Share

Chapter 1

"Is that all, sir?" nakayuko kong sabi habang nakatingin sa boss kong kahalikan si Geneth— ang girlfriend niya.

"Yeah. You may leave," huminto muna siya at sinabi ‘yon. Nakayuko akong umalis sa harapan niya at bumalik sa table ko.

Napabuntong hininga nalang ako nang makitang malapit nang mag-uwian at wala man lang akong napala sa araw na ito. Limang buwan na rin akong naging sekretarya sa kompanyang ‘to ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapansin ng boss ko.

Salamat sa tita kong nag rekomenda sa ‘kin para makapasok dito.

Napatingin ulit ako sa gawi ni Quiver Tejada, ang acting CEO sa Tejada Cole Corporation. Sobrang dedicated nito sa kompanya where in fact, hindi naman siya ang magmamana dahil sa pagkaka-alam ko, sa kakambal niya ipapangalan ang TC Corporation.

Quiver was known as Kei. He is a handsome man with selfish ambition. As his secretary for a while, masasabi kong magaling siya ngunit delikado siyang tao.

Kei is the ideal man of every women's heart. Lahat na nasa kaniya. Gwapo, lalo na't may foreign blood ito. If I'm not mistaken his mother is half Moroccan and Filipino while his father's foreign blood are Spanish and Filipino.

So ‘di kataka-taka na sobrang gwapo nito. Makisig ang tindig na kung makakasalubong mo siya sa daan, mababali ang ulo mo malingunan lang siya ulit.

Malakas ang sex appeal niya, I must say. At siya rin ang isa sa rason kung bakit hininto ko muna ang pag-aaral sa kolehiyo kahit na isang taon nalang sana ang tatapusin ko. Nang malaman ko na nangangailangan ng bagong secretary ang TC, sinunggaban ko na agad ang pagkakataon.

Pero kahit na nakapasok ako sa TC at naging secretary nga ni Kei, hanggang tingin lang pa rin ako sa kaniya. Nasa trabaho siya lagi nakatingin at kung sa labas naman ng kompanya, girlfriend nito ang kasama niya.

Kahit naman yata isang porsyento na pangarapin kong ako ang ka date niya sa ay masiyadong malabo na mangyari. Hindi ako papasa sa standard niya. Pang artista o ‘di kaya ay model ang nalilink sa kaniya habang ako, isang hamak na ordinaryong tao lang.

"Demi," agad akong napatayo ng nasa harapan ko na si Kei at seryosong nakatingin sa 'kin.

“S-Sir?” nauutal kong sabi.

Nagtataka niya akong tinignan. Napasobra yata ako sa pag-iisip ng kung anu-ano at ‘di ko man lang namalayan ang pag lapit niya sa ‘kin. Nasa likuran niya si Geneth na masamang nakatingin sa ‘kin.

“Geneth, please iwan mo muna kami. I wanna talk to her alone.”

Hindi nagsalita ang girlfriend niya ngunit bago ito tumalikod, pinagbabantaan niya naman ako gamit ang malapusa niyang mga mata.

Sumandal si Kei sa table niya habang nakakrus ang kamay. Mariin siyang nakatitig sa skirt ko at pagkatapos ay sa mukha ko.

Nahiya ako bigla.

"Leave the papers from HR Dept. in my table then you can go home after." Malamig na aniya.

"Yes sir," ‘yon lang saka siya umalis. Wala sa sariling napa buntong hininga nalang ako at inayos ang mga papeles na iiwanan ko sa table niya ng sa ganoon ay ‘di siya mahirapan.

Mabilis lumipas ang oras. Papauwi na ako nang makita ko si Kei na mariing nakatingin sa ‘kin. Agad akong nailang at nagmamadaling nagpaalam.

“B-Bye s-sir,” naiilang na sabi ko. Nakita ko pa ang pag-iling nito. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.

Malabo talagang may kami lalo’t pang model siya at ako ay manang sa mata niyang nagta-trying hard magpaganda.

Sa pagkakataong ito nasa bahay na ‘ko. Ako lang at ang kapatid ko ang nakatira dito.

First year college na ito at ako na ang nagpapa-aral sa kaniya mula ng mamatay si mama na ngayong taon lang nangyari.

Hindi namin kilala kung sino si papa kaya todo kayod ako para sa amin dalawa. Bonus lang talaga iyong boss kong ubod ng gwapo ngunit mapili sa ikinakama.

"Oh ate, nandiyan kana pala. Nakapagluto na ‘ko," tumango lang ako at dumeretso sa kwarto. Medyo napagod ako dahil siguro sa trabaho ko kanina. Idagdag mo pa ang nakaka ubos lakas na titig ni Kei.

"Ate,"

"Bukas ‘yan. Pasok ka," sabi ko kay Charmie na sinundan pala ako.

Huminto siya at sinuyod nang tingin ang itsura ko. “Ate, ang haba ng skirt na suot mo. Sa trabaho k aba pumunta o nagsimba ka?”

Sinimangutan ko ang kapatid ko. “Tapos ate, ang init ng suot mo. Bra, spaghetti strap, long sleeves, at coat? Seriously?”

“Nandito ka ba para laiitin ako?”

“Ate, ‘di ba sabi ko na sa ‘yo ang dapat mong dress code sa opisina? Isa pa, sabi mo crush mo ang boss mo doon? Naku hindi ka niya mapapansin sa itsura mo.”

“Ano ba kailangan mo ha?”

"Ay oo nga pala, muntik ko na makalimutan. Ate magpapa alam sana ako sa ‘yo kasi mag o-overnight kami ng mga ka kaklase ko para sa performance task namin sa school. Alam ko namang ‘di ka papayag na sa ibang bahay ako matutulog kaya nag prisenta ako na dito nalang sa atin. Sana okay lang sa ‘yo."

Oh ayan, may kailangan pero heto at nilait pa ako.

"Ayos lang sa ‘kin basta walang mag-iinuman dito bukas ng gabi. Ayoko nang umiinom ka," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya ng nakangiti saka lumabas.

“Ate, bukas wear something normal,” aniya at nagmamadaling umalis ng akma ko siyang babatuhin.

Kinabukasan, maaga akong pumupunta ng TC kaya nag iwan nalang ako ng pera para sa kapatid ko na tulog pa hanggang ngayon. Pero bago muna ako dumeretso do’n sa kompanya, sumaglit muna ako sa cafe na katapat nito.

Wala pang tao dahil masiyado pa naman talagang maaga. Gusto ko lang kasi nang ganitong oras aalis dahil mas feel ko ‘yong vibes ng oras.

"I got your order ma'am. No need to mention," natawa nalang ako sa sinabi ng kaibigan ko na manager ng cafe na ito na si Crystyl.

Sa loob ng limang buwan na pag ta-trabaho  ko sa TC ay naging close ko na ang mga staffs dito sa La Creama Cafe dahil lagi naman akong namamalagi dito pag ganitong oras para mag kape.

"Oh heto bayad ko,"

"Doon ka na sa paborito mong pwesto. Shoooo," pagtataboy sa ‘kin ni Tetel na sinamaan ko ng tingin pero tinawanan niya lang.

"Good morning ma'am Demi," napatingin ako kay JM na kasalukuyang naglilinis ng mga table.

"Para naman akong mayaman niyan dahil sa pag ma-ma'am mo. Demi nalang kasi itawag mo sa ‘kin," natawa siya sa sinabi ko at napa-iling.

"Ayos lang ‘yon ma'am Dem. Nasa La Creama Cafe tayo e kaya dapat ma'am tawag ko sa ‘yo. Pag nasa labas naman, pwede naman kita tawaging Demi," sabi nito.

Napatingin nalang ako sa labas at nakitang may iilan ng empleyado na nagdadatingan papasok sa kompanya.

"Good morning sir," rinig kong bati nila sa pumasok sa loob pero ‘di na ‘ko nag abala pang tignan kung sino iyon. Wala na naman kasi akong paki alam kung sino o anong itsura niya dahil alam ko namang sa iisang tao lang ako magkakaroon ng interes.

"Heto na po ang order mo ma'am Demi Moore," nagulat ako sa lakas ng boses ni Crstyl na nasa likuran. Gaga ‘to, ‘di porke ako lang at ‘yong kakapasok na costumer nandito e magsisigaw na siya.

"Tetel naman, ba't ka ba-

Napahinto ako sa sasabihin ko nang mapatingin ako sa lalaking nasa counter na seryoso namang nakatingin sa ‘kin. Shit! Kei?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status