Share

Chapter 5

"Ito lang ba ang dadalhin mo ate?" tanong ni Charmie habang nakatingin sa maleta kong nakahanda na kagabi pa.

"Oo. Ingatan mo ang sarili mo hanggang wala ako dito," sabi ko sa kaniya.

Iyong dalawang kaklase niya ay nasa kwarto nito since nag overnight nga sila dito kagabi. Maaga akong nag prepare at nagulat ako na maaga rin itong nagising para tulungan ako sa mga kailangan kong dalhin.

"Susunduin ka ba dito ng boss mo ate?" tanong niya sa ‘kin.

"Oo daw," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.

"Ilang araw ka mawawala?"

Nagtext siya sa ‘kin kagabi at sabi isang linggo daw kami sa Dubai so e assume ko nalang na isang linggo at ilang araw kami doon. First time ko makapunta sa ibang lugar kaya baka pwede akong mamasyal.

"Isang linggo daw pero baka mag extend ng ilang araw," sagot ko at narinig ang busina ng sasakyan tanda na andito na si Kei.

"Nandito na yata ang boss mo ate," tinulungan niya ‘kong kunin ang bagahe ko at dalhin sa labas. Nakita naman namin si Kei sa labas naghihintay habang nakasandal sa sasakyan nito. Nang makita niya kami ay agad itong lumapit sa ‘min magkakapatid para tulungan kami sa bagahe na dala namin.

"Magandang umaga sir," pagbati ko dito.

"Good morning po sir. Paki ingatan po ang kapatid ko ah," nanlalaki ang mata kong napatingin kay Charmie na kay Kei lang nakatingin at nakangiti. Akala ko ma o-offend ang boss ko pero nagulat ako nang tumawa ito.

"Of course. Ingatan ko ang ate mo doon," malumanay na sagot nito kay Charmie. Bumaling naman sa 'kin ang kapatid ko pagkatapos mailagay ang maleta at bag ko sa loob ng sasakyan ni Kei.

"Oh ate mag-iingat ka ah,"

"Ikaw din dito. Tandaan mo lahat ng bilin ko sa ‘yo."

"Opo ate," niyakap ko nalang ang kapatid ko saka siya pinapasok sa loob ng bahay.

"E lock ng maigi ang mga pintuan at huwag magpapasok ng kung sino-sino," pahabol ko dito.

"Opo ate,"

Nang masiguro ko nang nakapasok na sa loob ng bahay ang kapatid ko, saka lang ako tumalikod pero nagulat ulit ako nang makita si Kei na taimtim na nakatingin sa 'kin. Hula ko kanina niya pa kami tinitignan ng kapatid ko.

"Tara na po sir?" aya ko dito.

"Yeah," sabi niya.

Sa loob ng sasakyan, medyo tahimik lang kami. Pag may itatanong siya, saka lang ako sasagot. Ala una palang ng umaga kaya madilim pa.

"Kayo lang ba dalawa ng kapatid mo sa bahay?" rinig kong tanong niya.

"Oo e. Kamamatay lang kasi ni mama nitong taon lang kaya kami nalang ng kapatid ko."

"Sorry for that,"

"Ayos lang yun. Naka move on na naman kami kahit papaano."

"How about your dad?"

"No idea. Lumaki kami ng walang ama kaya hindi ko talaga alam,"

Tumahimik na naman siya kaya ‘di na ako nag salita pa. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana at mukhang napansin ito ni Kei kaya binalingan niya ko nang tingin.

"Matulog ka na lang muna. Gigisingin nalang kita pagdating natin sa airport," hindi nax’ko nagkomento pa at ipinikit na ang mga mata ko para matulog. Mas maigi nang ganito kasi asiwa pa rin ako sa ginawa ko kahapon. Masiyado ‘yong nakakahiya sa totoo lang.

Iyong manang at inosente ka sa labas pero nasa loo bang kulo. Sorry naman kung iyong landi ko ay may class.

Nakatulog nga ako kaya ginising ako ni Kei ng makarating kami dito sa airport. Tinignan ko ang oras, alas dos na at maya-maya ay tatawagin na ang pangalan namin since alas tres ang lipad namin.

"Gusto niyo ba ng kape sir?" tanong ko dito.

"May dala kasi akong kape. Nasa maliit na thermos bottle (lalagyan ng mainit na tubig)"

Tumango naman siya habang nakatingin pa rin sa ‘kin. Bakit? Nakapagtataka ba talagang may dala akong kape?

Nilagyan ko ng kape ang pantakip nito at ibinigay sa kaniya. Hindi ko alam kung iinumin niya nga pero nakontento ako ng makitang tinikman niya ito at may satisfaction sa mukha niya. Nagustuhan niya ang gawa ko at masaya ako dahil doon.

"Alam mo sir first time kong makapunta sa Dubai ngayon," panimula ko.

"Hindi pa kasi ako nakakarating sa kahit anong bansa. Kaya kahit nagtaka ako bakit ako ang napili mong isama ngayon ay ‘di nako nagtanong pa dahil excited ako kahit trabaho ang pupuntahan natin doon."

Totoo naman kasi. Sa limang buwan ko sa pagtatrabaho sa TC ay pag may ganitong out of town na gaganapin, iba lagi ang isinasama niya. Nagulat nga rin ako at ako ang napili niyang isama ngayon.

"There's nothing wrong with that. Besides you're my secretary at mukhang marami ka na namang natutunan sa loob ng limang buwan sa mga business meeting ko," ikling sagot niya at nag-iwas tingin.

Hindi  na ‘ko sumagot pa at ignoranteng tinitignan ang mga tao sa paligid.

"Say if may mag offer sa ‘yo ng malaking halaga para mag trabaho ka sa ibang company, tatanggapin mo?" tanong nito sa ‘kin.

Kung may mag offer? Sino namang mag o-offer sa gaya kong hindi pa graduate sa college?

"Pag iisipan ko sir pero sa ngayon, hindi ako aalis sa TC dahil jackpot na ito sa ‘kin na nakapasok ako bilang secretary ng kompanya niyo," honest na sagot ko sa kaniya.

"What if ilipat ka sa ibang branch?" napatingin naman ako sa kaniya at napag-isip. Sa pagkaka-alam ko ay may iba pang business ang mga Tejada hindi lang dito sa Pilipinas, maski sa ibang bansa at I think pangalawa lang ang TC sa pinaka tanyag na kompanya nilang naitayo.

"Ayos lang sa ‘kin ilipat basta dito lang sa Pilipinas"

"Why?" curious niyang tanong.

"Ayaw kong iwan ang kapatid ko," ikling sagot ko. Hindi na naman siya nagtanong pa ulit dahil naghanda na kami para makasakay na ng plane.

Mabilis lang din namang lumipas ang oras. Kanina lang nasa Airport pa kami, ngayon nasa himpapawid na kami. Diko maiwasang kabahan at the same time excited din. Sobrang memorable nito sa ‘kin lalo na't kasama ko ang boss ko.

Sinulyapan ko naman siya sa aking tabi at tahimik lang ito. Di ko alam kung inaantok ito o ano. Gusto ko sana siyang ayain na matulog muna sa balikat ko pero parang ang dating yata ay nagdadahilan lang ako para maka tsansing sa kaniya so hinayaan ko nalang.

Pero kasi kung iisipin kanina pa siya nagda-drive, ako nakatulog naman kanina kaya alam kong medyo pagod ito. Wala naman sigurong masama kung e offer ko itong balikat ko sa kaniya.

"Sir," tawag ko.

"Hmm," mahinang d***g nito. Halatang pagod.

"Kung gusto niyo pong matulog pwede po kayong... ano... dito," turo ko sa balikat ko na tinignan din naman niya.

"Pero kung ‘di po kayo komportable ‘wag nalang po," dagdag ko at agad na ibinaling ang ulo sa kabila para ‘di siya makita.

Nagulat nalang ako ng maramdaman na hinilig niya ang ulo sa balikat ko tanda na tinanggap niya ang offer ko kanina. Umayos ako ng upo para ‘di siya mahirapan. Pinipigilan ko naman ang pagngiti para ‘di niya makita na kinikilig ako.

“Close your damn legs or I’ll close it for you,” bulong niya at saka ko lang namataan ang matanda sa kabilang side na nakatingin sa binti ko.

“Good,” sabi niya at natulog matapos kong takpan ang binti ko sa jacket na dala ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status