Mapait kong tinignan ang kalendaryo. 4 days o 5 days lang daw siya roon, 'yun ang sabi niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Dalawang linggo na ang nakalipas. Wala naman akong karapatan para sumbatan siya kasi hindi niya natupad na babalik siya agad. Pero naaawa na ako sa anak ko. Kahit hindi na para sa'kin ang pagbabalik niya, kahit para na lang sa anak ko. Walang araw na hindi siya nagtatanong tungkol sa papa niya. Walang araw itong hindi tinatanong kung nandito na ba ang papa niya. Palagi siyang tumitingin sa labas, animoy umaasa na sa pag tingin niya roon ay ang makikita niya pagbabalik ng kanyang ama. Minsan pa nga ay nakikita ko siyang nakadungaw lang sa bintana at tulala na nakatingin sa labas. Hindi ko alam kung anong nangyayare, pati si Dexie ay walang paramdam. Nag-aalala na ako, pero lamang roon ang panghihinayang. Sana hindi na lang siya nangako na babalik siya pagkatapos ng apat o limang araw. Si Zeyo ay sumama na sa kanila pauwi sa manila, ha
Bakit nga ba wala pa rin siya hanggang ngayon? Bakit kaya pati si Dexie ay walang paramdaman? Pati si Yunard ay hindi ko makontact. Ano bang nangyayare sa kanila? Ano bang nangyayare roon? Noon ngang nasa ibang bansa sila ay nagagawa nilang tumawag, pero ngayon na nasa parehong bansa kami ay hindi na. Ano kayang nangyare sa mama nila? Malala ba? Hindi matapos tapos ang mga tanong sa isip ko. Kakapasok pa lang ng tanong ay may susunod na tanong agad. Tumawag ako kay Dexie, pero hindi nito sinasagot. Sinusubukan ko ring tawagan si Yunard, pero tulad ni Dexie ay hindi rin nito sinasagot ang tawag ko. Nagtatrabaho ako sa resort, kaya shempre natatanong ko ang manager kung tumawag ba si Dexie, kaya lang pati ang manager ay walang balita kay Dexie. Nagtataka na ako. Nakakapagtaka na. Ano bang nangyare? Resort ni Dexie iyon, kaya paanong hindi man lang siya tumawag? Oo nga at alam kung mayaman siya, na ang resort na 'yun ay isa lamang sa maliit na ari-arian nila, pero resort pa rin ni
"Hindi ko na alam kung ano pa bang palusot ang pwede kong sabihin kay Zacky, Nika. Gabi gabi nalang nagtatanong siya. Gabi gabi na lang malungkot siya," mahinang sambit ko. Inilapag ni Nika sa mesa ang hawak na pinggan, kung saan nakalagay ang nalutong isda. Hindi ito nagsalita. Alam kong alam niya rin na palaging malungkot si Zacky dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Zachary, ang ama niya. "Ayokong sabihin 'to, Ate, pero paano kung wala na kayong hinihintay?" Alanganing sambit ni Nika. Umawang ang labi. Pati ako ay hindi alam kung anong gagawin ko. "Ate! Ate Nika!" Napasulyap kami ni Nika kay Zaji nang sumigaw ito galing sa loob. "Oh? Anong problema mo?" Si Niko kay Zaji. Biglang bumagal ang lakad nito. "Ate Gillian, nandiyan ka pala," alanganing sambit niya. Hawak hawak nito ang phone na para bang may gustong sabihin, pero bigla siyang nagdalawang isip. Ano bang problema niya? "Bakit, Zaji?" Tanong ko. Napakamot ito sa ulo at ngumuso. Hindi ko maiwasang ikuno
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kaya ba hindi na ito bumalik? Kaya ba ni isa sa kanila ay wala na akong makuhang balita? Kagat kagat ko ang labi habang nakatingin sa letrato. Sa letrato ay kitang kita na hawak hawak ni Zachary ang kamay ni Mandy. "May i-sesearch sana ako sa g****e pero nagulat ako nang nakita ko ang letrato ni Kuya Zachary kaya clinick ko," sambit ni Zaji. Kaya siguro nagdadalawang isip ito kanina kung sasabihin ba niya. Mabuti na lang ay nakita niya 'to at pinakita niya sa'kin, kasi kung hindi, hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Tapos na. Huwag ka nang umasa, Gillian. Lakasan mo ang loob mo, dahil ngayon ikaw na lang talaga ang magulang ni Zacky. "Kay Ate Nika ko sana ipapakita, pero nandito ka pala," sambit ulit ni Zaji sabay kamot. Si Nika naman ay nakatitig sa'kin. Nakita ko na lang na wala na sa'kin ang phone. Mabilis iyon kinuha ni Nika at binasa. Hindi ako nagsalita at tumayo. "Grabe, ganoon pala kayaman si Kuya Zachary? Na nagpapakita ang
"Hindi! May papa ako!" Bumagal ang lakad ko nang madatnan ang anak ko na sumisigaw. Nadurog ang puso ko nang madatnan ang anak ko na sinisigaw ito sa mga kaklase niya. "Palagi mo na lang sinasabi yan. Aminin mo na! Wala ka talagang papa!" Isa sa kaklase niya. "Kawawa siya! Wala siyang papa!" Pambubully pa nila kay Zacky. "Meron nga! B-Babalik rin siya. May papa ako," si Zacky sabay hagulgol na. "Wala kang papa! Kung may papa ka dapat nandito siya. Dapat hinahatid ka niya, pero kahit kailan wala kang kasamang papa." Isa sa mga kaibigan niya. "M-May P-Papa ako," humihikbing sambit ni Zacky. "Sinungaling ka! Wala kang papa!" Mas binilisan ko ang paglakad papunta sa kanila. Pansin ko ang pagpipigil ni Zacky na huwag umiyak, pero hindi nito mapigilan. Pinupunasan nito ang mata habang paulit ulit na sinasabing may Papa siya. "Zacky!" Tawag ko. Nang sumulyap siya ay tuluyan na ulit itong umiyak. "Mama!" Umiiyak na sambit niya sabay takbo papalapit sa'kin. Nang makita naman
"Pa, kayo muna bahala kay Zacky." "Saan ka pupunta?" Tanong ni Papa. sumulyap ein si Zaji at Nika sa'kin. "Makikisuyo ako kila Den kung pwede ko bang huramin yung motor niya," sambit ko. Naalala ko kasi na may motor si Den "Pero, Ate, baka tulog sila, at-" Natigilan si Nika sa pagsasalita nang magsalita ako. "Eh ano ang gagawin ko? Ang taas na nang lagnat ng anak ko. Kakapalan ko na ang mukha ko," sambit ko. Nanligaw si Den sa'kin noon, pero hindi ko sinagot at alam ko na masama ang loob niya sa'kin dahil roon. "Kumuha ka ng damit ni Zacky at ilagay mo sa bag, para pagbalik ko ay handa na," sambit ko. Bago tumayo ay hinalikan ko muna ang noo ni Zacky. Miss na miss na niya ang ama niya. Si Zachary kaya? Namimiss niya rin ba si Zacky? Nang makarating sa bahay nila Den at nag doorbell ako, ang kaso ilang beses na akong nag doorbell, pero wala pa rin, pero hindi ako tumigil. Nanatili ako sa pagdodoorbel hanggang sa makita ko na ang paglabas ni Den. Napangiti ako. Kinuskos
Zachary'S POV Mom and I was not okay. Simula noong nalaman ko ang totoong dahilan kung bakit pumayag sa kasunduan si Gillian ay lumayo na nang tuluyan ang loob ko sa kanya. I guess if I hadn't come that night, I'd still think Gillian only wanted money. She is only into money. Well, it's true that Gillian wants money, but she has a reason, at iyon ang hindi sinabi ni Mommy. Kung sinabi niya siguro ay hindi naging sarado ang isip ko. Hindi siya mukhang pera. Mali ako sa pag judge sa kanya. Nagulo yung mundo ko. Parang ayoko nang mabuhay habang iniisip kong gaano ko siya sinaktan. Gusto kong saktan ang sarili ko habang naaalala ang pagluhod niya para sa kaunting oras na hinihingi niya. I even stopped managing the Villa Company. Alam ko naman na ang kompanya ang dahilan kung bakit ako pilit na pinapaniwala ni Mommy na pera lang ang gusto ni Gillian sa'kin. Alam ni Mommy na kapag nalaman ni Lolo na nahuhumaling ako sa babaeng hindi mayaman ay tuluyan nang babawiin ni Lolo ang kompa
"Stop drinking, Zach!" Si Mandy at mabilis na kinuha ang hawak kong baso na may alak. Tinignan ko siya at napapikit pa nang umikot ang paningin ko. Fuck! "And what are you doing here?" Tanong ko. "Umuwi ka na. Gabi gabi ka na lang nandito," mahinang sambit niya at hinawakan ang kamay ko, pero inalis ko agad ang kamay niya. "Huwag mo akong hawakan," sambit ko sabay lagok. "Zach!" Pigil niya sa'kin. Nang malagok ko iyon nang tuluyan ay pinunasan ko ang labi gamit ang likod ng palad ko. "Masaya ka na?" Tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya. "Zach, naman. Of course, not-" "Are you happy because she's gone? Huh? If you think I'll come back to you because Gillin isn't here anymore, you're wrong. I will never ever come back to you, Mandy. Never." I said seriously, and put down the glass in front of me. Pansin ko ang pagluha niya, pero hindi ko iyon binigyan nang pansin. "Iniwan na niya ako nang tuluyan, and that is because of you and Mom," mahinang sambit ko. "You