Bukas po ulit. Thank you.
"Kei," sinundan ko siya sa labas."Kei, wait. Let me explain,"Nasa may parking lot na kami. Hindi pa rin siya lumilingon sa 'kin ngunit huminto na. Galit na galit talaga siya. I can feel his rage. Hindi ko alam pero kinakabahan akong lapitan siya."Hindi ganoon ang nangyari," pagsisimula ko. "Pwede bang tignan mo 'ko?"Hindi siya lumingon. Kinakabahan man ay unti - unti akong lumapit sa kaniya. Sinubukan kong hawakan siya sa kamay niya.At ako ang humarap sa kaniya.Nang tumingin ako sa mata niya ay nandoon pa rin ang galit niya kay Teiver."Kei, I'm sorry. I know na galit ka but it's not right na sinuntok mo si Teiver,""Bakit mo siya kinakampihan?" tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko."Hindi sa ganoon. Pero-""And why are you together? Bakit ganiyan ang ayos mo? Bakit-Sh*t! Explain it to me!" he's really mad.Kahit anong paliwanag ko, hindi niya maiintintindihan. What he feels right now is valid. Kung hindi niya ko maintindihan, it's okay and it's valid.Because we're talking
Umingos lang siya at kumain. "Kuya, bakit ka pinalayas?" tanong ni Cha. Iyan din ang gusto kong itanong. “I don’t know. They were accusing me I cheated on Yla though totoo naman," “What? May babae ka?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo, ikaw,” agad akong nabulunan sa kanin na kinakain ko at sinamaan siya nang tingin. “Umayas kang onggoy ka at babalian talaga kita ng buto,” “We kissed,” aniya. Namula ako sa sinabi niya at nang tignan ko ang kapatid ko ay namumula na itong nakangiti habang palipat lipat nang tingin sa amin. “It’s true Demi,” sabi nito. So dahil nga sa ‘kin? "Bakit po kuya? Anong true po ang tinutukoy niyo?" Dahil ito sa nangyari kanina. Iyong isinama niya ako sa opisina. Tumingin muna sa 'kin si Teiver bago ngumiti sa harapan ng kapatid ko. "Hindi Cha. Masiyado lang gwapo itong kuya mo." Ngumiwi ang kapatid ko sa sinabi niya. Dahil hindi naman gaanong ka spacious ‘tong round table namin, kaya madali kong nasipa si Teiver. Mga kalokohan talaga sa bibig niy
Umalis na si Lolo at ang mga bodyguards niya matapos niya kaming pakainin ng marami at pagkatapos niyang makipagkulitan sa kapatid ko. Gusto pa nga sana kaming isama sa kanila pero hindi ako pumayag. Jusko! Hindi ko alam paano niya kami nahanap dito. Imagine, from Dubai papuntang Pilipinas, nasundan niya pa rin ako. “Ate, ang bait ni lolo,” natutuwang sabi ng kapatid ko. Tumango ako dahil totoo naman talaga pero kasi hindi kami ang mga apo niya. Ang dami niyang pinamigay sa aming regalo. Paano ko ‘to isusuli? Ayaw naman bitbitin ng bodyguards niya. Ngayon alas dose na ng gabi pero nakatanga pa rin kaming tatlo sa sala. Nakabalik na si Teiver at gaya namin ay nagulat din siya sa nadatnan. "Sure ba kayong hindi niyo talaga totoong Lolo ang Don?" tanong ni Tei. Kanina pa niya sinasabi na niri-respeto at kilala si Don Fernando Donio hindi lang sa Pinas kun’di sa buong mundo. "Sira ka ba? Hindi nga sabi e. Hindi ko din alam kung bakit tinatawag niya kaming apo. Baka mamaya, mapagalit
"Hindi siya aalis," matigas na sabi ni Kei. Tumingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. Kinuha ko ang kamay niya para bawiin ang kamay kong hawak niya. "Let go Kei. Uuwi ako.. Mag re-resign na 'ko," sabi ko. Kita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hetong ikakasal na siya, hindi ko kayang manatili pa dito at maging secretary niya. Siguro ang nangyari sa amin no’ng dalawang gabing iyon ay wala lang talaga sa kaniya. Ako lang nag a-assume na may something kami. Tumalikod na ako at kusang sumama kay Teiver paalis sa opisina niya. Pinagtitinginan kaming lahat sa loob. May iba na naglabas ng cellphone. Ngayon ko lang napansin na naka boxer shorts lang pala si Teiver. Natawa ako kahit na kakagaling ko lang sa pag-iyak. "Ba't tumatawa ka diyan?" aniya. Kunot pa rin ang noo. Galit na galit. "Hindi aakalain ng sino man na makakakita sa 'yo na opisina ang punta mo. More likely parang bar," natatawang sabi ko. Tumigil siya. Bumaba ang paningin niya sa katawan niya. Mukhang ngay
"Bakit ka ba nandito? Ang aga aga oh!" reklamo ko ng pagbuksan ko siya. "Girl," agad niya ‘kong niyakap. Napaka OA niya talaga. "Akala ko nagpakamatay ka na," nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman ako magpapakamatay? "Bakit naman ako magpapakamatay? Gaga to!" "Ay bes, hindi mo pa knows?" Knows ang ano? "Ang alin?" "Girl, si papa Kei lang naman ay nasa news all over the Philippines!" Hysterical na sabi niya. "Tapos? Ano naman kung nasa news si Kei? Hindi naman na bago ‘yon ah?" "Iba ‘to bes. Nasa news si Kei dahil sa engagement nila nong Ylaya Neraughsa," alam ko na naman ang tungkol do’n pero nagulat pa rin ako sa binalita niya sa 'kin. Hindi ko expect ‘yon. "Oh bakit parang hindi ka nagulat ng over? Alam mo na?" tanong niya. "Oo," malungkot na sabi ko habang inaakay siya papuntang kusina. "Akala ko ba may thing kayo?" tanong niya. "Akala ko rin," sagot ko. “Alam mo Dem kahit CEO iyong gagong iyon, oras na makita ko siya, sasapakin ko mukha niya! Aba! Matapos ni
Hindi siya nagsalita ngunit ang galit sa mata niya ay naroon pa rin. May luhang pumatak sa pisngi ko saka siya tahimik na bumalik sa pagkaka-upo dito sa tabi ko. Hinigit niya ang kamay ko at dinala sa bisig niya. Mahigpit niya akong niyakap at ako naman ay humagolhol. Ganoon lang kami hanggang sa kumalma na ako at humupa na ang pag-iyak ko. Lumayo ako sa kaniya ng konti. Hinawakan niya ‘ko sa magkabilaang pisngi at tinitigan sa mata. “Ayaw mo talagang sabihin?” Umiling ako. “Fine,” aniya ngunit halatang hindi ‘yon ayos sa kaniya. Pinunasan niya ang huling luha na pumatak sa pisngi ko. “Last mo ng iyak ‘to,” sabi niya sa akin. “Beeees!” Umalingawngaw ang boses ni Crystyl na papasok sa loob kaya agad nagpaalam si Tei para magpahangin kunwari. Gusto niya lang bigyan siguro kami ng space. “Why are you here? Hindi ka nagbukas ng coffee shop?” “Anong nangyari sa lakad mo?” seryosong sabi niya. “Tel,” hindi ko magawang sundan ang sasabihin ko dahil kilala ko ang kaibigan ko. “Tel
Kinabukasan, ramdam kong hindi ako pinapansin ni Tei. Si Cha nga lang ang kinakausap niya at nakakaramdam ako ng inis. Sinubukan ko siyang kausapin pero tango lang minsan ang sinasagot niya. No’ng umuwi si Tetel ay hindi ko na siya inusisa pa tugkol sa sinabi niya sa mama niya. Hindi ko rin naman kasi alam anong sasabihin. Gumawa ako ng brownies ngayon dahil wala naman akong gagawin aside sa magkulong sa bahay. “Brownies Tei,” sabi ko nang pumasok siya ng kusina para uminom ng tubig. “Busog ako,” aniya at nilagpasan ako. Hindi ko napigilan ang luha ko sa mata Umupo ako sa upuan at pinunasan ang luha. Ang babaw pero naiiyak ako sa ginawa niya. Dumating ang kapatid ko na agad dumiretso sa kusina. "Ang bango ate," aniya. Palihim kong pinunasan ang luha ko. "Magbihis ka na muna at tulungan mo si Teiver dito sa gawaing bahay dahil magluluto ulit ako para mamaya," Kumaripas ng takbo si Cha papasok sa kwarto niya. Halatang excited makatikim ng brownies na ginawa ko. Siya ang dahilan
Napatingin ako sa Carbonara na nasa bowl. Natatakam ako nito ngayon. “Ate, hindi kaya na engkanto ka?” Sinimangutan ko ang kapatid ko. Masarap kasi e. Isa pa, ayos lang naman kung pa minsan minsan dadamihan ko ang pagkain ko nito. "Minsan lang ‘to. Mabuti pa at kumain ka nalang diyan," sabi ko sa kaniya. Umiling siya at kumain din naman. Nang matapos kami sa pagkain ay agad akong nagbihis dahil mamamalengke nga kami ng kapatid ko. Hinihintay lang namin tumuntong ng alas kwatro ang orasan saka kami aalis. Nanonood kami ng TV ng maisipan kong e text si Teiver. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. "Hoy, when ka uwi?" nang ma e send ko na ay ibinalik ko agad sa screen ang paningin ko. Biglang may kumatok. Dahil tinamad akong lumabas para buksan ang gate ay tinawag ko ang kapatid ko. Siya na ang magbubukas sa gate. "Cha, may tao. Paki tignan kung sino," sigaw ko. "Sige ate. Sandali lang," Galing siya sa pag ligo. Basa pa ang buhok niya kaya tinutuyo niya ito sa tuwalya h