Samira POVMula kaninang umaga, ilang beses ko nang tinawagan si Miro, pero ni isang sagot, wala manlang. Hindi rin siya nagre-reply sa mga messages ko. Kagabi pa ako nagpadala ng message sa kaniya pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang paramdam sa akin. Ang feeling lang, nakakainis. Palibhasa’t mataas na nilalang na siya, ganito, hindi na agad namamansin.“Maybe he’s just busy, hija,” sabi ni Manang Cora habang abala sa pag-aayos ng listahan ng mga buto ng gulay na gusto nilang itanim sa likod ng hacienda.Tumango na lang ako, pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Dati, kahit isang simpleng text ko lang, agad na siyang nagre-reply. Kahit pa madaling araw o abala siya, hindi niya ako pinaghihintay. Pero ngayon? Isang buong gabi at kalahating araw na akong naghihintay, parang hindi na ako importante.Huminga ako nang malalim at ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa namin. Mas mabuting ilibang ko na lang ang sarili ko kaysa sa maghintay sa isang taong hindi ko alam kung kailan ako p
Samira POVNgayong araw ang unang araw ko bilang personal bodyguard ni Miro. Masaya ako kasi kikita na ako ng pera at makakapag-ipon na ako para sa future ko. Si Don Vito, nakikita ko naman na malapit na ang pagbagsak niya, manunuod na lang ako sa kung anong gagawin ni Miro, pero hindi ibig sabihin na wala akong gagawin, tutulong pa rin ako, sakto naman na personal bodyguard ako ni Miro kaya makikita at malalaman ko ang mga nagaganap.Every Saturday at Sunday lang ang uwi ko sa hacienda para ma-train ang mga manang na gustong matutong gumamit ng sandata at self-defense. Pero tuwing lunes hanggang biyernes, kailangan kong manatili sa mansyon ni Miro, grabe nga, sobrang laki ng manisyon nga, talaga ngang masasabi kong mafia boss na talaga si Miro kasi mala-palasyo ang laki nito.May sarili akong silid dito. Malaki din, parang mas malaki pa itong bedroom ko kasya sa dati naming bahay. Para ngang hindi lang ito basta kuwarto ng isang tauhan, naisip ko na hindi ako tinitignan na parang tau
Miro POVNakahawak ako sa baril habang nasa loob ng sasakyan, oras na para sa pangalawang plano na pagpapabagsak kay Don Vito. Hindi ko dapat narito. Hindi ko pa ito ginagawa ayon sa kay Tito Eryx, pero gusto ko kasi ng experience, ang sumabak sa mismong pagsalakay namin. Pero kung gusto kong masanay, kung gusto kong maging tunay na lider, kailangan kong maranasan mismo ang ganitong klase ng laban, kahit pa mafia boss na ako.“We move in five minutes,” sabi ni Tito Zuko. Mahinahon ang boses niya pero matigas. “Remember, no mistakes. We get Hector, no one else.”Tumango ako at sinilip ang paligid mula sa bintana. Ang target namin ay isang malaking warehouse sa labas ng city. Dito nagkukuta ang kanang-kamay ni Don Vito na si Hector. Ayon sa intel, nagtatago siya rito kasama ang isang dosenang armadong tauhan. Si Hector ang isa sa pinagkakatiwalaan ni Don Vito at ayon sa mga soldier ko na dati nang kilala si Hector, isa ito sa naging dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Si Hector ang
Samira POVSabado ngayon. Alam kong dapat ay nagpapahinga ako, pero hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata nang walang iniisip na plano. Monday to Friday, abala ako sa pagbabantay kay Miro, pero tuwing Sabado at Linggo, bumabalik ako sa hacienda para turuan ang mga manang. Sabi ni Miro, ang hacienda na ito ay sa amin na ng mga manang. Kaya ng malamang ng mga manang iyon, natuwa sila ng husto kasi alam nilang may magiging tahanan na sila hanggang mamatay sila. Siyempre, ganoon din ako. Isa pa, sobrang safe nito kasi napakatagong lugar nito.Alam kong mahina ang tsansa nilang makalaban nang harapan, pero kung may pagkakataong makaligtas sila gamit ang kaalaman sa self-defense, sulit na ang pagod ko. Kaya gustuhin ko mang mamahinga ng Sabado at Linggo, pipiliin ko pa ring turuan sila dahil alam kong balang-araw, magagamit din nila itong mga ituturo ko sa kanila.Nagtipon kaming lahat sa malawak na bakuran ng hacienda. Masarap ang simoy ng hangin sa umagang ito, pero alam kong hindi
Miro POVTahimik ang buong mansiyon. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggong tensiyon at dugo, ngayon lang ako nakaramdam ng tunay na pahinga. Wala rito ngayon ang mga tito ko at pati na rin si Samira. Mga bodyguard at mga soldiers ko lang ang naiwan na nagkalat sa paligid ng mansiyon ko.Napabuntong-hininga ako. Nasa akin na ang lahat ng gusto ko ngayon, kapangyarihan, pera at respeto. Sa totoo lang, kailangan ko pang pumasok sa school, ga-graduate pa ako pero sabi nila tito, mafia boss na ako ngayon, maraming pera, pero kung gusto ko namang magtapos talaga, puwedeng mag-home school na lang ako. Kayang-kaya ko naman daw bumayad ng malaki kaya ganoon na lang talaga ang gagawin ko.Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama, nakasandal sa headboard habang naglalaro sa isip ko ang balitang natanggap ko kaninang umaga. Galit na galit si Don Vito. At ang pinakanakakatuwa? Hindi niya alam kung sino ang bumabangga sa kaniya. Hindi niya matukoy na ako ang bagong anino na unti-unting
Samira POVPagkatapos ng matagal na training kasama ang mga manang, pagod akong bumalik sa kuwarto ko. Ito na talaga ‘yung pahinga ko, kaunting oras lang kaya dapat ay kahit pa paano, makapag-siesta manlang kahit isa, dalawa o tatlong oras.Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, lalo na’t nag-focus kami sa self-defense. Pero kung masakit ang katawan ko, siguro ay mas lalo na sa katawan ng mga manang. Alam kong mahirap para sa kanila ang ginagawa namin, lalo na’t may edad na ang iba, pero kailangan nilang matutong ipagtanggol ang sarili nila at matutong lumaban. Mas mabuti nang paghandaan ang paparating na gulo kaysa magsisi kami sa dulo.Pagbagsak ng katawan ko sa kama, nakaramdam agad ako ng ginhawa. Sa wakas, makakapagpahinga na rin. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapikit, may kumatok na bigla sa pintuan ng kuwarto ko.“Pasok,” sagot ko kahit na medyo naiinis ako sa istorbo. Bumukas ang pinto at lumitaw si Ramil, bagong ligo na. Mabuti pa siya, kahit pa paano ay nakapagpahinga na.N
Miro POVKakatapos ko lang kausap sa video-call ang mga kaibigan kong sina Zaven, Dristan at Lysander. Nami-miss na raw nila ako, pero dahil kailangan ko munang ring lumayo sa kanila at baka madamay sila sa gulong mangyayari, nagsinungaling na lang ako sa kanila at sinabing na nasa ibang bansa ako ngayon at magtatagal ako rito. Madali namang paniwalain ang mga iyon kaya inisip talaga nila na nasa New york ako.Nakakalungkot lang talaga na kailangan ko munang iwasana ng mga nakasanayang kong gawin dati. Pero magtitiis muna ako kasi kapag nawala naman na si Don Vito, makakabalik din ako sa dati.Kakababa ko lang sa cellphone ko at gusto ko sanang matulog muna saglit pero bigla na namang tumunog ang ito. Pagkahawak ko sa cellphone ko, agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Narinig ko agad ang boses ni Manang Cora sa kabilang linya nung sagutin ko ang tawag niya.“Miro, tila wala sa ulirat si Samira nang umalis siya rito sa hacienda. Hindi namin siya mapigilan. Ayaw din kasing magpapi
Samira POVRamdam ko naman na nag-aapoy ngayon ang puso at isip ko. Ang nagngangalit kong dugo ay mas mainit pa sa apoy ng impyerno, ganoon ang parang naiisip ko.Nakatayo na ako sa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, isa ito sa mansiyon niya at ang balita ko, nandito sa loob ng bahay na ‘to si Lolo Lito, ang ama ni Don Vito.Wala nang atrasan. Kailangan nilang malaman kung sino talaga ako, hindi isang mahina, hindi isang biktima kundi kaya ring maging gaya nila na maging walang puso. Oo, ngayong gabi ay magiging walang puso ako dahil maniningil na ulit ako. Matapos kong mapanuod ang ginawa ni Don Vito sa ama ko, mas inspired akong gayahin din ang ginawa niya sa ama ko.Ako ang anino ng kamatayan na kakatok sa pintuan nila ngayong gabi. At ang biktima ngayon, walang iba kundi ang ama ni Don Vito.Sa labas pa lang, dalawang security guard na ang bumalik sa kanilang puwesto matapos ang kanilang ronda. Wala silang kamalay-malay na may halimaw na nagtatago sa dilim. Ako iyon. At nga
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para
Miro POVMas lalo akong nahiya sa sarili ko kasi sina Samira pa talaga ang nakahuli kay Don Vito. Sina Samira at ang mga manang na ‘di hamak na mas malakas ako. Grabe, hindi ko alam ang mararamdaman ko, basta kahihiyan ang unang nararamdaman ko. Pero ang mahalaga, heto na, nahuli na nila si Don Vito at totoong-totoo na ito.Ilang linggo na naming hinahabol si Don Vito at ngayon, sa wakas ay mapapasa-kamay ko na rin siya. Ngunit higit sa lahat, isang mukha lang ang gusto kong makita—si Ahva.Nang tignan ko si Don Vito, napangiwi ako. Mukhang na-torture na siya nila Samira at ng mga manang. Kaawa-awa ang sinapit nito.“Where is she? Where’s Ahva?” tanong ko agad kay Samira habang pinagmamasdan ang paligid ng kagubatan. Nakatayo si Don Vito, duguan, nakaposas at binabantayan ng mga Manang at ng ilang pulis. Ngunit wala talaga si Ahva.Napayuko si Samira. Napalunok siya ng laway. Halatang hindi niya alam kung paano ako haharapin.Pero bigla namang nagsalita si Don Vito, kahit kitang-kita
Samira POVSa dami ng pinagdaanan ko sa kamay ni Don Vito, hindi ko akalaing darating ang araw na makikita ko siyang nakagapos, duguan at walang kapangyarihang manakit pa.Ang mga kamay ko ay nanginginig pa habang nakatingin ako sa kaniya. Pero hindi ito takot. Hindi rin ito awa. Hindi niya deserve ng awa. Matagal nang naubos ang awa ko para sa hayop na ito. Ang nararamdaman ko ngayon ay galit na walang ibang pupuntahan kundi ang pagganti. Kinuha ni Don Vito ang lahat ng mahal ko sa buhay, kaya humanda siya kasi parating na siya sa impyerno.“We should call the authorities after this,” sabi ni Manang Luz habang hawak-hawak ang kutsilyong may bahid ng dugo.Tumango ako. “Yes. But not until we get what we deserve.”Isang bilyong piso kasi ang makukuha namin. Ganoon kalaki ang halagang nakataya sa ulo ni Don Vito. Sa tagal ng panahong pinaghaharian niya ang takot, kasinungalingan at karahasan, ngayon ay may kapalit na presyo ang ulo niya. At upang makapag-umpisa ng bagong buhay, kailanga
Third Person POVMadilim na ang paligid nang muling lumitaw si Manang Luz, hila-hila niya sa damuhan ang walang malay na si Samira. Hindi alam nila Samira at ng mga manang, nitong nagdaang araw ay nagbalik-loob siya kay Don Vito dahil sa pangako nitong isang bilyong piso na ibabayad sa kaniya, basta maging spy lang siya at sundin ang mga gusto niyang mangyari. Kaya ngayon, nasilaw siya at kahit ano pang utos ni Don Vito ay susundin niya.Nang makita ni Don Vito si Manang Luz, agad itong napabangon mula sa pagkakasandal sa matabang puno ng mangga. Kahit sugatan at halos hindi na makatayo, pilit pa rin siyang naglakad palapit na tila isang sundalong handang salubungin ang tagumpay dahil napasunod niya si Manang Luz.“You’re really my kind of people, Luz,” masayang bati ni Don Vito na halos hindi makapaniwala na darating si Manang Luz na kasama ang bagong bihag nila.“You promised a billion. For that kind of money, I’ll follow anything you say,” sagot ni Manang Luz, diretso habang walang
Samira POVTahimik ang paligid habang kami ni Manang Luz ay patuloy na naglalakad sa madilim na bahagi ng kagubatan na ito. Gutom na, uhaw na rin kaya kung magpapatuloy ang mga manang na sumama sa amin, mapapagod agad sila at tiyak na manghihina, paano pa sila makakaluban kung kailan nakita na namin sina Don Vito ay mahina na sila. Kahit malamig ang hangin, nanatiling pawisan ang likod ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa pagod. Pero bakit nga ba ako kakabahan kung alam kong mahina na sina Don Vito.Ah, baka ang kaba na nararamdaman ko ay kapag nalaman ni Miro na nagsarili kami ng plano, oo, siguro ay ‘yun ang iniisip ko.“Are you okay?” tanong sa akin ni Manang Luz nang pabulong.Tumango lang ako. “Yeah... I’m fine, medyo iniisip ko lang si Miro. Hanggang ngayon, parang wasak na wasak siya. Tuliro, palaging galit at halatang wala nang gagawin kundi mag-inom at magmukmok na lang sa kuwarto niya.”Bumuntong-hininga si Manang Luz. “Kung bakit ba naman kasi hindi na lang tumulong
Miro POVHindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Basta ang huli kong naaalala, tulala akong nakatitig sa kisame habang hawak pa rin ang bote ng alak. Paulit-ulit kong iniisip ang lahat ng nangyari. Si Don Vito. Si Ahva na hanggang ngayon ay nawawala at pati na rin ang pagkamuhi sa akin ni Mama Ada.Pero bigla akong nagising nang bumukas ang pinto ng kuwarto namin ni Samira. Hindi ko na halos ramdam ang tama ng alak nang pumasok sina Tito Zuko, Tito Sorin, at Tito Eryx.“Miro, you need to wake up,” seryoso ang boses ni Tito Zuko habang mabilis na lumapit sa akin.Napabangon naman agad ako kasi sa tono palang nang pagsasalita ni Tito Zuko ay mukhanng may problema nga. “What happened?”Tumingin si Tito Sorin sa akin na halatang nagpipigil ng inis. “Samira took the old women. The soldiers just reported it. Pinainom nila ng pampatulog ang mga soldier mo para makatakas sila.”“What?!” Napamura ako. “Damn it, Samira!”Tumayo agad ako at lumapit sa cabinet para magpalit ng damit. “Why
Samira POVSobrang tahimik ng paligid. Tanging ang huni ng mga kuliglig at ang kaluskos ng mga dahon sa ilalim ng aming mga paa ang maririnig. Malamig ang simoy ng hanging ngayong gabi pero pawisan kami dahil halos kanina pa kami naglalakad. Maliwanag ang sinag ng buwan sa langit at kahit wala kaming bitbit na flashlight, sapat na ang liwanag nito para makita namin ang daan.Ako na lang ang nagtatabas ng mga malalaking damo para makalakad kami ng maayos. Ako ang may hawak ng itak at ako ang nangunguna sa paglalakad.“We have to move quietly,” bulong ko sa mga manang habang tinuturo ang mas madamong bahagi ng gubat. “Don Vito might have scouts watching.”Wala sa kanila ang nagpakita ng takot. Si Manang Luz, Manang Cora, Manang Luciana, Manang Josie, Manang Percy at Manang Rowena—lahat sila ay handang sumugod nang walang pag-aatubili. Kahit may edad na ang iba, kahit mabagal na ang galaw ng ilan, kapansin-pansin ang apoy sa kanilang mga mata. Apoy ng galit, ng paghihiganti at ng kabayan
Samira POVHabang papasok ako sa mansiyon kung saan naroon ang mga manang, biglang tumunog ang phone ko. May natanggap akong message galing sa isang unknown number. Isa ‘yung larawan. At isang location pin kaya nagulat ako.Sa ilalim ng isang malaking puno, nakahiga doon si Don Vito—mukhang mahina, may benda sa ulo at mukhang walang malay. Halos hindi ko siya makilala sa unang tingin ko. Ang dating makapangyarihan, demonyo sa buhay ni Miro, ngayon ay parang napabayaan at hinagupit ng tadhana. Ang itsura niya, parang kaawa-awa, pero kung sa gaya lang din niya na sobrang sama, walang awang dapat maramdaman ang kahit sinong makakakita sa kaniya dahil halos libo-libong buhay ang nawala dahil sa kahayupan niya.“Who sent this?” tanong ko tuloy sa sarili ko habang nakatitig pa rin sa screen. Nakapasok na ako sa loob ng mansiyon, tuwang-tuwa na naman ang mga manang nang makita ako.Pero sa halip na matakot ako sa natanggap kong message, nakaramdam ako ng kakaibang saya kasi hindi na namin ka