Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Ada POVPagkatapos naming magkaayos, back to normal na ulit kami ni Mishon. Yehey, kami na ulit at magkabati na kami.Nang magkaayos na kami, pinabura ko na agad kay Mishon ang hot post niya sa social media na halos abutin ng million reaction. Kaasar kasi lalo siyang naging famous dahil sa post niyang iyon.Pinagsabihan ko siya na huwag nang ulitin iyon, pero pinagsabihan niya rin ako na huwag na ring uulitin ang pagiging mataas ang pride, matigas ang ulo at pagpo-post ng picture na may kasama akong iba.Pareho kaming nagkasundo na sundin ang mga ayaw at gusto namin.Pagkatapos, nag-bonding-bonding na kami kasama ng mga kaibigan ko.“Damn, Mishon, are you a prince or something?” pabirong sabi ni Lili habang pinagmamasdan ang paligid.Si Ardella naman, panay ang picture, habang si Sozia, kahit mukhang composed na halatang impressed din.Ako? Mas namangha ako. Hindi dahil lang sa yaman ni Mishon. Pero dahil nandito ako ngayon, kasama siya.Sa totoo lang, nawala na ‘yung bigat sa puso ko
Mishon POVHawak ko ang phone ko, tinitingnan ang huling message na ipinadala ko kay Ada.Sa totoo lang, kahit ako, nasaktan sa pagsusulat niyon. Pero plano ito ni Sozia.Sinabi niya sa akin na kailangan kong umarte na galit para gumalaw si Ada, para ma-realize niya kung ano ang mawawala sa kanya.At alam kong totoo 'yon. Kung hindi ko siya itutulak palayo, baka tuluyan na lang siyang sumuko.At hindi ako papayag na mangyari 'yon.Kaya ngayong umaga, alam kong paparating na sila.Sina Sozia, Ardella, Lili… at si Ada.Habang naghihintay, paulit-ulit kong kinusot ang mata ko, pilit na pinaluluha ang sarili ko.Dapat may bakas ng lungkot, ng sakit, kailangan nilang makita na apektado ako sa nangyari.At totoo naman. Masakit naman talaga.Pero ngayon, may kaunting pag-asa akong nararamdaman.Dahil kahit na masakit ang nangyari, kahit na muntik nang bumalik si Ada sa Paris, andito siya ngayon. Papunta siya sa akin.At may tiwala ako kay Sozia, alam kong gagawin niya ang lahat para ayusin k
Ada POVNakatulala lang ako sa pinggan ko habang nilalaro ang natitirang pagkain gamit ang kutsara.Pilit kong inuubos ang hapunan ko, pero sa totoo lang, wala na akong gana.Hindi dahil sa heartbreak—well, siguro malaking parte ‘yon, pero siguro dahil mas may dahilan ito sa isang bagay na bumabagabag sa isip ko.At si Sozia iyon.Sa makalawa o bukas, malapit na akong umalis ng South Korea, pero hindi ko kayang umalis nang hindi siya kinakausap.Ayokong umalis nang hindi kami nagkakaayos.Pagkatapos ng hapunan, bumalik ako sa kuwarto ko. Pero hindi ako nanatili roon.Dahil ilang minuto lang ang lumipas, lumabas din ako para puntahan si Sozia.Huminga ako nang malalim bago kumatok sa pintuan niya.“Come in,” sagot niya pero halatang wala siyang gana.Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pagpasok ko, nakita ko siyang nakahiga na sa kama.Gising siya—halatang hindi pa natutulog—pero nakapikit siya, tila ba nagkukunwaring tulog.Pero hindi ako nagpatinag."I'm sorry."“Sozia…” tawag ko
Ada POVNakahiga ako sa kama habang mahigpit na nakayakap sa unan ko, patuloy ang paghagulgol.Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak. Nanghina na lang ako, pero kahit anong pilit kong pigilan, hindi humihinto ang luha ko.Hanggang sa biglang ko na lang narinig na bumukas ang pinto ng kuwarto ko.At bago ko pa maitaas ang ulo ko, naramdaman ko ang mainit na yakap nina Lili at Ardella.“Shh… it’s okay, Ada,” bulong ni Lili habang hinihimas ang likod ko.“Just let it out,” sabi naman ni Ardella.Pero si Sozia—hindi siya lumapit.Nang tumingin ako sa kanya, nasa may pintuan lang siya, nakapamewang at bakas sa mukha niya ang inis.At alam kong… deserve ko ‘yun."He gave up on me."“I messed up,” bulong ko ng mahina pero damang-dama ko ang sakit sa bawat salita.Lili tightened her hold on me. “Ada—”“He gave up on me,” putol ko.Nanginginig ang boses ko, parang mababasag ako sa bigat ng sinasabi ko.“I ended it. I pushed him away, and now… he’s gone.”Dama ko ang pagluwag ng yak
Ada POVHindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Napapikit ako at saglit na hinigpitan ang hawak sa phone.Mabilis ang tibok ng puso ko habang isa-isa kong binubuksan ang viral pictures ni Mishon.Mainit sa tenga ko ang ingay ng mga kaibigan ko sa paligid.Pero wala akong pakialam. Lahat ng atensyon ko, nasa screen ng phone ko.Tatlong picture ‘yun ni Mishon. Tatlong nakakalokang larawan ni Mishon.Basang buhok. Pawis na balat. Defined muscles.At isang tingin ko pa lang, alam mong walang dudang pinagkaguluhan ito sa social media.Sa comment section, nagkakagulo ang mga tao. May mga babaeng malalandi. Sila ang pinakamaraming nag-react sa post ni Mishon.“He’s so hot!!!”“I need a Mishon in my life!!!”“Ada, you’re so lucky!! Your man is a god!!”Pero may mga comments din na, napakunot ang noo ko.“Damn, I wanna taste him.”“I’ll fly to South Korea just to see him.”“If Ada won’t marry him, I will!!”My grip tightened on my phone. Napipikon ako. Hindi ko alam kung kanino ako naiinis—k
Mishon POVNapatigil ako sa pag-scroll sa social media at napangiti nang may makita akong magandang binibini.Sa screen ng phone ko, kitang-kita ko ang bagong post ni Ada. Pizza na mukhang masarap. At homemade pizza. At alam ko kung kanino siya natuto niyan.“So, you miss me now, huh?” bulong ko sa sarili ko habang napapangiti.Hindi ko maiwasang mapailing. Ang dami-dami niyang pwedeng i-post—makeup, travel photos, fashion shots—pero ang pinili niya ay pagluluto ng pizza.Kung ‘di ba naman nagpapapansin talaga siya sa akin sa pamamagitan ng social media.At kung nagpapapansin si Ada, aba, sige, magpapapansin na rin ako.Nag-isip ako ng mas pasabog. Kung ayaw niya akong tawagan, i-imessage, makikipag-asaran ako sa kaniya. Sa gagawin ko, tiyak na mapapaisip siya.Lumabas ako sa pool area sa harap ng mansiyon. Nakita kong walang ibang tao kasi busy ang mga kasambahay ko sa pagluluto sa kusina. Tahimik, kaya perfect.Nagtanggal ako ng damit pang-itaas at saka lumubog sa tubig, hindi ko b
Ada POVMag-isa lang ako sa villa kaya tahimik ngayong dito. Wala kasi ang mga kaibigan ko, gumala sila ngayong araw, samantalang ako? Nagpaiwan.Kanina kasi ay sobrang sakit ng ulo ko. Pero ngayon, okay na rin naman. Uminom na ako ng gamot kaya nawala na rin ang kirot.At para may magawa ako, inayos ko na ‘yung mga gamit ko sa kuwarto ko. Tinamad pa kasi akong mag-ayos dahil ‘yung iba ay nasa mga maleta ko pa. Pero, dahil sinisipag na ako, nagawa ko nang maasikaso ‘yun.Akala ko, magiging maaliwalas na ang buong araw ko. Pero biglang dumating ang isang email mula kay Raya.Naka-display sa screen ng phone ko ang pangalan niya.Parang automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako bago pinindot ang email para basahin. Hi, Ada. Alam kong wala akong karapatang istorbohin ka, pero gusto kong linawin ang lahat. Unang-una, pasensya na kung ako ang unang nagsabi sa ‘yo tungkol sa anak namin ni Mishon. Hindi ko intensyon na guluhin kayo. Wala na akong nararamdaman para kay Misho
Mishon POVHindi ako puwedeng manatili sa isang tabi lang at hintayin na lang na bumalik si Ada sa akin. Alam kong mali ako. Alam kong may rason siya para lumayo. Pero hindi ibig sabihin no’n na susuko na lang ako nang basta-basta.Kaya habang inaayos nina Marlo at Claire ang lahat ng negosyo rito sa Paris, may plano na ako.Dahil lumalakas ang demand ng Tani Wines, panahon na para palawakin ang negosyo.Next stop?South Korea.“You’re planning to open wine shops in Korea?” tanong ni Marlo habang nakaupo sa harap ko.Tumango ako. “Not just shops. I want to build a company there, too.”Nagkatinginan si Marlo at Claire.“You’re moving too fast, Sir Mishon.” Napailing si Claire.Ngumiti lang ako. “The vineyards in Paris are thriving. We have enough supply. If we enter Korea now, we’ll be ahead of the competition.”“And Ada is in Korea.” Marlo raised an eyebrow..Tama siya.Hindi lang negosyo ang dahilan kung bakit ako pupunta roon.Kaya naman binilin ko nang mabuti ang lahat sa kaniya h
Mishon POVPagod na pagod ako. Pero kahit anong stress ang bumalot sa akin ngayong araw, hindi ko kayang hayaan si Raya na walang matutuluyan. Mahal daw kasi ang hotel sa Paris. Malamang, mahal talaga rito.Pinatuloy ko siya sa guest room ng mansiyon habang hinihintay ang flight niya pabalik ng Pilipinas bukas.Kahit hindi ko pa rin matanggap nang buo ang lahat, hindi ko rin siya kayang balewalain.Pero, bago pa siya makabalik sa Pilipinas, kailangan naming ayusin ang lahat para wala nang guluhan. Ayoko rin naman na magkaroon pa ng pangalang pangyayaring ito, lalo na kapag naging okay na kami ni Ada. Kaya, bago ko ayusin ang amin ni Ada, uunahin ko na itong kay Raya para matigil na siya.Kaya nitong umaga lang, nagkaroon kami ng pormal na usapan.“This is what’s best para sa anak natin,” sabi ni Raya habang hawak ang papel.Tiningnan ko siya, saka pinirmahan ang kasunduan.“Yes. But this contract also means you’ll stop interfering in my relationship with Ada.”Napatingin siya sa akin.