Share

Chapter 4

Liahn’s POV

Tinitigan ko ang hallway nitong school na puno ng mga naglalampungan na magkasintahan. Nasusuka akong isipin na isa rin ako sa kanila dati, at hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng mga mata dahil doon.

Diretso akong naglakad patungo sa silid-aralan. Yes, napagpasiyahan kong bumalik na sa tuwid na daan. I’m that so-called goody girl again, at pretense. Dahil this time, I have this certain goal inside of me – to make my ex-boyfriend take back that break-up line he threw at me.

Nakangisi akong naglakad papunta sa sarili kong upuan sa pinakang-likod ng row. Ibinaba ko ang bag ko roon, at naupo. Hindi ko mapigilan ang pag-alala sa mga nangyari sa sarili kong kwarto noong Sabado.

Humanda ka talaga, ex. Isang araw, magugulat ka na lang dahil hahalikan kita sa gitna ng mga couples na naglalampungan sa school corridor, at doon mo mare-realize kung gaano ako ka-talented h*****k. At pagsisihan mong iniwan mo ako.

Nagising na lang ako sa realidad nang biglang may pumatong na mga notebooks sa ibabaw ng desk sa harapan ko. Tatlong notebooks din ‘yon. Napatingala ako at bumungad si Ethan doon. Hawak nito ang bag na ipinatong niya sa may balikat niya, like some bad boy.

Bad boy does not suit him at all. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang wirdung lalaking ‘to na pangit at walang sense of fashion ang bubuhay sa natutulog na good kisser side ko.

“Ano ‘to?” taas-kilay kong tanong at pagtukoy sa mga notebook na basta na lang niyang ibinagsak sa desk ko.

“Notes,” maiksing sagot niya, bago tinalikuran ako at naglakad sa sariling upuan niya sa may tabi ng bintana. Medyo malayo ang upuan niya sa upuan ko.

Pumangalumbaba ako sa ibabaw ng notebook na ipinatong niya sa desk ko, at palihim ko siyang tinitigan. Para talagang tanga ‘yong buhok niya. Nakakagigil gupitin. Ang sakit sa mata ng itsura ni Ethan. Ibinaba ko ang tingin sa notebook na itinapon niya sa desk ko.

“Still, the effort as a tutor,” bulong ko.

Umayos ako sa pagkakaupo at sinimulan kong buklatin iyon. Hindi ito punong-puno ng kulay at kung ano-anong designs na ginagawa ng karamihan para magpa-impress dahil sa napaka-creative na notes. Bagkus, puro white spaces, gray lines, at black-colored words.

Just normal plain notes... but very detailed.

Nandoon lahat ng explanations na kakailanganin ko. And it’s not just some simple explanations randomly copied from books. These words are definitely Ethan’s own explanations. Damn, he’s quite smart (and extremely good kisser too!). Looks lang talaga kulang.

What lies beneath those ridiculous bangs, anyway?

Muli akong dumungaw mula sa pagbabasa ng mga notes sa notebook, at tinignan ang lalaking nagbigay niyon kanina.

Should I try transforming this guy into a hottie?

Napailing ako dahil sa ideyang pumapasok sa utak ko. I better not. I better not care about his business and focus on getting better at kissing. Kukunin ko lahat ng pwede kong matutunan mula kay Ethan. Plus, it’s too much trouble to care about other people. That guy must’ve his own reasons for being so ridiculously out of style.

Mas mabuting unahin ko ang sarili ko.

Isinara ko ang binuksan kong notebook at hinayaan lang iyon na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Malapit na ring mag-umpisa ang klase kaya napagpasiyahan kong pumirmi na lang sa kinauupuan. Tahimik lang akong nakaupo nang biglang may pumasok sa pinto na akala mo ay isang artista dahil sa napaka-ingay nitong entrada.

It’s my fcking ex.

Isa-isa pang nakipag-apir ang gago sa mga kaibigan nitong lalaki. As usual, lakas pa rin ng presensya na rito sa silid. If Ethan is popular for being a weido, this guy is popular for being the perfect guy with good grades, good looks, lots of friends... and 99 more positive traits.

Little did they know, manyakis ang ex kong ‘yan.

Napabuo ako ng kamao sa magkabilang kamay na nasa ibabaw ng desk ko, at hindi ko na inisip pang itago iyon. Naglakad naman papalapit and ex ko sa akin.

Sa akin?

Ah, that’s right. He sits right next to me. ‘Pag minamalas ka nga naman.

Medyo naramdaman ko ang tingin niya sa akin pero mas pinili kong hindi siya pansinin. I don’t want to cause any unnecessary drama. Why is that jerk even looking here?

Mabuti na lang at dumating na rin agad ang professor namin. Nagsimula ang klase. At sa tulong ng isa sa tatlong notebooks na ibinigay ni Ethan kanina, matiwasay kong nairaos iyon. Kahit papaano ay nagawa kong makisabay.

Nang matapos ang klase ay agad kong isinuksok ang notebook sa shoulder bag ko pero hindi iyon magkasya kaya napagpasiyahan kong hawakan na lang. Dumiretso ako sa cafeteria ng school, sa basement floor nitong building. Bumibili ako ng shawarma rice nang makareceive ako ng isang text chat, via messenger. It was from the only friend I have since high school – si Alliyah.

LI!!!!!! DONE WITH CLASS. PAKIBILHAN AKO NG SHAWARMA AND ALSO FRIED KANGKONG. LOVELOTS! PABABA NA AKO NG BASEMENT. PUNO ELEVATOR, WILL TAKE STAIRS.

Halos malula ang mga mata ko dahil sa all caps niyang chat. Pero kagaya ng sinabi nito, dinagdagan ko ang order ko na shawarma rice ng isa pa, and I requested some fried kang-kong too.

It didn’t take that much time. Dahil pre-cooked ang lahat ng ingredients nila, less than ten minutes lang ang pag-aantay na ginawa ko.  Mabuti na lang at pinahiram din nila ako ng tray kaya hindi ko nahirapang magbitbit niyon. Nang makahanap ako ng table ay sakto ring dumating si Alliyah.

Tinulungan niya ako sa pagbaba ng pagkain sa mesa. Hindi rin nakaiwas sa paningin ko ang pagkunot ng noo niya nang ibaba ko ang hawak na notebook na hindi nagkasya sa bag ko kanina.

“I’ll put this tray away since ikaw ang pumila for us,” nakangiting sabi nito sabay kuha ng tray na wala ng laman ngayon.

Tumango lang ako na naupo sa table. Hinintay ko na muna ang pagbalik ni Ali bago nagsimulang kumain. Nang makabalik ito ay may dala-dala na rin itong kutsara at tinidor sa isang kamay, at sa kabila naman ay dalawang bottled soda.

“You forgot to get some utensils,” sabi nito na naupo sa harapan ko. “And drinks too.”

“Thanks,” I clumsily answered.

“Though, I’m a bit surprised today. You suddenly texted me saying you’re going to school this morning,” sabi niya habang tinatanggal sa plastic packaging ang plastic spoon and fork.

“My dad started monitoring me,” nakabuntong-hiningang sagot ko. “He even hired a freaking tutor for me.”

“Seriously? But okay ka lang naman ‘no? I mean, about the tutor and everything.”

“Well, yeah, it works for me too. He’s someone from school.”

Nagsimula kaming kumain. “Really? Do I know him?” tanong niya.

“Probably. Ethan Ramirez,” sagot ko bago sumubo ng pagkain sa bibig. Kasabay niyon ay biglang nabilaukan si Alliyah sa kinakain.

Agad niyang iniabot ang bottled drink at umuminom doon. “Albularyong nerd?” gulat na gulat niyang paglinaw.

“The one and only.”

“OMG,” literal niyang bulong. “So, you’ve seen his face?”

“What do you mean? It’s academic tutorial, Alliyah. Hindi make-up tutorial. Pa’no ko makikita ang mukha niya sa kapal at haba ng bangs niya?”

“I guess, you’ve never heard about the rumor, girl,” sabi niya.

“Rumor?”

Tumango ito. “That Ethan Ramirez is extremely and inhumanly handsome that he had no other choice but to hide his face.”

Nang marinig ko ‘yon ay agad na nakarating sa isang konklusyon ang isipan ko.

He really is a weirdo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status