"ANO’NG MERON?" Takang tanong ko sa mga nagkukumpulang mga babae sa quadrangle ng Damryeong. Ang mga babae kasing nasa likurang parte ng kumpulan ay panay ang tingkayad para lang masilip ang kung sinomang naroon. "May mga lalaki raw galing sa Jeoseong. May hinahanap na babae rito sa school." sagot sa akin ng babae mula sa tourism department—nalaman ko dahil sa unipormeng suot niya. Kaagad akong kinabahan. Bakit naman pupunta rito sa Jeoseong ang mga iyon? "Uy, mare!" Pabulong na parang pasigaw na pagtawag sa akin ni Gwen. "Bakit?" Takang tanong ko. "Bakit parang nagpapanic 'yang hitsura mo, may problema ba?" "Halika, bilis!" Hinawakan niya ako sa braso at dali-daling hinila palayo sa senaryong 'yon. "Bakit ba? Kinakabahan naman ako sa’yo." "Ikaw ‘yong hinahanap no’ng mga lalaki roon sa labas. Natatandaan mo ‘yong lalaking kasama mo hanggang sa paglabas ng school na 'yon? Naroon siya." mabilis niyang paliwanag sa akin. Base sa emosyong rumerehistro sa mukha niya, halatang hindi
MARAMING ARAW ang lumipas matapos ang nangyaring insidente doon sa mansyon nila Wade. Nakakapagtaka na maski isang balita tungkol doon ay wala akong narinig. Tahimik lang din si Ken at hindi na muling binuksan ang usapan tungkol doon. Sa tuwing mababanggit ko nga 'yon ay kaagad niyang iniiba ang usapan. "Love, dress up."Taka akong napatingin sa kaniya. Katatapos lang ng duty ko para sa huling araw ng OJT dito sa company nila. Sa wakas ay natapos ko na rin ang kinakailangang oras para rito. Research na lang ang kailangan kong ayusin at makaka-graduate na ako."Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nagpupunas ng pawis sa mukha."Anywhere. Magpapahangin?"Napakunot ang noo ko. Himala yatang nag-ayang lumabas ang taong ‘to ngayon. Usually ay gusto niyang nasa coffee shop lang o hindi naman kaya ay nakakulong lang sa loob ng unit niya. Siguro ay naburyo na rin siya sa katatrabaho kaya ganoon. Kahit sino naman siguro ay magsasawa sa ginagawa niya kung paulit-ulit lang naman ito araw-araw.
“KING, AYOS ka lang?!"Boses ‘yon ni Paulo. Nakadapa siya sa semento at hawak-hawak ang kanan niyang braso. May tama siya ng baril sa parteng 'yon at pinipigilan niya ang pag-agos roon ng dugo gamit ang kaniyang panyo.Kasalukuyan silang nasa loob ng inabando nang warehouse sa Pasay. Isang paanyaya mula jay Ji–pinuno ng Third Base–ang nakarating sa Axe Gang kaya naman kaagad nila itong pinahintulutan.For Ken, Third Base are cowards. They don't tell them that they have guns while the axe gang just have theirselves as a weapon, they have nothing that can protect them from their rival."I'm fine. Where are the others? Are you alright?" Ken asked na tinanguan naman ni Paulo."King, labas na! One on one tayo, duwag ka pala eh!"Hindi makapaniwala si Ken na tinawag siyang duwag ng taong mas duwag pa sa kaniya. Narinig pa nito ang pagkasa ng baril ni Ji habang sinasabayan pa ng pagtawa.Hinagisan ni Ken si Paulo ng isa pang panyo para maipantali niya sa sugat niyang kasalukuyang nagdurugo.
“NAWAWALA SI Ciashet!” Kaagad na bungad ni Ken sa kaibigang si Paulo nang tawagan niya ito sa telepono. Kaninang tanghali lang ay katabi pa niyang matulog ang dalaga dahil sinabi nitong gusto niyang magpahinga pero pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya. Nilibot na rin niya ang buong resort pero maski ang mga staff doon ay hindi siya napansin. Sinubukan niyang tawagan ang cell phone ng nobya pero nakapatay ito. Ang huling impormasyon na mayroon siya ay ang CCTV footage na ibinigay sa kaniya ng resort kung saan nakitang may sumundong dilaw na Ferrari kay Ciashet. “Paanong nawawala? Akala ko ba ay nagbabakasyon kayo ngayon?” tanong ng kaibigan na halatang naalimpungatan lang din. “Oo nga! Pero paggising ko ay wala na siya at nakita siyang sumakay sa dilaw na Ferrari. May tracker ‘yong cell phone kong ibinigay kay Ciashet. Itrack niyo kung nasaan siya at ibigay niyo kaagad sa akin ang impormasyong makukuha ninyo. Walang kakilala rito si Ciashet. At napaka imposible ring papatayi
“YOU’RE TOO unfair, how could you ruin my date, Alvarez?” nakangising sabi ni Ji kay Ken. Patuloy pa rin sa pagkain ang binata. Bagamat nakangisi ito, mahahalata mo sa tono ng pananalita niya na hindi ito natutuwa sa pagkaudlot ng date kuno nila ni Ciashet. Pumalit si Ken sa upuang inabando na ng dalaga. Idinik’watro nito ang kaniyang mga hita at saka 'pinagkrus ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib at seryoso rin ang mukhang nakatingin sa lalaking kausap niya. “Bakit ka pa bumalik? Ano’ng pinaplano mo? Sino ang nagsabi sa ‘yong pwede kang lumapit ulit kay Ciashet?" sunod-sunod na tanong niya. Mababakas ang pagkabahala sa mukha ni Ken. Hindi na niya sigurado kung sino pa sa mga tao sa nakaraan ni Ciashet ang darating pa sa susunod pang mga araw. Hindi niya alam kung paano pa ihahanda ang sarili niya sa mga ganitong sitwasyon. “Wala akong masamang balak sa kaniya. Alam mo ‘yan dati pa, King. At alam kong alam mo rin na kung pinaubaya mo siya sa akin noon pa, hindi sana mangyay
BINUHAT AKO ni Ken papasok sa kwarto namin dito sa resort. Dali dali niyang isinara ang pintuan at narinig ko pa ang pagpihit niya ng lock nito.Hindi marahan ngunit hindi rin naman masakit ang pagkakahiga niya sa akin sa kama. Kasalukuyan siyang nasa ibabaw ko ngayon at magkatapat ang mga mukha namin. Sa sobrang lapit namin sa isa’t isa ay damang-dama ko ang init ng hininga niya.“Because you misbehaved today, you should receive your punishment. And right now, you need to pay for what you did.”Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magtanong ngunit bigla-bigla ay hinalikan niya na naman akong muli. Kung kanina ay ang paggalaw lamang ng mga labi niya ang nararamdaman ko, ngayon ay hindi na lang iyon basta ganon. Naramdaman ko ang pagkagat niya sa lower lip ko. Dahilan iyon upang bahagya kong maibuka ang bibig ko at ginamit niya ang pagkakataong iyon upang maipasok ang dila niya.Tila ba sinasaliksik niyon ang buong bibig ko. Nalulunod man ay pinilit kong makisabay sa kanya. Ni min
"Nagkatagpo na rin pala ‘tong mga bugok nating mga tropa, mga Dude." ani Paulo na ngayon ay nakatingin sa screen ng kanyang laptop. Kasalukuyan kasi siyang nagba-browse sa kanyang Facebook account nang madaanan niya ang isang post tungkol sa iringang naganap sa pagitan ni Wade at Ji."Sino?" Tanong naman ng kaibigang si Lawrence.Sabay-sabay na nagsilapit kay Paulo ang apat na magkakaibigang sina Karl, Kobe, Lawrence, at Harvey para makita kung sino ang tinutukoy nito."Wade saka Ji the “Bopols”." sagot naman ni Paulo. Alam na kaya ni King ‘to? Nasaan ba ang magaling nating Pinuno? Tangina ‘yong caption nito oh, masyadong controversial." dagdag pa niya na sinabayan pa ng pagtawa."Ano bang nakalagay?" Tanong naman ni Gio na nanatili lang na nakaupo sa upuan habang may nakasalpak na headphone sa tainga. Tutok na tutok pa ito sa kaniyang cell phone. Kunwari pa itong walang pakialam sa pinag-uusapan ng mga kaibigan niya pero heto siya ngayon at nakikiusyoso."Nag-away raw ‘yong dalawa da
“NAKIPAG-AWAY KA na naman, para ka talagang ewan. Madaling mag-init ang ulo mo at ang sungit-sungit mo pa,” malumanay na sermon ko sa kaniya. As usual, ako na naman ang personal nurse niya. Narito na kami ngayon sa unit ni Ken at kasalukuyan siyang sinisermunan dahil sa pakikipagbasag-ulo niya. Minsan naiisip kong ang solusyon niya sa lahat ng problema ay pakikipagsuntukan eh. “Kung nagsabi ka kung saan ka nagpunta, eh ‘di sana ay hindi ako nagpanic nang ganoon,” paninisi pa niya sa akin. “Love, huwag ka kasing masyadong maging padalos-dalos,” sabi ko. Idinampi-dampi ko ang cold compress na kinuha ko sa labas kanina sa pasa na nasa mukha niya. “Paanong hindi ako magpapadalos-dalos? Kalat na kalat sa social media ang pag-aaway ng mga mga g*go dahil sa iyo.” Napakunot ang noo ko. “Sino? At bakit naman sila mag-aaway nang dahil sa akin?” “Sina Ji at Wade. Nag-away daw sila nang dahil sa iyo kanina.” “Dahil?” Nagkibit-balikat siya sa akin. “Sigurado akong nakipag-away si Ji dahil m
HANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“SURE BA kayo sa plano?” tanong ni Harvey sa apat pagkarating na pagkarating nila sa tagpuan ng grupo–sa headquarters. Iniwan na nila sina Ciashet at Karl sa unit nito. Si Ken naman ay nasa sarili niyang unit at naglilibang ng sarili. Si Lawrence naman ay may date kasama ang girlfriend na si Maureen. “Sure na,” sagot ni Kobe. Halata sa mukha niya na hindi naman talaga siya sigurado pero kailangan nilang sumugal para roon sa dalawa. “Si Karl talaga ang kakausapin natin na gumawa niyon?” paninigurong tanong pa ulit ni Harvey. Gusto nilang pag-isipan muna nang maigi ang plano bago nila ito isagawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na talagang nagkaroon ng feelings si Karl noon kay Ciashet at hindi naman malabong mangyari iyon ulit ngayon. Baka mas lalo lang hindi maging maganda ang samahan ng dalawang magkaibigan dahil dito. “Siya lang ang may kakayahang gumanap, eh,” sagot muli ni Kobe pagkatapos ay naupo sa maliit na sofa. “At isa pa, hindi ba’t dahil lang din sa pagseselos
“Halika rito, mare, bilisan mo,”Hila-hila ako ngayon ni Gwen dito sa SM Megamall para maglibot-libot. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang bilhin pero lahat na yata ng stores dito ay napasok na namin pero wala pa rin siyang nabibili maski na isa. Konti na nga lang ay iisipin ko nang nagwi-window shopping lang ang isang ito, eh.“Ano ba talaga ang gagawin natin dito, mare? Napapagod na akong maglakad,” reklamo ko pa sa kaniya. Isang buwan pa lang ang baby ko ay parang gusto na akong matagtag nitong kaibigan ko, susme.“Naghahanap kasi ako ng dress para sa magiging date namin ni Kobe. Hindi ba kauuwi lang nila ngayon mula sa Batangas? Bukas lalabas kami kaya kailangan kong maghanda. So please, help me, okay?”“Handang-handa ka naman masyado. Kailangan ba talaga bago ang damit kapag makikipag-date? Saka . . . may label na ba kayo, ha?” tanong ko pa sa kaniya.Saglit siyang napahinto sa paglalakad saka pa nakangusong lumingon sa akin.“Huwag ka ngang manira ng trip diyan, mare. Huwag
NAGISING AKO sa sunod-sunod na doorbell mula sa labas ng pinto ng kuwartong tinutuluyan ko ngayon. Ikatlong araw ko na pero hindi ko pa rin kilala iyong mystery guy na tumutulong sa akin.Nag-inat muna ako ng katawan at saka pa napahikab. Puro tulog lang naman ang ginagawa ko rito pero pakiramdam ko ay palagi pa rin akong pagod.Panay pa rin ang pagtunog ng doorbell. Nagdesisyon na akong bumangon at lumabas ng kuwarto para silipin sa peephole kung sino ang nagdo-doorbell.“Karl?”Kaagad kong binuksan ang pinto at magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.“Masyado pa bang maaga ang pagpunta ko? Mukhang kagigising mo lang, may panis na laway ka pa sa pisngi,” sabi pa nito saka dere-deretsong pumasok sa loob ng unit na tinutuluyan ko.Hindi ako kaagad nakapagsalita. Ni hindi ko na nga napigilan ang pagpasok niya. “Hoy, Karl, ano’ng ginagawa mo rito!? Paano mo nalaman na narito ako!?”Ipinasok niya sa kanan niyang tainga ang kanan niyang hinliliit na para bang naiingayan siya sa akin.“
“WHAT’S WRONG with her? Parang hindi siya iyong nakakainis na babaeng kilala ko. Mukhang natutuhan na niyang mag-isip.” Naguguluhang tanong ni Ken.Hindi na kasi nawala sa isip niya ang hitsura ni Ciashet kanina. Malayong-malayo umano sa Ciashet na kilala niya ang kaharap niya kanina. Kaya nga sobra siyang nanibago habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi nito.Nasa ospital ang lahat ng kaibigan niya. Paano ba naman ay ipinatawag niya ang mga ito para ikuwento ang nangyari at pamamaalam ni Ciashet kanina sa kaniya. Dati-rati, sa tuwing sinasabi sa kaniya ng babae na titigilan na niya ito, kinabukasan ay alam niyang nariyan na naman iyon para manggulo.Pero ibang-iba ngayon. Nabakas niya ang kaseryosohan sa desisyon na iyon ni Ciashet.“I told you, King, hindi na siya iyong Ciashet na naaalala mo dahil nga four years ago na iyon! Ewan ko ba sa iyo kung bakit ayaw mong maniwala na mayroon na nga kayong relasyon. Hinanap mo siya, dude, hinanap mo!” Naiinis nang paliwanag sa kaniya ng k
SA ALPEREZ’ ako inihatid ni Karl. Nauna muna naming ibaba si Tita Babs sa bahay nila kanina. Ayoko munang mag-stay doon dahil hindi ko gusto ang ambiance ng bahay nila ngayon dahil sobrang lungkot. Gusto kong baguhin ang mood ko dahil ayokong ipakita kay Ken na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin. Gusto kong maging malakas para sa kaniya.Nagluto ako ng oats upang kahit papaano ay mayroon naman akong makain. Pagkatapos ay nag-backread ako sa mga text messages namin ni Ken.Mas lalo lang akong nalungkot sa ginawa ko. Sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.Naupo ako sa couch at saka isinandal doon ang likod at ulo ko. Napatulala na lang ako habang nakatingin sa kisame.“Ano ba talaga ang hindi ko maalala? Ano ba’ng nangyari sa atin dati?” tanong ko pa sa kawalan saka pa napabuntonghininga.Sa kaiisip, bigla kong naalala ang naikuwento sa akin ni Ken noon. Tungkol sa hindi niya magandang pagtrato sa akin, sa madalas niyang pagkabuwisit sa tuwing ginugulo ko siya. Ang sabi niya noon, ilan