Gusto niya pa po ba ng another update? Mag comment lang at gagawin ko. HAHA. Thank you po sa gems.
Umalis na si Lolo at ang mga bodyguards niya matapos niya kaming pakainin ng marami at pagkatapos niyang makipagkulitan sa kapatid ko. Gusto pa nga sana kaming isama sa kanila pero hindi ako pumayag. Jusko! Hindi ko alam paano niya kami nahanap dito. Imagine, from Dubai papuntang Pilipinas, nasundan niya pa rin ako. “Ate, ang bait ni lolo,” natutuwang sabi ng kapatid ko. Tumango ako dahil totoo naman talaga pero kasi hindi kami ang mga apo niya. Ang dami niyang pinamigay sa aming regalo. Paano ko ‘to isusuli? Ayaw naman bitbitin ng bodyguards niya. Ngayon alas dose na ng gabi pero nakatanga pa rin kaming tatlo sa sala. Nakabalik na si Teiver at gaya namin ay nagulat din siya sa nadatnan. "Sure ba kayong hindi niyo talaga totoong Lolo ang Don?" tanong ni Tei. Kanina pa niya sinasabi na niri-respeto at kilala si Don Fernando Donio hindi lang sa Pinas kun’di sa buong mundo. "Sira ka ba? Hindi nga sabi e. Hindi ko din alam kung bakit tinatawag niya kaming apo. Baka mamaya, mapagalit
"Hindi siya aalis," matigas na sabi ni Kei. Tumingin ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. Kinuha ko ang kamay niya para bawiin ang kamay kong hawak niya. "Let go Kei. Uuwi ako.. Mag re-resign na 'ko," sabi ko. Kita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Hetong ikakasal na siya, hindi ko kayang manatili pa dito at maging secretary niya. Siguro ang nangyari sa amin no’ng dalawang gabing iyon ay wala lang talaga sa kaniya. Ako lang nag a-assume na may something kami. Tumalikod na ako at kusang sumama kay Teiver paalis sa opisina niya. Pinagtitinginan kaming lahat sa loob. May iba na naglabas ng cellphone. Ngayon ko lang napansin na naka boxer shorts lang pala si Teiver. Natawa ako kahit na kakagaling ko lang sa pag-iyak. "Ba't tumatawa ka diyan?" aniya. Kunot pa rin ang noo. Galit na galit. "Hindi aakalain ng sino man na makakakita sa 'yo na opisina ang punta mo. More likely parang bar," natatawang sabi ko. Tumigil siya. Bumaba ang paningin niya sa katawan niya. Mukhang ngay
"Bakit ka ba nandito? Ang aga aga oh!" reklamo ko ng pagbuksan ko siya. "Girl," agad niya ‘kong niyakap. Napaka OA niya talaga. "Akala ko nagpakamatay ka na," nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman ako magpapakamatay? "Bakit naman ako magpapakamatay? Gaga to!" "Ay bes, hindi mo pa knows?" Knows ang ano? "Ang alin?" "Girl, si papa Kei lang naman ay nasa news all over the Philippines!" Hysterical na sabi niya. "Tapos? Ano naman kung nasa news si Kei? Hindi naman na bago ‘yon ah?" "Iba ‘to bes. Nasa news si Kei dahil sa engagement nila nong Ylaya Neraughsa," alam ko na naman ang tungkol do’n pero nagulat pa rin ako sa binalita niya sa 'kin. Hindi ko expect ‘yon. "Oh bakit parang hindi ka nagulat ng over? Alam mo na?" tanong niya. "Oo," malungkot na sabi ko habang inaakay siya papuntang kusina. "Akala ko ba may thing kayo?" tanong niya. "Akala ko rin," sagot ko. “Alam mo Dem kahit CEO iyong gagong iyon, oras na makita ko siya, sasapakin ko mukha niya! Aba! Matapos ni
Hindi siya nagsalita ngunit ang galit sa mata niya ay naroon pa rin. May luhang pumatak sa pisngi ko saka siya tahimik na bumalik sa pagkaka-upo dito sa tabi ko. Hinigit niya ang kamay ko at dinala sa bisig niya. Mahigpit niya akong niyakap at ako naman ay humagolhol. Ganoon lang kami hanggang sa kumalma na ako at humupa na ang pag-iyak ko. Lumayo ako sa kaniya ng konti. Hinawakan niya ‘ko sa magkabilaang pisngi at tinitigan sa mata. “Ayaw mo talagang sabihin?” Umiling ako. “Fine,” aniya ngunit halatang hindi ‘yon ayos sa kaniya. Pinunasan niya ang huling luha na pumatak sa pisngi ko. “Last mo ng iyak ‘to,” sabi niya sa akin. “Beeees!” Umalingawngaw ang boses ni Crystyl na papasok sa loob kaya agad nagpaalam si Tei para magpahangin kunwari. Gusto niya lang bigyan siguro kami ng space. “Why are you here? Hindi ka nagbukas ng coffee shop?” “Anong nangyari sa lakad mo?” seryosong sabi niya. “Tel,” hindi ko magawang sundan ang sasabihin ko dahil kilala ko ang kaibigan ko. “Tel
Kinabukasan, ramdam kong hindi ako pinapansin ni Tei. Si Cha nga lang ang kinakausap niya at nakakaramdam ako ng inis. Sinubukan ko siyang kausapin pero tango lang minsan ang sinasagot niya. No’ng umuwi si Tetel ay hindi ko na siya inusisa pa tugkol sa sinabi niya sa mama niya. Hindi ko rin naman kasi alam anong sasabihin. Gumawa ako ng brownies ngayon dahil wala naman akong gagawin aside sa magkulong sa bahay. “Brownies Tei,” sabi ko nang pumasok siya ng kusina para uminom ng tubig. “Busog ako,” aniya at nilagpasan ako. Hindi ko napigilan ang luha ko sa mata Umupo ako sa upuan at pinunasan ang luha. Ang babaw pero naiiyak ako sa ginawa niya. Dumating ang kapatid ko na agad dumiretso sa kusina. "Ang bango ate," aniya. Palihim kong pinunasan ang luha ko. "Magbihis ka na muna at tulungan mo si Teiver dito sa gawaing bahay dahil magluluto ulit ako para mamaya," Kumaripas ng takbo si Cha papasok sa kwarto niya. Halatang excited makatikim ng brownies na ginawa ko. Siya ang dahilan
Napatingin ako sa Carbonara na nasa bowl. Natatakam ako nito ngayon. “Ate, hindi kaya na engkanto ka?” Sinimangutan ko ang kapatid ko. Masarap kasi e. Isa pa, ayos lang naman kung pa minsan minsan dadamihan ko ang pagkain ko nito. "Minsan lang ‘to. Mabuti pa at kumain ka nalang diyan," sabi ko sa kaniya. Umiling siya at kumain din naman. Nang matapos kami sa pagkain ay agad akong nagbihis dahil mamamalengke nga kami ng kapatid ko. Hinihintay lang namin tumuntong ng alas kwatro ang orasan saka kami aalis. Nanonood kami ng TV ng maisipan kong e text si Teiver. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi. "Hoy, when ka uwi?" nang ma e send ko na ay ibinalik ko agad sa screen ang paningin ko. Biglang may kumatok. Dahil tinamad akong lumabas para buksan ang gate ay tinawag ko ang kapatid ko. Siya na ang magbubukas sa gate. "Cha, may tao. Paki tignan kung sino," sigaw ko. "Sige ate. Sandali lang," Galing siya sa pag ligo. Basa pa ang buhok niya kaya tinutuyo niya ito sa tuwalya h
Nagsimula na nga ang annual party. Marami ng dumalo at ang iba ay hindi na nakatingin sa 'min. Yung iba, marami pa ring nasasabi pero hindi na ‘ko nagpapa apekto. Maybe because nasa tabi ko na si Teiver. May emcee na sa harapan kaya mukhang magsisimula na nga ang party. Tumayo si Tei kaya napatingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na naka suit ito na iba sa suot niya kanina. Nagsitayuan silang lahat para pumalakpak at umupo ulit. Nakatingin sa harapan habang nakikinig sa emcee. Kumakain pa rin ako. Hindi alintana ang nangyayari sa paligid. "Ate, talaga bang ganito kayaman si Lolo?" tanong ni Cha "Hindi ko rin alam Cha pero sa pagkakaintindi ko, dahil sila ang nagmamay-ari sa VG Empire kaya mayaman sila," sabi ko habang nilalantakan ang dessert sa mesa. "Ate kanina ka pa kumakain. Tataba ka na diyan," talaga ba? Kanina pa ba? Parang kakakain ko lang e. "Everyone, let's all welcome the prime of VG Empire, Mr. Don Dominador Donio," napatingin kaming lahat sa harapan. Lumabas
"No, Lolo. Niloloko lang kayo ng mga ‘yan! Hindi niyo sila apo. Ako! Ako lang ang apo niyo at wala ng iba," histerikal na sabi ni Vivian habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa 'min ng kapatid ko. Pero napapapikit nalang ako dahil nasusuka na parang nahihilo na ako ngayon. Gusto ko ng umalis. Ang sakit pa sa mata no’ng spotlight na nakatutok sa amin. "Vivian. Are you questioning me?" "No, Lolo. But look, mga manloloko sila. Hindi natin sila kilala. Gusto lang nila ay ‘yong pera mo. They are gold diggers. Huwag kayong magpapani- "VIVIAN! WATCH YOUR MOUTH! IT'S MY GRANDCHILDREN YOU'RE TALKING ABOUT!" Tumahimik si Vivian at umiiyak. Si Teiver naman ay galit na nakatingin doon sa Vivian na kulang nalang ay sugurin si Vivian. “Kayo!” Galit niya kaming tinuro! “Unang kita ko pa lang sa inyo kanina, alam ko ng wala kayong ibang magandang dala kun’di kaguluhan!” “Nababaliw na siya, ate.” Sabi ni Cha. “Anong sabi mo?” nanlilisik ang mata niya at mabilis na nakalapit sa amin. Hul
Epilogue This is it! Napahawak ako sa kamay ni mama habang dinadala na ako sa labour room. Ang laki ng tiyan ko kasi totoo ang sinabi ni Rio. Magsisilang ako ng quadruplets kaya we were told na kailangan kong e cesarean. “Ma, si Rio, nakasunod ba?” “Hinila pa ng kapatid ko dahil nahimatay sa labas,” ang sabi ni mama. Ang dalawang papa ko naman ang siyang kumuha ng gamit na naiwan ni Rio sa bahay habang si mama Kapilan ang nakikipag coordinate ngayon sa mga doctor. “Ano ba naman itong si Rio!” Reklamo ko at napaigik dahil sumakit na naman ang tiyan ko. Ano ba naman iyan mga anak. Anong ginagawa niyo diyan magkakapatid? Nagbo-budots ba kayo? “Ma, gusto na yata talaga nilang lumabas.” Naiiyak na sabi ko. “Konting tiis nalang. Malapit na tayo,” sabi ni mama. Huminga ako ng malalim habang hinihintay na makarating ako sa kwarto ko. “Ma, pakisabi kay Rio na malalagot talaga siya sa akin matapos kong manganak.” Kung saan kailangan ko siya, saka pa siya nabubuang. Nang maipasok ako
Naalimpungatan ako at nakita si Rio na nasa gitnang bahagi na ng hita ko. Where’s my clothes? Napatingin ako sa gilid at nakita na nandoon na lahat at sira. “Rio, bakit mo naman sinira ulit?” Napahiga ako sa kama nang suklian niya ng pagsipsip ang sagot niya sa tanong ko. “Ahhhh—“ pahapyaw na da!ng ko ng pinasok ni Rio ang dalawang daliri niya habang busy naman ang dila niya doon. Bumilos ang paglabas masok niya when he felt how my flesh clenched his fingers and I came. Hinihingal ako no’ng siilin niya ko ng haIik sa labi. Mahina ko siya nasapak na ikinatawa niya. “Ang aga aga Rio,” actually, for five days na narito kami sa Rosario, ganoon niya ako ginigising. “That’s what I get for marrying a goddess,” Kinurot ko siya sa tagiliran at yumakap sa kaniya patagilid. “You’re doing that on purpose. Gusto mo ‘kong buntisin kaagad noh?” “Iyon din,” sabi niya at natawa. We’re on our 5th day of honeymoon now and we decided to do it in Rosario. After nito, aalis kami papuntang New Y
“Mommy, makapunta pa kaya ako sa Disneyland?” mahinang sabi ni Kath matapos kong isara ang librong ginamit ko sa kaniya.Binabasahan ko kasi siya ng lovestory. Nagkatinginan kami ni Rio na papunta na sa gawi namin.“Oo naman, baby. Bakit hindi?”Hindi siya sumagot. Isiniksik niya ang katawan niya sa katawan ko at niyakap ako ng mahigpit.“I don’t think so.. I’m so weak.” Sabi niya.“Don’t say that, baby.. Of course, gagaling ka. Brave ka kaya,” pang-aalo ko.“Thank you mommy. Goodnight,” at tuluyan na siyang natulog.Malungkot ang mata ni Rio habang nakatingin sa anak niyang mabilis na nakatulog sa tabi ko.HinaIikan niya ang bata. “She’ll be fine. Gagaling siya because your daughter is brave like you.”Tumango si Rio at tumabi sa amin ng higa.Agad niya kaming niyakap ni Kathleen.Kinabukasan, nang magising ako, nakita ko nalang na naghagikgikan ang dalawa sa tabi ko.Ang saya nila pagmasdan ni Rio.“Good morning,” sabi ko.“Good morning, mommy…”“Good morning, baby..” Sabay na sabi
“Ayos lang ba talaga sa inyo Rio, Noelle?” tanong ni Nichole habang kaharap kami. Tumango ako at sinabing, “oo”. “Sige na. Mag enjoy kayo,” sabi ni Rio sa kanila ni General. “Ayaw ko sana siya iwan pero kasi baka mamaya may mangyaring hindi maganda,” nag-aalalang sabi niya. Pupunta kasi sila sa isang isla na hindi na sinabi ni Nichole sa amin saang isla. May gaganapin daw party doon at hindi pwedeng mawala si Dille. 3 days silang mawawala kaya wala siyang choice kun’di iwan sa amin si Kathleen. “Naku! Ayos lang iyon, Nichole.” Sabi ko at ngumiti. “Princess, halika kay daddy,” ibinaba ni Dille si Kathleen at naglakad ito papunta kay Rio. Hindi pa rin maayos ang kalagayan niya at halata iyon sa mukha ng bata pero kahit papaano ay bumubuti naman. “Bye, mama, bye papa,” sabi ni Kathleen. Tumingin si Dille kay Nichole. “I can’t leave my daughter here, love. Hindi nalang kaya tayo tumuloy.” Rinig naming sabi ni Dille. “Pero hindi ba importante iyon?” sagot ni Nichole. “Pero si Kat
Nang makalabas si Rio sa hospital, pinili ko ng sa bahay nila mama Kapilan tumuloy. May permission naman nina mama at papa. Gusto ko sanang tabi kami sa kwarto pero ayaw naman niya at siya pa mismo nagsabi sa mga magulang niya na magkahiwalay damit kami ng kwarto. Para namang gagahasain ko siya. “Maya ka na lipat sa kwarto mo,” nakangusong sabi niya sa akin habang pinapainom ko sa kaniya ang gamot niya. Kung pwede ko lang siyang kurutin ay ginawa ko na. “May pasabi sabi ka pa na dapat hindi tayo same ng room e ikaw naman itong gusto pa lang tabi tayo.” “E dapat kasi firm ako sa pangako kong birhen kitang ihaharap sa altar.” Agad ko siyang sinimangutan. “May sakit ka na nga’t lahat lahat, iyan pa rin ang iniisip mo? Bakit? Hindi ba pwedeng tabi tayo matulog na hindi mag si-sex?” Nakagat niya ang pang ibabang labi niya para pigilan na matawa. Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinila pahiga sa tabi niya. “This is surreal,” aniya. “Indeed.” Nakatalikod ako sa kaniya habang nak
NOELLE DONIO TEJADA “Baby,” nag-angat tingin ako at nakita si Rio na nakatingin sa akin. Agad nanubig ang mata ko nang makita siya. “Rio,” malalaki ang hakbang niyang lumalapit sa akin at agad akong niyakap. Umiyak ako. Bumalik ang takot sa puso ko no’ng nasa bahay ako ni Rick at nakakulong. Buong akala ko ay hindi ko na mayayakap pa si Rio. Akala ko ay hindi ko na siya makikita pa. Buong akala ko ay mamamatay na ako. Mas humigpit ang pagyakap ko sa kaniya ay humagolhol sa dibdib niya. “I’m sorry baby.. I’m sorry,” mga bulong niya sa akin. Pinatakan niya ng mabababaw na haIik ang ulo ko habang mahigpit akong niyakakap pabalik. Nang ilayo ko ang ulo ko sa kaniya, nagtagpo ang paningin namin. “Natakot ako.. Kasalanan ko kung bakit namatay si D-Dan,” umiiyak na sabi ko. Ngumiti siya at umiling sabay pahid ng luha sa mata ko. “Wala kang kasalan. Hindi mo kasalanan lahat.. You hear me, baby? Wala kang kasalanan..” Natahimik ako. Dahan-dahan akong tumango. Dinala niya ulit a
Noah Tejada Ilang araw na pero wala pa ring balita kung saan possibleng dinala ni Dan si Noelle. “Bakit ba kasi hindi ko pa binalik ang anklet?” balisang sabi ni kuya sa sarili. Lahat naka antabay sa ibabalita ng informant kung saan pwedeng dinala si Noelle. “Rio,” napatayo ako at nakita si Dille na paparating. “No traces kung saan dinala si Noelle. Suspetya namin ay nasa lugar siya kung saan nagtatago ngayon si Belerick.” Napaupo si kuya Rio sa sahig habang ako ay nakakuyom ang kamao. Hindi ko mapapatawad si Daniel oras na mapahamak ang kapatid ko. “Dille, saan ba possibleng nagkukuta si Rick?” “Hindi ko masasagot Noah. Wala pa ring balita mula sa mga tao ko but please know na ginagawa namin ang lahat,” sabi ni Dille. Alam ko. Kahit ang mga informants namin ay wala ring sinabi tungkol sa possibleng pinagdalhan ng gagong Dan na iyon sa kapatid ko. Oras na makita ko ang gagong ‘yon, papatayin ko siya. “Noah,” napatingin ako kay papa na kakarating lang. “Si mama?” ilang araw
Mga tawanan ang naririnig ko sa labas at labis ang kaba ko habang nakikinig sa kanila. Sabado na ngayon ng gabi at ito ang araw na sinasabi ni Dan. Abot hanggang langit ang kaba ko habang pinapakinggan ang mga boses nila. Hanggang sa biglang tumahimik. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Dan. Agad siyang lumapit sa akin. “Shh…” Ang sabi niya sabay tanggal ng posas sa paa ko. “Dan,” “Aalis na tayo… e uuwi na kita,” bulong niya. Tumulo ang luha ko at tumango. Pinagsiklop niya ang kamay namin dalawa. Lumabas kami ng kwarto ko at agad niya akong hinila palabas ng mansion. Ngunit dahan-dahan ang paglakad-takbo namin dahil nagkalat ang mga tauhan ni Rick sa buong bahay. “Dito tayo dumaan,” sabi ni Dan. May hawak siyang baril sa isang kamay niya. Papaliko na kami ng hallway nang bumulaga sa amin ang mga tauhan ni Rick. “NOELLE, YUKO!” Tumakbo kami ng mabilis dahil hinahabol na kami ng mga tauhan ni Rick. Puro mga putukan ng baril ang naririnig ko at halos hindi ko na al
“DAAAN!” Sigaw ko. Nagmamadali si Dan sa pagpunta pabalik sa akin habang ang luha ko ay sunod sunod na sa pagtulo. “Noelle!” Niyakap ako ni Dan nang makabalik siya at ako ay umiiyak sa dibdib niya. “Dan, dinilaan niya ang leeg ko,” sumbong ko habang umiiyak. “Chill, Dan, wala akong ginagawang masama sa kaniya,” naunuwayang sabi ni Rick. “Alam mo ano ang masama na tinutukoy ko. Simpleng pagdila sa leeg niya ay hindi niya ikamamatay,” at tumawa siya ng malakas. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko kayang tagalan ang kuya ni Dan. “Kuya naman. Huwag mo namang galawin si Noelle.” “Of course baby brother. Pag-aari mo siya hindi ba?” Hindi na sumagot si Dan. Pero ramdam ko ang mariin na titig ni Rick sa mukha at katawan ko. “Sa kwarto nalang tayo kakain,” bulong ni Dan sa akin. Tumango ako at inakay niya ako pabalik sa kwarto na pinagdalhan niya sa akin dito. Hindi pa rin matigil sa pagtulo ang luha ko. Natatakot ako lalo’t sobrang manyak makatingin ng mga tauhan ni Rick sa akin. Al