Share

CHAPTER 1:

Author: Kanarie
last update Last Updated: 2021-08-05 16:44:48

     "Susmaryosep! Ano ka ba namang bata ka! Saan ka pumunta kagabi?” salubong na sermon ni Nanay Dolor na siyang nagbukas ng bakal na gate para sa akin.

     “Alam mo bang muntik ng atakehin ng sakit niya ang Lolo mo nang malamang nawawala ka sa party?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

     Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone na siyang tanging nadampot nang magising ako kanina sa hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko mahagilap ang stilettos na suot kagabi kaya nakayapak akong sumakay ng taxi pauwi rito sa bahay. Mabuti na lang at may naipit akong pera sa case ng cellphone ko na siyang aking ipinambayad.

     Nahihilo pa rin ako.

     "Si Mommy po?" Tila ba ako hinahabol sa paraan ng paglakad ko papasok sa bahay namin. Tinted ang salamin na wall sa living room kaya naman agad kong nakita ang mukha ko bago ako pumasok sa main door. To tell you, hindi iyon kaaya-aya.

     "Naroon sa mansion. Pinapasabi nga niyang tawagan siya sakaling umuwi ka na. Saan ka ba kasi galing?"

     Saan nga ba ako galing?

     Huminto ako sa paglalakad at napahilig ng ulo sa naging tanong niya. Habol ko ang aking paghinga habang inaalala kung saan nga ba ako nanggaling.

     Sa pagkakaalala ko, matapos kong makita si Vhan na may kahalikang babae sa bandang garden area ay tumakbo ako papunta sa main gate. Abala noon ang guard on duty sa pagpapapasok ng mga nahuling bisita kaya madali akong nakalabas. Tumakbo ako palayo at agad na pumara ng taxi.

     Sumakay ako sa taxi na iyon at bumaba sa pamilyar na bar. Pumasok sa loob, naupo sa stool na nasa counter at may naki-upong lalaki sa tabi ko. Kinausap niya ako, niyayang sumayaw at—

     "Jehan, hija, okay ka lang ba?"

     At hindi Aquinah ang pangalan ko.

     "Ah?! Maliligo po muna ako."

     The said night party took place at Lolo Martin’s house. Bago pa man ako umalis sa party ay nakainom na ako. Mukhang mas marami ang nainom ko sa bar at halos wala na akong matandaan matapos akong halikan ng lalaking iyon sa dance floor.

     Halikan? Did we really kissed? Napatakip ako ng mga kamay sa bibig. Hindi ko na maalala ang buong detalye ng mga pangyayari kagabi.

     Nakahawak ako sa ulo habang pababa sa hagdanan matapos maglinis ng sarili. Naamoy ko pa rin ang masangsang na amoy ng alak sa bibig ko kahit pa nakapag-toothbrush at mouthwash na ako. Sa kusina ako tumungo nang tuluyang makababa.

     “Saan ka pumunta kagabi, ha? Jehan Xaimylle? Wala na bang natitirang respeto riyan sa pagkatao mo at basta-basta ka na lamang umalis sa party nang hindi nagpapaalam? Kamuntikan nang atakehin ng sakit niya sa puso ang Lolo mo!” sermon ni Mommy sa akin. Eksakto kasing paglabas ko ng kusina ay siya ring pasok niya sa main door. Balak ko pa sanang bumalik at magtago pero nahuli na niya ako.

     Naghihintay akong sabihin niya sa akin na magiging grounded ako for a month, pero nang wala akong marinig ay napakunot na lang ako ng noo. Mas matindi siyang sumermon sa akin noon at pagkatapos ay sa apat na sulok na lamang ng bakuran namin umiikot ang mundo ko. Siguro napagtanto niyang nineteen na ako at nakakahiya kay Vhan kung ipagpapatuloy niya ang mga ganoong parusa sa akin.

     Speaking of that guy, aba’t hindi man lamang yata ako naalala ng lalaking iyon!

     "Aalis ka po ulit, Ma?" tanong ko nang mapansin ang maletang ibinababa ni Lali sa hagdanan.

     "I still have unfinished business in Seoul. Umuwi lang naman ako rito para umattend sa birthday mo pero ganito pa ang nangyari!"

     Pilit ang mga ngiti ko nang humarap sa kaniya. May kinuha siyang pera sa wallet niya. Binilang muna niya ito bago inabot sa akin. Tinanggap ko iyon at sinaway ang sariling huwag bilangin sa harapan niya. Magmula nang gastahin ko sa isang araw lamang ang laman ng credit card ko last year ay hindi na niya iyon muling pinahawak sa akin.

     “Dadalawin ko na lang ho si Lolo mama—"

     "No!" Lahat kami na naroon sa living room ay lumingon kay Mommy. Hindi pa kasi ako tapos magsalita pero binara na niya ako kaagad.

     "Hindi mo pwedeng bisitahin ang Lolo mo sa ngayon. My God, Jehan! Gusto mo na ba siyang mamatay?"

     Napayuko na ako. Hindi ito ang unang beses na kamuntikan ng atakehin ng sakit niya sa puso si Lolo. Maraming beses na itong nangyayari at ako parati ang dahilan. Halos kaedaran ko na raw ang sakit niyang iyon.

     "Nanay Dolor, ikaw na ho ang bahala rito sa bahay. Tatawag na lang ho ako kapag importante."

     Ilang oras pa lang akong naipapanganak noong namatay si Lola—ayon sa kwento ni Nanay Dolor na isa sa pinakamatagal na kasambahay ng pamilya namin. Kaya siguro ganoon na lang din kailap sa akin ni Lolo. My existence reminds him of the death of my late grandma. Kaya minsan, ako na lang din talaga ang umiiwas na lumapit sa kaniya.

     Tamang kaway lamang ako sa papalayong sasakyan na siyang maghahatid kay Mommy sa airport. Noong hindi na ito maabot ng aking tingin ay tumalikod na ako para pumasok muli sa loob at matulog na lamang para mawala itong hang-over ko. Isasara na sana ni Nanay Dolor ang gate nang may humintong kotse sa harapan.

     "Jehan!" sabay na sigaw ng dalawang pamilyar na tinig. Nang lingunin ko ang mga ito ay napangiti na lamang ako nang pilit. There’s a girl with short hair who’s a bit smaller that the other girl with long ash hair. They are Charmaine and Aquinah—my bestfriends.

     Obviously, nagsinungaling ako sa lalaking humingi ng pangalan ko sa bar kagabi. Hindi ko naman siya kilala kaya bakit ko ibibigay ang identity ko sa kaniya, hindi ba? Maliban kina Cham at Quin na bumaba sa kotse at sumalubong ng yakap sa akin, may isa pang tao na bumaba mula naman sa driver's seat.

     Si Vhan Austin Llorico.

     Inayos niya ang pagkakatakip ng kaniyang buhok sa kaniyang noo habang naglalakad papalapit sa akin. Malawak ang mga ngiti niya na siyang ikinahugis-parisukat ng kaniyang mga labi. Dahil nagkataong papasok na kami sa gate ay pinatuloy na rin namin sila.

     "Secret Paradise Bar? Ang daya naman! Sana niyaya mo kami, eh 'di mas masaya!"

     Napangiwi ako sa sinabi ni Aquinah tsaka siya pilit na nginitian. Magkatabi kaming nakaupo ni Vhan sa sofa. Sila naman ni Cham ang magkatabi sa kasalungat na sofa at nilalantakan ang brown cookies na inihanda ni Nanay.

     "'Di ba, Vhan?" dugtong pa nga niya.

     Nilingon ko ang katabi kong tahimik lang na nakatingin kay Quin. Salubong ang mga kilay niyang natatakpan ng dark brown at bagsak niyang buhok. Sa limang buwan na naming mag-on ni Vhan, ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang nagtaas ng buhok. Nagkibit-balikat siya bago tinapunan ng masamang tingin si Quin.

     "Pero seryoso? Bakit ka nga tumakas?" This time, si Cham naman ang nagtanong.

     Sumulyap ako sandali kina Vhan at Aquinah na patuloy sa pagpapalitan ng masasamang tingin.

     "May nakita kasi akong naghahalikang palaka sa party ko kagabi. Alam niyo naman kung gaano ako naiinis sa mga palaka 'di ba? Kaya ayun, ako na 'yung nag-adjust para sa kanila. Nahiya pa, eh!"

     "Sana binato mo!" sabat ni Vhan.

     Hindi ko alam kung nakuha ba niya ang ibig kong sabihin sa metaphor na ginamit ko para sa kaniya at kay Aquinah na siyang pinaghihinalaan kong babae na kasama niya kagabi. Naikuyom ko nang mahigpit ang kamay kong nakalimutan kong hawak pala niya. Umalingawngaw tuloy sa buong sala ang malakas at baritono niyang sigaw.

     Ang lakas lang talaga ng loob niyang nambabae sa mismong birthday party ko at kaibigan ko pa!

     “It’s animal cruelty, honey. Ayokong manakit ng mga pangit na nilalang. Alam mo na, baka mas lalong pumangit kapag nasapol sa mukha!"

     "Hay, mabuti na lang ako, maganda," puri ni Aquinah sa sarili. She's checking her new nail art design na pakiramdam ko, kanina pa niya fini-flex sa akin. Paki-alam ko sa kung maganda, masisira rin naman iyan kapag nagsabunutan kaming dalawa.

     Aquinah and Vhan are grade school buddies, got separated and haven’t communicated in middle school and then met each other again last year because of me. Sa lahat ng babaeng umaaligid kay Vhan, sa kaniya ako pinaka-insecure.

     It’s given that she’s tall, pretty and brainy but aside from that, she’s Vhan’s secret crush way back grade school. Inamin sa akin iyon ni Vhan nang minsang mag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Nagbalak din daw siyang ligawan sana si Quin pagtuntong nila sa middle school pero hindi nangyari dahil lumipat nga sa school namin ni Cham si Aquinah.

     But she’s one of my best friends now. Ayoko siyang paratangan ng walang matibay na ebidensya. Pero sa mga ikinikilos nilang dalawa, parang may something kasi. Idagdag na rin na kapareho niya ng dress na suot kagabi ang babaeng kasama ni Vhan.

     Ang balak kong matulog kanina ay nauwi sa panonood ng series sa Netflix na request ni Charmaine. Hindi ko nga alam kung natapos ko ba ang unang episode. Nakatulog kasi ako. Nang magising ay nakahiga na sa kama at malalim na ang gabi.

     Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong bumaba. Patay na ang mga ilaw sa baba, maliban sa mga ilaw sa labas ng bahay na tumatagos sa tinted na salamin sa salas. May itinabing pagkain sa akin si Nanay Dolor sa mesa na iinitin ko na lamang sa microwave.

     "Gising ka na?"

     Naistatwa ako sa kinatatayuan, sa harap ng microwave, nang may nagsalita sa direksyon ng bukas na pinto ng kusina. Naaninag ko si Vhan na pumasok sa dining area.

     "Nagugutom ka?"

     Nilagpasan niya ako at naupo sa isa sa mga upuan sa dining. Nakabalot sa katawan niya ang comforter na sumasayad na sa sahig. Pasimple ko siyang inirapan bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan niya at inilapag roon ang bowl ng ulam.

     "Hindi ka umuwi?" Ipinatong niya sa mesa ang kaniyang kaliwang siko tsaka nakapangalumbabang humarap sa akin. Hindi ko siya pinansin. Sa halip ay bumalik ako papunta sa ref para kumuha ng maiinom na soda in can. Bitbit ang soda ay naglakad ako pabalik sa mesa at naupo sa kaharap niya na upuan.

     "Sinong boyfriend ba naman ang uuwi nang hindi nakakausap ang girlfriend niyang nag-bar mag-isa at may kasamang ibang lalaki?" Natawa ako sa tinuran niya. Coming from the guy who kissed someone else in his girlfriend’s birthday party.

     "Excuse me? Sino ang may kasamang ibang lalaki?"

     "Ako siguro?"

     "You are talking nonsense, Mr. Llorico!" pagtatapos ko ng usapan. Mukhang nahihinuha ko na kung saan pupunta ang usapan namin kung magpapatuloy kami sa ganoong topic.

     "I've been ringging your phone since I heard that you're nowhere to be seen in your own party last night. Guess what? Lalaki ang sumagot. Baka naman may plano kang magpaliwanag?

     Lalaki? Hindi ko pa nache-check ang phone ko kaya hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi niya.

     Huwag naman sanang ‘yung lalaki sa bar ang sumagot ng tawag niya. Kung ‘di, mababaliktad ang kwento at lalabas na ako ang nagch-cheat sa kaniya. Pinakatitigan ko siya na siyang ginawa niya sa akin. Bakit parang pakiramdam ko, ako itong nah-hot seat sa aming dalawa?

     "Sino ‘yung lalaking kasama mo?" Umarko ang natural na mataray kong kilay. Napalunok din ako ng sariling laway. Nanatili kaming nakatitig sa mata ng bawat isa kung saan ay ako na ang kusang sumuko noong huli. Inabot ni Vhan ang soda. Binuksan niya ito bago ibinalik sa harapan ko.

     "Guilty?" Mabilis akong umiling.

     "Why would I? Baka ikaw?" Buntong-hinga lang ang isinagot niya sa naging tanong ko.

     Nakangiti siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad siya papunta sa tabi ko tsaka ginulo ang katamtamang haba ng bagsak at natural na brown kong buhok. Naiirita akong tinanggal ang kamay niya sa ulo ko’t baka may mahulog na hibla sa pagkain ko. Hindi man ako sigurado kung si Aquinah ba o hindi ang babaeng iyon kagabi, walang duda namang siya iyon.

     Kilalang-kilala ko siya kahit pa nakatalikod.

     “Tutal nakapag-usap naman na tayo, uuwi na ako. Ikaw na ang magsabi kina Nanay D na umalis na ako,” ani niya.

     “Nang ganitong oras?” Nilingon ko siya. Alas-dos pa lamang ng madaling araw. Walang pag-aalinlangan naman siyang tumayo. Hinatid ko naman siya ng tanaw nang makalabas na sa gate ang kotse niya.

     You will know that you truly love the person if you can see yourself with him in the future. Wala akong nakagisnang ama habang tumatanda at ayokong maranasan ng magiging anak ko sa future ang ganoong pangungulila. I can see Vhan to be that kind of Dad for my future kids. Pero sa mga ikinikilos niya ngayon, unti-unti nang nagiging malabo ang pangarap na iyon.

     Sabi nga nila, trust your instincts. Paano ko ba mapapaamin si Vhan nang hindi ako nagmumukha na parang pinagdududahan siya?

Related chapters

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 2:

    “Babe!” boses ni Vhan ang pumigil sa akin sa paglalakad palayo sa entrance gate ng university. Nilingon ko siya sa likuran ko na nagmamadali namang lumapit sa akin. “Mr. Llorico, ‘yang boses mo!” saway ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin na siyang ikinahugis-parihaba ng kaniyang labi. Huminto siya sa tabi ko at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. It’s been three weeks since my birthday. Vhan and I, we’re doing fine and our relationship goes on. Isinawalang-bahala ko na lamang ang mga pagdududa ko sa kaniya. Baka naman kasi namamalikmata lang ako ng gabing iyon dala na rin ng tama ng alak. Today isn’t the first day of the new school year but this is the first time that I’ve seen him here in the university. Wala naman daw kasing klase sa una at pangalawang araw ng pasukan kaya kesa sa tumunganga sa room at magbilang ng

    Last Updated : 2021-08-05
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 3:

    “Aquinah pala, ha?” Natigilan ako sandali pero agad ding nakabawi at bumalik sa ginagawa. Binalot kaming dalawa ng nakabibinging katahimikan. Mabuti na lang at dumating si Cham at binasag ang katahimikang iyon. “Thunder, saan mo banda iginarahe ‘yung kotse ni Xaw?” Nakangiting itinuro ni please-censor-his-name si Cham na para bang alam niya ang tumatakbo sa isipan nito. Hinuli ni Cham ang kamay niyang iyon tsaka hinawakan nang mahigpit. Tila ba nagmamakaawa na siya. “Sus. Iyang mga tingin na iyan, alam ko na ‘yan.” “E? Sige na kasi. Sabihin mo na.” Umiling si please-censor-his-name na siyang ikinainis ni Cham. Binitiwan niya ang kamay nito at nagawa pa ngang pumadyak sa sahig. “Bubutasin mo lang naman ang gulong n’on. Cham, maawa ka naman sa akin na magpapaayos kung saka-sakali.” Ila

    Last Updated : 2021-08-07
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 4:

    Pumakala ako ng naiiritang ungol bago itinuon pabalik sa ginagawang pagsulat sa notebook ang aking atensyon. In fairness, kahit nasa 50’s na si sir ay hindi siya boring magturo. Sa sobrang lively ng klase ni Sir ay nagamit pa namin ang another five minutes na dapat ay sa susunod ng subject. Good thing, wala pa raw kaming instructor para sa subject na iyon. Nang magpaalam na si Sir na aalis ay nagligpit na rin ako ng mga inilabas kong gamit. Sumunod ang mga mata ko sa kamay ni Thunder na naunang dumampot sa notebook ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin subalit tila hindi man lamang siya natinag at binuklat pa nga ang nasabing notebook. Aagawin ko sana ito sa kaniya nang bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng pinto. Minadali ko ang pagliligpit ng aking mga gamit pabalik sa bag tsaka hinabol si Thunder. Naabutan ko siyang naglalakad sa lobby sukbit ang backpack sa kanan niy

    Last Updated : 2021-08-09
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 5:

    “Aquinah!” Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Cham sa pangalan ng kaibigan namin. Iilang hakbang na lamang at mararating na namin ang pinto ng classroom. Bumitaw siya sa pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo para salubungin si Quin. Nakangiti akong sumunod sa kaniya. “Bakit ka lumipat ng section?” nanlabi si Cham na siyang nagtanong. Bumaling sa akin si Quin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cham. “May in-advance akong subject sa second year. Conflict sa schedule natin kaya lumipat na lang ako ng section,” paliwanag naman nito. “Ba’t ka ba kasi nag-advance? Pwede naman nating kunin nang sabay-sabay next year!” may pagtatampo sa boses ni Cham. Lumingon siya sa akin kaya tumango na naman ako para suportahan siya. “Girls, I’m two years older than you both. Nahuhuli na ako

    Last Updated : 2021-08-11
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 6:

    “I’ll try,” tanging sagot ko na lamang. Binitiwan naman na ni Aquinah ang mga kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya papunta sa pwesto nina Cham at Liane tsaka sinabing magpapakulot din siya ng buhok. “Siya nga pala! Birthday ng friend ko na taga-kabilang school bukas. Kilala yata ‘yon ni Quin,” pag-iiba ni Liane ng topiko. Sa wakas! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa gawi ko. Si Aquinah naman ang umukupa sa upuan sa harap ng vanity mirror. “Si Rizel ba?” tumango si Liane. “Ah, oo. Pinapapunta nga niya ako. Sa bar daw nina Corbi gaganapin. Everything is free, aside from boys.” “Pupunta ako, kayo?” Nilingon ako ni Cham. Kanina ko pa gustong palitan ang topic pero ngayong iba na ang pinag-uusapan namin, sumisingit naman si Thunder sa isipan ko. We did met that night

    Last Updated : 2021-08-11
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 7

    “’Yung bilin ko. Umuwi before 10 P.M. Gusto mo, sunduin na lang kita?” ani Vhan via phone call. “Eh, kung sumama ka na lang kaya?” “Ten P.M. Final na. Kapag hindi ka pa umuwi sa oras na iyon, susunduin kita.” I rolled my eyes as if he’s right in front of me. He sounded possessive, too. Hindi naman sa ayoko siyang sundin pero minsan na nga lang ako makapupunta sa mga night party, may time limit pa? Habang abala sina Liane, Cham at Aquinah sa pag-aayos ay prente naman akong nakaupo sa kama. “I can handle myself, okay?” “No, you can’t, Jey! Remember that night when you got drunk? Saan ka nga natulog?” He might talking about that night of my birthday. I let out a deep breathe. “Babe!” Kapag hindi pa gumana itong pagpapa-cute ko, ewan na lang. Narinig ko naman

    Last Updated : 2021-08-25
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 8

    Weekend was over but I’m not in the mood to attend my classes today. Matapos akong ihatid ni Vhan sa bahay noong tanghali ng Sabado ay hindi na ulit siya nagparamdam. Buong weekend akong walang balita sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga messages ko, pati na mga tawag. Gustuhin ko mang lumiban ngayong araw ay hindi pupwede. May mga instructors pa kaming hindi name-meet last week. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa salas. Maaga pa naman pero sa cafeteria na lang siguro sa school ako kakain ng breakfast. Naabutan ko si Nanay Dolor sa salas na may kausap sa cellphone. “Aalis na ho ako,” paalam ko nang hindi humihinto sa paglalakad. “Hija, susunduin ka raw ni Vhan dito sa bahay. Hintayin mo na lamang at on the way na raw siya.” Tila ba ako nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya. Napakagat ako sa ib

    Last Updated : 2021-08-25
  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 9

    Nilakihan ko ang awang ng pinto at tumuloy na nga papasok. Binati ako ng malamig na temperaturang nagmumula sa aircon—‘sing lamig ng mga tingin sa akin ni Corbi. Anong problema ng isang ito? Kahit pa hindi siya direktang nakatingin sa akin, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga tingin. Ang awkward lang. Mauupo na sana ako sa kulay brown na sofa sa gilid malapit sa wall nang mapansin kong may nakabaluktot ang pagkakahiga roon at tila ba natutulog. Si Craig! Katulad ng nabanggit ko na, magkaibigan ang pamilya namin ni Corbi. Ninong sa kasal ng mga magulang niya si Lolo Martin. Mula pagkabata ay madalas nang nagku-krus ang landas naming dalawa—sa bahay man o sa kung saang family events. But we’re not close. Madalas nga akong naiilang sa tuwing nakikita ko siya. Isa rin siya sa iilang mga taong nakasalamuha ko na mahirap basahin ang ugali. Minsan bigla-bigla na lamang mangangalabit at ngingitian ka nang walang sapat na rason. Madalas naman da

    Last Updated : 2021-09-04

Latest chapter

  • Settled To The Bad Guy   EPILOGUE:

    Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 60:

    Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 59:

    Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 58:

    Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 57:

    Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 56:

    Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 55:

    Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 54:

    Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M

  • Settled To The Bad Guy   CHAPTER 53:

    Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status