Ano masasabi niyo dito?
Nang ibaling ko ang tingin ko sa gate namin ay nagulat ako nang makita si Teiver at Cha na magkasama at naki-usisa sa amin sa likod ng pintuan. At bakit nandiyan si Teiver? Kailan pa siya nakabalik? Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko ang mariin nitong titig ngunit kalaunan ay ngumiti. "Ano yun sister-in-law? Ikaw ha may pa goodbye kiss ka pa kay Kei," kahit kailan malakas talaga ang bunganga nitong si Tei. Parang pwet ng manok na hindi mapalagay. But on the other hand, masaya ako na nakabalik na siya. Huwag lang siyang parang seryoso kasi naninibago ako. "Ayieeee si ate kinikilig," isa pa ‘tong kapatid ko. Naku! Ansarap nila pag-uuntugin ni Teiver. “Alam niyo, ‘yang mga bunganga niyo kung ano-ano sinasabi. Pumasok na nga kayo, maa marites talaga.” Tumawa sila ng sabay na inirapan ko lang. Tinignan ko muna ang daan na tinahak ni Kei bago ako pumasok sa loob. "Charmie, magbihis ka na sa kwarto mo at gawin mo na ‘yong assignments mo. Ako na ang magluluto," sabi ko. "Yes
Natulala ako sa ginawa ni Tei kanina pero siya pa rin ang boss ko kaya may karapatan siyang pagalitan ako. Napalayo ako kay Kei na ngayon ay galit na galit sa kapatid niya. Matapos kong ginawa iyong pinapagawa niya ay pumunta ako agad ng office niya. Nakita ko siya doon na nakaupo at walang ginagawa. “Heto na po iyong pinapagawa niyo sir,” sabi ko at nilagay sa table niya ang documents. “Don’t leave, dito ka lang,” aniya nang papaalis na sana ako. Agad niyang tinignan ang papers habang ako ay parang timang na nakatingin sa ginagawa niya. “Nag breakfast ka na?” Kumunot ang noo ko pero tumango sa tanong niya. “Ako hindi pa,” aniya. So? Parang nagliparan ang question mark sa noo ko dahil hindi ko ma gets ang gusto niyang sabihin. “Wala ka man lang sasabihin?” aniya at sinilip ako. Anong sasabihin ko? “Ahh—kain ka na?” hindi ko sure na sabi. Sinamaan niya ako nang tingin. “Hoy Teiver, tigil tigilan mo ‘ko sa pa ganiyan ganiyan mo!” Hindi ko na napigilang sabihin. Aba! Anong gus
“Mahalay ka!” Inirapan ko siya na tinawanan niya. Napatingin siya sa labi ko, ako naman ay nagkukunwaring hindi napapansin ang panaka-naka niyang tingin. “Ang sarap,” aniya kaya napatingin ako sa kaniya ngunit nakita ko kung paano niya pinadaan ang dila niya sa labi niya. Sa sobrang kaba ko ay sinabunutan ko siya. “Tumigil ka!” Namumulang sabi ko. “Sakit!” Reklamo niya. E paano, loko loko kasi. “Tigilan mo ‘ko Teiver ah!” Naiinis na sabi ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at humigop ng sabaw. “Masarap naman talaga ang ramen,” sabi niya at tumawa nang malakas. Naiinis kong kinuha ang bowl ko ng ramen at umupo sa sofa katabi niya. “About the kiss,” sabi ko. “Pwede bang kalimutan natin ‘yon?” sabi ko. Hindi siya sumagot kaya bumaling ako sa kaniya. “I don’t want to,” aniya at ipinatong ang paa niya sa mga hita ko. “Ang ganda dito sa inyo. Pwedeng lumipat?” winawala niya ang usapan. Hindi ko nalang din inopen up pa ulit. “Wala kang matutulugan dito,” inis na tinulak ko ang paa niy
"Kei," sinundan ko siya sa labas."Kei, wait. Let me explain,"Nasa may parking lot na kami. Hindi pa rin siya lumilingon sa 'kin ngunit huminto na. Galit na galit talaga siya. I can feel his rage. Hindi ko alam pero kinakabahan akong lapitan siya."Hindi ganoon ang nangyari," pagsisimula ko. "Pwede bang tignan mo 'ko?"Hindi siya lumingon. Kinakabahan man ay unti - unti akong lumapit sa kaniya. Sinubukan kong hawakan siya sa kamay niya.At ako ang humarap sa kaniya.Nang tumingin ako sa mata niya ay nandoon pa rin ang galit niya kay Teiver."Kei, I'm sorry. I know na galit ka but it's not right na sinuntok mo si Teiver,""Bakit mo siya kinakampihan?" tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko."Hindi sa ganoon. Pero-""And why are you together? Bakit ganiyan ang ayos mo? Bakit-Sh*t! Explain it to me!" he's really mad.Kahit anong paliwanag ko, hindi niya maiintintindihan. What he feels right now is valid. Kung hindi niya ko maintindihan, it's okay and it's valid.Because we're talking
Umingos lang siya at kumain. "Kuya, bakit ka pinalayas?" tanong ni Cha. Iyan din ang gusto kong itanong. “I don’t know. They were accusing me I cheated on Yla though totoo naman," “What? May babae ka?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo, ikaw,” agad akong nabulunan sa kanin na kinakain ko at sinamaan siya nang tingin. “Umayas kang onggoy ka at babalian talaga kita ng buto,” “We kissed,” aniya. Namula ako sa sinabi niya at nang tignan ko ang kapatid ko ay namumula na itong nakangiti habang palipat lipat nang tingin sa amin. “It’s true Demi,” sabi nito. So dahil nga sa ‘kin? "Bakit po kuya? Anong true po ang tinutukoy niyo?" Dahil ito sa nangyari kanina. Iyong isinama niya ako sa opisina. Tumingin muna sa 'kin si Teiver bago ngumiti sa harapan ng kapatid ko. "Hindi Cha. Masiyado lang gwapo itong kuya mo." Ngumiwi ang kapatid ko sa sinabi niya. Dahil hindi naman gaanong ka spacious ‘tong round table namin, kaya madali kong nasipa si Teiver. Mga kalokohan talaga sa bibig niy
Umalis na si Lolo at ang mga bodyguards niya matapos niya kaming pakainin ng marami at pagkatapos niyang makipagkulitan sa kapatid ko. Gusto pa nga sana kaming isama sa kanila pero hindi ako pumayag. Jusko! Hindi ko alam paano niya kami nahanap dito. Imagine, from Dubai papuntang Pilipinas, nasundan niya pa rin ako. “Ate, ang bait ni lolo,” natutuwang sabi ng kapatid ko. Tumango ako dahil totoo naman talaga pero kasi hindi kami ang mga apo niya. Ang dami niyang pinamigay sa aming regalo. Paano ko ‘to isusuli? Ayaw naman bitbitin ng bodyguards niya. Ngayon alas dose na ng gabi pero nakatanga pa rin kaming tatlo sa sala. Nakabalik na si Teiver at gaya namin ay nagulat din siya sa nadatnan. "Sure ba kayong hindi niyo talaga totoong Lolo ang Don?" tanong ni Tei. Kanina pa niya sinasabi na niri-respeto at kilala si Don Fernando Donio hindi lang sa Pinas kun’di sa buong mundo. "Sira ka ba? Hindi nga sabi e. Hindi ko din alam kung bakit tinatawag niya kaming apo. Baka mamaya, mapagalit
"Hindi siya aalis," matigas na sabi ni Kei. Tumingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. Kinuha ko ang kamay niya para bawiin ang kamay kong hawak niya. "Let go Kei. Uuwi ako.. Mag re-resign na 'ko," sabi ko. Kita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hetong ikakasal na siya, hindi ko kayang manatili pa dito at maging secretary niya. Siguro ang nangyari sa amin no’ng dalawang gabing iyon ay wala lang talaga sa kaniya. Ako lang nag a-assume na may something kami. Tumalikod na ako at kusang sumama kay Teiver paalis sa opisina niya. Pinagtitinginan kaming lahat sa loob. May iba na naglabas ng cellphone. Ngayon ko lang napansin na naka boxer shorts lang pala si Teiver. Natawa ako kahit na kakagaling ko lang sa pag-iyak. "Ba't tumatawa ka diyan?" aniya. Kunot pa rin ang noo. Galit na galit. "Hindi aakalain ng sino man na makakakita sa 'yo na opisina ang punta mo. More likely parang bar," natatawang sabi ko. Tumigil siya. Bumaba ang paningin niya sa katawan niya. Mukhang ngay
"Bakit ka ba nandito? Ang aga aga oh!" reklamo ko ng pagbuksan ko siya. "Girl," agad niya ‘kong niyakap. Napaka OA niya talaga. "Akala ko nagpakamatay ka na," nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman ako magpapakamatay? "Bakit naman ako magpapakamatay? Gaga to!" "Ay bes, hindi mo pa knows?" Knows ang ano? "Ang alin?" "Girl, si papa Kei lang naman ay nasa news all over the Philippines!" Hysterical na sabi niya. "Tapos? Ano naman kung nasa news si Kei? Hindi naman na bago ‘yon ah?" "Iba ‘to bes. Nasa news si Kei dahil sa engagement nila nong Ylaya Neraughsa," alam ko na naman ang tungkol do’n pero nagulat pa rin ako sa binalita niya sa 'kin. Hindi ko expect ‘yon. "Oh bakit parang hindi ka nagulat ng over? Alam mo na?" tanong niya. "Oo," malungkot na sabi ko habang inaakay siya papuntang kusina. "Akala ko ba may thing kayo?" tanong niya. "Akala ko rin," sagot ko. “Alam mo Dem kahit CEO iyong gagong iyon, oras na makita ko siya, sasapakin ko mukha niya! Aba! Matapos ni