Miro POV Nagpaalam ako kina Samira at sa mga tito ko na uuwi muna ako ng manisyon. Gusto ko nang tutukan ang pagiging Mafia boss ko at pagtulong kina Samira para sa paghahanda naming labanan si Don vito. Isa siyang magaling at makapangyarihan na mafia boss kaya kung mga simpleng assassin lang kami, hindi namin ito matatalo kaya kailangan ko ng mga magiging galamay ko. Pero bago iyon, kailangan ko na munang magpaalam sa pamilya ko. Kung hindi ko kasi gagawin ito, madadamay sila at mapapahamak ng dahil sa akin.Kapag mafia boss na ako, kailangan hindi malalaman ng mga kalaban ko ang tunay na pangalan ko at ang tunay na connection ko sa mga mahal ko sa buhay. Ayokong madamay sila sa gulong papasukin ko.Pagdating ko rito sa manisyon, masaya pa sila na nandito ako. Hindi nila alam na ito na ang huling araw na makakasama ko sila. Ito na ang huling araw na makaka-bonding ko sila.Habang nakaupo ako sa tapat ng mesa sa dining hall namin, pinaghahandaan ko na ang bigat ng sasabihin ko sa pam
Samira POVHabang naglalakad ako sa likod ng hacienda ni Miro, hindi ko mapigilang mapangiti. Malawak talaga ang lupain, puno ng luntiang damo at tanim na nagmumurang bunga. Kasama ko ang mga manang na halatang tuwang-tuwa rin sa kanilang nakita ngayon. “Ang galing! Maraming mangga! At may chico pa!” Masayang tinuro ni Manang Cora ang mga punong nagkalat sa paligid.“Lansones, santol at may mga buko rin,” dagdag pa ni Manang Luciana habang pinagmamasdan ang matatayog na mga puno.Napangiti ako. “Ibig sabihin, hindi tayo mawawalan ng prutas dito.”Tumango si Manang Cora. “Kung magtatagal tayo rito, mas mainam na rin na magtanim tayo ng gulay. Para may magawa rin kami habang wala kaming ibang pinagkakaabalahan dito.”“That sounds like a good idea,” sagot ko. Hindi lang ito magiging pagkain namin, kundi paraan na rin ito upang magkaroon sila ng ginagawa.Napaisip ako, wala na akong pamilya at mag-isa na lang ako sa buhay, ganoon din sila kaya mukhang kami-kami nalang ang magkakasama nit
Miro POVBuo na ang loob ko. Hindi na ako makapaghintay pa. Kaya habang nasa loob kami ng study room sa hacienda, hinarap ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx.“I want to face them,” diretso kong sabi na hindi na nagpaliguy-ligoy pa. “The remnants of my mother’s empire. Her people, her soldiers. If ‘'m going to be a mafia boss, I need to see exactly what she left behind.”Nagtinginan ang tatlong tito ko. Kita sa kanilang mga mata ang tuwa dahil matapang na ako at handa na. Pero hindi sila nagulat. Alam siguro nilang darating ang araw na ito.Si Tito Zuko ang unang nagsalita. “Are you sure na ba talaga about this, Miro? Hindi ka na puwedeng umatras kapag nalaman mo na ang lahat.”Tumango ako. “Yes. I want to know everything. The businesses, the money, the influence she left behind. If I don’t know what I’m inheriting, then how can I claim it?”Napabuntong-hininga si Tito Sorin. “Very well. Pero tandaan mo, Miro, this isn’t just about wealth. What your mother built is an empire ma
Miro POVNapagdesisyunan naming agad linisin ang organisasyon na iniwan ng mama ko. Kasama ko pa rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Hindi namin alam kung sino sa mga tauhan ng dating reyna ng mafia ang tunay na tapat sa akin at sino ang naghihintay lang ng pagkakataong ipagkanulo ako. Kailangan naming salain ang bawat isa.Sa isang malawak na meeting room sa isa sa mga ari-arian ko na, nakaupo sa harap namin ang halos limampung tauhan ng Mama Raya ko, sila ang mga beteranong kasapi ng organisasyon. Tahimik ang lahat habang mga seryoso silang nakangitin at nakatitig sa akin.“We are not here to ask for loyalty,” malamig kong sabi habang nakatitig sa kanila. “We are here to see who still deserves to be part of this family.”Nagpalitan ng tingin ang ilan sa kanila. Hindi ko pinansin ang kaba sa kanilang mukha. Isa-isa, tinanong ni Tito Sorin ang bawat miyembro tungkol sa kanilang katapatan, kung paano nila nakikita ang hinaharap ng organisasyon at kung handa ba silang sundan an
Samira POVNgayong araw daw paparating ang mga kasambahay, grocery, dami at magiging gamit namin kaya excited ang lahat na nakaabang sa labas ng hacienda.Maya maya pa ay nakarinig na kami ng mga sasakyan na paparating. Sumilip ako mula sa bintana ng kuwarto ko at nakita kong pumaparada na roon ang tatlong van at isang maliit na truck. Dumating na ang mga bagong kasambahay, ang mga taong mag-aalaga ng mansyon at ng buong hacienda.Habang bumababa sila isa-isa, pinagmasdan ko sila nang mabuti. Halos lahat ay mukhang sanay sa trabaho, karamihan ay may edad na, maliban sa dalawa o tatlo na mukhang nasa late twenties pa lamang. Tahimik akong naglakad pababa patungo sa receiving area ng hacienda. Nandoon na sina Manang Cora at ang ibang kasamahan namin, tinutulungan ang mga bagong dating na dalhin ang kanilang mga gamit sa loob.Nagtipon kami sa malawak na bulwagan ng hacienda. Inilabas ko ang mga kontrata na ipinagawa ko kagabi pa lamang. Simple lang naman ang kasunduan.Lahat ng malalama
Miro POVSa loob ng malaki kong bedroom, nakaupo ako sa isang malambot na armchair malapit sa bintana habang nakatingin sa malawak na tanawin ng lupain na ngayon ay pagmamay-ari ko na. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahapon lang, parang malungkot ako dahil nagpaalam na ako sa pamilya ko, pero ngayon, isa na akong bilyonaryo at napakasaya ko talaga ngayon. Isa na rin talaga akong Mafia Boss.At dahil isa na akong mafia boss ngayon, kailangan kong patunayan sa sarili ko at sa mga taong umaasa sa akin na karapat-dapat ako sa posisyong ito.Binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang maghanap ng impormasyon tungkol sa mga Mafia Boss. Well, marami naman na akong nalaman tungkol sa mga pinaliwanag ng mga tito ko. Ang hindi ko na lang alam ay kung ano ang tamang pag-uugali ng isang tunay na pinuno? Hindi ito simpleng negosyo. Ang mundo na ginagalawan ko ngayon ay puno ng panganib, ng pagtataksil at ng walang humpay na laban para sa kapangyarihan.“A Mafia Boss must be feared, but also respected
Samira POVMula kaninang umaga, ilang beses ko nang tinawagan si Miro, pero ni isang sagot, wala manlang. Hindi rin siya nagre-reply sa mga messages ko. Kagabi pa ako nagpadala ng message sa kaniya pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang paramdam sa akin. Ang feeling lang, nakakainis. Palibhasa’t mataas na nilalang na siya, ganito, hindi na agad namamansin.“Maybe he’s just busy, hija,” sabi ni Manang Cora habang abala sa pag-aayos ng listahan ng mga buto ng gulay na gusto nilang itanim sa likod ng hacienda.Tumango na lang ako, pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Dati, kahit isang simpleng text ko lang, agad na siyang nagre-reply. Kahit pa madaling araw o abala siya, hindi niya ako pinaghihintay. Pero ngayon? Isang buong gabi at kalahating araw na akong naghihintay, parang hindi na ako importante.Huminga ako nang malalim at ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa namin. Mas mabuting ilibang ko na lang ang sarili ko kaysa sa maghintay sa isang taong hindi ko alam kung kailan ako p
Samira POVNgayong araw ang unang araw ko bilang personal bodyguard ni Miro. Masaya ako kasi kikita na ako ng pera at makakapag-ipon na ako para sa future ko. Si Don Vito, nakikita ko naman na malapit na ang pagbagsak niya, manunuod na lang ako sa kung anong gagawin ni Miro, pero hindi ibig sabihin na wala akong gagawin, tutulong pa rin ako, sakto naman na personal bodyguard ako ni Miro kaya makikita at malalaman ko ang mga nagaganap.Every Saturday at Sunday lang ang uwi ko sa hacienda para ma-train ang mga manang na gustong matutong gumamit ng sandata at self-defense. Pero tuwing lunes hanggang biyernes, kailangan kong manatili sa mansyon ni Miro, grabe nga, sobrang laki ng manisyon nga, talaga ngang masasabi kong mafia boss na talaga si Miro kasi mala-palasyo ang laki nito.May sarili akong silid dito. Malaki din, parang mas malaki pa itong bedroom ko kasya sa dati naming bahay. Para ngang hindi lang ito basta kuwarto ng isang tauhan, naisip ko na hindi ako tinitignan na parang tau
Samira POVPagkarinig ko pa lang ng tunog ng makina ng sasakyan sa labas ng mansiyon, agad akong napalingon sa bintana. Hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang isa sa mga sasakyan ni Miro. Ilang segundo pa, bumukas ang pinto at nakita ko siyang bumaba, kaswal na naka-itim na polo at trousers habang may dalang ilang supot ng pagkain.Hindi ko napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagdalaw. Siguradong gusto niya akong makita kaya siya naririto.“Miro?” Napalunok ako ng laway habang papalapit siya.Ngumiti siya nang makita ako, isang bihirang ngiti ang binigay niya na tila nagsasabing maganda ang mood niya ngayon. “Did you miss me?”Hindi ko alam kung sasagot ako, pero naunahan na ako ng mga manang.“Miro,anak!” Halos sabay-sabay nilang sigaw, at isa-isa silang lumapit para yakapin siya.“Ay, ang laki-laki na lalo ng katawan mo!” natatawang sabi ni Manang Cora habang pinapalo nang mahina ang braso niya. Kung alam niyo lang, malaki rin ‘yung nasa
Third Person POVSa loob ng isang madilim at malaking office, nakaupo si Don Vito sa kaniyang malaking upuan habang ang mga kamay niya ay nakahawak nang mahigpit sa armrest nito. Nanginginig sa galit ang kaniyang katawan at kitang-kita sa kanyang mga mata ang nag-aalab na poot na nararamdaman niya.“Those bastards dared to ruin everything I built?!” sigaw niya habang hinampas nang malakas ang mesa. Ang tunog ng salamin at mga papel na nagkalat ay namuo sa buong paligid, pero wala siyang pakialam. Gusto niya lang magwala dahil sa galit na nararamdaman niya.Nawala na si Amira. Ang kanyang mata sa loob ng emperyo ni Miro, ang babaeng pinagkatiwalaan niya upang sumira mula sa loob. At ngayon? Wala na rin ang kanyang mga pinagkukunan ng armas, droga, at pera. Ang kaniyang mga smuggling routes ay nawasak, ang mga storage facility niyaa y nilusob at sinunog, at ang kanyang mga supplier ay biglang naglahong parang bula.Hindi niya matanggap na nagawang sirain ni Miro ang lahat ng ito sa loob
Samira POVHabang nakatingin ako sa malayo, inalala ko ang sinabi ni Miro tungkol sa kaniyang half-sister na si Ahva. Mahal na mahal niya ito at hindi ko maiwasang maisip kung ano ang lagay niya ngayon. Hindi ko naman talaga plano na puntahan siya, pero may isang bahagi sa puso ko ang gustong makita ang babaeng mahalaga kay Miro. Nagpaalam ako sa mga manang na may lalakarin lang ako saglit, ganoon din ang sinabi ko sa mga soldiers ni Miro na malamang ay pinagbabantay din sa akin ni Miro.Bahala na, basta, gusto kong makita si Ahva, gusto ko siyang kilalanin.“Walang makakaalam nito kay Miro, klaro?” matigas kong sabi sa mga soldiers na nagbabantay sa akin. Hindi na kailangan ng paliwanag, dahil sa relasyon namin ni Miro, alam nilang mas makakabuti para sa kanila kung susundin nila ako.Hinayaan nila akong umalis ng bahay gamit ang isang motor para mas mabilis ang lakad ko.Nang makarating ako sa school ni Ahva, napansin kong maluwag naman ang seguridad doon. Kahit sino pala ay puweden
Miro POVHawak ko ang cellphone habang ka-video call si Tito Zuko. Sa screen, kita niya kung paano isa-isang inilulubog ng mga tauhan ko ang wala nang buhay na katawan nina Amira at ng mahal niyang ina sa malalim na hukay na pinahukay ko mismo sa gitna ng kagubatan. Isang libing na walang kahit anong seremonya. Isang libing para sa mga traydor. Hindi nila deserve na bigyan pa ng magandang libing.“It’s done, Tito. Wala nang sagabal. Wala nang spy,” masaya kong sabi habang iniikot ang camera para makita niya ang paligid. Walang ibang marinig dito kundi ang tunog ng pala na humahagip sa lupa, ang mabigat na buntong-hininga ng mga tauhan ko, at ang tunog ng dapithapon na unti-unting bumabalot sa buong lugar.\Sumama ako sa paglilibing kasi gusto kong makita mismo ng mga mata ko na wala na talagang pag-asang mabuhay ang Amira na ito.Tumango si Tito Zuko mula sa kabilang linya. “Good. Now, let’s move forward. Don Vito is still out there. Trabahuhin na nating maayos ang pagpapabagsak sa ka
Miro POVNgayon ko tatrabahuhin si Amira. Oras na para ibalik ang mga kaputang-inang ginawa niyang problema sa mga plano at sikreto ko. Ngayong nadamay ang lahat, ibabalik ko sa kaniya ang ginawa niya.Nasa harapan ko siya ngayon, nakatali pa rin sa upuan, nanginginig at walang magawa. Sa tabi niya, naroon naman ang kanyang inang malakas pa sa kalabaw, ang nagpanggap na may cancer kaya pati si Samira ay naloko nila sa acting-an nila sa pag-uusap sa phone.Pinapunta ko muna si Samira sa mga manang kasi kapag nandito siya, maagang papanaw itong si Amira. Siya kasi ang sobrang gigil sa babaeng ito. Ang gusto ko kasi, mahaba-habang pahirapan para magdusa siya ng matindi.Nasa paligid namin sina Tito Zuko, Tito Sorin, at Tito Eryx. Alam ko, pare-pareho kaming nag-aapoy sa galit.Tiningnan ko si Amira, ang magaling na assassin na kinuha ko pa naman para ma-test si Samira. Ang assassin na akala ko ay magaling at mapagkakatiwalaan pero hindi pala kasi nagdala ako ng anay sa imperyo ko. Pero n
Samira POVPagdating ko sa tagong mansiyon ni Miro, bumungad sa akin ang mga malalaking lalaking soldiers ni Miro, dito pala niya dinala ang halos matatangkad at malalaking katawan na tauhan niya. Nung bumaba na ako ng sasakyan, isang masiglang mga boses ang sumalubong sa akin.“Samira, ija!” sabay-sabay na sigaw ng mga manang habang patakbong lumapit sa akin.Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin, isang yakap na punong-puno ng pangungulila at pagmamahal. Naroon sina Manang Cora, Manang Luciana, Manang Luz, Manang Rowena, Manang Percy at Manang Josie. Pinasadahan nila ng tingin ang buong katawan ko na para bang sinusuri kung okay lang ba ako, hindi pa ako nagkakasugat sa mga labanang nangyayari. Ganoon sila, parang mga magulang ko na. Kaya nga sobrang malapit na rin ako sa kanila, mahal ko na ang mga manang kaya poprotektahan ko rin sila.“Oh my, look at you! Sa dami nang nangyari, ligtas at wala kang sugat, talagang magaling ka, Samira, anak,” sabi ni Manang Luciana habang h
Miro POVNang mapanood ko ang video na kinuha ni Samira, lalo akong napahanga sa kaniya. Hindi lang siya matalino, matapang din siya at magaling talaga. Hindi ko inaasahan na tutuparin niya na siya ang huhuli at hahanap ng anay dito sa manisyon ko.\Nakatali pa rin si Amira sa upuan, ang dugo sa kanyang mga sugatang braso at binti ay nagsimula nang dumikit sa kanyang balat. Nanginginig siya, hindi dahil sa sakit, kundi dahil alam niyang wala na siyang ligtas ngayon.“You lied to me, Amira,” malamig kong sabi habang nakatayo sa harapan niya. “I let you into my empire. I trusted you. And this is how you repay me?”Napayuko siya at halos hindi makatingin sa akin. Pero alam kong hindi iyon dahil sa pagsisisi. Alam kong iniisip pa rin niyang may paraan siyang makatakas pa.“Miro, please... Let me explain—”Sa inis ni Samira, bigla niyang tinadyakan ang mukha ni Amira. Napangiwi ito at halos dumugo ang ilong niya.“Explain mong mukha mo!” sigaw ni Samira. Ang init ng ulo ng bebe ko, palibha
Samira POVPaglabas namin ni Miro sa kuwarto, nagkaniya na kami ng kilos, pero dapat sumunod ako sa kaniya kasi personal bodyguard niya pa rin ako, pero dahil napansin kong pumasok si Amira sa kuwarto niya, siya ang sinundan ko kaysa kay Miro. Nagtatakbo siya papunta sa kuwarto niya na para bang iba ang kinikilos. Malakas na ang kutob ko na may something sa kaniya kaya magkakaalaman na ngayong.Maingat akong lumapit sa pintuan ng kuwarto niya habang bahagyang nakabukas kaya hindi ko na kinailangang gumawa ng ingay. Sumilip ako at nakita kong hawak niya ang cellphone niya, kausap ang kung sino man sa kabilang linya. Dahan-dahan kong inilabas ang sarili kong cellphone at ini-on ang camera, at palihim siyang kinuhanan ng video bilang ebidensya ko.“He’s alone. This is the perfect time. I’ll handle it,” malamig na sabi ni Amira sa kausap niya sa telepono.Napangisi ako sa narinig ko habang pilit inuunawa ang mga narinig ko. Sino ang kausap niya? Halos manginig tuloy ang kamay ko nang mas
Samira POVPagkatapos ng halikan naming iyon sa terrace ng manisyon, hindi na ako nagdalawang-isip nang hawakan ako ni Miro sa kamay ko at hinila papasok sa kanyang bedroom. Tahimik lang kami habang papunta doon, pero ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko.Nang maisara niya ang pinto, hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya nang mahigpit.Ngayon na lang ako makakaranas ng ganito. Hindi ko na rin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko. Lalong tumatagal na nakakasama ko si Miro, lalo ring lumilinaw na gusto ko siya at gusto ko siyang mahalin.Kanina, nung makita ko kung gaano siya kalungkot, gustong-gusto ko talaga siyang ma-comport. Nabanggit na rin kasi ng mga tito namin ang nangyari kaya alam ko na ang dahilan kung bakit malungkot siya. At para sa akin, dapat lang na ma-comport siya.Kaya kanina, tinabi ko na talaga ang pagiging mahiyain ko, lumapit na ako sa kaniya at nilakasan ko ang loob ko na yakapin siya.“I’ve been holding this back for so long,” bulong niya sa