“ANG AGA namang pa-surprise nito, King,” pang-aasar pa ni Lawrence kay Ken. Maaga kasi siyang kinontak ng kaibigan para magpatulong na ipaghanda ng breakfast si Ciashet kahit pa nga mag-aalas-onse na ng umaga. “Baka naman puwede ko muna itong tikman bago ko ihatid sa itaas, King?” tanong pang muli ng kaibigan saka akmang kukuha ng pagkaing naiayos na sa breakfast tray. Hindi naman nito naituloy ang akmang pagtikim nang maramdaman niya ang matalim na tingin sa kaniya ng kaniyang kaibigan. “Parang tanga naman ito, hindi mabiro,” nakaismid pang sabi niya. Binitbit na niya ang tray paakyat sa unit ni Ciashet. Si Ken naman ay nakasunod lang sa kaniya. “Buksan mo ang pinto,” utos pa ni Ken sa kaniya habang iniaabot sa kaniya ang key card ng unit ni Ciashet. “Kita mo nang may hawak akong—” hindi na rin natuloy ang pagrereklamo niya nang samaan na naman siya ng tingin nito. “Magpasalamat ka at mas malakas ka sa akin, King, dahil kung hindi ay makakatikim ka ng suntok na hindi mo pa natit
HINDI KO mapigilang hindi maging emosyonal sa naabutan kong ayos ng guest room niya—napaka ganda.Sobra akong nagulat sa surpresang ito ni Ken. Hindi ko alam kung paano niya ito naipahanda kahit na kauuwi lang niya kahapon pero sobra ko itong na-appreciate. Sa isang lalaking katulad niya, hindi ko lubos maisip na paghahandaan niya nang ganito ang birthday ko. Bukod doon, nakakatuwang isipin na mas naalala niya pang kaarawan ko ngayon kaysa sa akin.Ang kulay puce pink na canopy sleigh bed na may turkish rose na curtain ang unang nakaagaw ng pansin ko. Alam na alam niya talaga ang favorite color ko. Nakadagdag pa nga sa ganda niyon ang nakalaylay din sa kurtinang mga fairy lights. Akala ko sa mga palabas patungkol sa prinsesa ko lang makikita ang ganitong hitsura ng kama, hindi ko akalain na mae-experience ko pala.Sa ibabaw ng kama, naroon ang isang malaking bouquet ng pink tulips. May kasama pang isang malaking box ng regalo na siyempre ay hindi ko pa alam ang laman. Pagkatapos ay ma
NANUNUYO ANG lalamunan ko at hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Sh*t, ayoko nang lumabas pa roon o maski ang magpakita pa sa kanila sa mga susunod pang mga araw. Pakiramdam ko ay iyong scene kanina ang maalala nila sa tuwing magkakasalubong kami!“Love, lumabas ka na riyan . . . para kang timang na nagtatago riyan,” sabi pa sa akin ni Ken.“Ayoko na—nahihiya na ako. Gusto ko nang magpalamon sa lupa, Love,” sagot ko sa kaniya.“Bakit ka naman mahihiya? Sila ang mahiya sa atin dahil pasok sila nang pasok nang walang pasabi. At isa pa, mas malala pa sa naabutan nila kanina ang ginagawa ng mga iyon.” Binuksan niya ang nakatakip na kurtina ng kama. “Come on.”Umiling-iling ako habang nakasimangot sa kaniya. “Ayoko, Love, dito na lang ako.”“Hindi puwede.” Inilahad niya ang kamay niya sa akin para ako ayain nang bumaba sa kama at sumama na palabas sa kaniya. “Nahuli naman na nila tayo—hindi na magbabago iyon,” tatawa-tawa pang sabi niya.“Nagagawa mo pang t
“MARE!” KAAGAD na salubong sa akin ni Gwen pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Ikinawit pa niya ang kamay niya sa braso at kung makatingin sa akin ay para bang naghihintay siya ng isang kapana-panabik na kuwento.“Manahimik ka riyan, mare, wala akong ikukuwento sa iyo kung kailan at saan nangyari, but yes . . . I’m pregnant,” bulong ko sa kaniya.“Oh my gosh!” sigaw niya nang pabulong at talagang may nalalaman pang pagtakip ng palad sa bibig niya.Thanks God at nakahalata siyang ayaw kong malaman ng iba ang tungkol dito—subukan niya lang ipaalam sa kanila!“How does it feel ba, mare, ang makaisa ang isang Ken Sebastian Alvarez at matikman ang kaniyang nakakaakit na mga labi?” walanghiya pang tanong niya.Kinurot ko siya sa tagiliran. “Ano bang klaseng tanong iyan? Talaga bang gusto mong sagutin ko iyan?”“It’s just a normal question para sa mga taong naka-experience na ng pagme-make love!”Napasapo na lang ako sa noo ko. “It’s not a normal question, Gwen. But to give an answer
“ATE, SA kuwarto ko na lang din ikaw matulog, please?” Nagtatatalon pa si Kate habang nakikiusap siya sa akin. Nang malaman niya kasing dito ako mag-stay sa loob ng tatlong araw ay hindi na niya ako tinantanan na pakiusapan na sa tabi na niya matulog.“Kate, hindi kayo kasya ng Ate Ciashet mo roon. Single bed lang ang kutson mo at sa sobrang likot mo pang matulog, baka mamaya ay masipa mo pa siya o kung hindi man, maitulak pababa sa kama,” sabi sa kaniya ni Tita Babs habang nag-aayos kami ng gamit dito sa kuwarto ni Ken sa bahay nila.“Mommy, gusto ko tabi kami, dito na lang din ako matutulog sa kuwarto ni Kuya, sige na please?” pagpupumilit pa niya.“Ang laki-laki mo na, tatabi ka pa? Doon ka na lang matulog sa kuwarto namin ng Daddy mo kung gusto mo,” suhestiyon pa ni Tita.“Ayoko nga,” sumimangot pa siya. “Ang dikit-dikit ninyo parati, eh. Makakaistorbo lang ako. Kahit sa harap ko, nagyayakapan kayo ni Daddy.” Naramdaman ko ang paghawak ni Kate sa magkabila kong palad. “Please, Ate
“MAMA, PAPA, tapos na po ba kayo riyan?” tanong pa ni Ciashet sa kaniyang mga magulang habang abala siya sa pagsasaayos ng iilang mga gamit na dadalhin nila para sa outing. Pasikreto kasi silang inimbitahan ng mga magulang ni Ken na dumalo sa surprise birthday party nito. Ipinadala pa nga ng mommy ni Ken ang sasakyan nila para maghatid sa kanila sa venue.“Sandali lang, anak, ito kasing papa mo ay hindi makaisip ng susuotin, nahihiya raw siya baka mapagtawanan tayo,” sagot pa ng mama niya sa kaniya.“Ma, hindi ganoon sina Tita at Tito, promise! For sure magkakasundo kayo—sobrang welcoming nila,” malawak pa ang pagkakangiti ng babae. Excited na kasi siyang magkakilala ang mga magulang niya at ng nobyo niyang si Ken.“Okay na ba ito, anak? Hindi ba nakakahiya ang hitsura ko?” nangangamba pang tanong ng kaniyang ama sa kaniya. Inaayos pa nito ang kaniyang blue and gray stripes polo shirt.Nilingon ni Ciashet ang ama. Nilapitan niya pa ito at bahagyang inayos ang kuwelyo ng polo shirt nit
PINASAMAHAN AKO ni Tita Babs sa anim na umuwi muna sa bahay para kumuha ng mga gamit nila habang naroon sila sa ospital. Ayaw nilang iwanan si Ken doon at ayaw din nilang mag-stay ako nang matagal doon dahil tiyak daw na mai-stress lang ako—baka makasama pa sa dinadala ko.Gustong-gusto ko nang makita si Ken pero wala naman akong magawa. Wala akong ibang choice kundi ang hintayin siyang para makapasok ako sa kuwarto niya—doon lang daw kasi papayagan ng mga doktor na makapasok ang mga hindi kamag-anak ng pasyente.“Huwag ka nang sumama pabalik, Queen, okay? Iyon din naman ang bilin ni Tita. Dito ka na lang para makapagpahinga ka. Papupuntahin ko rito si Gwen,” sabi ni Coach.“No, gusto kong sumama . . . gusto kong naroon ako sa oras na magising siya.”“I know, pero ano namang magagawa mo roon, eh ni hindi nga tayo pinapapasok? Wala kang maayos na matutulugan doon kung sakali. Alagaan mo ang sarili mo at ang anak ninyo. For sure naman ay iyan din ang gusto ni King na gawin mo,” pagpapal
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos
“Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag
NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan