"Hindi ko na alam kung ano pa bang palusot ang pwede kong sabihin kay Zacky, Nika. Gabi gabi nalang nagtatanong siya. Gabi gabi na lang malungkot siya," mahinang sambit ko. Inilapag ni Nika sa mesa ang hawak na pinggan, kung saan nakalagay ang nalutong isda. Hindi ito nagsalita. Alam kong alam niya rin na palaging malungkot si Zacky dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zachary, ang ama niya. "Ayokong sabihin 'to, Ate, pero paano kung wala na kayong hinihintay?" Alanganing sambit ni Nika. Umawang ang labi. Pati ako ay hindi alam kung anong gagawin ko. "Ate! Ate Nika!" Napasulyap kami ni Nika kay Zaji nang sumigaw ito galing sa loob. "Oh? Anong problema mo?" Si Niko kay Zaji. Biglang bumagal ang lakad nito. "Ate Gillian, nandiyan ka pala," alanganing sambit niya. Hawak hawak nito ang phone na para bang may gustong sabihin, pero bigla siyang nagdalawang isip. Ano bang problema niya? "Bakit, Zaji?" Tanong ko. Napakamot ito sa ulo at ngumuso. Hindi ko maiwasang ikuno
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kaya ba hindi na ito bumalik? Kaya ba ni isa sa kanila ay wala na akong makuhang balita? Kagat kagat ko ang labi habang nakatingin sa letrato. Sa letrato ay kitang kita na hawak hawak ni Zachary ang kamay ni Mandy. "May i-sesearch sana ako sa g****e pero nagulat ako nang nakita ko ang letrato ni Kuya Zachary kaya clinick ko," sambit ni Zaji. Kaya siguro nagdadalawang isip ito kanina kung sasabihin ba niya. Mabuti na lang ay nakita niya 'to at pinakita niya sa'kin, kasi kung hindi, hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Tapos na. Huwag ka nang umasa, Gillian. Lakasan mo ang loob mo, dahil ngayon ikaw na lang talaga ang magulang ni Zacky. "Kay Ate Nika ko sana ipapakita, pero nandito ka pala," sambit ulit ni Zaji sabay kamot. Si Nika naman ay nakatitig sa'kin. Nakita ko na lang na wala na sa'kin ang phone. Mabilis iyon kinuha ni Nika at binasa. Hindi ako nagsalita at tumayo. "Grabe, ganoon pala kayaman si Kuya Zachary? Na nagpapakita ang
"Hindi! May papa ako!" Bumagal ang lakad ko nang madatnan ang anak ko na sumisigaw. Nadurog ang puso ko nang madatnan ang anak ko na sinisigaw ito sa mga kaklase niya. "Palagi mo na lang sinasabi yan. Aminin mo na! Wala ka talagang papa!" Isa sa kaklase niya. "Kawawa siya! Wala siyang papa!" Pambubully pa nila kay Zacky. "Meron nga! B-Babalik rin siya. May papa ako," si Zacky sabay hagulgol na. "Wala kang papa! Kung may papa ka dapat nandito siya. Dapat hinahatid ka niya, pero kahit kailan wala kang kasamang papa." Isa sa mga kaibigan niya. "M-May P-Papa ako," humihikbing sambit ni Zacky. "Sinungaling ka! Wala kang papa!" Mas binilisan ko ang paglakad papunta sa kanila. Pansin ko ang pagpipigil ni Zacky na huwag umiyak, pero hindi nito mapigilan. Pinupunasan nito ang mata habang paulit ulit na sinasabing may Papa siya. "Zacky!" Tawag ko. Nang sumulyap siya ay tuluyan na ulit itong umiyak. "Mama!" Umiiyak na sambit niya sabay takbo papalapit sa'kin. Nang makita naman
"Pa, kayo muna bahala kay Zacky." "Saan ka pupunta?" Tanong ni Papa. sumulyap ein si Zaji at Nika sa'kin. "Makikisuyo ako kila Den kung pwede ko bang huramin yung motor niya," sambit ko. Naalala ko kasi na may motor si Den "Pero, Ate, baka tulog sila, at-" Natigilan si Nika sa pagsasalita nang magsalita ako. "Eh ano ang gagawin ko? Ang taas na nang lagnat ng anak ko. Kakapalan ko na ang mukha ko," sambit ko. Nanligaw si Den sa'kin noon, pero hindi ko sinagot at alam ko na masama ang loob niya sa'kin dahil roon. "Kumuha ka ng damit ni Zacky at ilagay mo sa bag, para pagbalik ko ay handa na," sambit ko. Bago tumayo ay hinalikan ko muna ang noo ni Zacky. Miss na miss na niya ang ama niya. Si Zachary kaya? Namimiss niya rin ba si Zacky? Nang makarating sa bahay nila Den at nag doorbell ako, ang kaso ilang beses na akong nag doorbell, pero wala pa rin, pero hindi ako tumigil. Nanatili ako sa pagdodoorbel hanggang sa makita ko na ang paglabas ni Den. Napangiti ako. Kinuskos
Zachary'S POV Mom and I was not okay. Simula noong nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit pumayag sa kasunduan si Gillian ay lumayo na nang tuluyan ang loob ko sa kanya. I guess if I hadn't come that night, I'd still think Gillian only wanted money. She is only into money. Well, it's true that Gillian wants money, but she has a reason, at iyon ang hindi sinabi ni Mommy. Kung sinabi niya siguro ay hindi naging sarado ang isip ko. Hindi siya mukhang pera. Mali ako sa pag judge sa kanya. Nagulo yung mundo ko. Parang ayoko nang mabuhay habang iniisip kong gaano ko siya sinaktan. Gusto kong saktan ang sarili ko habang naaalala ang pagluhod niya para sa kaunting oras na hinihingi niya. I even stopped managing the Villa Company. Alam ko naman na ang kompanya ang dahilan kung bakit ako pilit na pinapaniwala ni Mommy na pera lang ang gusto ni Gillian sa'kin. Alam ni Mommy na kapag nalaman ni Lolo na nahuhumaling ako sa babaeng hindi mayaman ay tuluyan nang babawiin ni Lolo ang kompa
"Stop drinking, Zach!" Si Mandy at mabilis na kinuha ang hawak kong baso na may alak. Tinignan ko siya at napapikit pa nang umikot ang paningin ko. Fuck! "And what are you doing here?" Tanong ko. "Umuwi ka na. Gabi gabi ka na lang nandito," mahinang sambit niya at hinawakan ang kamay ko, pero inalis ko agad ang kamay niya. "Huwag mo akong hawakan," sambit ko sabay lagok. "Zach!" Pigil niya sa'kin. Nang malagok ko iyon nang tuluyan ay pinunasan ko ang labi gamit ang likod ng palad ko. "Masaya ka na?" Tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Zach, naman. Of course, not-" "Are you happy because she's gone? Huh? If you think I'll come back to you because Gillin isn't here anymore, you're wrong. I will never ever come back to you, Mandy. Never." I said seriously, and put down the glass in front of me. Pansin ko ang pagluha niya, pero hindi ko iyon binigyan nang pansin. "Iniwan na niya ako nang tuluyan, and that is because of you and Mom," mahinang sambit ko. "You
Ako 'yung tipo ng lalake na hindi nakikinig sa sasabihin ng iba, pero dahil siguro sa suntok ng kapatid ko ay nagising ako. Tama siya. I need to fix myself. Hindi habang buhay ay magpapabugbog ako at lulunurin ang sarili sa alak. Hindi ko naman gusto na datnan niya akong ganoon. Walang kasiguraduhan na magkikita kami, pero wala namang masamang umasa diba? Bumuntong hininga ako. Alam ko na hindi siya mukhang pera gaya sinasabi ni Mandy at Mama, gaya ng sinabi ko sa kanya, but when we see each other, if she wants money. If she needs money, then I fucking gave my money to her. Everything she wants, I fucking give her everything kahit mamulubi ako basta ba akin siya. Hindi na ako nagtayo nang kompanya ko. Ang ginawa ko na lang ay nag invest ng nag invest. "Umuwi si Dexie? Pero bakit hindi siya umuwi rito?" Takang tanong ko habang umaahon sa pool. I brought my own house. Mas malaki kaysa sa family house namin. "I don't know. Nakita siya ni Nheya sa airport," sambit ni Zeyo hab
Imumulat ko sana ang mata ko, pero hindi ko tinuloy. Hindi, Zachary. Ano bang iniisip mo. Hindi siya 'yun. Wala siya rito. Kung nandito siya dapat sinabi ng kapatid mo. Bumuntong hininga ako. "What kind of drinks are available?" Tanong ko na lang. Naghintay ako sa pagsasalita niya ngunit hindi ito nagsalita. "Hey, I'm asking you!" Irita nang sambi ko. Sa inis ko ay nagmulat ako at handa na sanang pagalitan ang waiter na 'to, pero para akong nananaginip. Parang nakalimutan kong huminga. Parang nakalimutan kong magsalita. "Mama!" Isang boses ng bata ang narinig ko, pero wala roon ang atensyon ko. Fuck! Nag iilusyon nanaman ba ako? Isa nanaman ba 'to sa ilusyon ko? Hindi. Siya 'to. Kung isa ito sa ilusyon ko ay kanina pa siya naglaho, pero hindi. Naghintay ako sa paglaho niya, pero hindi nangyare. Nandito siya. Nandito sa harap ko ang matagal ko nang gustong makita ulit. Nanikip ang dibdib ko sa subrang saya. "K-Kukuha lang po ako ng listahan ng available ng drink," utal na