Share

Chapter 2

Liahn’s POV

Oh, my God. Oh, my buddhas and the Greek mythology! No. This can’t be happening. Why are you doing this to me, Dad?! May balak ka bang sirain ang strategic plan at sweet revenge ko? Bakit sa lahat ng kapit-bahay, siya pa?

Bakit itong albularyong nerd pa na ito?

Tinitigan ko ang napaka-out of style na lalaki sa harapan ko. He’s still wearing those old-fashioned baggy clothes, and that freaking long thick bangs is still on that freaking face! This guy? My kissing teacher? NO. FCKING. WAY.

Na-uh, not gonna happen. Never.

Hindi na ako hinintay pa ng lalaki na papasukin siya dahil basta na lang niyang niluwagan ‘yung pinto at pumasok. Hindi niya rin ako pinansin – ako pa na nagbukas ng pinto para sa kanya. Did he not see me? What the flying fck?!

Isinarado ko ang pinto habang hinubad naman ng lalaki ang sapatos niya at kinuha ang extra home slippers na nandoon sa shoe cabinet. In fairness, hindi mabaho ang paa niya.

Since Saturday ngayon, wala rin ang mga maids dito sa bahay. Wala na si Mommy, at kaaalis lang ni Dad kanina for work. In other words, kaming dalawa lang ni Ethan Ramirez A.K.A. albularyong nerd ang nandito sa bahay.

It’s the perfect opportunity for me, so why does it have to be this guy?

Pagtiya-tiyagaan ko ba ‘tong nerd na ‘to? Dream on! Pero... damn.

Napabuntong-hininga ako dahil sa mabilis na pagtatalo ng isip ko. Leche, oo! Para kay ex! Papatusin ko lahat! Gagawin ko lahat, kahit ang halikan ang albularyong nerd na ‘to! Pikit-matang sigaw ko sa utak.

“Bakit... ka nakapikit?”

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ethan. Ito ang unang beses na narinig ko siyang magsalita. Lagi kasi siyang tahimik sa eskwelahan. Pero bakit ang gwapo ng boses niya?! Bakit itinago niya ang boses na ‘to sa amin?!

“Okay ka lang ba?” muling tanong nito.

Napamulat ako ng mata at saka ko lang narealize na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sobrang kapal talaga noong mahabang bangs niya at may suot pa siyang eyeglasses.  Kagigil gupitin. Paano niya nakikita ang nasa harapan niya niyan?

“You with me?”

Dahil natatakpan ang kalahati ng mukha niya, hindi ko maiwasan ang tumitig sa bibig niyang muling nagsalita. Ito lang ‘yong hindi natatakpan ng bangs niya sa mukha niya. At shet, huli ka, boy! Pulang-pula ‘yong bibig niya. Too kissable to resist!

Nagising na lang ako sa mga delusyon ko nang biglang iwinagayway ni Ethan sa harapan ko ang palad niya. Malakas kong tinabing ‘yon.

“H’wag mo ngang ginaganyan sa mukha ko ‘yang kamay mo,” inis na sabi ko. Paharang-harang kasi. Ganda-ganda ng view ko pa naman kanina.

“Tama nga ‘yong sabi ng Dad mo. You’re conceited,” diretsong sabi nito na nagpanganga sa akin. “Anyway, sa’n ba tayo pupwesto? Goal natin ang hindi lang makapasa sa final exam, pero pati ang hilahin ang results mo sa prelims at midterms.”

Hindi niya ako hinintay na sumagot sa sinabi niya. Basta lang niya akong tinalikuran at mukhang inilibot nito ang tingin sa paligid. Tila ba naghahanap ng magandang pwesto para sa aming dalawa.

Nagmake-face lang naman ako sa likod niya. I think he’s the conceited one here. Busy pa ako sa pagmemake-face nang bigla siyang lumingon. Agad akong napahinto.

“So, sa’n tayo?”

Inilapit ko ang mukha sa mukha niyang hindi ko maaninag bago siya sinagot.

“Let’s go to my room,” I seductively said.

Kapansin-pansin na nagulat ang dakilang nerd dahil napaatras ito ng isang hakbang. Pero agad naman itong nakabawi, at kibit-balikat na nagsalita.

“Lead the way.”

Hmp, boring. He could’ve just taken the bait! But will a nerdy guy like this have the experience?

Kagaya ng sinabi ko kanina, sa kwarto ko nga talaga siya dinala. H’wag green-minded, nandito kasi ‘yong study table ko. Mag-aaral lang talaga kami (kung pa’no h*****k).

Iisa lang ang upuan ko sa harapan ng table kaya kinuha ko ang isang stool na pinagpapatungan ko talaga ng paa ko. Adjustable naman ang height niyon kaya pupwedeng gawin ding upuan. Wala nga lang sandalan.

Doon sa stool umupo si Ethan, at ako naman ay doon sa study chair ko. Syempre, doon ako uupo sa kumportable, ‘no.

Nagsimula kaming mag-aral. To be specific, sa Algebra. Pati ba naman dito, “X” ang hinahanap. Mukha namang seryoso si Ethan sa pagtuturo sa akin. Walang sawa niyang ini-explain sa akin ang kung ano-anong solving solution at pati na rin ang quadratic formula.

But that’s the problem here!

Hindi Algebra ang gusto kong ipaturo sa kanya. I know all these shits already. I wanna learn how to kiss! I wanna try all kinds of kisses and impress my horny ex!

Pero si Ethan... dalawang oras na ang lumipas, pero wala man lang hint na kahit ano na interesado siya sa akin. He’s alone with a girl in a house, and he doesn’t feel a thing? Is this guy a gay?

Nakapangalumbaba na ako doon na pinapanood lang siyang magsolve ng magsolve ng mga walang sense na Math problems. Seriously, never underestimate the nerds. Hindi sila napapagod sa kaka-solve.

“So, sa’n ka naman ba nahihirapan?” biglang tanong niya.

Nabigla ako dahil walang-pasintabi siyang humarap sa akin. Napalunok ako nang magawi ang atensyon ko sa mapupulang labi niya na kanina ko pa pinapantasya.

“H*****k,” wala sa sariling pabulong na sagot ko.

“Huh? H*****k?”

Tumango ako. “Pwede mo ba akong turuang h*****k? Kahit magkano, babayaran kita.”

Sht. What he fck did I just blurt out? I sounded like a crazy pervert.

Nakatitig pa rin ako sa mga labi ni Ethan. ‘Yon lang naman ang pwede kong titigan dahil natatakpan na lahat ng buhok niya hanggang ilong. But to my surprise, the corner of his mouth suddenly moved forming a small curve.

He smirked.

Hindi ganito ang Ethan na tinaguriang albularyong nerd sa school. He shouldn’t be giving an expression like this. So why is he smirking at me?

“Sure,” he playfully answered to my plea.

In a split second, his lips landed on top of mine.

Just like that, my whole world suddenly stopped.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status