"Good morning sir," agad kong bati sa kaniya habang nanlalaki ang mata na nakatingin dito. Anong himala at napadpad siya dito?
Naramdaman ko ang paglapag ni Tetel sa order ko saka palihim niyang kinurot ang tagiliran ko kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin na tinawanan niya lang. Baliw talaga!
Bigla nalang akong kinabahan ng lumapit sa ‘kin si Kei na ganoon pa rin ang mukha. Seryoso kung makatingin na para bang kasalanan na nandito ako at nakita siya.
"So dito ka pala pumupunta early in the morning," casual na sabi nito sa ‘kin ng makarating siya sa harapan ko. Nakita ko naman sa bandang kalayuan si Crystyl na kumakaway at kinindatan pa ‘ko. Napapikit nalang ako sa pang-iinis niya.
"Opo sir. ‘Di na kasi ako nag bi-breakfast sa bahay kaya dito ako tumutuloy bago pumasok sa opisina para makapag-almusal... Ahm.. ano po, maupo po muna kayo," medyo nahihiya na sabi ko sa kaniya.
Umupo naman siya katabi ng upuan ko kaya naupo na rin ako. Tahimik lang kami kaya lalong naging awkward sa pagitan namin.
"Heto na po ang order niyo sir," boses ng kaibigan kong palihim akong sinundot sa bandang tagiliran. Nagsisisi ako na sinabi ko sa kaniya ang pagka gusto ko sa boss ko.
Humigop ako sa kape ko at kumagat sa sandwich.
"So lagi ka ba dito? Maaga ka lagi pumapasok sa trabaho?"
"Opo. Ayoko kasing umaalis sa bahay na 30 minutes ang aga sa pagpasok dahil natatakot ako na baka pag may traffic baka ma late ako. Kaya isang oras at kalahati talaga ang aga sa pagpasok ko para kahit na may traffic man o aksidente sa daan, may oras pa para makahanap ng ibang daan. That way, ‘di ako ma li-late," napakagat ako bigla sa sandwich ko nang napahaba ata ang sagot ko sa kaniya. Narinig ko naman siyang natawa kaya napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras.
"You're funny," napanguso ako sa turan niya pero somehow kinilig ako dahil napatawa ko siya. Malaking achievement na ‘yon sa 'kin.
After no'n, bumalik ulit kami sa pagkatahimik kaya sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin siya sa harapan kung saan makikita ang TC at ang mga taong dumadaan.
Napakagwapo niya at ang ganda ng katawan. Napaayos ako ng upon g kumibot ang nasa bandang bahagi ng hita ko.
Inayos ko ang suot kong pang manang ulit sa bokabularyo ng kapatid ko.
I wonder how it feels to be with him, not as my boss but as my partner in bed. His lips looks yummy, mapula at kissable. Matangos ang ilong, mas matangos pa nga sa 'kin.
Payag talaga akong maging fubu niya.
Thinking him, tasting and lapping his body makes me wet.
"What are you staring at?"
"I'm wet," agad kong natakpan ang bibig ko at nanlalaki ang mata dahil sa sinabi ko. Pati siya ay nagulat. Sino ba namang ‘di magugulat sa sinabi ko. Jusko naman, panira talaga ‘tong bibig ko.
"You're what?" ulit ni Kei.
"Sir ano, I mean ‘yong likod ko... parang ano, wet na ata kasi... ano sa pawis... oo tama.. Hehe.." ‘Di ko na siya hinintay na makasagot, bigla ko nalang kinuha ang bag ko saka tumalikod dahil aalis na, ngunit nakita ko si Tetel, JM at ibang staff dito na tumatawa ng walang salita na lumalabas sa bibig nila.
Hawak na ni Crystyl ang tiyan niya habang nagpupunas ng luha sa mga mata. Sinamaan ko sila ng tingin saka umalis. Iniwan ko si Kei do’n at wala akong balak ng tignan pa siya dahil alam kong sobrang pula na ng mukha ko sa hiya.
Lunchbreak na at may tinatapos pa akong trabaho. Nang sulyapan ko si Kei, busy pa rin ito sa ginagawa niya. Nang pumasok siya kanina, walang salita ang namutawi sa bibig niya kaya nagpapasalamat ako at ‘di naging big deal ‘yon sa kaniya.
Napatingin ako sa orasan at dalawangpung minuto nalang at matatapos na ang lunchbreak namin kaya kahit na kinakabahan, nag lakas-loob parin ako na lapitan si Kei para tanungin kung gusto niya bang mag order ako ng pagkain para sa kaniya.
"Sir," nahihiya kong tawag dito.
"Yes?" sagot niya pero nasa laptop ang tingin nito.
"May gusto ba kayong kainin?" nakita kong napahinto siya sa ginagawa niya at tinignan ako.
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa kaya medyo nakaramdam ako ng pagka ilang. Naka skirt ako ng mahaba ngunit hapit na hapit ang balakang ko dito.
Hindi naman ako maitim, salamat sa dugo ng aking ina. Maputi kasi si mama at namana namin ang kaputian namin ni Charmie sa kaniya. Medyo na conscious ako ng konti kaya pa simple kong inayos ang suot ko.
Pero nakita ko ang simpleng paglunok niya at namalagi ang titig niya sa gitna ng hita ko. Umiwas siya nang tingin agad.
“I like something wet..”
“P-Po?” gulat na sabi ko. Napahinto siya sa ginagawa at lumingon sa ‘kin.
“Wheat and grains. Main ingredients of pancakes?” natural na paliwanag niya habang ako ay nadidemonyo lalo’t wet ang pagkaintindi ko kanina. I like something wheat ba ‘yon? Not wet?
Ayan kasi Demi, ang daming iniisip.
“Pizza will do,” sabi niya agad.
“P-Pizza? S-Sige po sir,”
"No. Wait! Marunong ka ba mag luto?" tanong ni Kei sa ‘kin. Tumango naman ako bilang sagot. Mama is a good cook at tinuruan niya kami ni Charmie sa pagluluto kaya kahit papaano ay kampante ako sa culinary skills ko.
"I see. So get your things dahil sasama ka sa ‘kin sa bahay," aniya at ibinalik ulit ang attention sa ginagawa. Natulala naman ako saglit sa sinabi niya.
Pupunta kami sa bahay? Bigla nalang uminit ang pisngi ko ng nag pop up na naman sa isip ko ang mga kababalaghan na ginagawa ko kasama siya sa 'king imahinasyon.
Kumilos rin ako ng makabawi sa pagkagulat. Hindi ko naman kasi pinapahalata na may gusto ako sa kaniya. Kanina lang talaga ako nadulas sa cafe. Ayokong isipin niya na gusto ko siya dahil baka mawalan ako ng trabaho.
Ayaw niyang may feelings ang mga sekretarya niya sa kaniya dahil nakakasagabal daw sa trabaho kaya kahit anong wet dreams ko sa kaniya, kahit nag uumapaw ang pagkagusto ko sa kaniya, nagpipigil ako na mahalata niya ang feelings ko.
Mas importante pa rin ang kinabukasan ng kapatid ko kaysa sa landi ko.
"Ready ka na?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot.
Nasa parking lot na kami, particularly, sa loob ng sasakyan niya. Nag seatbealt lang ako saka niya pina andar ang sasakyan paalis.
"I'm sorry if papalutuin kita. Gusto ko kasing kumain ng sinigang na baboy," sabi niya.
"Ayos lang po yun sa 'kin," mabuti na rin ‘to para maka pagrelax siya kahit konti. Lagi nalang kasi siyang nalilipasan sa pagkain dahil sobsob lagi sa trabaho.
"Hindi ka ba natatakot sa 'kin?" tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Why would I be afraid of him?
"Hindi. Bakit naman po ako matatakot sa inyo?" tanong ko. He's my boss and I don't think ipapahamak niya ko lalo na't maraming nakakita na magkasama kami sa pag-alis. Kung mamamatay man ako, siya na agad ang primary suspect...
“I see. So how are you? Still wet?”
Agad akong pinamulahan ng sabihin niya iyon. Nakakahiya!
“Sir ano…”
“Iyong likod mo. Wet pa ba? Pinagpapawisan? Pwede kong lakasan ang aircon.” Inosenteng sabi niya ngunit gusto kong magmura dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ako. Dammit!
"Going back, are you fine with it? Hindi ka ba natatakot na tayo lang?" sabi niya habang nakatitig sa mata ko na para bang hinuhubaran ako.
"Hindi po. Impossible naman po kasing may mangyari sa 'tin kasi ‘di naman po ako papasa sa taste niyo. Isa pa, ‘di ka naman po masamang tao," nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya kinabahan ako.Nahalata ba niya na may pagtingin ako sa kaniya? Naku sir. Sabihin mo lang kung gusto mo ng taong magpapaligaya sa ‘yo ng isang gabi, willing akong magpakan-toot.Kung nandito lang si mama at nababasa niya itong nasa isipan ko, matagal na niya akong nakalbo.Hinintay kong may sasabihin pa siya pero wala na. Nakarating kami sa mansion niya ng tahimik lang."Don't move," sabi niya at naunang bumaba saka siya sinalubong ng isang katulong. Mukha namang may pinag usapan sila at kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya sa kausap.Nagulat ako ng may kumatok sa bintana na kinasasandalan ko at nakitang nando’n ang lalaking kakambal ni Kei."Open the door," basa ko sa bibig niya since ‘di ko naman marinig ang sinasabi niya. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan dahil utos pa rin iyon ng boss ko at
Tumalikod nalang ako ng maramdaman na nawala siya sa mood. Kung ‘di ko lang alam na gusto niya ang babaeng kayakap ni Tei kanina, iisipin kong gusto ako nito kahit na napaka impossible. "Kain na po kayo sir," nakapaghain nako sa mesa at nasa sala siya ngayon nanonood ng palabas. Tumayo naman siya at sumunod sa ‘kin. Kahit hindi niya sabihin na sasabay ako, sasabayan ko pa rin siya sa pagkain dahil kanina pa ako nagugutom. Hinintay ko ang reaction niya ng tikman niya ang luto ko. Gusto kong makabingwit ng compliment sa kaniya tungkol sa cooking skills ko. "Masarap," sabi niya at natuwa naman ako ng makitang sagana siya sa pagkain. Mabuti naman at nagustuhan niya ang luto ko. "Thank you for the food," aniya "Walang anuman po.. ahm.. babalik ba tayo sa opisina?" tanong ko sa kaniya. "Hindi na. Isa pa, mag a-out of town tayo for business kaya I need you to pack your things mamaya dahil maaga tayo bukas. Naka pag-book na rin ako ng flight natin bukas ng madaling araw." Hala. Bakit a
"Ito lang ba ang dadalhin mo ate?" tanong ni Charmie habang nakatingin sa maleta kong nakahanda na kagabi pa."Oo. Ingatan mo ang sarili mo hanggang wala ako dito," sabi ko sa kaniya.Iyong dalawang kaklase niya ay nasa kwarto nito since nag overnight nga sila dito kagabi. Maaga akong nag prepare at nagulat ako na maaga rin itong nagising para tulungan ako sa mga kailangan kong dalhin."Susunduin ka ba dito ng boss mo ate?" tanong niya sa ‘kin."Oo daw," sagot ko habang inaayos ang buhok ko."Ilang araw ka mawawala?"Nagtext siya sa ‘kin kagabi at sabi isang linggo daw kami sa Dubai so e assume ko nalang na isang linggo at ilang araw kami doon. First time ko makapunta sa ibang lugar kaya baka pwede akong mamasyal."Isang linggo daw pero baka mag extend ng ilang araw," sagot ko at narinig ang busina ng sasakyan tanda na andito na si Kei."Nandito na yata ang boss mo ate," tinulungan niya ‘kong kunin ang bagahe ko at dalhin sa labas. Nakita naman namin si Kei sa labas naghihintay habang
Hiniling ko na sana mabagal ang pag takbo ng oras para matagal ang moment namin ni Kei pero mapaglaro nga ang orasan ng buhay. Kung saan nanaisin mong bumagal ang takbo nito ang siya namang pagbilis ng paglipas nito. Nakarating kami sa Dubai at agad naman kaming sinundo ng mga lalaking nakaitim. What would I expect? Malaking tao ‘tong kasama ko e so expected ko na dapat na may mga tauhan sila sa ibang panig ng mundo. Dumeretso kami sa hotel. Gusto ko sanang manalangin na isang hotel room nalang ang available pero hindi nangyari. So ang ending, magkaibang room ang tinutuluyan namin ni sir Kei. Hindi gumagana sa akin ang drama-one-room-available-effect. Agad ko nalang inayos ang mga kakailanganin niya sa presentation dalawang araw mula ngayon. Kailangan niya kasing e close ang malaking deal para sa TC. Balita ko isang bigating client ang e me-meet niya dito. Kaya gusto ko siyang tulungan kahit papaano. Lumabas ako sandali para humanap ng makakain since sabi ni Kei ayos lang na magl
"Granddaughter?" rinig kong tanong no’ng lalaki na puno ng pagtataka kaya bago pa man nila ako makita ay kumaripas na ‘ko ng takbo papunta sa room ko.From the start, alam kong bigatin si lolo dahil iba ang room niya sa ‘min kahit na VIP room ang kinuha ni Kei para sa amin. Parang bahay na ang kwartong ‘yon ni lolo, para bang ginawa talaga para sa kaniya kaya I bet na hindi siya basta bastang tao lang."Saan ka galing?" tanong ni Kei ng makasalubong niya ako."Kumain lang po ako. Nagugutom na kasi ako kanina e.. ah sige po, magpapahinga lang po muna ako," sabi ko at hindi na siya hinayaang makasagot pa.Maraming nangyari ngayong araw. Papunta ako ng banyo para maligo muna bago matulog. Napagod ako sa byahe at sa pagtakbo kanina. Ayaw kong e involve ang sarili ko sa gulo dahil baka maka-apekto pa iyon kay Kei at sa presentation niya.Nagtagal ako sa bathroom ng mahigit isang oras. Nagtapis ako ng tuwalya saka lumabas at halos tumalon ako sa gulat ng makita si Kei na nasa loob ng kwarto
Pumasok na kami sa loob at may ilang mga tao rin na nakaupo na. Pakiramdam ko, dapat conscious ako sa kilos ko at dapat hindi dapat ako magkamali dahil sa ambiance na hatid ng mga tao dito.Umupo na ‘ko sa tabi ni Kei at ng nakita ako ni Tei, bigla itong ngumiti saka lumapit sa ‘kin at umupo sa tabi ko."Bat diyan ka umupo Teiver?" seryosong tanong ni Kei dito."Bakit naman hindi? Ayos lang naman kay Demi. ‘Di ba Demi?" tanong nito sa ‘kin."Ayos lang po s-sa ‘kin," sabi ko nalang para tumahimik na ang dalawa.Sinamaan naman ako nang tingin ni Kei at supladong nag iwas ng tingin. Napanguso nalang ako sa nakita habang tumatawa naman si Tei sa tabi ko."Hey sister in law," bulong ni Tei sa tabi ko."Ano po b-bang pinagsasabi mo diyan?" nahihiya kong tanong na pabulong rin."Suuus! Kunwari pa e kinikilig naman," tas tumawa siya ulit ng nagpipigil."H-Hindi ko po alam a-ang sinasabi niyo sir. T-Tumigil na p-po kayo," nahihiya kong sita ko sa kaniya."Sister in law, pasyal tayo mamaya,""N
Nagbabad nga ako sa araw gaya ng sabi ko kay Tei kanina pero ng magutom e pumunta lang ako sa mini resto dito para maka order ng makakain since iniwanan ako ng credit card ni Teiver. Sabi pa niya, bilhin ko daw ang gusto ko at sagot niya lahat so lulubusin ko na. Nagpakabusog ako sa pagkakataong iyon. Sobrang sarap din kasi ng mga pagkain nila dito. Baka mamaya maglilibot ako para makabili ng pasalubong para sa kapatid ko. Sa sobrang sarap ko sa pagkain, ‘di ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Teiver at nakabusangot na nakatingin sa ‘kin. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Feed me, sister in law," inirapan ko lang siya pero sinubuan din naman. Parang bata kung umasta. ‘Di ko tuloy alam kung kapatid nga ba ito ni Quiver Tejada. Kung hindi lang talaga niya kamukha ang kakambal niya, baka iisipin kong ampon ‘tong kumag sa harapan ko. "Kei is here," sabi niya habang nginunguya ang shrimp na sinubo ko sa kaniya. "And he's mad. Patay ako," natatawang ani niya. Para naman akong igno
Agad namang kinuha ni Tei ang kamay niya at nagkunwaring nililinisan lang ang balikat ko sa mga alikabok. Gago talaga kahit kailan. Nauna ng naglakad sa ‘min si Kei at iniwan kami ng kapatid niyang maharot na kung sino sinong babae ang pinapansin. "Ang harot mo masiyado," bulong ko dito. "Para namang ikaw hindi. If I know pinagnanasaan mo ang masungit na Kei na ‘yan," at tumawa ang loko kahit wala namang nakakatawa. "At least ako, isang lalaki lang ang pinagnanasaan ko kompara sa ‘yo na kung sino-sinong babae ang pinapansin mo. Mas maharot ka kesa sa ‘kin." "ANO BA! FASTER!" It was Kei at galit na talaga siyang nakatingin sa ‘min ng kapatid niya na nagbubulungan. Mula ng dumating ang kapatid niya dito, mainit na lagi ang ulo niya. "Ang init ng ulo ng kapatid mo. Laging galit," nasabi ko. "Aling ulo ba sister in law?" Aling ulo? Nang mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy ni Teiver ay agad ko siyang binatukan. "Aray ah. Ang sakit!" "Ikaw Tei, tigilan mo ‘ko sa kabulastugan mo ah