Kinagabihan, nagpunta si Apple sa isang lugar na malapit sa puso niya—ang bar na madalas nilang puntahan ni Lance. Umaasa siyang baka naroon ito, nag-iisa at nag-iisip. Ngunit imbes na si Lance ang makita niya, naroon si Eric, ang isang lalaki na madalas niyang gamitin sa kanyang laro bilang gold digger.
"Apple! Wow, it’s been a while," masayang bati ni Eric.
Ngumiti si Apple, ngunit halatang alangan siya. "Hi, Eric. Kamusta?"
"You look stressed. Problema ba?" tanong nito habang nag-order ng dalawang baso ng alak.
Napailing si Apple. "Hindi naman. Medyo pagod lang."
Habang umiinom sila, pilit na ikinukubli ni Apple ang kanyang takot at kaba. Pero hindi niya napansin na ang bar na iyon ay hindi lamang lugar para sa kanilang dalawa. Sa isang private corner ng bar, naroon si Lance, tahimik na pinapanood sila mula sa malayo.
Hindi inaasahan ni Lance ang pagkikita nilang iyon, ngunit nang makita niya si Apple na masayang nakikipag-usap kay Eric, parang nagbalik lahat ng sakit sa kanyang puso."Mukhang hindi ka talaga titigil, Apple," bulong niya sa sarili habang nilalagok ang whiskey sa kanyang baso.
Sa pagkakataong iyon, isang desisyon ang kanyang nabuo: hinding-hindi na siya magpapasilaw sa mapanlinlang na ganda ni Apple.
Pag-uwi ni Apple nang gabing iyon, nagpadala siya ng huling mensahe kay Lance."Sweetheart, hindi ko alam kung anong nangyayari, pero sana sabihin mo sa akin. Mahal na mahal kita. Ayokong mawalan ka."
Sa kabila ng lahat, nanatili itong ‘unread.’ At sa katahimikan ng gabi, si Apple ay iniwang nag-iisa, hindi alam na ang puso ni Lance ay unti-unti nang lumalayo.
Kinabukasan, hindi na nakatiis si Apple. Nagdesisyon siyang tawagan si Lance gamit ang ibang numero.Pagkatapos ng ilang ring, sinagot ni Lance ang tawag, ngunit ang tono niya’y malamig. "Who's this?"
"Lance, ako ito. Please, huwag mo akong iwasan," halos paiyak na sabi ni Apple.
Tumahimik si Lance sa kabilang linya. Hindi niya alam kung paano sasagot. Sa kabila ng lahat, ang boses ni Apple ay may epekto pa rin sa kanya.
"Bakit ka tumawag?" tanong niya, direkta.
"Lance, ano ba ang problema? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman sa akin!" pakiusap ni Apple.
Huminga nang malalim si Lance. "Alam mo, Apple, minsan mas mabuti pang hayaan na lang ang mga bagay na hindi na pwedeng ayusin."
"Lance, ano'ng ibig mong sabihin? Ayusin natin ito, please! Mahal kita!"
Muling natahimik si Lance. Sa bawat salitang binibigkas ni Apple, ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Pero paano siya magtitiwala ulit?
"Apple," mahina niyang sabi. "Siguro dapat nating bigyan ng espasyo ang isa’t isa. Huwag mo akong hanapin. Hindi na ito gagana."
At bago pa makasagot si Apple, pinutol na ni Lance ang tawag.
Si Apple, naiwang tulala. Tumulo ang kanyang mga luha habang unti-unti niyang naramdaman ang pagkawala ni Lance sa kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, alam niyang hindi ito tulad ng iba niyang relasyon. Ang pagkawala ni Lance ay parang pagkawala ng lahat.Ngunit sa kabila ng lahat, hindi siya susuko. Alam niyang may dahilan kung bakit siya iniwasan ni Lance, at hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo.
Habang nagmumuni-muni si Apple sa kanyang silid, pinanghahawakan niya ang natitirang pag-asa. Sa kanyang puso, ramdam niyang may rason ang biglaang pagbabago ni Lance. Alam niyang hindi iyon simpleng pagkukulang sa relasyon.
"Kilalang-kilala ko siya," bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang pisngi. "Kung may nangyari man, kailangan kong malaman kung ano iyon."
Muling nagbalik ang determinasyon sa kanyang mga mata. Handa siyang harapin si Lance, anuman ang mangyari.
Kinabukasan, maaga siyang nagpunta sa opisina ng Emerald Mall Towers, ang headquarters ng kompanyang pinamumunuan ni Lance. Kahit na walang appointment, sumubok siyang makiusap sa receptionist.
"Miss Imperial, pasensya na po, pero kailangan n’yo pong mag-set ng appointment," magalang ngunit matigas na sagot ng receptionist.
"Alam kong abala siya, pero kailangan ko talaga siyang makita ngayon. Pakiusap," pagsusumamo ni Apple.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, dumaan si Amelia, ang personal assistant ni Lance. Natigilan ito nang makita si Apple, ngunit mabilis na nagpakita ng propesyunal na anyo.
"Miss Imperial, narito ka na naman?" tanong ni Amelia, halatang may bahid ng awa sa boses nito.
"Amelia, pakiusap naman. Kailangan ko siyang makausap. Kahit limang minuto lang," sagot ni Apple, halos magsumamo.
Napatingin si Amelia sa kanyang telepono, tila nag-iisip. Alam niyang mahigpit ang utos ni Lance, ngunit hindi rin niya kayang tanggihan ang tila nagdurugong puso ni Apple.
"Sige. I’ll try," mahinang sabi ni Amelia bago ito tumawag sa telepono.
Sa loob ng kanyang opisina, naabutan ni Amelia si Lance na abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Tumigil ito saglit nang marinig ang kanyang pagbukas ng pinto.
"Sir, nandito si Miss Imperial sa lobby. Gustong-gusto ka niyang makausap," sabi nito.
Hindi agad sumagot si Lance. Itinabi niya ang hawak na papel at tumingin sa malayo. "Anong ginagawa niya rito?" tanong niya, malamig ang tono.
"Sir, mukhang hindi siya aalis hangga’t hindi ka niya nakikita," paliwanag ni Amelia.
Napabuntong-hininga si Lance. "Sabihin mo sa kanya, wala akong oras."
Ngunit bago pa makalabas si Amelia, nagsalita ulit si Lance. "Sandali. Paakyatin mo siya. Bigyan mo kami ng privacy sa conference room."
Nagulat si Amelia ngunit tumango. "Noted, Sir."
Pagpasok ni Apple sa conference room, nakita niyang nakatayo si Lance sa may bintana, nakatingin sa tanawin ng lungsod. Tahimik ang buong paligid, at tanging tibok ng puso niya ang naririnig niya.
"Lance," mahina niyang tawag, ngunit hindi ito lumingon.
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo, Apple," malamig na sabi ni Lance, hindi man lang siya nilingon.
Napahinto si Apple. Ramdam niya ang layo ni Lance, hindi lang pisikal kundi emosyonal. Ngunit hindi siya papayag na matapos ang lahat nang hindi nalalaman ang dahilan.
"Anong nangyari sa atin? Bakit bigla kang nagbago? Sabihin mo sa akin kung may nagawa akong mali," tanong niya, halos pabulong.
Lumingon si Lance, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang lungkot at galit sa mga mata nito. "Ikaw pa ang nagtatanong? Alam mo naman ang sagot, Apple."
"Anong ibig mong sabihin? Lance, hindi ko maintindihan," sagot ni Apple, nanginginig ang boses.
Tumawa si Lance, ngunit puno ito ng pait. "Huwag kang magkunwari. Nakita kita sa jewelry shop kasama siya."
Natigilan si Apple. Mabilis na gumuhit sa kanyang isip ang tagpo noong nakaraang linggo. "Si William?" tanong niya, hindi makapaniwala.
"Oo, si William. Anong ginagawa ninyo doon? Bumibili ng singsing para sa kanya?" tanong ni Lance, may halong sarkasmo ang boses.Napailing si Apple, pilit na nagpapaliwanag. "Lance, hindi iyon ganoon. Hindi mo naiintindihan. Nagpunta ako roon dahil tinulungan ko lang siya para sa kapatid niyang ikakasal!""Talaga? Ganoon na ba kababaw ang paliwanag mo? Sa tingin mo, maniniwala pa ako sa’yo?" sagot ni Lance, bumibigat ang bawat salitang binibitawan niya.Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Apple. "Lance, mahal kita. Bakit ko gagawin iyon? Bakit ako maghahanap ng iba kung ikaw lang ang gusto ko?"Tumahimik si Lance. Sa kabila ng lahat, ramdam niya ang katapatan sa boses ni Apple. Ngunit ang sakit ay masyadong sariwa pa."Hindi ko alam kung paano pa kita pagkakatiwalaan, Apple. Sobrang mahal kita, pero hindi ko kayang balewalain ang nakita ko," mahinang sabi ni Lance."Lance, please... Bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa'yo na mali ang iniisip mo," pagsusumamo ni Apple.Ngunit umiling si Lance. "Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng espasyo para makapag-isip. Wala akong tiwala sa'yo ngayon."At sa pagkakatao
"At ikaw, William, huwag ka nang makialam!" sigaw ni Lance. "Alam kong pinagtatakpan mo lang siya. Lumabas ka na sa opisina ko bago pa ako tuluyang mawalan ng kontrol!"Napabuntong-hininga si William at tumayo. "Sana maisip mo kung gaano kahalaga si Apple sa'yo bago pa mahuli ang lahat," huling sabi nito bago tuluyang umalis.Paglabas ni William, ang tensyon sa loob ng opisina ay tila sumabog. Humarap si Lance kay Apple, ang malamig na ekspresyon sa mukha niya ay nagbigay ng lalong bigat sa sitwasyon."Sabihin mo sa'kin, Apple," mariing tanong ni Lance, "bakit mo ginawa ito? Ano ba ang kulang sa'kin?""Hindi ko ginawa ito, Lance!" sigaw ni Apple. "At kung kulang ka, bakit ako magtatagal sa'yo? Mahal kita, Lance, at kahit anong sakit ang idulot ng pagdududa mo, hindi kita kayang iwan!""Ang pagmamahal na walang tiwala ay walang halaga, Apple," malamig na sagot ni Lance. "At ngayong wala na akong tiwala sa'yo, anong halaga pa ang pagmamahal mo?"Tumulo ang luha ni Apple, ngunit hindi si
Biglang humarap si Lance, ang galit at sakit ay kitang-kita sa kanyang mga mata. "At bakit hindi mo sinabi agad? Kung talagang wala kang ginawang mali, bakit hindi mo agad ipinaliwanag?""Dahil natakot ako," amin ni Apple. "Natakot akong hindi mo ako paniwalaan. At ngayon, heto na nga tayo. Ginawa mo na ang hatol mo kahit hindi mo pa naririnig ang buong kwento."Hindi agad nakapagsalita si Lance. Tumitig siya kay Apple, parang may bahaging gusto siyang paniwalaan ngunit ayaw ng kanyang pride. "At ano ngayon ang inaasahan mo? Na pagkatapos ng lahat ng ito, maniniwala ako sa isang simpleng paliwanag?"Tumango si Apple, pinipilit maging matatag. "Oo, dahil iyon ang totoo. At kung hindi ka maniniwala ngayon, Lance, wala akong magagawa kundi maghintay. Pero alam ko sa puso ko, darating ang araw na maiintindihan mo rin."Hawak-hawak pa rin ni Apple ang sulat habang humakbang siya papalapit kay Lance. "Ito, Lance," sabi niya, iniaabot ang liham. "Basahin mo. Kung hindi mo kayang tanggapin an
Nararamdaman ni Lance ang bigat ng bawat salita mula sa kabilang linya. Ang mga pangalan na binanggit ng investigator ay parang martilyong tumatama sa kanyang isipan—Eric Yu, William Lim, Raul Martinez, at iba pa. Hindi niya kayang tanggapin ang ideya na si Apple, ang babaeng minahal niya, ay maaaring nagtataksil. Ngunit mas lalong hindi niya kayang lunukin ang katotohanang wala siyang tiwala sa kanya.Napalunok siya, pilit na iniipon ang lakas ng loob upang magtanong pa. "Anong klase ng mga litrato ang meron kayo?" tanong niya, malamig ngunit nanginginig ang tinig.“Mga litrato nilang magkasama sa iba’t ibang lugar—dinner sa mamahaling restaurant, paglalakad sa park, at may mga pagkakataong magkahawak sila ng kamay,” sagot ng investigator.Lalong bumigat ang kanyang dibdib. Para bang nawalan ng hangin ang buong silid. “Padala mo na sa akin ngayon ang mga iyon,” utos niya bago ibinaba ang tawag. Sa kabilang banda, si Apple ay tahimik na nakaupo sa sahig ng maliit na apartment na inupa
Kinabukasan, nagpasya si Lance na harapin si Apple. Tinungo niya ang apartment nito ngunit walang sumagot sa kanyang mga katok. Nagpasya siyang magtanong sa landlady. “Mrs. Cruz, nandito ba si Apple?” tanong niya, bakas sa mukha ang pag-aalala. Umiling ang matanda. “Naku, Lance, umalis na siya kahapon pa. Bitbit lahat ng gamit niya. Sabi niya, maghahanap siya ng bagong simula.” Para siyang binagsakan ng langit at lupa. “May sinabi ba siya kung saan siya pupunta?” “Wala, Lance. Pero halata sa mukha niya na sobrang bigat ng dinadala niya,” sagot ng landlady. Napaupo si Lance sa hagdanan ng apartment. Hindi niya alam kung anong mararamdaman—galit, lungkot, o pagsisisi. Sa lahat ng pinagdaanan nila, ito na ba ang wakas? Sa isang tahimik na probinsya, si Apple ay pansamantalang tumuloy sa bahay ng kaibigan niyang si Mia. Pinipilit niyang kalimutan ang lahat ng nangyari, ngunit ang bawat alaala ni Lance ay tila isang aninong hindi niya matakasan. "Apple, ayos ka lang ba?" tano
Pero naisip niya , kahit ano ang paliwanag niya , hindi na nagparamdam si Lance , kaya sumulat na lang siya bago umalis . " Kung hindi niya tanggap ang paliwanag ko , kalimutan ko na lang siya at bubuhayin ko ang aking anak . Buti malaki - laki na rin ang naipon ko sa pakikipag-date sa mayayamang lalaki, " sabi ni Apple.Habang hawak ni Apple ang ballpen, tila mabigat ang bawat paggalaw ng kanyang kamay. Ang sulat na ito ang magiging huling piraso ng kanyang damdamin na iaalay niya kay Lance—isang huling pagtatangka na magpaliwanag, kahit na alam niyang hindi na ito maibabalik ang nawalang tiwala."Lance," panimula niya, habang pilit na pinipigil ang pag-iyak. "Sinubukan kong magpaliwanag sa'yo, pero tila hindi mo ako kayang paniwalaan. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, pero siguro nga, sapat na ang sakit na ito para sa ating dalawa. Kung ang mga dahilan ko ay hindi mo matanggap, mas mabuti pang kalimutan na lang natin ang lahat."Huminga siya nang malalim, hinaplos ang tiyan niy
Alam niyang ang relasyon nilang dalawa ay hindi ganoon kasimple. Bawat hakbang ay may kasamang takot at pangamba. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya kayang magpabaya sa anak niya. Kung siya nga ba ang ama, ang katanungang ito ay nagsisilbing hadlang sa pag-aalaga sa bata at sa kanyang plano na magsimula muli kay Apple.Tumingin siya sa paligid, tila ba ang mundo ay nakaharap sa kanya at nagsasabing may paraan para maitama ang lahat. Tumayo siya mula sa mesa, nagpasya na hindi na siya maghihintay pa. Kailangan niyang makipag-ugnayan kay Apple, malaman ang katotohanan, at tiyakin ang mga bagay-bagay.Pumunta siya sa pinakamalapit na clinic na nag-aalok ng DNA testing, alam niyang walang ibang paraan kundi ang magpa-test upang makatiyak sa pagiging ama niya sa bata. Hindi siya pwedeng magtulungan sa mga haka-haka o haka-hakang mga kwento. Gusto niyang siguraduhin na kapag oras na para harapin ang anak, walang alinlangan.Sa labas ng klinika, huminga siya ng malalim. Hindi madaling man
Si Mia, na matagal nang kaibigan ni Apple, ay hindi na bago sa mga pagsubok ng buhay. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya, ngunit hindi kailanman nakakalimutan ang mga aral na ibinibigay sa kanya ng kanyang magulang. Ang kanilang pagkakaibigan ay nagsimula pa noong sila'y bata, nang nagtatrabaho ang pamilya ni Mia sa bahay ng pamilya ni Apple. Ang magaan na ugnayan nilang dalawa ay naging matibay na hindi kailanman tinatablan ng oras o distansya."Apple, ayos ka lang ba?" tanong ni Mia isang hapon habang naghahanda sila ng hapunan sa maliit na kusina ng bahay. Nagmamasid siya sa kaibigan, na sa kabila ng kanyang mga pagsubok ay nakangiti pa rin, ngunit hindi maikakaila ang bigat sa kanyang mga mata."Oo, Mia. Nagsisimula na akong mag-adjust dito," sagot ni Apple, habang hinihimas ang tiyan niyang may laman. "Kahit papaano, nakakaramdam ako ng kapayapaan sa mga simpleng bagay dito."Matagal na nilang pinapangarap ni Apple ang ganitong buhay—ang buhay na malayo sa mga materyal na bagay
Samantala, sa kanyang silid, si Apple ay mahigpit na yakap si Amara habang pinapasuso ito. Puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Kanina pa siya hindi mapakali mula nang marinig niya mula sa nurse na bumisita si Lance sa nursery."Ano na namang balak niya?" tanong niya sa sarili, ang mga mata’y puno ng galit at kaba. Alam niyang si Lance ay hindi basta-basta susuko, lalo na kung si Amara ang pinag-uusapan."Apple," mahinang tawag ni Mia, ang kanyang business partner at matalik na kaibigan, habang pumasok ito sa silid dala ang ilang prutas. Ang tinig nito ay puno ng implikasyon. "Nakita ko si Lance kanina. Mukhang seryoso siya sa plano niyang bumawi sa inyo.""Bumawi?" maanghang na sagot ni Apple. "Anong kabayaran ang magagawa niya sa sakit na idinulot niya? Hindi pera ang makakapuno sa mga butas na iniwan niya. Hindi niya ako madadala sa drama niya."Umupo si Mia sa gilid ng kama, tumingin kay Amara na nakasandal na ngayon sa dibdib ng ina. "Alam kong galit ka pa rin, Apple. At may kar
Habang isinasara ni Apple ang pinto, ramdam niya ang bigat ng desisyon niyang iyon. Malalim ang kanyang buntong-hininga, pilit na pinapakalma ang sarili. Alam niyang ginawa niya iyon para sa ikabubuti ng anak niya, para sa ikatatahimik ng buhay nilang mag-ina. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi niya maitatanggi ang kurot sa kanyang puso.Nang dumampi ang malamig na bakal ng seradura sa kanyang mga daliri, tila dumaan sa kanyang isipan ang isang tanong na pilit niyang iniiwasan: "Paano kung mali ang ginawa mo?"Lumapit siya sa kuna ni Amara at maingat na pinagmamasdan ang inosenteng mukha ng kanyang anak. Sa tuwing tinitingnan niya ito, napupuno siya ng lakas at dahilan para ipaglaban ang katahimikan nilang mag-ina. Pero kasabay noon, bumabalik din ang alaala ng mga panahong kasama niya si Lance.Ang tawanan. Ang masasayang sandali. Ang mga pangarap na sabay nilang binuo.Napailing siya, pinilit alisin ang mga alaalang iyon. "Hindi na mahalaga ang nakaraan," bulong niya sa sarili habang
Tahimik ang paligid, ngunit sa kanyang puso, parang may bagyong rumaragasa. Pinagmasdan niya ang maamo at inosenteng mukha ng kanyang anak, ang kanyang tanging yaman at lakas. Ngunit sa kabila ng kanyang tapang, hindi niya maiwasang maramdaman ang kirot ng kawalan."Amara," mahinang bulong niya, hinaplos ang maliit na kamay ng sanggol. "Pangako, kahit ano’ng mangyari, hindi kita pababayaan. Ako ang magiging nanay at tatay mo. Kakayanin natin, kahit tayo lang dalawa." Ngunit habang sinasabi niya ito, ramdam niyang hindi buo ang kanyang loob.Napapikit siya, pilit na nilalabanan ang pighati. Ang mukha ni Lance ay patuloy na sumisiksik sa kanyang isipan—ang determinasyon nito, ang mga salitang puno ng pagmamahal na sinabi nito kanina. Alam niyang matigas siya sa kanyang desisyon, ngunit bakit ganito kahirap? Bakit tila may bahagi ng puso niyang gustong bumigay?"Hindi!" mariing sabi niya sa sarili, pilit na itinataboy ang mga alaala. "Hindi na kita babalikan, Lance. Hindi mo na ako mulin
"Apple," mahinang bulong ni Lance, ngunit puno ng desperasyon. "Alam kong galit ka sa akin, at may karapatan ka. Pero hindi kita iiwan, kahit anong mangyari."Napangiti si Apple, ngunit hindi ito ngiti ng kasiyahan. Ito’y ngiti ng isang taong nagdesisyong ilaban ang sarili sa kabila ng sakit. "Lance, hindi na kita kailangan. Hindi kita kailangan ng anak ko. Kaya pakiusap, huwag mo nang gawing mas mahirap pa ang lahat.""Pero paano mo nasabi 'yan?" tanong ni Lance, ang boses ay may bahagyang pag-alog. "Hindi ba't anak ko rin siya? Apple, karapatan ko rin siya—""Hindi mo anak si Amara," putol ni Apple, ang boses ay matatag, kahit pa ang dibdib nito'y tila dinudurog. "Sinabi ko na sa’yo. Kaya tumigil ka na. Tama na, Lance."Napalunok si Lance, hindi makapaniwala sa mga naririnig. "Hindi totoo 'yan, Apple," sagot niya, ang mga mata'y nagbabaga. "Ramdam ko... ramdam ko na anak ko si Amara. At kung kailangan kong patunayan 'yan, gagawin ko."Napailing si Apple, pilit na pinapanatili ang ti
Tumango si Lance, at tahimik na naglakad palabas ng silid. Sa huling paglingon, nakita niya si Apple na nakasandal kay Mia, ang mga luha'y tahimik na umaagos.Sa labas, patuloy pa rin ang ulan, tila luha ng langit na sumasabay sa mga pusong nagdurugo sa loob ng bahay ni Apple Imperial."Mia..." bulong ni Apple, ang boses ay nanghihina. "Hindi ko na kaya...""Shhhh..." alo ni Mia, habang hinahaplos ang likod ng kaibigan. "Tapos na. Wala na siya."Ngunit bago pa man tuluyang makalabas si Lance sa gate, isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay."Ahhh!" ungol ni Apple, napahawak sa kanyang tiyan. "Mia... masakit!"Napalingon si Lance sa sigaw, at nakita niyang bumagsak si Apple sa sahig, hawak-hawak ang kanyang tiyan. Walang pag-aalinlangan, tumakbo siya pabalik."Apple!" sigaw niya, sabay sa sigaw ni Mia."Oh my God, Apple!" natatarantang sabi ni Mia. "Lance, tulungan mo ako! Kailangan nating dalhin siya sa ospital!"Sa kabila ng lahat ng nangyari, walang pag-aalinlangang
Pagbaba ni Apple sa sala, sinalubong siya ni Mia na halatang balisa. "Apple, may problema tayo. Ayaw pumirma ng kontrata ng mga Santos dahil gusto nilang baguhin ang venue sa huling minuto. Pero fully booked na ang bagong venue na gusto nila!"Napahawak si Apple sa kanyang noo. "Mia, hindi ko na alam kung paano pa natin ito aayusin. Ang dami nang problema nitong mga nakaraang linggo.""Huwag kang mag-alala. Kaya natin 'to," sabi ni Mia, pilit na pinapalakas ang loob ng kaibigan. "Pero kailangan mo nang magdesisyon ngayon."Bago pa man makasagot si Apple, biglang bumukas ang pinto. Tumambad sa kanila si Lance, basang-basa sa ulan, ngunit ang kanyang presensya ay tila nagdala ng bigat sa buong silid."Apple," sabi ni Lance, ang boses ay mababa ngunit puno ng emosyon. "Kailangan nating mag-usap."Nagulat si Apple, ngunit agad niyang pinilit na magpakita ng tapang. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Lance. Umalis ka na.""Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang totoo," sagot
"Huwag kang mag-alala, Apple. Ako na ang bahala sa Imperial Wedding," malumanay na sabi ni Mia habang hinahaplos ang buhok ng kaibigan. Nakahiga si Apple sa malambot niyang kama, ang kanyang walong buwang tiyan ay malinaw na nakaumbok sa ilalim ng manipis na damit-pambahay."Hindi ko alam kung kakayanin ko pa, Mia," hikbi ni Apple, ang mga mata'y namumugto sa kakaiyak. "Ang false alarm kahapon... sobrang natakot ako.""Kaya nga ako nandito eh. Best friend mo ako, di ba? Pangangalagaan kita."Napabuntong-hininga si Apple, ang mga kamay ay nakapatong sa kanyang tiyan. "Paano ang mga kliyente natin? May tatlong kasal sa susunod na buwan...""Ako na ang bahala. Napag-usapan na natin 'to. Magpahinga ka na lang."Sa labas ng bahay ni Apple , isang itim na kotse ang nakaparada. Sa loob nito, nakaupo si Lance Martin, ang mga mata'y nakatutok sa malaking gate. Ang dating CEO ng Martin Industries ay hindi mapalagay, ang mga daliri'y walang tigil sa pagdadrum sa manibela."Sir, may report po," s
Napangiti si Apple sa sinabi ng kaibigan, hawak pa rin ang kanyang tiyan. "Salamat, Mia. Salamat sa pagiging nandito lagi para sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."At sa gabing iyon, napagtanto ni Apple na hindi lang kaligtasan ni Amara ang mahalaga—pati na rin ang pagmamahal at suporta ng mga taong nasa paligid niya.Kinabukasan, maagang dumating si Mia sa opisina, dala ang mga papeles na kailangang tapusin. Nakita niyang abala pa rin si Apple, nakaabang sa computer habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Agad niyang kinuha ito mula sa kamay ng kaibigan."Hoy! Di ba sabi ko ako na ang bahala? Bakit ka pa nagtatrabaho?" tanong ni Mia, kunwaring galit pero puno ng lambing. "Sabi mo magpapahinga ka!"Natawa si Apple, bahagyang naiilang. "Konti lang naman, Mia. Ayokong lahat ng trabaho mapunta sa'yo. Ayoko rin naman maging pabigat."Napabuntong-hininga si Mia, tumayo sa harapan ni Apple, at tumingin nang diretso sa mga mata nito. "Apple, ang pagiging malakas ay hindi
Habang abala si Apple sa trabaho at sa mga plano para sa negosyo, bigla niyang naramdaman ang matinding pananakit ng kanyang tiyan. Napahawak siya dito, at kahit pilit niyang huwag pansinin, napansin iyon ni Mia."Apple, anong nangyayari?!" tanong ni Mia, puno ng pag-aalala habang nilalapitan siya."Parang... sumasakit ang tiyan ko," mahina niyang sagot, bakas sa boses ang kaba. "Hindi ko alam kung normal lang ito o kung may masama nang nangyayari."Agad na kinuha ni Mia ang bag ni Apple at inalalayan siya, bakas sa mukha ang matinding pag-aalala. "Hindi na tayo maghihintay. Pupunta tayo sa ospital ngayon!" madiin na sabi niya, halos hinihila na si Apple palabas ng opisina."Mia, baka naman normal lang ito," mahina at kalmadong sabi ni Apple, kahit bakas sa kanyang boses ang sakit. "Ayokong mag-panic tayo nang walang dahilan.""Apple, hindi ito tungkol sa panic! This is about you and Amara. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan niyo," mariing tugon ni Mia. Habang pinipilit niya