Misha’s POVUmaga pa lang nang ibigay ko kay Jaye ang kaniyang mission para ngayong araw. Sinigurado kong naiintindihan niya ang bigat ng gagawin niya. Mahalaga ang bawat segundo, at gusto kong makita kung hanggang saan ang kakayahan ng best friend ko sa ilalim ng matinding pressure. Matagal-tagal na nung may dumukot sa kaniya at dalhin siya sa bodega. Ang sabi niya, ilang kalalakiha ang bumubog sa kaniya, pinahirapan at walang awa na pinagsusuntok at tadyakan siya. Kaya ngayong malakas na siya, gagawin niya ang lahat para balikan ang mga iyon. Hindi na siya natatakot pang madukot ulit, subukan lang daw nila, makikita nila ang hinahanap nila.“Jaye, today’s your mission day,” sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko, tinitignan ko kung saan sa Maynila kami maghahanap ng ipangmi-mission ko sa kaniya.Natawa siya, pero halata sa mata niya ang kaba. “What’s the plan this time? More training drills?”Umiling ako. “No drills. Real action. We’ll be heading to Manila. You need to find and r
Misha’s POVNgayong araw, napagdesisyunan naming mag-asawa na mag-relax muna. Wala munang mga mission, plano, o kung ano pa mang stressful na bagay. Sa wakas, may pagkakataon din kaming huminga at magpahinga mula sa lahat ng gulong nangyayari. Wala pa rin namang paramdam si Tito Gerald, siguro nag-iisip na naman ng bago niyang plano.Nasa swimming pool kami ng bahay, ang init ng araw ay sakto lang para sa isang maaliwalas na paglalangoy. Hawak ni Everett ang isang baso ng juice habang nakasandal sa gilid ng pool. Ako naman, nakalutang sa tubig, pinagmamasdan ang mga ulap sa langit. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig.“Finally, a normal day,” sabi ni Everett, sabay inom mula sa baso niya.Ngumiti ako, pero ramdam ko na may gusto siyang itanong. Nakikita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin, parang nag-aalinlangan. Alam ko na, siguro dahil ito sa tatlo.“What’s on your mind, Everett?” tanong ko, diretso sa punto.Nagkibit-balikat siya, parang
Misha’s POVTignan mo nga naman, kahit na maraming kaguluhang nangyayari sa buhay namin, heto, tuloy ang pagpapalago ng pera. Hindi hadlang ang buwisit na si Tito Gerald para mauntol ang lahat ng pangarap namin ni Everett.Habang hindi pa rin siya nagpaparamdam, heto, magsasaya muna kami ng kaunti kasi isa na naman sa mga pangarap ko ang natupad ko.Pagbukas ng malalaking double doors ng ballroom, tumingin ang lahat sa akin. Naka-floor-length emerald green gown ako na dinisenyo ng isang sikat na fashion designer, habang si Everett naman, ang guwapo sa kaniyang custom tuxedo. He held my hand as we walked in, his eyes brimming with pride.“You’ve outdone yourself, Misha,” bulong niya habang papunta kami sa stage.Ngumiti ako at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “We did this together. This is as much your achievement as it is mine.”Si Everett ang mas tinitignan, bakit nga ba hindi, eh, para akong may asawang hollywood artista. Nakaayos pa siya ngayon kaya mas lalong guwap
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban. “Everyone ready?” tanong ni Marco. “Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha. Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami. Pagbuka
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak