Share

CHAPTER 4:

Author: Kanarie
last update Last Updated: 2021-08-09 13:00:54

     Pumakala ako ng naiiritang ungol bago itinuon pabalik sa ginagawang pagsulat sa notebook ang aking atensyon. In fairness, kahit nasa 50’s na si sir ay hindi siya boring magturo. Sa sobrang lively ng klase ni Sir ay nagamit pa namin ang another five minutes na dapat ay sa susunod ng subject. Good thing, wala pa raw kaming instructor para sa subject na iyon.

     Nang magpaalam na si Sir na aalis ay nagligpit na rin ako ng mga inilabas kong gamit. Sumunod ang mga mata ko sa kamay ni Thunder na naunang dumampot sa notebook ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin subalit tila hindi man lamang siya natinag at binuklat pa nga ang nasabing notebook.

     Aagawin ko sana ito sa kaniya nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Minadali ko ang pagliligpit ng aking mga gamit pabalik sa bag tsaka hinabol si Thunder. Naabutan ko siyang naglalakad sa lobby sukbit ang backpack sa kanan niyang balikat. Gustuhin ko man siyang tawagin ay hindi ko magawa dahil na rin nasa lobby kami.

     “Babe!” Sisigaw na sana ako para tawagin si Thunder nang may pamilyar ng tinig akong narinig. Napabuntong-hinga na lamang ako nang makita ko si Vhan. Patakbo siyang lumapit sa akin.

     “Dismissal niyo na?” tanong niya nang makalapit siya sa akin. Luminga ako para habulin ng tingin si Thunder. Patuloy ito sa paglalakad papunta sa gate.

     “H-hindi pa. I-ikaw? Bakit nasa labas ka na?”

     “Humiram kami ng remote sa kabilang department. Ayaw kasing gumawa ng remote sa room.” Itinaas niya ang remote na hawak. Tumango-tango naman ako at muling hinabol ng tingin si Thunder. Kapag nakalabas siya sa gate, imposible ng mahabol ko pa siya.

     “Hoy, Llorico! Tara na!” sigaw ng lalaking kaklase yata niya. Tinapik niya nang mahina ang balikat ko tsaka ngumiti at nagmadali pabalik sa kasama niya. Ako naman ay nagpatuloy sa paghabol kay Thunder.

     Maaaring notebook lang iyon pero kalahati iyon ng buhay ko. Hindi ko na hahayaan pang may magamit na naman siya para i-blackmail ako. Nawala na sa paningin ko si Thunder nang makaabot ako sa gate. Sinubukan kong magtanong sa guard pero ayun sa kaniya ay sumakay na ito ng taxi paalis. Napaupo na lang ako sa bench sa labas ng school. Ilang segundo lang ang lumipas ay v-um-ibrate ang cellphone ko.

     Si Cham ang tumatawag. Doon ko lang naalalang hindi ako nagpasabi na mauuna akong lalabas.

     “Jehan, nasaan ka? Uuwi na kami.”

     Kami? Gusto ko sanang itanong nang maalala ko si Liane. Mukhang nagiging close na sila.

     “N-nandito na ako sa gate. Hinihintay ko ‘yung sundo ko,” alibi ko kahit pa usapan namin kanina na sasabay ako sa kaniya pauwi at doon sa apartment niya magpapalipas ng maghapon.

     “Ganoon? Nang-iiwan ka na ngayon? Akala ko ba tutulungan mo akong maglinis ng apartment ko?”

     “Duh?! Hindi nga ako naglilinis sa bahay. Bakit kita tutulungan? Tsaka na lang ako pupunta kapag malinis na. Sige, bye!” paalam ko. Akmang ibababa ko na ang cellphone nang may maalala ako kaya muli ko itong itinapat sa aking tenga.

     “Cham, may contact ka ba ni Thunder? Importante lang.”

     “Okay. Message ko na lang sa ‘yo.”

     “Sig—” natigilan ako, “may load ka?”

     “Kelan ba ako naubusan ng load? Hello? Ako kaya ang tumawag sa iyo!” Napakagat ako sa ibabang labi nang maalala ang sinabi ni Thunder kanina na wala raw load si Cham.

     Natatawa ako nang pindutin ko ang end button. Minuto lang ang lumipas at naisend na kaagad ni Cham sa akin ang hinihingi ko. Napatitig ako sa numerong naka-flash sa screen at naghihintay na lang na pindutin ko ang call button. Isang pindot lang sa green button ay magkakaroon na siya ng contact ko. Ganoon ba talaga kaimportante ang notebook na iyon para makuha niya ang number ko?

     “Cham, si Jehan oh!” Nataranta ako’t involuntarily na napindot ng hinlalaki ko ang call button. Napatayo ako nang marinig ang dial tone.

     “Jehan!” hila ni Liane si Cham at nakangiting lumapit sa akin. Hindi ko alam kung malakas lang ba ang volume ng cellphone ko o sadyang nai-loudspeaker ko ito. Nagpapaligsahan sa lakas ang pag-ring ng cellphone ni Thunder at ang tibok ng puso ko. Napapikit na lamang ako nang sagutin niya ang tawag.

     “Kuya, si Liane ito. Si Jehan ang tumawag sa iyo,” pag-eexpose sa akin ni Liane. Napalunok ako ng sariling laway nang balutin kami ng nakabibinging katahimikan. Hinila ni Cham palayo sa akin si Liane.

     “Ah! Jehan, ikaw pala. B-bakit?” Sa halip na sagutin ang tanong niya ay agad ko ng tinapos ang tawag. Tiningnan ko nang masama si Liane tsaka muling naupo sa bench.

     Tila ba gusto ko na lamang maglaho sa kinauupuan ko sa lubhang hiya. Mabuti na lamang at niyaya na ni Cham si Liane na umalis at ako naman ay tumawag na rin sa bahay upang magpasundo.

     “Contact number, saved!”

     Ito ang mensahe na bumungad sa akin nang buksan ko ang cellphone ko pagkagising. Papalubog na ang araw sa kanluran. Himalang nakatulog ako pagkauwi ko galing sa school. Nakabalandra sa lockscreen ang picture namin ni Vhan kasama ang limang unread messages mula kay Thunder at lima ring missed calls. Bumuntong-hinga na lamang ako at bumangon.

     Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako para maghanap ng makakain. Habang nasa hagdanan ay nagbabasa ako ng mga mensahe. Apat sa limang mensahe ay mula sa isang unregistered contact, marahil ay si Thunder. Tinatanong nito kung ba’t ako napatawag. Ang isa naman ay mula kay Vhan na nagsasabing tatawag siya.

     Huminto ako sa paghakbang sa hagdanan nang mabasa ang mensahe niya. Sa pag-aakalang kay Thunder nagmula ang limang missed calls ay hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang tingnan. Binura ko lahat ng mensahe ni Thunder, isinilid sa bulsa ang cellphone tsaka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan.

     “Ayan, gising na siya.” Bumaling ako sa main door nang marinig ang boses ni Nanay Dolor.

     Pumasok siya sa pinto kasunod si Vhan na may dala pa ngang box ng cake. Nalimutan ko tuloy ang siyang sadya ko kaya ako bumaba at naglakad para salubungin siya. Nang tuluyan na silang makapasok sa living room ay nagpaalam si Nanay na maghahanda ng maiinom. Maliban sa cake ay may isang tangkay ng pulang rosas din siyang dala na inilagay ko naman sa vase na nasa center table.

     “Galit ka pa rin ba?” tanong niya. Nagtataka akong lumingon sa kaniya. Itinuro niya ako na tila ba binaril gamit ang kanan niyang kamay at kapagka’y umiling.

     “Moody ka talaga, ano? Huwag mo akong kakausapin. Naiinis ako sa iyo!” pag-iimitate niya sa sinabi ko sa kaniya kanina sa school. Hindi lang paraan ng pagkakasabi ko, kung ‘di pati na rin ang madalas na pagtaas ng kaliwa kong kilay.

     “Kung galit pa rin ako, hindi na dapat kita kinausap sa lobby kanina.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch tsaka lumingon sa kaniya.

     “Gusto mong lumabas sa garden?” Nakangiti naman siyang tumango.

     “Hindi mo na naisoli sa akin ‘yang shirt ko.”

     Yumuko ako upang tingnan ang sinasabi niyang shirt. It’s the dark green shirt na hiniram ko sa kaniya noong magwa-one hundred days pa lamang ang relasyon namin. Sa pagkakatanda ko, ito ang pangatlong beses na sinuot ko ang damit na ito mula nang hiramin ko sa kaniya.

     Katamtaman lang ang laki ng outdoor space namin. It was just a typical residential house with a small garage, pool and a garden. Bermuda grass ang nagsilbing carpet sa garden area at mga non-flowering plants naman ang nagsilbing baby fench. Kinuha ko sa likurang bulsa ng shorts ang aking cellphone bago umupo sa rattan couch kung saan din umupo si Vhan para tumabi sa akin.

     “So? What brought you here?” pagbubukas ko ng topiko. Napansin ko si Nanay Dolor na papunta sa gawi namin dito sa garden. Inilapag niya sa round glass table ang dala niyang juice.

     “Bawal ka ng puntahan dito ng walang dahilan?” I rolled my eyes at him. Nagsalin ako ng juice sa sa dalawang baso habang hinihintay ang matino niyang sagot sa tanong ko.

     “May gagawin ka ba bukas?” Sa halip na sagutin ang nauna kong tanong ay muli siyang bumitaw ng katanungan.

     “Bukas? May klase ako bukas. Bakit?”

     “Pagkatapos ng klase mo, may gagawin ka ba?”

     Umiling ako. “Wala naman.”

     “O-kay!” Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung saan sisimulan.

     “Anong meron?” tanong ko pagkatapos sumimsim sa juice. Nakangiti naman siyang umiling tsaka inabot ang basong nakaalan para sa kaniya.

     “Siya nga pala, ‘yung Thunder. Paano mo ‘yon nakilala?”

     Kahit pa narinig ko na kanina na ang tungkol sa kung paano ay gusto ko pa ring kunin ang side ni Vhan. Anong malay natin, may dagdag at bawas na ang kwento ni Thunder kay Cham kanina.

     “Ah, si K? I prefer to call him K. Napapadalas na ako sa motocross camp nitong mga nakaraang araw ‘di ba? Doon ko siya nakilala. Nagkataong kababata pala siya ni Xaw. Lumipat sila sa Seattle sa States noong seven siya at pinapalitan rin ang pangalan niya. Akala ko nga noong una, pinsan mo pero ang sabi niya hindi siya totoong Monhador.”

     “Originally, ano raw talaga ‘yung name niya?” curious kong tanong.

     “Hindi niya sinabi at hindi na rin ako nag-abala pang itanong. Bakit?”

     “Bakit hindi mo tinanong!?” napagtaasan ko siya ng boses. Naudlot tuloy ang balak sana niyang paghawak sa kamay ko.

     “Nagagalit ka na naman? Sa susunod, itatanong ko.”

     I don’t have much social exposure. I prefer to be alone but most of the time, I spent it with Cham and Aquinah. Sa kaso naman ni Vhan, masyado siyang outgoing at maraming kaibigan kaya gustuhin ko man o hindi, may makikilala at makikilala akong bagong personalidad kapag magkasama kami.

     “Kahit huwag na,” kunwari ay nagtatampo kong saad. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko tsaka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Tumagal din iyon nang ilang minuto. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay napatitig ako sa kaniyang mukha.

     He’s undoubtedly handsome. Marami akong nakilalang may crush sa kaniya at ang iba ay usap-usapan pang naging girlfriend niya pero parang hindi naman. Sweet lang talaga siya kaya siguro nami-misunderstood ng iba. Napakagat ako sa ibabang labi nang mapansing nakatitig roon si Vhan. Maya-maya pa’y binasa niya ang kaniyang mga labi gamit ang dila tsaka unti-unting inilapit sa akin ang kaniyang mukha. Napapikit na lamang ako.

     Eksaktong paglapat ng mga labi namin ay tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Dismayadong kinagat ni Vhan ang gilid ng labi niya at siya na mismo ang umabot sa cellphone ko sa mesa. Hindi ko ugaling maglagay ng password kaya madali niya iyong nabuksan.

     “Unregistered.”

     Muli niyang pinatay ang cellphone tsaka iyon pataob na ibinalik sa mesa. Umupo ako nang maayos. May kung anong tensyon sa pagitan naming dalawa. Nang tumagal pa ang katahimikan ay peneke na lamang ni Vhan ang pag-ubo. Nilingon ko siya at muli kaming nagkatitigan.

     May kung anong energy na humihila sa aming dalawa. Muling nagkalapit ang aming mga mukha at nagtagpo ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito, wala ng nakapigil pa sa naudlot naming balak—kahit pa ang malakas at paulit-ulit na ringtone ng cellphone ko. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang mapagtantong nasa bahay nga pala kami. It wasn’t our first kiss but it’s the first time that we did it here at my house.

     “Isa pa. Wala namang nakakakita,” hirit pa nga niya pero hinampas ko na lang siya sa braso.

     Tumayo na ako sa pagkakaupo tsaka dinampot sa mesa ang cellphone ko. Isinilid ko iyon sa likurang bulsa ng shorts ko. Tumayo na rin si Vhan. Bitbit ang tray ng juice at hindi nagalaw na cake ay naglakad kami papunta sa pinto ng kusina, papasok sa bahay.

      “Jey! Babe…” pangungulit pa nga niya na siyang ikinangiti ko na lang.

     “Llorico!” Nilingon ko siya na nasa likuran ko tsaka dinuro. Inilapag niya sa counter ang tray. Kinuha niya ang box ng cake at isinilid sa ref tsaka sumunod sa akin papunta sa living room.

     “Yes ba, babe?” Bumuntong-hinga na lamang ako.

     “Nanay, lalayas este aalis na raw ho si Vhan!” sigaw ko nang makarating sa salas kahit pa nasa harapan ko lang si Nanay Dolor.

     “Ha? Maaga pa naman. Dito ka na lamang maghapunan, hijo.” Pilit akong ngumiti kay Nanay. Wala namang sinabi si Vhan na uuwi na siya pero baka kung saan mapunta ang isa pang kiss na hinihingi niya. Naramdaman ko ang pagpatong ng braso ni Vhan sa balikat ko.

     “Lalayas na ho ako Nanay D. Babalik na lang ho ako sa susunod.” Bakas sa mukha ng matanda ang pagkadismaya pero napalitan naman iyon ng ngiti nang ngumiti si Vhan.

     Nagpresenta akong ihatid si Vhan at siyang magsara ng gate. Nang hindi na abot ng aking tanaw ang minamaneho niyang kotse ay pumasok na ako’t isinara ang gate. Nakakailang hakbang pa lamang ako palayo sa gate nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. It’s the same unregistered number. Si Thunder ba ito?

     “Hello?” bati ko. May naririnig akong kung anong pagkalampag sa background niya.

     “Jehan, pwede ka bang pumunta sa address na binigay ko sa ‘yo kanina? Magpapatulong lang sana akong maglagay ng band—”

     I ended the call.

Related chapters

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 5:

    “Aquinah!” Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Cham sa pangalan ng kaibigan namin. Iilang hakbang na lamang at mararating na namin ang pinto ng classroom. Bumitaw siya sa pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo para salubungin si Quin. Nakangiti akong sumunod sa kaniya. “Bakit ka lumipat ng section?” nanlabi si Cham na siyang nagtanong. Bumaling sa akin si Quin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cham. “May in-advance akong subject sa second year. Conflict sa schedule natin kaya lumipat na lang ako ng section,” paliwanag naman nito. “Ba’t ka ba kasi nag-advance? Pwede naman nating kunin nang sabay-sabay next year!” may pagtatampo sa boses ni Cham. Lumingon siya sa akin kaya tumango na naman ako para suportahan siya. “Girls, I’m two years older than you both. Nahuhuli na ako

    Last Updated : 2021-08-11
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 6:

    “I’ll try,” tanging sagot ko na lamang. Binitiwan naman na ni Aquinah ang mga kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya papunta sa pwesto nina Cham at Liane tsaka sinabing magpapakulot din siya ng buhok. “Siya nga pala! Birthday ng friend ko na taga-kabilang school bukas. Kilala yata ‘yon ni Quin,” pag-iiba ni Liane ng topiko. Sa wakas! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa gawi ko. Si Aquinah naman ang umukupa sa upuan sa harap ng vanity mirror. “Si Rizel ba?” tumango si Liane. “Ah, oo. Pinapapunta nga niya ako. Sa bar daw nina Corbi gaganapin. Everything is free, aside from boys.” “Pupunta ako, kayo?” Nilingon ako ni Cham. Kanina ko pa gustong palitan ang topic pero ngayong iba na ang pinag-uusapan namin, sumisingit naman si Thunder sa isipan ko. We did met that night

    Last Updated : 2021-08-11
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 7

    “’Yung bilin ko. Umuwi before 10 P.M. Gusto mo, sunduin na lang kita?” ani Vhan via phone call. “Eh, kung sumama ka na lang kaya?” “Ten P.M. Final na. Kapag hindi ka pa umuwi sa oras na iyon, susunduin kita.” I rolled my eyes as if he’s right in front of me. He sounded possessive, too. Hindi naman sa ayoko siyang sundin pero minsan na nga lang ako makapupunta sa mga night party, may time limit pa? Habang abala sina Liane, Cham at Aquinah sa pag-aayos ay prente naman akong nakaupo sa kama. “I can handle myself, okay?” “No, you can’t, Jey! Remember that night when you got drunk? Saan ka nga natulog?” He might talking about that night of my birthday. I let out a deep breathe. “Babe!” Kapag hindi pa gumana itong pagpapa-cute ko, ewan na lang. Narinig ko naman

    Last Updated : 2021-08-25
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 8

    Weekend was over but I’m not in the mood to attend my classes today. Matapos akong ihatid ni Vhan sa bahay noong tanghali ng Sabado ay hindi na ulit siya nagparamdam. Buong weekend akong walang balita sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga messages ko, pati na mga tawag. Gustuhin ko mang lumiban ngayong araw ay hindi pupwede. May mga instructors pa kaming hindi name-meet last week. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa salas. Maaga pa naman pero sa cafeteria na lang siguro sa school ako kakain ng breakfast. Naabutan ko si Nanay Dolor sa salas na may kausap sa cellphone. “Aalis na ho ako,” paalam ko nang hindi humihinto sa paglalakad. “Hija, susunduin ka raw ni Vhan dito sa bahay. Hintayin mo na lamang at on the way na raw siya.” Tila ba ako nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya. Napakagat ako sa ib

    Last Updated : 2021-08-25
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 9

    Nilakihan ko ang awang ng pinto at tumuloy na nga papasok. Binati ako ng malamig na temperaturang nagmumula sa aircon—‘sing lamig ng mga tingin sa akin ni Corbi. Anong problema ng isang ito? Kahit pa hindi siya direktang nakatingin sa akin, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga tingin. Ang awkward lang. Mauupo na sana ako sa kulay brown na sofa sa gilid malapit sa wall nang mapansin kong may nakabaluktot ang pagkakahiga roon at tila ba natutulog. Si Craig! Katulad ng nabanggit ko na, magkaibigan ang pamilya namin ni Corbi. Ninong sa kasal ng mga magulang niya si Lolo Martin. Mula pagkabata ay madalas nang nagku-krus ang landas naming dalawa—sa bahay man o sa kung saang family events. But we’re not close. Madalas nga akong naiilang sa tuwing nakikita ko siya. Isa rin siya sa iilang mga taong nakasalamuha ko na mahirap basahin ang ugali. Minsan bigla-bigla na lamang mangangalabit at ngingitian ka nang walang sapat na rason. Madalas naman da

    Last Updated : 2021-09-04
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 10

    “B-bitiwan mo ako,” pagkontra ko sa pagitan ng pagsinghot. “Stay still! You’re heavy!” saway naman niya na siyang nagpatameme sa akin. May mga napapalingon sa gawi namin kaya upang takasan ang kahihiyan ay nanamihik na lamang ako at itinago ang aking mukha sa dibdib niya. Sa puntong ito ay sinubukan kong tumahan na at hayaan na lamang siyang itakas ako palayo. May kung ano sa presence niya na siyang nagtanggal ng takot na nararamdam ko. Ibinaba ako ni Thunder sa parking area ng university; sa harap ng itim na kotseng gamit niya noong ikatlong araw ng pasukan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at mahinang itinulak papasok. Kung tutuusin, dapat nagpapanic na ako sa mga oras na ito—remembering that night sa bar—pero sa mga sandaling ito ay wala man lamang akong maramdaman na takot. I found myself sitting on the passenger seat with him on the driver’s seat. “Iyan. Dito ka umiyak. Dito ka magwala. Dito mo ibuhos lahat ng kadramahan mo

    Last Updated : 2021-09-04
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 11

    Nanumbalik sa wisyo ang aking pag-iisip nang marinig ang tanong niya. Nakangiti akong yumuko para tingnan si Toki na kanina pa nagpupumilit na bumaba. Iginala ko ng tingin ang paligid at nang mapagtatantong nasa garden area na kami ay ibinaba ko na si Toki. “I got it from Th—” natigilan ako nang ma-realize kong mae-expose kong magkasama kami ni Thunder buong maghapon. “From a friend. Yeah, from a friend.” “Anyways, tara doon! May naiambag din naman kahit papaano ‘yong pag-uwi mo nang late.” Humakbang siya papunta sa likuran ko. Piniringan niya ako gamit ang panyo at saka inalalayan sa paglalakad. Napanganga na lamang ako nang makita ang nagliliwanag na light bulbs na nakasabit sa hindi kataasang arc nang tanggalin ni Vhan ang panyong nakatakip sa aking mga mata. Sa tagal kong umuwi, malamang ay nagkaroon siya ng oras para gawin ito. The arc served as the door papunta sa wooden table at bench. Mababa lang ang table at bench. Halos ilang inch lang ang t

    Last Updated : 2021-09-05
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 12

    Kanina pa ako tila baka na umaatungal sa loob ng kotse ni Thunder. Tumigil na rin siya sa pag-aalo sa akin, siguro ay na-sense niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob na meron ako. Nanatili siyang nakaupo sa driver’s seat habang nasa labas—sa malayo—ang mga tingin. Paminsan-minsan niyang ipinupukpok ang index finger ng kamay niyang nakahawak sa steering wheel. “Parang may something talaga sa kanila, ‘di ba?” Nilingon ako ni Thunder pero wala siyang binitawang salita. Pinunasan ko ang mga natuyo kong luha sa pisngi at sinalubong ang mga tingin niya. Kumunot ang noo niya’t siya ring naunang umiwas ng tingin. Marahil iniisip niya na over acting ako at masyadong mapaghinala. Mukha naman kasing walang matinong babae na papatol sa kaniya. Malamang hindi niya alam ‘yong pakiramdam na may ibang nagpapasaya sa taong mahal niya. Moreover, he’s a guy so he wouldn’t really know what female intuition is and how accurat

    Last Updated : 2021-09-07

Latest chapter

  • Settled To The Bad Guy   EPILOGUE:

    Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 60:

    Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 59:

    Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 58:

    Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 57:

    Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 56:

    Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 55:

    Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 54:

    Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 53:

    Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status