Samira POVPagkatapos ng matagal na training kasama ang mga manang, pagod akong bumalik sa kuwarto ko. Ito na talaga ‘yung pahinga ko, kaunting oras lang kaya dapat ay kahit pa paano, makapag-siesta manlang kahit isa, dalawa o tatlong oras.Ramdam ko ang bigat ng katawan ko, lalo na’t nag-focus kami sa self-defense. Pero kung masakit ang katawan ko, siguro ay mas lalo na sa katawan ng mga manang. Alam kong mahirap para sa kanila ang ginagawa namin, lalo na’t may edad na ang iba, pero kailangan nilang matutong ipagtanggol ang sarili nila at matutong lumaban. Mas mabuti nang paghandaan ang paparating na gulo kaysa magsisi kami sa dulo.Pagbagsak ng katawan ko sa kama, nakaramdam agad ako ng ginhawa. Sa wakas, makakapagpahinga na rin. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapikit, may kumatok na bigla sa pintuan ng kuwarto ko.“Pasok,” sagot ko kahit na medyo naiinis ako sa istorbo. Bumukas ang pinto at lumitaw si Ramil, bagong ligo na. Mabuti pa siya, kahit pa paano ay nakapagpahinga na.N
Miro POVKakatapos ko lang kausap sa video-call ang mga kaibigan kong sina Zaven, Dristan at Lysander. Nami-miss na raw nila ako, pero dahil kailangan ko munang ring lumayo sa kanila at baka madamay sila sa gulong mangyayari, nagsinungaling na lang ako sa kanila at sinabing na nasa ibang bansa ako ngayon at magtatagal ako rito. Madali namang paniwalain ang mga iyon kaya inisip talaga nila na nasa New york ako.Nakakalungkot lang talaga na kailangan ko munang iwasana ng mga nakasanayang kong gawin dati. Pero magtitiis muna ako kasi kapag nawala naman na si Don Vito, makakabalik din ako sa dati.Kakababa ko lang sa cellphone ko at gusto ko sanang matulog muna saglit pero bigla na namang tumunog ang ito. Pagkahawak ko sa cellphone ko, agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Narinig ko agad ang boses ni Manang Cora sa kabilang linya nung sagutin ko ang tawag niya.“Miro, tila wala sa ulirat si Samira nang umalis siya rito sa hacienda. Hindi namin siya mapigilan. Ayaw din kasing magpapi
Samira POVRamdam ko naman na nag-aapoy ngayon ang puso at isip ko. Ang nagngangalit kong dugo ay mas mainit pa sa apoy ng impyerno, ganoon ang parang naiisip ko.Nakatayo na ako sa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, isa ito sa mansiyon niya at ang balita ko, nandito sa loob ng bahay na ‘to si Lolo Lito, ang ama ni Don Vito.Wala nang atrasan. Kailangan nilang malaman kung sino talaga ako, hindi isang mahina, hindi isang biktima kundi kaya ring maging gaya nila na maging walang puso. Oo, ngayong gabi ay magiging walang puso ako dahil maniningil na ulit ako. Matapos kong mapanuod ang ginawa ni Don Vito sa ama ko, mas inspired akong gayahin din ang ginawa niya sa ama ko.Ako ang anino ng kamatayan na kakatok sa pintuan nila ngayong gabi. At ang biktima ngayon, walang iba kundi ang ama ni Don Vito.Sa labas pa lang, dalawang security guard na ang bumalik sa kanilang puwesto matapos ang kanilang ronda. Wala silang kamalay-malay na may halimaw na nagtatago sa dilim. Ako iyon. At nga
Miro POVSa harap ng malawak na mansiyon ni Don Vito, napatigil ako nang makita ko ang isang nakatayong tao sa dilim. Sure akong isa itong babaeng nakabonnet habang punong-puno ng dugo ang katawan at damit. Kilala ko ang kilos niya, ang paraan ng paglalakad niya at ang buhok nito. Walang duda, si Samira iyon.“Damn it, Samira,” bulong ko sa sarili ko habang binabantayan ang bawat galaw niya.Sakto namang paalis na siya doon nang biglang may humintong dalawang malaking van sa harapan ng gate. Agad akong kumilos at itinaas ang kamay bilang hudyat sa mga tauhan ko.“Move!” sigaw ko at agad silang sumugod.Nagpalitan ng putok ang magkabilang panig. Ang mga bala, parang ulan sa gitna ng digmaan, pati ang mga kapitbahay ay nabulabog, ang ilan ay halos napadungaw sa bintana.Pero tila wala itong epekto kay Samira. Kahit mas marami ang kalaban, nagawa pa rin niyang mapatumba ang ilan. Agad na tuloy akong sumugod palapit sa kanya habang pilit siyang inilalayo sa labanan.“Samira! Let’s go!” s
Samira POVHabang dumadaloy ang maligamgam na tubig sa aking balat, paulit-ulit akong napapailing.“What the hell was that, Samira?” bulong ko sa sarili habang sinasabon ang aking braso.Napapikit ako at napailing nang pauli-ulit. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kanina para halikan si Miro, buwisit, hindi lang basta halik, tinukso ko pa siya! Ngayon, paano ko siya haharapin bukas? Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Mafia boss pa naman na siya at boss ko nga pala tapos ginanoon ko siya.Siya naman kasi, panay ang sermon, nakukulili na ang tenga ko kaya iyon ang naisip kong paraan para mapatigil siya.Napahawak ako sa noo at napahinga nang malalim. Hindi puwede ‘to. Kailangan ko siyang harapin na parang walang nangyari. Ako pa ba? Isang halik lang ang makakagulo sa isip ko? Hindi ko hahayaang makita ni Miro na apektado ako. Hindi ko rin hahayaang isipin niyang may ibig sabihin ang ginawa ko.Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang skincare products na binigay niya sa akin noong isan
Samira POVHindi ko akalain na ang unang araw ng parusa ko ay magiging ganito. Pagkagising ko pa lang, para na akong nagising sa isang bangungot. Nakaatang sa balikat ko ang pagiging personal assistant ni Miro. Ito na nga ang napala ko sa pagsugod kong mag-isa at sa pagpatay ko kay Lolo Lito.“Samira, I want my coffee. Black, no sugar. And don’t make me wait.” Ang mayabang niyang utos sa akin, habang nakaupo sa malaking sofa sa sala, hindi man lang lumingon sa akin dahil abala sa pagbubukas ng mga report. Mafia boss na mafia boss na talaga ang atake niya.Napangiwi ako pero agad ding naglakad papunta sa kusina para gawin ang inuutos niya.“Hindi naman ako barista dito,” pabulong kong reklamo habang hinahanap ang coffee beans. Alam kong may CCTV ang buong bahay kaya hindi ako puwedeng gumawa ng kahit anong milagro sa kape niya. Gusto ko pa naman sanang duraan o lagyan ng sili para makaganti manlang sa kaniya.Nang matapos ko itong gawin, dinala ko sa kaniya ang mug.Miro took a sip and
Samira POVKailan ba matatapos ang parusang ito?Muli kong ini-angat ang tray na may lamang isang baso ng fresh orange juice, isang piraso ng lemon slice sa gilid at isang kulay asul na straw na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang may ganoon pa. Nababaliw na ata itong Miro na ito.“Sir, here’s your juice,” sabi ko habang pilit ang ngiti ko. Pero deep inside, gusto ko nang itapon sa dagat ‘tong juice na ‘to.Miro glanced at me from his lounge chair, nakasuot pa ng shades at nakataas ang isang kilay. “Did I ask for orange juice?”Nanlaki ang mata ko. “Uh... yes?”Tinaas niya ang baso at tiningnan ito na parang may lason. “I asked for mango juice. Where’s the mango juice, Samira?”Napangiwi ako. Gusto ko na lang talagang balibagin ng unan ang amo kong ‘to. Pero siyempre, bilang isang personal assistant kuno, hindi ako puwedeng magreklamo.“I’ll get it, sir,” sagot ko habang pigil na naman ang inis.Pagbalik ko sa mini-bar ng yate, napapikit ako ng madiin. Okay, Samira. Konting ti
Samira POVPagkarating namin sa private island, agad akong napanganga. Para itong maliit na Boracay, isang magandang paraiso sa gitna ng dagat. Puti at pino ang buhangin, malinaw ang tubig at napapalibutan ito ng matatayog na puno ng niyog. Hindi ako makapaniwala na si Miro ang may-ari nito. Talaga namang grabeng yaman ang iniwan sa kaniya ng mama niyang mafia boss din dati.Sa gitna ng ganda ng isla, nakita ko kung paano abala ang mga tauhan ni Miro rito. May ilang nagbubuhat ng crates ng armas, may nag-aassemble ng baril, at may nagta-test fire ng mga bagong gawa nilang bala. Hindi ito ilegal, dahil may lisensya ang kumpanyang ito. Ganito kalakas ang koneksyon ng yumaong ina ni Miro. Isang underground empire na legal sa papel, pero alam mong may bahid ng peligro.“Impressive,” bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang isang lalaking nagkakabit ng scope sa isang sniper rifle.“You like what you see?” tanong ni Miro habang nakatayo sa tabi ko, nakapamulsa habang nakangisi na parang
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para