"Mama, maliligo ulit ako ah," nakangiting sambit ni Zacky habang kumakain. Napailing ako. Heto nanaman tayo. Ang hilig talaga niyang maligo sa dagat. Kahit naman ayuko ay wala akong magagawa dahil alam kung kapag hindi ako pumayag ay tatakbo nanaman siya sa papunta sa ama. Iiyak nanaman siya at magsusumbong sa papa niya na hindi ko siya papayagan. "Xerox copy talaga ni Kuya si Zacky," natatawang sambit ni Dexie pagkatapos uminom ng tubig. "I have photos of Kuya when he was the same age as Zacky, pero nasa bahay sa manila ang lahat kaya if I have time na umuwi ipapakita ko talaga iyon Zacky, para makita niya kung gaano sila magkamukha ng ama niya," si Dexie. Kaming tatlo lang nandito. Nauna na kasing kumain sila Zachary dahil pupunta raw sila sa laot para mangisda, ewan, hindi ako sigurado kung alam ba nilang mangisda, pero may nakita naman ako kaninang pamingwit na hawak si Zeyo kaya sa tingin ko ay mamimingwit lang sila. Magsasalita sana ako, ngunit hindi natuloy nang tumuno
Tama ba ang rinig ko? Nagpapatawa ba siya. "Oo nga, Gillian. Kawawa naman ang pamangkin ko. Sumama na kayo sa manila para mapakilala na rin si Zacky sa pamily,a" sambit ni Dexie. "Hindi. Hindi kami sasama ni Zacky," sambit ko at sapilitang kinuha si Zacky kay Zachary. "Come on, Gillian," si Zachary. "No! Papa!" Si Zacky na umiiyak pa rin. Ayaw niyang pumunta sa'kin, gusto niyang manatili sa kandungan ng ama niya. "Gillian," tawag ni Zachary. Hindi. Hindi pwedeng sumama kami. Nagpapatawa ba siya? Alam naman niya na ayaw sa'kin ng mama niya. Kahit mabigat na at si Zacky at kahit alam kong mahihirapan ako ay binuhat ko pa rin siya. "Hindi kami sasama. You know how your mom hate me. Ayokong dumating nanaman ang panahon na iinsultihin niya ako, ayos lang sana kung ako lang, pero iba na ang usapan ngayon. Ayokong maramdaman ni Zacky ang naramdaman at pinaramdam ng mama mo noon sa'kin." "Gillian, hindi ko iyon hahayaang mangyare. Come on, don't be paranoid," sambit nito at sinubuka
"Are you two fighting? Mama, Papa," sambit nito na patuloy pa rin sa paghikbi.Lumapit si Zachary at kinuha sa'kin si Zacky, wala na akong lakas para pigilan si Zachary sa pagkuha kay Zacky. Naupo siya sa tabi ko at kinandong ang anak."We're not, Son. Inaasar lang ni Papa si Mama, pero hindi kami nag-aaway."Napaiwas ako nang tingin. Hindi nagsalita si Zacky at yumakap lang sa ama niya."Papa, please huwag na po kayong umalis," muli ay para nanaman maiiyak si Zacky habang nakayakap at nakasubsub ang mukha sa leeg ni Zachary.Sumulyap sa'kin si Zachary bago magsalita."Uuwi rin si Papa rito. 4 or 5 days lang ako roon, uuwi rin si Papa rito kasi nandito kayo ni Mama. Don't cry, Son. I thought you were a big boy na? Big boy don't cry.""Pero, Papa," hinarap niya ang papa niya, mula sa kinaroronan ko ay kitang kita ko ang halos basa niyang mukha dahil sa pag-iyak. Pinunasan ni Zachary ang mukha ni Zacky dahil sa pag-iyak nito."Pag-uwi ko bibili ako ng mga toys mo. What do you want? Name
Mapait kong tinignan ang kalendaryo. 4 days o 5 days lang daw siya roon, 'yun ang sabi niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Dalawang linggo na ang nakalipas. Wala naman akong karapatan para sumbatan siya kasi hindi niya natupad na babalik siya agad. Pero naaawa na ako sa anak ko. Kahit hindi na para sa'kin ang pagbabalik niya, kahit para na lang sa anak ko. Walang araw na hindi siya nagtatanong tungkol sa papa niya. Walang araw itong hindi tinatanong kung nandito na ba ang papa niya. Palagi siyang tumitingin sa labas, animoy umaasa na sa pag tingin niya roon ay ang makikita niya pagbabalik ng kanyang ama. Minsan pa nga ay nakikita ko siyang nakadungaw lang sa bintana at tulala na nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong nangyayare, pati si Dexie ay walang paramdam. Nag-aalala na ako, pero lamang roon ang panghihinayang. Sana hindi na lang siya nangako na babalik siya pagkatapos ng apat o limang araw. Si Zeyo ay sumama na sa kanila pauwi sa manila, ha
Bakit nga ba wala pa rin siya hanggang ngayon? Bakit kaya pati si Dexie ay walang paramdaman? Pati si Yunard ay hindi ko makontact. Ano bang nangyayare sa kanila? Ano bang nangyayare roon? Noon ngang nasa ibang bansa sila ay nagagawa nilang tumawag, pero ngayon na nasa parehong bansa kami ay hindi na. Ano kayang nangyare sa mama nila? Malala ba? Hindi matapos tapos ang mga tanong sa isip ko. Kakapasok pa lang ng tanong ay may susunod na tanong agad. Tumawag ako kay Dexie, pero hindi nito sinasagot. Sinusubukan ko ring tawagan si Yunard, pero tulad ni Dexie ay hindi rin nito sinasagot ang tawag ko. Nagtatrabaho ako sa resort, kaya shempre natatanong ko ang manager kung tumawag ba si Dexie, kaya lang pati ang manager ay walang balita kay Dexie. Nagtataka na ako. Nakakapagtaka na. Ano bang nangyare? Resort ni Dexie iyon, kaya paanong hindi man lang siya tumawag? Oo nga at alam kung mayaman siya, na ang resort na 'yun ay isa lamang sa maliit na ari-arian nila, pero resort pa rin ni
"Hindi ko na alam kung ano pa bang palusot ang pwede kong sabihin kay Zacky, Nika. Gabi gabi nalang nagtatanong siya. Gabi gabi na lang malungkot siya," mahinang sambit ko. Inilapag ni Nika sa mesa ang hawak na pinggan, kung saan nakalagay ang nalutong isda. Hindi ito nagsalita. Alam kong alam niya rin na palaging malungkot si Zacky dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zachary, ang ama niya. "Ayokong sabihin 'to, Ate, pero paano kung wala na kayong hinihintay?" Alanganing sambit ni Nika. Umawang ang labi. Pati ako ay hindi alam kung anong gagawin ko. "Ate! Ate Nika!" Napasulyap kami ni Nika kay Zaji nang sumigaw ito galing sa loob. "Oh? Anong problema mo?" Si Niko kay Zaji. Biglang bumagal ang lakad nito. "Ate Gillian, nandiyan ka pala," alanganing sambit niya. Hawak hawak nito ang phone na para bang may gustong sabihin, pero bigla siyang nagdalawang isip. Ano bang problema niya? "Bakit, Zaji?" Tanong ko. Napakamot ito sa ulo at ngumuso. Hindi ko maiwasang ikuno
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kaya ba hindi na ito bumalik? Kaya ba ni isa sa kanila ay wala na akong makuhang balita? Kagat kagat ko ang labi habang nakatingin sa letrato. Sa letrato ay kitang kita na hawak hawak ni Zachary ang kamay ni Mandy. "May i-sesearch sana ako sa g****e pero nagulat ako nang nakita ko ang letrato ni Kuya Zachary kaya clinick ko," sambit ni Zaji. Kaya siguro nagdadalawang isip ito kanina kung sasabihin ba niya. Mabuti na lang ay nakita niya 'to at pinakita niya sa'kin, kasi kung hindi, hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Tapos na. Huwag ka nang umasa, Gillian. Lakasan mo ang loob mo, dahil ngayon ikaw na lang talaga ang magulang ni Zacky. "Kay Ate Nika ko sana ipapakita, pero nandito ka pala," sambit ulit ni Zaji sabay kamot. Si Nika naman ay nakatitig sa'kin. Nakita ko na lang na wala na sa'kin ang phone. Mabilis iyon kinuha ni Nika at binasa. Hindi ako nagsalita at tumayo. "Grabe, ganoon pala kayaman si Kuya Zachary? Na nagpapakita ang
"Hindi! May papa ako!" Bumagal ang lakad ko nang madatnan ang anak ko na sumisigaw. Nadurog ang puso ko nang madatnan ang anak ko na sinisigaw ito sa mga kaklase niya. "Palagi mo na lang sinasabi yan. Aminin mo na! Wala ka talagang papa!" Isa sa kaklase niya. "Kawawa siya! Wala siyang papa!" Pambubully pa nila kay Zacky. "Meron nga! B-Babalik rin siya. May papa ako," si Zacky sabay hagulgol na. "Wala kang papa! Kung may papa ka dapat nandito siya. Dapat hinahatid ka niya, pero kahit kailan wala kang kasamang papa." Isa sa mga kaibigan niya. "M-May P-Papa ako," humihikbing sambit ni Zacky. "Sinungaling ka! Wala kang papa!" Mas binilisan ko ang paglakad papunta sa kanila. Pansin ko ang pagpipigil ni Zacky na huwag umiyak, pero hindi nito mapigilan. Pinupunasan nito ang mata habang paulit ulit na sinasabing may Papa siya. "Zacky!" Tawag ko. Nang sumulyap siya ay tuluyan na ulit itong umiyak. "Mama!" Umiiyak na sambit niya sabay takbo papalapit sa'kin. Nang makita naman