Share

She's His Surrogate (Filipino)
She's His Surrogate (Filipino)
Author: Darlene Paey

KABANATA 1

Author: Darlene Paey
last update Huling Na-update: 2022-03-04 15:24:31

Napapangiwi na lang si Aira habang nasisingot ang napakabahong kanal na nasa gilid lang ng kanilang barong-barong. Isama pang naghalo-halo na ang mga udok ng sigarilyo, amoy ng ng alak at mga panis na pagkain. Mariing napapikit siya bago bumalikwas ng bangon. Nag-inat-inat pa siya habang inililibot ang mga tingin sa buong paligid nila. Natanaw niya mula sa kanyang bintanang kakarampot na tela lang ang harang ang panibagong sikat ng araw. Napabuntong-hininga na lang siya.

“Bagong araw na naman…”

Napailing na lang siya at saka umalis na ng papag. Kahit naman ayaw niyang bumangon ay kailangan. Ang mahirap dapat gumagapang kahit nahihirapan.

“Hoy Aira! Bakit wala ka pang sinaing, ha?! Aba’t tanginan bata ka! Palamunin na nga kita ang tamad-tamad mo pa!”

Nakagat niya na lang ang kanyang labi nan marinig ang talak ng kanyang tiyahin. Hobby na yata nitong magtatalak sa umaga. Parang hindi nakokompleto ang umaga nito kapag hindi siya natatalakan. Mariing napapikit na lang siya at halos masabunutan na ang sarili. Doon na lang niya inilalabas ang kanyang mga inis sa tiyahin.

Tumayo siya at marahang nagpunta sa may kusina. Tiningnan niya ang kanilang bigasan at napakamot na lang siya sa ulo nang makitang wala na iyong laman.

“Ubos na po ang bigas, tiyang! Wala po kayong pinabili!” sagot niya rito.

Naghintay pa siya ng ilang Segundo kung sasagot ito pero narinig niya na lang ang mga mabibigat na yapak ng tiyahin papunta sa kanya. Nakagat niya ang kanyang labi.

“Tiyan-“

Hindi na niya natapos ang dapat na sasabihin nang bigla siya nitong sinabunutan at kaladkarin palabas ng bahay. Napaiyak na lang siya sa sakit ng kanyang anit. “Tiyang! Aray! Aray po!”

“Leche! Edi bakit hindi ka bumili, ha?! At nang may ambag ka namang gaga ka!”

Sunod-sunod ang pagbagsak ng kanyang mga luha. “W-Wala naman po akong pera!” umiiyak na sigaw niya pero mas lalo lang hinigpitan ng kanyang tiyahin ang pagkakahawak sa kanya.

“Tiyang!” Halos maputol na ang litid niya sa kasisigaw pero hindi nakinig ang tiyahin niya.

“Walang pera?! Tangina mo! Lagi ka na lang walang pera na bata ka! Leche ka sa buhay ko! Leche!” Marahas siya nitong binitiwan dahilan para mapadapa siya sa lupa. Umiiyak na nakatingin pa rin siya sa tiyahin habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Rinig na rinig niya na ang mga bulong-bulungan ng mga kapitbahay nilang nagising sa sigaw ng tiyang niya.

“Bwisit kang bata ka! Napakamalas mo! Mula nang iwan ka ng nanay mo sa akin wala ka ng dinulot kundi kamalasan! Hindi naman pala kita mapapakinabangan, aba’y lumayas ka na lang!” Hindi siya nakapagsalita. Iyak pa rin siya nang iyak habang nakatungo sa lupa.

Umalis ang kanyanga tiyahin at pagbalik nito ay tinapon nito sa kanya ang kanyang mga damit. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig doon.

“T-Tiyang!” umiiyak na sabi niya at halos gumapang na sa paanan nito kung hindi lang siya nito pinanilisikan ng mga mata.

“Leche ka! Umalis ka nang gaga ka! Palamunin ka lang dito! Bwisit!” Iniwan siya nito roon.

“Tiyang! Huwag po!” Pumalahaw siya ng iyak at kahit na nanghihina ay sinubukan niyang kalampagin ang pinto ng kanilang barong-barong pero walang sinisigawan lang siya ng tiyahin. Napaupo na lamang siya roon. Mas lumakas ang bulong-bulungan ng mga tao sa kanyang paligid. Hikbi pa rin siya nang hikbi.

Araw-araw na nakakatanggap siya ng masasakit na salita sa tiyahin. May pambubugbog din at kung ano-ano pa. Ilang beses na rin siya nitong pinapalayas pero hindi naman talaga nito natutuloy. Gusto man niyang umalis ay hindi rin naman niya alam kung saan siya pupunta.

“Aira! Jusko! Aira!” rinig niyang sigaw ni Janice, ang kanyang matalik na kaibigan. Mabilis siya nitong tinulungang tumayo roon. Ramdam niya ang hapdi ng sabunot at ang mga gasgas sa kanyang mga palad at tuhod.

Napatingin siya sa kaibigan ay kitang-kita niya ang awa sa mukha nito.

“Aira, jusko.” Nasapo pa nito ang bibig habang nakatitig sa kondisyon niya.

“W-Wala akong mapupuntahan, Jan…p-paano na ako?”

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Janice at mabilis na umiling sa kanya.

“Anong wala? Sa akin ka muna! Sa akin muna tityra. Halika na. Jusko naman!” Inalalayan siya nito paalis doon at tinulungan pang pulutIn ang kanyang mga gamit. Hinang-hina siyang naglakad paalis doon. “Oh, anong tinitingin-tingin niyo diyan, ha?! Tapos na ang palabas! Layas!” Narinig niyang sabi pa ni Janice habang naglalakad sila.

Nawalan na siya ng pakialam sa mga taong nandoon. Tila nag-hang ang kanyang buong Sistema sa nangyari. She felt so empty. Nakatungo lang siya habang binabagtas nila ni Janice ang masikip na eskinita patungo sa bahay ng kaibigan. Halos mapapayakap ka na sa mga bahay na nasa gilid sa sobrang kasikipan at kakiputan ng mga daan.

Nang makarating sa bahay ni Janice ay pinaupo siya nito sa papag na hinihigaan ng kaibigan.

“Kuha lang ako ng gamut at ng maiinom mo rin,” sabi pa nito sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Niyakap na lang niya ang kanyang bag habang hinihintay ang kaibigan doon. Pagbalik nito ay may dala na itong bulak at betadine. Lumuhod ito sa harapan niya at marahang dinampian ang kanyang mga sugat. Mahinang napapahikbi na lamang siya.

Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Maliit lang iyon kagaya ng mga barong-barong sa lugar na iyon. Pagkabukas mo ng pinto ay nandoon na ang tulugang papag. Sa harap ay isang maliit at kahoy na lamesang kainan. Sa bandang likod naman ay maliit na lugar para lutuan at isang sulok na tinabunan ng kurtina ang nagsisilbing CR. Halos lahat ng barong-barong dito ay ganito lang din ang set up.

“Alam mo, grabe iyang tiyahin mo talaga. Napakawalang-awa! Pinagsilbihan mo kaya siya buong buhay mo tapos ganoon ang gagawin niya sa’yo? Ay nako, mabuti nang makaalis ka na roon,” palatak ng kanyang kaibigan. 

Nakagat niya ang labi. 

“Paano naman ako, Jan? Saan ako pupulutin, e wala naman akong kamag-anak dito.”

Tumigil si Janice at tiningala siya. “Pwes, dito ka na lang sa akin. Maghahanap tayo ng trabaho. Pagtutulungan natin ito!” pangungumbinsi nito sa kanya. 

Huminga siya nang malalim at mas diniinan ang pagkakagat sa kanyang labi. 

“Tingin mo, k-kakayanin ko?” marahang tanong niya rito. Bumuntong-hininga si Janice. 

“Aba’y oo naman! Bakit naman hindi? Wag kang mag-aalala at isasama kita ngayon sa paghahanap ng trabaho, okay? Gamutin muna natin itong mga sugat mo. Jusko. Naiimbyerna talaga ako sa tiyahin mong iyon, e. Kung bakit kasi doon ka pa iniwan ng nanay mo.”

Hindi na siya nagsalita. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung bakit siya sa tiyahin niyang iyon naiwan. Ni hindi niya alam kung may mga kamag-anak pa sila. 

“Ayan, okay na ito. Uminom ka muna ng tubig.” Tumayo na si Janice doon. Napatingin siya sa kaibigan at saka kinuha ang iniaabot nitong tubig. Huminga siya nang malalim at ininom iyon. 

Nakahalukipkip na si Janice sa kanyang harapan. Nang tingnan niya ito ay tipid na ngumiti lang ito sa kanya. Tinapik siya nito sa balikat. Pinahiram siya ni Janice ng medyo pormal na damit pagkatapos. Saktong magja-job hunting din pala kasi ang kanyang kaibigan kaya isasama na lang siya nito. Bumili rin sila ng biodata at ni-fill up-an iyon. 

Tulalang napatitig na lang siya sa papel na sinusulatan. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap ay pinalayas na ngasiyang talaga ng kanyang tiyahin. Madalas noon ay ganoon ang palagi nitong sinasabi pero hindi naman talaga nito tinutuloy, pero ngayon, ito na nga at nakaalis na nga siya. 

“Pag okay ka na diyan tara na. Kain na muna tayo bago tayo sumabak sa mahaba-habang lakarang ito,” sabi pa ni Janice. “Siguro naman may malapit na mapag-aapply-an dito. Para hindi na tayo gumastos ng pamasahe," dagdag pa nito habang nag-aayos ng gamit. 

Kinagat ni Aira ang labi at tinapos na ang pagsasagot. Tiningala niya ang kaibigan na naghahanda na sa pag-alis. 

“Sana nga. Pero kung wala, mamasahe na lang tayo. M-May konti naman akong pera,” mahinang sabi niya pa. 

Tiningnan siya ng kaibigan. “Wag kang mag-alala sagot din naman kita. Okay lang iyan,” paninigurado nito. 

Nahihiyang ngumiti siya sa babae. 

"Salamat, ha," sabi niya.

Nakakahiya naman kasi talagang ito na nga ang sasalo sa kanya sa tirahan ay sasaluhin pa siya nito sa paghahanap nila ng trabaho. 

Umirap ito sa kanya at marahan pa siyang hinampas.

"Asus! Wala iyon! Basta pag sumweldo ka, libre mo ako!" 

Napailing siya rito. “Oo naman!”

Nagkatawanan silang dalawa. 

“Lika na nga lang!” sabi pa ni Janice. 

Umalis na sila roon pagkatapos. Nauna sila sa mga maliliit na tindahan lang sa paligid at labas ng skwaters kaso hindi sila pinalad. Kumain na muna sila sa may gotohan sa labas. Mabuti na lang talaga at may naitabi siyang kapiranggot na pera sa alkansya niya. Iyon talaga ang ipon niya. Pinangako niya sa sariling pang-emergency niya iyon. Buti nga at hindi nakita ng tiyahin niya iyon. Pero hindi naman kasi iyon ganoon kalaki. Pangkain at pamasahe lang yata ang kaya noon. 

“Grabe, ang init! At ang malas natin, ha! Talagang wala tayong nakita man lang kahit isa?” reklamo ni Janice habang pinapaypayan ang sarili. 

Bumuntong-hininga na lang si Aira. 

“Baka pwede nating i-try sa may malalaking building? B-Baka roon?” nag-aalangang tanong niya. 

Napakamot ng ulo si Janice. “Ay mas lalong wala yata tayong pag-asa doon, sis.” 

Ngumuso siya rito. “Kahit iyong sa mga maintenance lang? Try pa rin natin, Jan,” kumbinsi niya rito. 

Saglit na tumitig ang kaibigan sa kanya. Sa huli ay bumuga ito ng hininga. 

“O, siya, pero gawa tayong resume ngayon. Maarte pa naman ang mga iyon kahit mga maintenance staff hinihingan ng kung anek-anek.”

Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito. 

“Sige, sige,” nakangiting sabi niya. 

Binilisan nila ang pagkain at pagkatapos nila roon sa gotohan ay dumaan muna silang internet shop. Si Janice na ang gumawa ng kanya at ito na rin ang nagbayad dahil wala na siyang pamasahe pa. 

“Pag natanggap tayo, palitan ko iyan agad,” nahihiyang sabi niya rito habang hinihintay nila ang nagpi-print. 

Umirap lang ang kaibigan niya. 

“Grabe naman. Okay na ito, no! Iyong libre mo na lang ang ibayad mo.” Tumawa pa ito. 

Napangiti at napailing na lang siya. Sumakay sila ng jeep pagkatapos. Napadpad sila sa BGC at sa mga naglalakihang building doon. Isang munting pag-asa ang namuo sa dibdib ni Aira habang nakatitig sa mga matatayog na gusali. Sandaling napapikit pa siya para umusal ng taimtim na dasal. 

‘Lord, sana po palarin kami rito.’

“Ano friend, ready to conquer BGC?” masiglang sabi pa ni Janice. Natawa lang siya rito. 

“Lika na nga, dami mong sinasabi!” Hinila na niya ito paalis doon at nagsimula na silang mag-building-to-building. 

***

"Ano ka ba naman. Wag ka ngang manlumo. Ang dami pa kayang hindi natin napupuntahan.” Napatingin si Aira kay Janice. Isang oras na silang nagpapalipat-lipat pero wala pa rin silang napapala. Wala masyadong nagha-hire ng maintenance at underquaified naman sila sa iba. Nakagat niya ang labi at napatungo. 

"Paano kung wala pa rin? Sayang pinunta natin dito." 

"Ang nega! Think positive kasi!"

Hinampas pa siya nito. Napabuntong-hininga na lang siya at tipid na ngumiti rito. "Tiwala lang, makakahanap talaga tayo!"

Tipid siyang ngumiti rito. Sana nga talaga makahanap na sila. Pagkatapos nilang magpahinga saglit ay naglakad na ulit sila at nagtungo na sa isa pang building. 

Halos malula siya sa taas ng building na iyon. Well, ganoon din naman ang iba pero iyon yata ang pinaka mataas na building sa lugar.

"Para namang hindi tayo matatanggap dito. E, ito yata ang pinaka-sosyal sa mga building dito!" sabi niya kay Janice nang nasa harapan na sila ng building. Umirap lang ang kaibigan niya.

"Jusko naman, Aira! Wala namang mawawala ano! Tara na at magbakasakali na tayo!" Hinila siya ni Janice papunta sa loob.

Madrigal Corporation. Nakagat niya na lang ang labi nang makita ang signage na iyon sa itaas. 

‘Grabe, ang impossible naman yatang makapasok kami rito?’

"Kuya, may hiring po ba diyan sa loob. Kahit ano pong trabaho,” tanong ni Janice sa mga guard.

"Ah maraming hiring sa loob. Ano bang gusto niyong apply-an?" tanong ng isang guard.

Nagkatinginan silang dalawa, nanlalaki ang mga mata. Bigla tuloy siyang na-excite sa sinabi nito.

"Kahit ano po!" halos sabay nilang sabi.

"Ah, pasok lang kayo. May resume naman siguro kayo. May mga nakapila riyan, o. For maintenance iyan. Pila lang kayo.” Pinagbuksan sila ng mga ito.

Agad na lumiwanag  ang mukha nila at excited na pumasok doon. Aba’t tamang-tama nga naman! Sana lang ay makapasok sila, e sa haba ng pila mukhang maabutan sila ng cut off. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo. 

“Oh, negative na naman, pwede ba, sis? Tigilan mo iyan. Tara na!” sabi pa ni Janice na tila nahuhulaan na ang iniisip niya. Bumuga siya ng hininga at nagpatianod na rin dito. Pumila sila roon sa dulo. Habang nasa linya ay chini-check nila ang isa’t isa kung presentable ba. Nasa gitna sila ng usapan nang biglang bumukas ang main door ng opisina at halos lahat ng mga taong nandoon ay agad na lumingon doon. Napatingin na rin tuloy sila ng kaibigan. 

Mula sa pinto ay iniluwa noon ang isang lalaking naka-tuxedo na may kasunod na maraming guards. His perfectly shaped face was fierce and his aura was dark. Kahit na malayo sa kanila at kitang-kita ni Aira ang malamlam nitong mga mata at ang mapupula nitong labi. Kahit na masungit ang mukha nito ay hindi kataka-takang marami ang magkakagusto rito. Sino ba namang hindi magkakagusto sa mestizong mukhang iyon, matangos ang ilong, at may umiigting na panga. Idagdag pang matangkad ito at mukhang sagana sa gym ang katawan. 

“Good morning, Sir Samuel.”

“Good morning, Sir.”

Iyong ang narinig ni Aira sa mga taong dinadaanan ng lalaki. 

“Shet, girl, yan yata ang boss natin,” nagpapantasyang sambit ni Janice sa kanya. 

Hindi niya ito sinagot. Nakatitig lang siya sa lalaki na noon ay nasa tapat na ng elevator. Hindi niya alam pero hindi niya maialis ang tingin mula sa lalaki. 

Ganoon na lang ang gulat niya nang biglang dumako sa kanilang direksyon ang tingin ng lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga tingin. 

Kaugnay na kabanata

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 2

    “Hoy! Okay ka lang?”Napakurap-kurap si Aira nang sundutin siya ni Janice.“Ah h-huh? Bakit?” Napakamot siya sa kanyang ulo.Kinunutan siya nito ng noo. “Anong bakit? Tulala ka, sis. Malapit na tayo, o,” sabi pa nito.Bahagyang napaawang ang kanyang bibig nang makita ang kanilang linya. Napaayos pa siya ng tayo at pinagpag ang kanyang damit. Napanguso pa siya saglit.‘Ano ba kasi iyon? Ang weird naman!’Ipinilig niya ang ulo at saka itinuon na lang ang atensyon sa harapan. Kinakabahan na siya lalo pa at palapit na palapit na talaga sila sa harapan. Ilang saglit pa ay may lumabas na isang staff sa kwartong pinaghi-held-an ng interview.“Attention, everyone,” tawag ng staff sa atensyon nila. Kinalabit niya pa si Janice dahil nakikipagdaldalan na ang loka. “We will need to half you for the interviews. Iyong mga maka-cut, please proceed to the second floor and you will have your interview there. I-a-assist na lang kayo ng mga tauhan, okay?”Napanguso si Aira at saka tumango katulad ng iba

    Huling Na-update : 2022-06-16
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 3

    “Are you amenable with that?”“Ah O-opo! Opo!”“Good. I’ll be expecting you in my mansion.”Napalunok si Aira habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Tumango siya rito.“Pupunta po ako…” mahinang sambit niya rito.Tumango lang ang lalaki. Huminga siya nang malalim at saka tumayo na roon. Nag-aalangan pa siya kung magpapaalam ba siya o hindi. Hindi niya naman kasi alam kung paano makitungo sa mga gantong mga tao.Sa huli ay lumunok na lang siya at saka tumalikod na. Nakagat niya pa ang labi at saka nakatungong umalis doon. Abot-abot pa rin ang kaba niya habang pababa siya. Napahawak pa siya sa dingding ng elevator at soon na lang napasandal.‘Jusko. Anong nangyari? Totoo ba ito?!’Tulalang nakatitig lang siya sa sahig ng elevator hanggang sa narinig niya na lang ang pagtunog noon. Bumuga siya ng hininga at napahawak pa sa kanyang dibdib. Pagbukas ng pinto ay agad siyang lumabas.“Hoy! Aira! Okay ka lang ba?” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ng kaibigan niya.

    Huling Na-update : 2022-06-16
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 4

    Kinakabahan si Aira nang dumating ang Wednesday. Maaga siyang nagising para hindi ma-late sa meeting nila ni Samuel. Binigyan pa siya ni Janice ng pang-taxi dahil hindi basta-bastang napapasok ang village ng lalaki. “Sure ka na ba riyan?” tanong pa ni Janice sa kanya. Tipid na tumango lang si Aira rito. “Sige, sige, mag-iingat ka, ha?” paalala ulit nito na tinanguan niya lang. Inayos niya ang damit bago tuluyang lumabas ng barong-barong. Hinatid siya ni Janice hanggang sa makasakay siya ng taxi. Habang papunta sa village ni Samuel Madriaga ay hindi niya maiwasang hindi mapakali habang ipinopokus ang tingin sa labas ng taxi. Nang makarating siya sa naturang mansyon ay halos malula si Aira sa sobrang laki noon. “Salamat po,” aniya sa driver at saka bumaba ng sasakyan. Mahinang naglakad siya palapit sa gate ng mansyon. “Sino po sila?” agad na tanong ng guard doon. Napalunok pa siya. “Uhh Aira po ang pangalan ko. May appointment po ako kay Mr. Samuel Madrigal.” Nakagat niya ang labi

    Huling Na-update : 2022-06-17
  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 5

    “Before we fly to do the procedure, you will be staying here in the mansion because I will need to monitor your health. Habang inaasikaso namin ang background check mo at ang ibang mga papeles para sa paglipad natin.” Tahimik lang si Aira na nakasunod kay Samuel habang tino-tour siya nito sa second floor ng bahay. Mas maganda rito at ang daming mga kwarto. Binuksan ng lalaki ang isang kwartong katapat ng hagdan at tiningnan siya nito. “This will be your room,” anito sa kanya. Bahagyang umawang ang kanyang labi habang inililbot ang tingin sa buong kwarto. Ang laki noon. Mas malaki pa nga yata iyon kaysa sa tinutuluyan nila ngayon ni Janice. Napalunok siya at napatingin sa amo na naka-poker face lang. “Salamat po,” nahihiyang sambit niya. Nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa kanya. “This is part of the deal, Miss Peres. Do not worry about it. For now, I will let you go home to get your clothes. Simula ngayon, dito ka na titira. Ipapahatid kita sa driver.” “Po?” gulat na tanong ni

    Huling Na-update : 2022-06-17

Pinakabagong kabanata

  • She's His Surrogate (Filipino)   KABANATA 1

    Napapangiwi na lang si Aira habang nasisingot ang napakabahong kanal na nasa gilid lang ng kanilang barong-barong. Isama pang naghalo-halo na ang mga udok ng sigarilyo, amoy ng ng alak at mga panis na pagkain. Mariing napapikit siya bago bumalikwas ng bangon. Nag-inat-inat pa siya habang inililibot ang mga tingin sa buong paligid nila. Natanaw niya mula sa kanyang bintanang kakarampot na tela lang ang harang ang panibagong sikat ng araw. Napabuntong-hininga na lang siya.“Bagong araw na naman…”Napailing na lang siya at saka umalis na ng papag. Kahit naman ayaw niyang bumangon ay kailangan. Ang mahirap dapat gumagapang kahit nahihirapan.&ld

DMCA.com Protection Status