Share

Chapter 1

Liahn’s POV

Sabado ngayon at napakaganda ng sikat ng araw sa labas. Isang napakaliwanag na umaga na naman ang sasalubungin ng mga mata kong kanina pa nandidilim.

Bullshit na Filipino time.

Ang sabi 8AM to 12PM sa kwarto ko ang study session. Pero pagkatingin ko sa suot kong Apple watch ay agad na umikot ang mga mata ko. Inis akong nagpakawala ng isang malalim na hininga at pumangalumbaba sa study table ko sa kwarto. Alas nuebe na pero ang so-called tutor ko ay wala pa rin.

Hindi ko siya hinihintay. Sadyang wala akong choice kung hindi maghintay, dahil alam kong hindi maganda ang kalalabasan ng financial life ko kapag sinuway ko si Dad.

Ayokong ma-grounded. Aba, sino bang may gusto?

Nakabusangot ang mukha kong tumayo mula sa pagkakaupo sa harapan ng study table at naglakad papalapit sa bintana ng kwarto kung saan nagmumula ang liwanag na kanina pang sumisilaw sa paningin ko. Padabog ko sanang isasara ang kurtina roon nang may mapansin akong lalaki na naglalakad papasok sa main door ng kapitbahay.

It’s that weirdo, bulong ko sa isip.

Ethan Ramirez. Siya ‘yung kapitbahay ko na schoolmate ko rin at tinatawag ng lahat na ‘albularyong nerd.’ He deserves the nickname. I mean, just look at those ridiculous clothes and hilarious hair!

Ang old-fashioned at masakit sa mata. Plus, wala ba siyang oras para magpagupit ng buhok niya? Masyado ba siyang nalulong sa pag-aaral to the point na wala na siyang time para mag-ayos ng sarili? I mean, why the heck is he covering his face with that unbelievably thick and long bangs with matching huge circle eyeglasses?

Well, whatever. It’s not my business. I disgustingly tutted before closing my goddamn window that freaking fills my room with brightness.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina para uminom sa mug na nakapatong sa study table ko. Lumamig na ang kapeng laman niyon. Inis kong ibinagsak iyong mug sa table bago muling huminga ng malalim. Wala na talagang mas nakakabwisit pa sa paghihintay.

Yeah, it’s possible the tutor ran into some kind of emergency. But he still could’ve texted, right?

Paano na lang akong matututong h*****k nito? Sayang ang oras.

Muli akong tumayo. Dala-dala ang mug na kanina lang ay halos mabasag dahil sa pagbagsak ko nito sa study table, naglakad ako papalabas ng kwarto at dumiretso sa kusina.

Pagkarating ko roon ay agad kong itinapon sa sink ang lumamig kong kape, at hinugasan ang mug. Nang matapos ko iyong hugasan ay agad kong tinahak ang daan papaalis ng kusina. Nasa may hagdan na ako papaakyat ng second floor ng bahay kung saan naroon ang kwarto ko nang ma-realize ko na nandoon pala si Daddy sa living room.

Napahinto ako sa pag-akyat. Hindi ko siya napansin kanina, marahil ay talagang nandidilim ang mata at isipan ko dahil wala ng magandang nangyari simula pa kaninang umaga.

Nakaupo ito sa couch habang nagbabasa ng diyaryo. Kumportableng-kumportable ito sa pwesto. Pero wala ba siyang trabaho ngayong araw? I mean, he’s even on his tux.

“You’re still here, Dad?” tanong ko.

Ibinaba nito ang diyaryo bago ako nilingon at sumagot. “Bawal?”

“Well, bahay mo ‘to.”

“Shouldn’t you be studying right now?” tanong niya pabalik.

Napataas ako ng kilay. “You should ask your so-called tutor where on Earth is he. And don’t you have work?”

Awtomatikong napalipat ang tingin ni Dad sa suot niyang wristwatch nang banggitin ko ang salitang “work.” Mahina itong napamura at muli akong binalingan.

“I do have work. I have to go.”

Wow, that’s neat.

Agad na tumayo ito mula sa kumportable nitong upuan at iniayos ang pagkaka-tuck in ng polo bago muling hinigpitan ang suot na necktie.

I inwardly smiled as I watched him. That’s right, my oh-so-good Dad. You should leave before my tardy tutor comes. Maybe that tutor, whoever he is, can teach me all the things that cannot be taught at school. Yes, the devil in me is emerging.

Uunahin ko talagang matutong h*****k, at ng masampolan ko ang tarantado kong ex.

“How about the tutor? Will he come?” pagsunod ko kay Dad ng tingin na hindi na magkanda-ugagang hinahanap ang black shoes niya sa shoe cabinet sa may entrance ng bahay.

“I’m not sure. But we did have an agreement already, so it doesn’t make sense that he’s still not here,” saglit niya akong nilingon. At mukhang nakita na rin niya ang hinahanap niyang black shoes.

He? Hindi ko na napigilan ang mapangiti ng pagkalawak-lawak. The tutor is a he, everyone!

Marunong bang h*****k ‘yon, Dad? Kating-kati ang dila ko na tanungin si Daddy, pero hindi ko pwedeng ibuko ang perfect plan ko, or else, hindi ko rin magagawa ang perfect revenge ko sa lechugas kong ex.

“Well, he’s late. You better call him, so I’d know kung maghihintay pa ba ako,” sabi ko.

Biglang suminag ang liwanag sa kaninang hindi mapakaling mukha ni Daddy dahil sa kakamadali. “Wow, I guess you’re really motivated to study today, Li. That’s great, that’s great,” nakangiti at tumango-tango pang sabi nito.

Ngumiti rin naman ako pabalik. “Of course, Dad. I’ve never been as motivated as today. I am so eager to learn,” sabi ko, bago dinugtungan ang linya sa isip ng ‘how to kiss.’ Nakangisi ang mga labi ko pero pinilit ko talagang itago ‘yon.

Para kay ex! Ang sweet revenge kong kiss.

“Okay, then, anak. I’ll go check on him on my way.  Taga-kabilang bahay lang naman ‘yong tutor mo. For sure, he’ll be here soon.”

Kabilang... bahay?

Saglit akong natulala at parang pinanood kong naglaho ang lahat ng plano ko sa ere nang marinig ko ang sinabi ni Dad.

“T-teka...” halos pabulong kong sabi kaya hindi na narinig ni Daddy ‘yon.

“I’m off, Li. Don’t worry, your tutor will be here soon,” pamamaalam ni Dad na nakaayos na.

“No... no...”

Pailing-iling akong bumulong at pipigilan sana si Dad na umalis pero medyo malayo ang stairs sa main door ng bahay. Kaya naman, bago pa ako makahabol ay sumarado na ang pinto sa harapan ko at wala na rin si Dad.

“The tutor... I don’t want to learn anymore...”

It didn’t take that much time. After a while, may kumatok sa pinto at pinagbuksan ko ang so-called tutor ko.

O.

M.

G.

Tama nga ang hinala ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status