May update po ulit mamaya. Break muna ako sandali kasi completion day ng bagets sa bahay, need ko ayusan. Ciao! I encourage everyone to leave a comment. Sankyu.
Napatingin ako sa Carbonara na nasa bowl. Natatakam ako nito ngayon. “Ate, hindi kaya na engkanto ka?” Sinimangutan ko ang kapatid ko. Masarap kasi e. Isa pa, ayos lang naman kung pa minsan minsan dadamihan ko ang pagkain ko nito. "Minsan lang ‘to. Mabuti pa at kumain ka nalang diyan," sabi ko sa kaniya. Umiling siya at kumain din naman. Nang matapos kami sa pagkain ay agad akong nagbihis dahil mamamalengke nga kami ng kapatid ko. Hinihintay lang namin tumuntong ng alas kwatro ang orasan saka kami aalis. Nanonood kami ng TV ng maisipan kong e text si Teiver. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. "Hoy, when ka uwi?" nang ma e send ko na ay ibinalik ko agad sa screen ang paningin ko. Biglang may kumatok. Dahil tinamad akong lumabas para buksan ang gate ay tinawag ko ang kapatid ko. Siya na ang magbubukas sa gate. "Cha, may tao. Paki tignan kung sino," sigaw ko. "Sige ate. Sandali lang," Galing siya sa pag ligo. Basa pa ang buhok niya kaya tinutuyo niya ito sa tuwalya h
Nagsimula na nga ang annual party. Marami ng dumalo at ang iba ay hindi na nakatingin sa 'min. Yung iba, marami pa ring nasasabi pero hindi na ‘ko nagpapa apekto. Maybe because nasa tabi ko na si Teiver. May emcee na sa harapan kaya mukhang magsisimula na nga ang party. Tumayo si Tei kaya napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na naka suit ito na iba sa suot niya kanina. Nagsitayuan silang lahat para pumalakpak at umupo ulit. Nakatingin sa harapan habang nakikinig sa emcee. Kumakain pa rin ako. Hindi alintana ang nangyayari sa paligid. "Ate, talaga bang ganito kayaman si Lolo?" tanong ni Cha "Hindi ko rin alam Cha pero sa pagkakaintindi ko, dahil sila ang nagmamay-ari sa VG Empire kaya mayaman sila," sabi ko habang nilalantakan ang dessert sa mesa. "Ate kanina ka pa kumakain. Tataba ka na diyan," talaga ba? Kanina pa ba? Parang kakakain ko lang e. "Everyone, let's all welcome the prime of VG Empire, Mr. Don Dominador Donio," napatingin kaming lahat sa harapan. Lumabas
"No, Lolo. Niloloko lang kayo ng mga ‘yan! Hindi niyo sila apo. Ako! Ako lang ang apo niyo at wala ng iba," histerikal na sabi ni Vivian habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa 'min ng kapatid ko. Pero napapapikit nalang ako dahil nasusuka na parang nahihilo na ako ngayon. Gusto ko ng umalis. Ang sakit pa sa mata no’ng spotlight na nakatutok sa amin. "Vivian. Are you questioning me?" "No, Lolo. But look, mga manloloko sila. Hindi natin sila kilala. Gusto lang nila ay ‘yong pera mo. They are gold diggers. Huwag kayong magpapani- "VIVIAN! WATCH YOUR MOUTH! IT'S MY GRANDCHILDREN YOU'RE TALKING ABOUT!" Tumahimik si Vivian at umiiyak. Si Teiver naman ay galit na nakatingin doon sa Vivian na kulang nalang ay sugurin si Vivian. “Kayo!” Galit niya kaming tinuro! “Unang kita ko pa lang sa inyo kanina, alam ko ng wala kayong ibang magandang dala kun’di kaguluhan!” “Nababaliw na siya, ate.” Sabi ni Cha. “Anong sabi mo?” nanlilisik ang mata niya at mabilis na nakalapit sa amin. Hul
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. The truth is umuwi kami ni Cha na parang walanng nangyari. Mabuti nalang at nandoon si Teiver kaya nakaalis kami kaagad. Kinabukasan, lutang na lutang pa rin ako. Idagdag pa ang pagkahilo ko. Hindi naman ako lasing pero bakit ganoon? Dahil ba dahil iyon sa panay kain ako kahapon? Dinaig ko pa ang may hangover nito. Tulog pa si Cha at ang nadatnan ko sa sala alas singko ng maaga ay si Teiver na hubad barong naglalakad sa sala. Basa na ang buhok nito kaya hinuha ko ay kakaligo lang niya. “You woke up early, schat. Is there a problem?” Umiling ako. “Tigilan mo nga ako kakatawag ng ganiyan, Teiver,” naiinis na sabi ko. Hindi niya pinansin ang galit sa mata ko. Lumapit siya binigyan ako ng gatas na kakatimpla lang niya. “Bakit ang aga mo?” “I have a meeting with Grant,” “Who’s Grant?” pang-usisa ko. “Grant is my best friend. Wanna meet him, chocopie?” “Isang chocopie pa at sasakalin kita,” “Ayaw mo sa schat, ayaw mo rin sa chocopie. Hon
“Umalis na ba?” tanong ko kay Tei. “Yes,” aniya. Lumayo ako sa kaniya at sumilip sa labas. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaalis na nga si Mr. Fernandez. “Buti naman at umalis na siya. Hindi ako komportable na nasa bahay siya,” sabi ko at humarap kay Tei na nakatingin lang sa akin. “Aalis ka na?” “Will you be okay here?” Tumango ako. “Hindi ko muna papasukin si Cha at baka kuyugin siya ng media sa school. Sige na umalis ka na,” “Anong gusto mong pasalubong mamaya?” Bakit niya ako bibigyan ng pasalubong? Pero dahil siya nag offer so e grab ko na. “Gusto ko ng macaroons gaya doon sa sinerve sa party,” sabi ko sa kaniya. “Favorite mo ang macaroons?” Umiling ako. Hindi, kasi hindi naman ako mahilig sa sweets. “No. Hindi ako masiyadong kumakain ng sweets dahil sasakit ang lalamunan ko,” sagot ko at binalikan ang gatas at chocolate cupcake na tinda sa tinadahan. “I see,” tumingin ako kay Tei at nakita ko siyang nakangiti. Parang timang. “Anong ngiti-ngiti mo diyan?” “Wala. I n
Maghapon lang kaming nakahilata ni Cha sa bahay. Nakauwi na nga si Tetel sa bahay nila pero ayos lang dahil marami siyang cake na dala kanina. Kahit hindi ko order ay nagpa extra cake siya. “Cha, pa slice ako ng caramel cake,” Tinatamad akong tumayo. “Ate, kanina ka pa panay sweets. Tama na muna. Ipagtitimpla nalang kita ng gatas,” sumimangot ako ngunit hindi na umangal pa. “Ate, ako ba magluluto?” “Anong oras na ba?” “5 pm na ate,” “Ay huwag na. Ako na diyan. Wala naman tayong lulutuin na ulam dahil walang laman ang ref. Ako na magsasaing at gawin mo na muna ang research paper niyo.” “Sige po,” Gaya nga ng sabi ko ay ako na ang pumunta ng kusina para magsaing. Nakalatag pa rin ang comforter sa sala dahil doon ako natulog kanina at iyon ang nadatnan ni Teiver na maraming bitbit. Binili ba niya ang buong sari-sari store? “Nakarating ka na pala. Kamusta ang work?” nagmamadali akong lumapit sa kaniya para tulungan siyang dalhin sa kusina ang dala niyang mga eco bag. Bahagya
Nasa kwarto ako ni Teiver ngayon. Dalawang linggo na rin no’ng naganap ang iskandalo sa VG Empire. Ilang ulit na dumalaw sa akin si Mr. Fernandez pero pinapataboy ko siya kay Teiver. Kahit si Cha ay iniiwan niya ito sa skwelahan na ilang ulit siyang tangkain na lapitan. Ngayon, kasalukuyan kong tinutulungan si Tei na ilagay ang damit niya sa maleta. “I’ll be back, schat. Why are you crying?” Hindi naman ako naiiyak ah. But my eyes can’t lie. Umiiyak nga ako dahil aalis siya. “Kainis naman. Bakit ba napaka emotional ko!” “Hali ka nga,” kinuha niya ang kamay ko at hinigit papalapit sa kaniya. “I told you the reason 4 days ago na kailangan naming pumunta ni Grant ng New York para sa business.” “Sino ba kasing Grant na ‘yan? Bakit ka pa niya isasama?” narinig ko ang tawa niya na tuwang tuwa sa sinabi ko. “Huwag ka nga tumawa.” Naiinis na turan ko. “Alright. Hindi na,” Naiinis ako sa taong ito pero heto ako at grabe makaiyak. “Babalik ka pa ba?” “Yes,” seryosong sabi niya haban
Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Sinabi ko rin kay Cha na huwag ipaalam kay Teiver ang tungkol sa bagay na ito. Hindi ko rin alam bakit ayaw kong malaman niya. Basta ayaw ko lang. “Ate,” narinig ko ang katok ni Cha kaya lumingon ako sa pintuan. May dala siyang pagkain at kasama niya si Mr. Fernandez na kanina pa nasa bahay at ayaw umalis. “Sige na, Cha, ako na bahala sa ate mo.” “S-Sige po s-sir,” sabi ng kapatid ko. Nakita kong nalungkot si Mr. Fernandez sa sinabi ng kapatid ko na sir. Hindi rin naman niya kami masisisi dahil hindi namin siya kilala. “You need to eat,” “Busog ako. Salamat po pala sa pagdala sa akin sa hospital,” umupo ako para makausap siya. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka napano na ‘ko. “It’s my job, hija, bilang ama niyo ni Charmie Gail.” Naalala ko kanina ang yakap niya sa hospital. Nawala ang takot at pangamba ko sa yakap na iyon. “Pero Mr. Fernandez, sorry po.. Hindi po talaga kami ang anak ninyo. Hindi ko alam bakit kilala mo si mama pero wal