Share

KABANATA 5

Author: Darlene Paey
last update Last Updated: 2022-06-17 03:06:10

“Before we fly to do the procedure, you will be staying here in the mansion because I will need to monitor your health. Habang inaasikaso namin ang background check mo at ang ibang mga papeles para sa paglipad natin.” 

Tahimik lang si Aira na nakasunod kay Samuel habang tino-tour siya nito sa second floor ng bahay. Mas maganda rito at ang daming mga kwarto. Binuksan ng lalaki ang isang kwartong katapat ng hagdan at tiningnan siya nito. “This will be your room,” anito sa kanya. Bahagyang umawang ang kanyang labi habang inililbot ang tingin sa buong kwarto. Ang laki noon. Mas malaki pa nga yata iyon kaysa sa tinutuluyan nila ngayon ni Janice. Napalunok siya at napatingin sa amo na naka-poker face lang. 

“Salamat po,” nahihiyang sambit niya. 

Nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa kanya. “This is part of the deal, Miss Peres. Do not worry about it. For now, I will let you go home to get your clothes. Simula ngayon, dito ka na titira. Ipapahatid kita sa driver.” 

“Po?” gulat na tanong niya rito. Nangunot naman ang noo ni Samuel sa kanya. 

“Yes, why? May problema ba?” sambit pa nito. Napaiwas siya ng tingin. 

“Uhh ano po kasi, e, baka kung anong sabihin ng mga taga sa amin…s-sir, alam mo namang s-sa skwaters ako nakatira…” Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Inunahan niya na ito at may background check din naman. Sana lang talaga ay hindi na magbago ang isip nito tutal ay sabi nito desperado na ito. 

Hindi agad sumagot si Samuel. Nang saglitan ito ng tingin ni Aira ay nakatitig lang ito sa kanya at nakahalukipkip. Sa huli ay bumuntong-hininga ito at tumango. 

“Okay, just make sure to get back before dinner,” pinal na sabi nito. 

Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Medyo umaliwalas ang kanyang mukha habang nakatitig dito. Tumango siya rito. “Sige po.”

Hinayaan siyang umalis ni Samuel doon. Habang pabalik sa tinutuluyan nil ani Janice ay hindi niya mapigilang ma-excite at matuwa at kabahan. Hindi niya alam pero nao-overwhelm siya sa mga pangyayari. May halong takot sa kanyang dibdib dahil sa hindi kasiguraduhang mangyayari pagkapasok niya sa deal na ito pero mas nanaig sa kanya kagustuhang magkapera at makalabas na sa kahirapang kanyang dinanas. Gusto na niyang magbagong buhay. Ito ang kanyang daan para gawin iyon. 

Sana lang ay talagang ito na nga iyon. Sana rin ay walang mangyaring aberya. 

“Hala ka, friend, sure ka na ba talaga rito? Sure na sure na? Wala ng atrasan ito!” kagat-labing sambit ni Janice sa kanya pagkarating niya ng bahay at nang sinabi niya rito ang tungkol sa napag-usapan nila ni Samuel. 

Ito ang stress na stress sa kanya at sa mga sinabi niya rito. Tipid na ngumiti lang siya rito. 

“Janice, napag-isipan ko na ito nang mabuti, wala ng atrasan ito,” aniya pa. Kitang-kita niya pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Janice habang nakatingin sa kanya. Nakaupo ito sa lapag at kulang na lang ay umiyak na ito. Siya naman ay nag-eempake ng kaunting damit na bigay rin naman ni Janice. 

“Sis naman kasi, nag-aalala ako at baka mapahamak ka. Alam mo, mahirap ma-involve sa mga mayayaman, sis. Hindi lang naman kasi basta trabaho iyan, no. I mean, nakakaloka lang naman kasi. Magiging involved ka niyan sa kanila, e. Baka naman maipit ka sa mga iyan!” 

Saglit na napatitig si Aira sa kanyang kaibigan. Tipid na ngumiti lang siya rito. “Ganoon nga siguro pag mahirap tayo, Jan. Kahit anong risk ay gagawin natin para lang maka-survive at magkapera. Ang hirap malugmok, Jan. Kailangan ko ang trabahong ito.” Malungkot na ngumiti siya sa kaibigan. Totoo naman ang kanyang sinabi. Sa tulad nilang mga nasa laylayan ay wala silang karapatang magreklamo kasi kung hindi ay sila rin naman ang magugutom. 

SIla ang may kailangan ng trabaho. Sila ang may kailangan sa mga mayayaman. Walang kailangan ang mga mayayaman sa kanila kasi ang dami naman nilang mapagkukunan ng mga serbisyo. 

“Kasi naman, e. Pero kung iyan na talaga ang desisyon mo, sige. Bahala ka na.”

Sa huli ay hindi na nagreklamo pa si Janice at hinayaan na lang si Aira. Hinatid pa nga siya nito sa sakayan. Gusto nga sanang sumama ni Janice sa paghatid sa kanya pero hindi na niya ito hinayaan. Di na rin nagpumilit pa si Janice at hinayaan na lang siya. 

Nang makarating si Aira sa mansyon ni Samuel Madrigal ay agad siyang sinalubong ng tatlong mga katulong. Gulat na gulat pa siya sa mga ito pero hindi na rin naman siya nakapagreklamo kasi ang sabi ay utos daw ni Samuel na i-assist siya sa kwarto niya. Hinayaan niya na lang ang mga ito na tulungan siya. 

“Salamat sa inyo,” aniya pa nang matapos sila. Hindi sumagot ang mga ito kaya napanguso na lang siya at saka yumuko. Nagkibit-balikat na lang siya at inayos na ulit ang mga gamit niya roon. Wala siyang mga ibang gamit maliban sa mga ipinahiram ni Janice at wala rin naman siyang cell phone kaya wala siyang mapagkaabalahan doon. Sa huli ay lumabas na lang siya ng kwarto at sinubukang pumasyal sa mansyon. 

‘Hindi naman siguro bawal na maglibot-libot?’

Ngumuso siya at ikinalat ang tingin sa buong second floor. Manghang-mangha pa rin talaga siya sa buong paligid. Ang dadaming mga vase at mga paintings sa dingding. Tapos iyong mga chandelier ay ang lalaki pa at ang liliwanag. Para siyang nasa palasyo. 

‘Grabe, sa mga teleserye ko lang nakikita ang mga ito, a. May ganito pala talaga sa totoong buhay…’

Ngiting-ngiti siya habang nililibot ang buong second floor. Habang naglilibot ay napatigil siya sa pinakamalaking painting na nasa may dinding na nasa gilid ng hagdan. Isa iyong painting ng babae. Maputi ito, may itim na buhok, matangos ang ilong at halatang mestiza ang babae. Ang galing pa nga dahil parang totoo ang painting. Hindi niya tuloy mapigilang mamangha sa ganda ng babae. 

“Excuse me.” Napalingon siya nang may dumaan. Agad naman siyang tumabi rito. 

“Ah, teka, uhm pwedeng magtanong?” aniya rito at kinagat ang kanyang labi. 

Saglit na tumigil ang katulong at tumingin sa kanya. 

“Ano iyon?”

“Hmm. Sino ito? Ang ganda niya naman,” manghang sambit niya pa sabay ngiti. Agad na nag-iwas ng tingin ang katulong. 

“Hindi mo kilala iyan?” tila nag-aalangang tanong nito. Nangunot naman ang noo niya. 

“Ah hindi, e.” Napakamot pa siya sa ulo. Tumingala ang katulong at agad na sinalubong ang tingin niya. 

“Asawa iyan ni Sir Samuel, si Atty. Lyana.” 

Nagkorteng o ang bibig ni Aira at napatango-tango pa. 

‘Ito pala ang asawa ni Sir Samuel…’

“Alam ko kung bakit ka nandito at alam kong kailangan mo lang ng pera, pero mag-iingat ka pa rin at hindi basta-basta ang pinapasok mong pamilya.” 

“Ha?” 

“Basta mag-ingat ka.” Tinalikuran na siya ng katulong at naiwan siya roon na tulala. 

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mher Mher Cuario Dolorito
maganda yong storya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 1

    Napapangiwi na lang si Aira habang nasisingot ang napakabahong kanal na nasa gilid lang ng kanilang barong-barong. Isama pang naghalo-halo na ang mga udok ng sigarilyo, amoy ng ng alak at mga panis na pagkain. Mariing napapikit siya bago bumalikwas ng bangon. Nag-inat-inat pa siya habang inililibot ang mga tingin sa buong paligid nila. Natanaw niya mula sa kanyang bintanang kakarampot na tela lang ang harang ang panibagong sikat ng araw. Napabuntong-hininga na lang siya.“Bagong araw na naman…”Napailing na lang siya at saka umalis na ng papag. Kahit naman ayaw niyang bumangon ay kailangan. Ang mahirap dapat gumagapang kahit nahihirapan.&ld

    Last Updated : 2022-03-04
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 2

    “Hoy! Okay ka lang?”Napakurap-kurap si Aira nang sundutin siya ni Janice.“Ah h-huh? Bakit?” Napakamot siya sa kanyang ulo.Kinunutan siya nito ng noo. “Anong bakit? Tulala ka, sis. Malapit na tayo, o,” sabi pa nito.Bahagyang napaawang ang kanyang bibig nang makita ang kanilang linya. Napaayos pa siya ng tayo at pinagpag ang kanyang damit. Napanguso pa siya saglit.‘Ano ba kasi iyon? Ang weird naman!’Ipinilig niya ang ulo at saka itinuon na lang ang atensyon sa harapan. Kinakabahan na siya lalo pa at palapit na palapit na talaga sila sa harapan. Ilang saglit pa ay may lumabas na isang staff sa kwartong pinaghi-held-an ng interview.“Attention, everyone,” tawag ng staff sa atensyon nila. Kinalabit niya pa si Janice dahil nakikipagdaldalan na ang loka. “We will need to half you for the interviews. Iyong mga maka-cut, please proceed to the second floor and you will have your interview there. I-a-assist na lang kayo ng mga tauhan, okay?”Napanguso si Aira at saka tumango katulad ng iba

    Last Updated : 2022-06-16
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 3

    “Are you amenable with that?”“Ah O-opo! Opo!”“Good. I’ll be expecting you in my mansion.”Napalunok si Aira habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Tumango siya rito.“Pupunta po ako…” mahinang sambit niya rito.Tumango lang ang lalaki. Huminga siya nang malalim at saka tumayo na roon. Nag-aalangan pa siya kung magpapaalam ba siya o hindi. Hindi niya naman kasi alam kung paano makitungo sa mga gantong mga tao.Sa huli ay lumunok na lang siya at saka tumalikod na. Nakagat niya pa ang labi at saka nakatungong umalis doon. Abot-abot pa rin ang kaba niya habang pababa siya. Napahawak pa siya sa dingding ng elevator at soon na lang napasandal.‘Jusko. Anong nangyari? Totoo ba ito?!’Tulalang nakatitig lang siya sa sahig ng elevator hanggang sa narinig niya na lang ang pagtunog noon. Bumuga siya ng hininga at napahawak pa sa kanyang dibdib. Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumabas.“Hoy! Aira! Okay ka lang ba?” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ng kaibigan niya.

    Last Updated : 2022-06-16
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 4

    Kinakabahan si Aira nang dumating ang Wednesday. Maaga siyang nagising para hindi ma-late sa meeting nila ni Samuel. Binigyan pa siya ni Janice ng pang-taxi dahil hindi basta-bastang napapasok ang village ng lalaki. “Sure ka na ba riyan?” tanong pa ni Janice sa kanya. Tipid na tumango lang si Aira rito. “Sige, sige, mag-iingat ka, ha?” paalala ulit nito na tinanguan niya lang. Inayos niya ang damit bago tuluyang lumabas ng barong-barong. Hinatid siya ni Janice hanggang sa makasakay siya ng taxi. Habang papunta sa village ni Samuel Madriaga ay hindi niya maiwasang hindi mapakali habang ipinopokus ang tingin sa labas ng taxi. Nang makarating siya sa naturang mansyon ay halos malula si Aira sa sobrang laki noon. “Salamat po,” aniya sa driver at saka bumaba ng sasakyan. Mahinang naglakad siya palapit sa gate ng mansyon. “Sino po sila?” agad na tanong ng guard doon. Napalunok pa siya. “Uhh Aira po ang pangalan ko. May appointment po ako kay Mr. Samuel Madrigal.” Nakagat niya ang labi

    Last Updated : 2022-06-17

Latest chapter

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 5

    “Before we fly to do the procedure, you will be staying here in the mansion because I will need to monitor your health. Habang inaasikaso namin ang background check mo at ang ibang mga papeles para sa paglipad natin.” Tahimik lang si Aira na nakasunod kay Samuel habang tino-tour siya nito sa second floor ng bahay. Mas maganda rito at ang daming mga kwarto. Binuksan ng lalaki ang isang kwartong katapat ng hagdan at tiningnan siya nito. “This will be your room,” anito sa kanya. Bahagyang umawang ang kanyang labi habang inililbot ang tingin sa buong kwarto. Ang laki noon. Mas malaki pa nga yata iyon kaysa sa tinutuluyan nila ngayon ni Janice. Napalunok siya at napatingin sa amo na naka-poker face lang. “Salamat po,” nahihiyang sambit niya. Nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa kanya. “This is part of the deal, Miss Peres. Do not worry about it. For now, I will let you go home to get your clothes. Simula ngayon, dito ka na titira. Ipapahatid kita sa driver.” “Po?” gulat na tanong ni

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 4

    Kinakabahan si Aira nang dumating ang Wednesday. Maaga siyang nagising para hindi ma-late sa meeting nila ni Samuel. Binigyan pa siya ni Janice ng pang-taxi dahil hindi basta-bastang napapasok ang village ng lalaki. “Sure ka na ba riyan?” tanong pa ni Janice sa kanya. Tipid na tumango lang si Aira rito. “Sige, sige, mag-iingat ka, ha?” paalala ulit nito na tinanguan niya lang. Inayos niya ang damit bago tuluyang lumabas ng barong-barong. Hinatid siya ni Janice hanggang sa makasakay siya ng taxi. Habang papunta sa village ni Samuel Madriaga ay hindi niya maiwasang hindi mapakali habang ipinopokus ang tingin sa labas ng taxi. Nang makarating siya sa naturang mansyon ay halos malula si Aira sa sobrang laki noon. “Salamat po,” aniya sa driver at saka bumaba ng sasakyan. Mahinang naglakad siya palapit sa gate ng mansyon. “Sino po sila?” agad na tanong ng guard doon. Napalunok pa siya. “Uhh Aira po ang pangalan ko. May appointment po ako kay Mr. Samuel Madrigal.” Nakagat niya ang labi

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 3

    “Are you amenable with that?”“Ah O-opo! Opo!”“Good. I’ll be expecting you in my mansion.”Napalunok si Aira habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Tumango siya rito.“Pupunta po ako…” mahinang sambit niya rito.Tumango lang ang lalaki. Huminga siya nang malalim at saka tumayo na roon. Nag-aalangan pa siya kung magpapaalam ba siya o hindi. Hindi niya naman kasi alam kung paano makitungo sa mga gantong mga tao.Sa huli ay lumunok na lang siya at saka tumalikod na. Nakagat niya pa ang labi at saka nakatungong umalis doon. Abot-abot pa rin ang kaba niya habang pababa siya. Napahawak pa siya sa dingding ng elevator at soon na lang napasandal.‘Jusko. Anong nangyari? Totoo ba ito?!’Tulalang nakatitig lang siya sa sahig ng elevator hanggang sa narinig niya na lang ang pagtunog noon. Bumuga siya ng hininga at napahawak pa sa kanyang dibdib. Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumabas.“Hoy! Aira! Okay ka lang ba?” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ng kaibigan niya.

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 2

    “Hoy! Okay ka lang?”Napakurap-kurap si Aira nang sundutin siya ni Janice.“Ah h-huh? Bakit?” Napakamot siya sa kanyang ulo.Kinunutan siya nito ng noo. “Anong bakit? Tulala ka, sis. Malapit na tayo, o,” sabi pa nito.Bahagyang napaawang ang kanyang bibig nang makita ang kanilang linya. Napaayos pa siya ng tayo at pinagpag ang kanyang damit. Napanguso pa siya saglit.‘Ano ba kasi iyon? Ang weird naman!’Ipinilig niya ang ulo at saka itinuon na lang ang atensyon sa harapan. Kinakabahan na siya lalo pa at palapit na palapit na talaga sila sa harapan. Ilang saglit pa ay may lumabas na isang staff sa kwartong pinaghi-held-an ng interview.“Attention, everyone,” tawag ng staff sa atensyon nila. Kinalabit niya pa si Janice dahil nakikipagdaldalan na ang loka. “We will need to half you for the interviews. Iyong mga maka-cut, please proceed to the second floor and you will have your interview there. I-a-assist na lang kayo ng mga tauhan, okay?”Napanguso si Aira at saka tumango katulad ng iba

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 1

    Napapangiwi na lang si Aira habang nasisingot ang napakabahong kanal na nasa gilid lang ng kanilang barong-barong. Isama pang naghalo-halo na ang mga udok ng sigarilyo, amoy ng ng alak at mga panis na pagkain. Mariing napapikit siya bago bumalikwas ng bangon. Nag-inat-inat pa siya habang inililibot ang mga tingin sa buong paligid nila. Natanaw niya mula sa kanyang bintanang kakarampot na tela lang ang harang ang panibagong sikat ng araw. Napabuntong-hininga na lang siya.“Bagong araw na naman…”Napailing na lang siya at saka umalis na ng papag. Kahit naman ayaw niyang bumangon ay kailangan. Ang mahirap dapat gumagapang kahit nahihirapan.&ld

DMCA.com Protection Status