"So? Hindi mo 'ko mama kaya umalis ka diyan," sabi ko at nauna ng pumasok sa opisina.Sumunod naman sakin si Tei na nakasimangot at mahaba ang nguso."Please. I want revenge. Maging sweet ka naman minsan.""Para kanino ba 'yang revenge na 'yan?""To the jealous prick na sasakyan ko ang pinag diskitahan."Sino ba?"Bahala ka diyan Teiver, may gagawin ako mamaya.""Double pay ka ngayon,""Sige anong gagawin ko?"Agad niya akong sinimangutan."Really?" plain na aniya na para bang pinagtaksilan ko siya."Sige na. Anong gagawin ko?" double pay daw e. Mal@ndi pa naman ako na mukhang pera."Just act of being sweet to me. Can you do it? Like give me foods. Wipe my sweat. Ganoon.""In short maging yaya mo?"Natahimik siya at parang nag-iisip. "Parang ganoon,"Nagkibit balikat ako. Too easy. "Let's starts now?" sabi ko at nilabas ang pagkaing dala ko para sana kay Kei at ibinigay sa kaniya."Oh ayan, kainin mo," sabi ko. Nagliwanag naman ang mukha niya at agad na kinuha ang pagkain sa kamay ko
"Dem, first time mo ba?" tanong ni Dany dahil nag taxi lang naman kami at dahil ‘di kami kasya sa iisang taxi so nahati kami.Ang kasama ko dito sa isa ay si Dany at Jude habang sina Honey naman ay nasa ibang taxi kasama si Elene at Kristel."Oo e. Hindi kasi ako umiinom," sagot ko nalang."Actually ganoon rin kami nina Elene at Honey, pero nong na try namin ‘yon kasama nina Jude at Kristel, okay din naman. Isa pa ‘di naman kami hinahayaan nina Jude na makainon ng marami e. Di ‘ ba Jude?""Oo naman. ‘Yong purpose lang naman natin dito e mag relax kahit konti lang dahil nakaka pagod ang trabaho sa opisina" sabi pa ni JudeOo nga naman. Isa pa, ayokong uminom ng marami dahil ayokong makita ng kapatid ko na nag-lalasing ako. Ayokong maging masamang ehemplo sa kaniya."Isa pa, napagod talaga ako kanina lalo na't bad trip yata si sir Kei kaya maraming changes sa plan," sabi ni Jude."Oo nga. Wala siya sa mood kanina. Natatakot nga akong magkamali e at baka mapagalitan ako. Alam mo ba Demi
"Hey Tei, may naghahanap sa ‘yo," sabi nong lalaking kasama ko pag dating namin sa nagkukumpulang mga lalaki."Holy shit! Demi?" rinig kong sabi ni Tei pero ang paningin ko ay napako kay Kei na may kahalikang ibang babae. Hindi pa niya ‘ko napapansin at nakatuon ang focus nito sa ginagawa niya. Parang nadurog ang puso ko sa nakita kaya nagulat nalang ako ng makita si Tei sa harapan ko na tila hinagarangan ang kakambal niya mula sa paningin ko."Elton bakit mo siya dinala dito?" naiinis na sabi niya sa lalaking nagdala sa ‘kin dito."Di ba siya yung tinitignan mo kanina El?" boses ng isang lalaki sa gilid no’ng Elton."Sinundan ka niya ng ‘di mo napapansin. Nilapitan ko dahil para siyang batang nawawala sa gitna kanina na hinahanap ka," paliwanag ni Elton."At ano itong tinitignan na narinig ko kay In, El? She's off limits El kaya humanap ka ng iba," sabi ni Tei kay Elton na natatawa lang."Hey man, I mean no harms to her. Natutuwa lang akong panoorin siya na umiinom ng light drinks da
Nang magising ako ulit, naaninag ko na ang kunot na mukha ni Kei. Nakahinga ako ng maluwag na hindi pala si Tei ang kasama ko kagabi.“Anong ginagawa mo?”“Sir, pasensya na-“You should be. Ang kalat mo kagabi.” Sabi niya ng galit at iniwanan ako. Bakit sa akin siya nagagalit?Tumayo ako ng dahan-dahan dahil balak kong umalis at baka nag-alala na ‘yong kapatid ko sa ‘kin. ‘Di ko alam kung bakit iba na ‘yong damit ko pantaas.Binihisan ba ko ni Kei kagabi? Siguro oo dahil siya lang naman ang tao na kasama ko. Kung ganoon e nakita niya ang katawan ko at walang nangyari sa ‘min. Gentleman ba siya or hindi lang talaga siya naakit sa katawan ko?Grabe anlandi ko. Tama nga ang sabi ni Tei sa ‘kin.Pero ano iyong nakita ko no’ng magising ako? Bakit naisip ko si Tei ang kasama ko? Was it a dream?Bakit nga ba ako nagpakalasing? Anong pumasok sa kokote ko at tinungga ko ‘yong alak sa table nila Tei? Ay oo nga pala, nadala ako sa emotion ko ng makitang may kahalikang iba si Kei. Affected ko mas
“Hindi kami nag-away. There’s a reason why I came here pero baka palayasin mo ‘ko kung sasabihin ko,” aniya at kiniditan ako. Pinandilatan ko siya ng mata. Kung dikwatin ko kaya iyang mata niya? May pakindat kindat pa talaga siyang nalalaman. “Umayos ka Teiver kung ayaw mong sipain kita palabas ng bahay ko,” Humaba ang nguso niya at nakapangalumbaba sa armrest ng inuupuan niya habang nakaharap sa ‘kin. “Really. But since you mentioned it, might as well to share it with you.” Biglang umandar ang pagkamosang ko at itinuon ang attention sa kaniya. "It’s about Yla. May gusto siya Dem na ‘di ko pa kayang ibigay," sabi niya. "At ‘yon ay?" "Marriage," Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Gusto na ba ni Ylaya na ikasal siya kay Tei? Wala naman akong nakikitang mali doon. "Wala akong nakikitang mali dun Tei. Bakit hindi mo kayang ibigay? Hindi mo ba nakikita ang future mo sa kaniya?" tanong ko. "I like her, Dem. I planned to spend the rest of my life with her kaya gust
"Forgiven. Iyon lang?" sabi ko. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko at ng makabawi ay balik poker face na ito. "Yeah. Iyon lang," sabi niya. "I should leave," dugtong nito. "Yeah. Bye," nakangiti kong paalam sa kaniya. "Should I really leave?" seryoso ang mukha nito ngunit yung tanong niya, natatawa ako. "Yeah kasi ‘di ka naman pwedeng matulog dito. Isa pa you're my boss right? So it's bawal," sabi ko. Nag e-enjoy yata ako sa usapan naming ito. "Pero bakit si Teiver-- fine whatever," sabi niya ulit at nagmartsa na paalis. Pinipigilan kong matawa habang tinatanaw si Kei na nakasimangot na umalis. Kinabukasan, gaya ng dati ay maaga akong umalis sa bahay. Nasa opisina na ‘ko sa pagkakataong ito at hinihintay si Kei. Nakailang tingin na rin ako sa sarili ko dahil tinitignan ko minu-minuto ang repleksyon ko sa salamin. Gusto kong makita ang ilang oras kong pinaghandaan. Ang buhok kong lagi kong tinatali noon, ay hinayaan kong ilugay ngayon. Ang natural na kulay nito na golden
Halos nasakyan namin ni Teiver lahat ng rides. Panay tawa kaming dalawa ng makababa kami sa pang huling sinakyan namin. “That was fun!” Natatawa kong sabi. Tumingin ako kay Tei at naabutan siyang nakatitig sa ‘kin. “Yeah,” aniya. Ngayon ko lang namalayan na kanina pa kami magkahawak kamay habang ini explore ang AP. Napatingin ako sa kabilang kamay niya kung nasaan ang cellphone niya dahil nag ri-ring ito. Tumatawag ang babe niya. Si Yla. Ngiti lang ang naging sagot ko nang tignan niya ‘ko. Masaya ako kahit papaano na naging ganoon ang kinalabasan ng paglayo ko kay Teiver kanina. Nahulaan ko ng pinapabalik na siya ni Ylaya. "Umalis ka na," sabi ko. "No. Ihahatid kita," ani niya. "Puntahan mo na siya. Kaya ko naman ang sarili ko," “No. I refused! Ihahatid kita, Dem.” “Teiver, sige na. Sus! Kunwari pa ito.” “Ikaw ang uunahin ko bago ang iba, Demi Moore. Tara na,” Ano bang nakain ng bakulaw na ito? “Hindi na kailangan, Tei. Matatadyakan talaga kita. Sige ka,” natatawa kong sa
“Oh, yeah. I didn’t know doon ka nag-aaral,” sabi niya at nag-iwas nang tingin.Oo, Kei kaya laking tuwa ko ng mabalitaang anak ka pala ng may ari ng TC at nangangailangan siya ng secretary. Halos dalawang taon na rin kasi ang lumipas mula non."Salamat sa gift sir," sabi ko ng mabalik ako sa realidad."Uuwi ka na ba?" tanong nito."Yeah," sabi ko."Hatid na kita," ‘di na ‘ko nag reklamo pa at nagpahatid sa kaniya. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Ewan ko, ‘di ko feel ang landiin siya ngayon. Masiyado akong exhausted sa nangyari ngayong araw.Hindi pa mawala sa katawan ko ang ginawa namin ni Teiver sa lahat ng rides. Gusto ko nalang matulog."Ah- sasama ka ba pag ayain kitang uminom?" napatingin ako sa kaniya na nakatingin din sa ‘kin. Napa-isip ako sandali sa pag-aaya niya sa ‘kin.Bakit siya nag-aaya? Sige why not."Sige," ikling sagot ko.Pumunta kami sa condo niya. As usual, malinis ito at naka ayos ang lahat sa mga pwesto nito. Umupo ako sa sofa at hinintay si Kei na kumuha