Malamlam na ilaw at acoustic music ang sumalubong sa akin nang pumasok ako sa isang bar. Nakipagsiksikan sa mga taong nakaharang sa daan at idinuduyan ang kanilang mga katawan, saliw sa indak ng musika. Nang marating ko ang counter ay agad akong umupo sa bakanteng stool sa bandang gilid.
“A glass of Malibu Sunset, please.” Inunahan ko na ang bartender na lumapit sa gawi ko.
Mariin akong pumikit para sana iwaksi ang panlalabo ng paningin gawa ng nagbabadyang mga luha. I was supposed to be enjoying this day ‘til the very last hour but here I am. Ditching my own birthday party, looking like a pathetic martyr lady.
Nang mailapag ng bartender sa counter, sa harapan ang baso ng alak na hinihingi ko ay walang imik akong sumimsim doon. Bawat lunok ay nag-iiwan ng marka, hindi lamang sa lalamunan ko kung ‘di pati na rin sa puso ko. I sometimes hate my instincts. Nagsimula sa isang baso hanggang nasundan ng isa at isa pa.
“Sorry Miss but, I think you owe me a drink.”
Nakakunot ang noo na umangat ako ng tingin para tingnan ang may-ari ng kamay na humawak sa kamay kong may hawak sa baso ng alak. Hinilig ko ang ulo pakaliwa at tinitigan siya nang mabuti. Hindi ko siya kilala pero mukha naman siyang matino. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya rason upang bahagyang matapon ang alak na nasa baso.
“Because when I looked at you, I dropped mine.”
Pumakawala ako ng malakas na tawa nang marinig ang sinabi niya. Bumaling siya sa bartender, may sinabi siya roong pangalan ng inumin. Nang gawin na ng bartender ang order ay naupo siya sa bakanteng stool sa tabi ko. Hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko sa kaniya.
“Pick-up line ba ‘yun?” Nakayuko siyang tumango. Tsaka lang ako umiwas ng tingin at sumimsim sa baso na hawak ko.
“Ang witty mo, ha! Pero in fairness, effective.”
Ewan ko ba kung tinamaan na ako ng alak o sadyang may hitsura siya. Blonde ang buhok niya at medyo mahaba rin ito na kung tutuusin ay pwede nang ipuyod. Matangos ang ilong, maganda ang kurba ng mamasa-masa niyang mga labi at maganda ang tabas ng jawline. Dumaan sa isipan ko ang mukha ni Vhan.
Tarantado siya! Ang kapal ng mukha niyang mambabae sa mismong birthday party ko!
“So, what’s the tea? Birthday mo or something?” Bumaling siya ng tingin sa akin pero agad ding umiwas nang dumating ang bartender.
“H-hindi. I m-mean, galing ako sa birthday party ng kaibigan ko,” pagsisinungaling ko. I’m still wearing that night dress, Vhan gave me as a gift. Masyadong obvious na hindi itong bar ang siyang sinadya kong lugar na pagsusuotan nito.
“Tapos na ba? Bakit ka nandito?”
“I left because—” napaisip ako kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang rason, “—I caught my boyfriend cheating on me with my bestfriend.” Sa huli ay sinabi ko rin. Hindi naman kami magkakilala at sigurado akong hindi na kami magkikita pa.
“May boyfriend ka na pala.” May panghihinayang sa boses niya. “P-pero paano? Paano mo nasabing nagc-cheat sa ‘yo ‘yung boyfriend mo?”
“I literally saw it with my two eyes! He kissed her!”
Binalot kami ng mahabang katahimikan na binabasag ng acoustic music sa background. Tahimik naming ininom ang kani-kaniya naming baso ng alak hanggang sa maubos ang mga ito at muling humirit ng isa pa.
“Ikaw? Bakit ka nandito?” pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. Hindi yata ako papayag na sa buhay ko lang siya makikiusyuso.
“Ayaw akong payagan ng ina kong dalawin si Lolo si sa bahay niya,” bakas sa boses ang pagkadismaya. “Dadalawin ko lang naman ‘yung tao. Hindi naman ako makikihati sa mana.”
“So, you’re rich?” Umiling siya.
“Nope. I’m Thunder. You are?”
Shocks. He’s funny, isn’t he? Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na nagdadalawang-isip ko namang tinanggap.
“Aquinah…”
“Gusto mong sumayaw?” Magkahawak pa rin ang mga kamay namin nang magtanong. Umiling ako pero mukhang hindi niya napansin nang tumayo siya. Hinila niya ako papunta sa dance floor.
Pumapailanlang pa rin sa ere ang acoustic music. Nilalabanan ko naman ang pagkahilo. Naramdaman ko ang pag-angat niya sa mga kamay ko upang ipatong ito sa kaniyang magkabilang balikat. Umangat ako ng tingin nang hawakan niya ako sa magkabilang gilid ng aking baywang.
Pinakatitigan niya akong maigi.
“Aquinah, do you know that kissing can burn atleast 6 calories per minute? Do you wanna work out with me?”
"Susmaryosep! Ano ka ba namang bata ka! Saan ka pumunta kagabi?” salubong na sermon ni Nanay Dolor na siyang nagbukas ng bakal na gate para sa akin. “Alam mo bang muntik ng atakehin ng sakit niya ang Lolo mo nang malamang nawawala ka sa party?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone na siyang tanging nadampot nang magising ako kanina sa hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko mahagilap ang stilettos na suot kagabi kaya nakayapak akong sumakay ng taxi pauwi rito sa bahay. Mabuti na lang at may naipit akong pera sa case ng cellphone ko na siyang aking ipinambayad. Nahihilo pa rin ako. "Si Mommy po?" Tila ba ako hinahabol sa paraan ng paglakad ko papasok sa bahay namin. Tinted ang salamin na wall sa living room kaya naman agad kong nakita ang mukha ko bago ako pumasok sa main door. To tell you,
“Babe!” boses ni Vhan ang pumigil sa akin sa paglalakad palayo sa entrance gate ng university. Nilingon ko siya sa likuran ko na nagmamadali namang lumapit sa akin. “Mr. Llorico, ‘yang boses mo!” saway ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin na siyang ikinahugis-parihaba ng kaniyang labi. Huminto siya sa tabi ko at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. It’s been three weeks since my birthday. Vhan and I, we’re doing fine and our relationship goes on. Isinawalang-bahala ko na lamang ang mga pagdududa ko sa kaniya. Baka naman kasi namamalikmata lang ako ng gabing iyon dala na rin ng tama ng alak. Today isn’t the first day of the new school year but this is the first time that I’ve seen him here in the university. Wala naman daw kasing klase sa una at pangalawang araw ng pasukan kaya kesa sa tumunganga sa room at magbilang ng
“Aquinah pala, ha?” Natigilan ako sandali pero agad ding nakabawi at bumalik sa ginagawa. Binalot kaming dalawa ng nakabibinging katahimikan. Mabuti na lang at dumating si Cham at binasag ang katahimikang iyon. “Thunder, saan mo banda iginarahe ‘yung kotse ni Xaw?” Nakangiting itinuro ni please-censor-his-name si Cham na para bang alam niya ang tumatakbo sa isipan nito. Hinuli ni Cham ang kamay niyang iyon tsaka hinawakan nang mahigpit. Tila ba nagmamakaawa na siya. “Sus. Iyang mga tingin na iyan, alam ko na ‘yan.” “E? Sige na kasi. Sabihin mo na.” Umiling si please-censor-his-name na siyang ikinainis ni Cham. Binitiwan niya ang kamay nito at nagawa pa ngang pumadyak sa sahig. “Bubutasin mo lang naman ang gulong n’on. Cham, maawa ka naman sa akin na magpapaayos kung saka-sakali.” Ila
Pumakala ako ng naiiritang ungol bago itinuon pabalik sa ginagawang pagsulat sa notebook ang aking atensyon. In fairness, kahit nasa 50’s na si sir ay hindi siya boring magturo. Sa sobrang lively ng klase ni Sir ay nagamit pa namin ang another five minutes na dapat ay sa susunod ng subject. Good thing, wala pa raw kaming instructor para sa subject na iyon. Nang magpaalam na si Sir na aalis ay nagligpit na rin ako ng mga inilabas kong gamit. Sumunod ang mga mata ko sa kamay ni Thunder na naunang dumampot sa notebook ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin subalit tila hindi man lamang siya natinag at binuklat pa nga ang nasabing notebook. Aagawin ko sana ito sa kaniya nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Minadali ko ang pagliligpit ng aking mga gamit pabalik sa bag tsaka hinabol si Thunder. Naabutan ko siyang naglalakad sa lobby sukbit ang backpack sa kanan niy
“Aquinah!” Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Cham sa pangalan ng kaibigan namin. Iilang hakbang na lamang at mararating na namin ang pinto ng classroom. Bumitaw siya sa pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo para salubungin si Quin. Nakangiti akong sumunod sa kaniya. “Bakit ka lumipat ng section?” nanlabi si Cham na siyang nagtanong. Bumaling sa akin si Quin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cham. “May in-advance akong subject sa second year. Conflict sa schedule natin kaya lumipat na lang ako ng section,” paliwanag naman nito. “Ba’t ka ba kasi nag-advance? Pwede naman nating kunin nang sabay-sabay next year!” may pagtatampo sa boses ni Cham. Lumingon siya sa akin kaya tumango na naman ako para suportahan siya. “Girls, I’m two years older than you both. Nahuhuli na ako
“I’ll try,” tanging sagot ko na lamang. Binitiwan naman na ni Aquinah ang mga kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya papunta sa pwesto nina Cham at Liane tsaka sinabing magpapakulot din siya ng buhok. “Siya nga pala! Birthday ng friend ko na taga-kabilang school bukas. Kilala yata ‘yon ni Quin,” pag-iiba ni Liane ng topiko. Sa wakas! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa gawi ko. Si Aquinah naman ang umukupa sa upuan sa harap ng vanity mirror. “Si Rizel ba?” tumango si Liane. “Ah, oo. Pinapapunta nga niya ako. Sa bar daw nina Corbi gaganapin. Everything is free, aside from boys.” “Pupunta ako, kayo?” Nilingon ako ni Cham. Kanina ko pa gustong palitan ang topic pero ngayong iba na ang pinag-uusapan namin, sumisingit naman si Thunder sa isipan ko. We did met that night
“’Yung bilin ko. Umuwi before 10 P.M. Gusto mo, sunduin na lang kita?” ani Vhan via phone call. “Eh, kung sumama ka na lang kaya?” “Ten P.M. Final na. Kapag hindi ka pa umuwi sa oras na iyon, susunduin kita.” I rolled my eyes as if he’s right in front of me. He sounded possessive, too. Hindi naman sa ayoko siyang sundin pero minsan na nga lang ako makapupunta sa mga night party, may time limit pa? Habang abala sina Liane, Cham at Aquinah sa pag-aayos ay prente naman akong nakaupo sa kama. “I can handle myself, okay?” “No, you can’t, Jey! Remember that night when you got drunk? Saan ka nga natulog?” He might talking about that night of my birthday. I let out a deep breathe. “Babe!” Kapag hindi pa gumana itong pagpapa-cute ko, ewan na lang. Narinig ko naman
Weekend was over but I’m not in the mood to attend my classes today. Matapos akong ihatid ni Vhan sa bahay noong tanghali ng Sabado ay hindi na ulit siya nagparamdam. Buong weekend akong walang balita sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga messages ko, pati na mga tawag. Gustuhin ko mang lumiban ngayong araw ay hindi pupwede. May mga instructors pa kaming hindi name-meet last week. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa salas. Maaga pa naman pero sa cafeteria na lang siguro sa school ako kakain ng breakfast. Naabutan ko si Nanay Dolor sa salas na may kausap sa cellphone. “Aalis na ho ako,” paalam ko nang hindi humihinto sa paglalakad. “Hija, susunduin ka raw ni Vhan dito sa bahay. Hintayin mo na lamang at on the way na raw siya.” Tila ba ako nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya. Napakagat ako sa ib
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin