ko. “It’s not a normal question, Gwen. But to give an answer