Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Samira POVHalos sumisirit pa ang init ng kape nang bitbitin ko ang tray at maglakad papunta sa dining hall. Maaga pa, pero punong-puno na agad ng tao ang mansiyon. Ang ingay ng mga usapan, halakhak at pabulong na sumbatan. Nakakairita lang talaga kasi kulang na kulang ang tulog ko, kapag ganito pa naman, nakakainit talaga ng ulo. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko at parang may humihila sa akin pababa sa bawat hakbang ko. Para akong magco-collapse, gusto ko pang mahiga talaga.“Samira,” may malamig na boses ang tumawag sa akin.Napatingin ako sa likuran ko. Si Sir Vic. Agad akong tumigil at para magalang na tumango sa kaniya. Pero sa isang iglap, bago pa ako makapag-react, hinawakan niya ang aking braso at mabilis niya akong hinila papunta sa isang sulok ng mansiyon, malayo sa ingay at mga mata ng mga tao.Nagulat ako. “Sir, bago po?”His sharp eyes bore into mine. “Did you even sleep?”Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Halos alas tres na ng madaling
Samira POVMasyado pang maaga nang magising ako, pero hindi ito sapat para pakalmahin ang inis na nararamdaman ko sa buwisit na mayordomang ito. Halos alas-diyes na ako nagising dahil sa puyat ko dahil sa pagbabantay sa burol ng demonyitang si Donya Ria. Hindi rin naman nakapagtataka, alas tres na ng madaling araw nang tuluyan kaming makatulog ni Manang Cora. Pero ang buwisit na si Manang Luz, hindi man lang naisip na bigyan kami ng kahit kaunting konsiderasyon, hayop talaga siya. Ginising pa rin kami nang maaga, para lang siguraduhin na maghapon kaming magpapakapagod sa burol ng demonyitang si Donya Ria na wala naman akong pakialam. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka sinapok ko na siya kanina.Tulad ng inaasahan ko, dagsa ang mga bisita sa burol ni Donya Ria. Tuloy kaming mga kasambahay sa kaliwa’t kanang pag-aasikaso sa bisita, nagpapakain, nag-aalok ng kape, nagliligpit ng mga pinagkainan. Ang ilan sa kanila, mukhang taos-pusong nagluluksa, pero alam kong karamihan ay narito lang
Miro POVPagkarating ko sa hacienda, masaya akong lumapit sa mga tito ko. May masaya kasi akong balitang kailangan sabihin sa kanila. May dala akong pizza at coffee na gustong-gusto nilang merienda.Pagpasok ko sa malaking training hall, nadatnan ko si Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx na nag-uusap. Nang makita nila ako, agad akong sinalubong ni Tito Zuko. “Miro, anong balita?” tanong niya na tila excited akong makausap. Alam kasi nila na sa tuwing pupunta ako rito ay may mahalaga akong kailangan o mahalagang sasabihin.Ngumiti ako bago nagsalita. “Samira and I... we’re finally working together.”Napatingin sa akin ang tatlo kong tito, nagkatinginan sila na parang masaya para sa amin ni Samira.“Well, it’s about time. You two were always the strongest among our trainees,” sabi ni Tito Sorin.“That’s not all,” dugtong ko. “We killed Donya Ria.”Nagpalitan ng tingin ang tatlo at kita ko sa mga mata nila ang pagkagulat sa sinabi ko. “Are you serious? Kayong dalawa ang pumatay kay Donya
Samira POVHinihintay kong mag-umaga para mapalitan ako, pero dahil wala pa namang kailangan gawin, pumunta muna ako sa kuwarto ko para I-check ang phone ko. Tinignan ko kung may message si Miro, pero wala naman kaya mukhang wala siyang update sa akin sa ginagawa niya sa labas. Pagkatapos nun ay naglakad na ako palabas ng kuwarto at nakita kong nakaupo pala sa may lamesa si Manang Cora. Akala ko ay natulog na siya, gising pa pala. Nang makita niya ako, itinuro niya ang upuang katapat niya.“Come, sit with me,” mahina niyang sabi. Kita ko sa mata niya na inaantok na siya.Umupo ako sa tapat niya, ramdam ko ang malamig na hangin na dumadaloy mula sa bukas na aircon. Hindi niya ako agad kinausap. Sa halip, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa, tila ba tinatantiya ang mga susunod niyang sasabihin. Hanggang sa magtanong na siya.“Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong niya ng diretso at walang pag-aalinlangan.Napakunot ang noo ko. “What do you mean, Manang?”“Did you kill Donya Ria?”Naniga
Samira POVLahat ay abala na, lalo na kaming lahat ng mga kasambahay. Kaming lahat ang kumikilos para gawing maayos ang burol ni Donya Ria. Sa utos ni Manang Luz na mayordoma, inalis namin ang malalaking upuan at sofa sa malaking living area. Doon ilalagay ang puting kabaong na napapalibutan ng mamahaling mga bulaklak. Isang marangyang paglalagak ng isang babae na minsang naging reyna ng tahanang ito. Pero ngayon, lalamunin na ng lupa. Hanggang ilang araw na lang siyang magiging mayaman at kilala sa mundong ito, pagkatapos nun, lalamunin na siya ng lupa.Ang satisfying panuoring umiyak nila Vic, Via, Lolo Lito at Lola Emilia. Tanging si Don Vito lang ang seryoso, ni isang patak ng luha ay wala. Sabagay, bakit pa ba ako magtataka e, marami siyang babae sa buhay niya. Para ngang wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng asawa niya, parang pabor pa sa kaniya kasi magiging malaya na siya sa pambababae niya.Tahimik akong nagtatrabaho, ngunit sa loob-loob ko, tuwang-tuwa talaga ako. Wala ni is
Miro POVNang sumagot si Samira sa video call ko, napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko inasahan na papayag siyang makipag-video call, lalo na at hindi siya basta-basta nakikipag-usap nang ganito. Pero heto siya ngayon, nakatingin sa akin sa screen ng cellphone ko, malamlam ang mga mata pero bakas sa mukha ang saya kasi safe na siya, wala na si Donya Ria, napatay na namin ito.“Miro, I appreciate what you did,” mahinang sabi niya. “You got the job done.”Napangisi ako. First time kong marinig ang boses niya tapos nagpapasalamat pa. Sa totoo lang, napansin kong maganda pala siya kapag seryoso, hindi mataray at hindi mukhang suplada. Nakikita ko tuloy na parang mabait naman siya.“I told you, I don’t fail.” Nilapat ko ang likod sa pader ng room ko at pinaglaruan ang kutsilyong hawak ko. “Now that she’s gone, sure akong malulungkot ng husto ang demonyong si Don Vito. Pero, the question is, what’s next?”Nagtagal siya ng ilang segundo bago sumagot sa akin. “We move fo
Miro POVTanghaling tapat nang makarating ako sa condo. Wala akong klase ngayon dahil biglang kinansela ni Professor ang lecture namin, may emergency meeting daw. Sa isang banda, okay na rin. Kulang ako sa tulog. Kagabi pa ako lutang sa higaan at hindi mapakali. Siguro dahil bago pa lang ako dito sa condo at hindi pa sanay sa bagong tulugan, hindi ako nakagawa ng maayos na tulog.Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko. Pero sa halip na antukin, nagising ang diwa ko nang patingin ko sa social media, isang malaking balita ang nabasa ko.“Donya Ria Monteverde, asawa ng negosyanteng si Don Vito Monteverde, comatose matapos ang isang aksidente sa sariling mansiyon!”Napakurap ang mga mata ko. Binasa kong muli ang balita. Nadulas daw si Donya Ria, nabagok ang ulo at ngayon ay nasa ospital, comatose.Hindi aksidente ‘to.Alam ko kung sino ang may kagagawan nito. Sure akong si Samira. Siya lang naman ang may matinding galit kay Don Vito at sa pamilya nito. Alam kong may balak siyang m
Samira POVNapuno ng sigaw ko ang buong bahay.“Help! Someone, please help!”Nagmadali akong lumuhod sa tabi ni Donya Ria, pero hindi dahil sa pag-aalala. ginagampanan ko lang ang papel ko sa palabas na ito. Sa loob-loob ko, alam kong wala nang silbi ang kahit anong gawin nila. Masyado nang maraming dugo ang umagos sa sahig.Nagsimula nang magsilabasan ang ibang kasambahay na gaya ko, ang ilan ay napatakip pa ng bibig nang makita ang duguang ulo ni Donya Ria. Ang ingay ng mga hakbang nila sa sahig ay parang dumagundong sa aking pandinig. Mabilis silang lumapit habang ang takot nila at pagkabigla ay kitang-kita sa kanilang mga mukha.“Anong nangyari?!” sigaw ni Manang Luz habang namumutla agad ang mukha.Kailangan kong lumabas na inosente ako. Sinigurado kong nanginginig ang boses ko habang sumagot. “Nadapa po siya! Papunta na siya sa kuwarto niya nang bigla siyang nadulas at bumagsak!” Tumingin ako sa kanila na parang litong-lito habang pilit pinapakita ang pekeng pagkabahala sa mata
Samira POVHindi ko alam kung anong trip ni Sir Vic at bigla niya akong pinatawag habang nag-aasikaso kami ng almusal sa kusina. Malapit na kaming matapos, pero heto ako ngayon, naglalakad papunta sa garden dahil sa utos niya na sumunod ako doon.Pagdating ko roon, may nakita akong kubo. Nakaupo si Sir Vic sa isang mahabang bangko, naka-de kuwatro at mukhang kampanteng-kampante. Nang makita niya ako, ngumiti siya.“You should rest,” sabi niya at saka tinatapik ang espasyo sa tabi niya. “You deserve it.”Napangiwi ako. Kung puwede lang siyang murahin, ginawa ko na. Alam kong nilalandi niya ako. Halata naman sa kilos niya. Pero hindi ako tanga. Hindi ako madaling madadala sa kabaitan ng mga tulad niya. Sa huli, baka kasing-demonyo lang din siya ng ama niyang si Don Vito.“I’m fine, Sir Vic,” sagot ko nang walang emosyon. “May kailangan po ba kayo?”Tinitigan niya ako. Sa unang pagkakataon, napansin ko ang linya sa pagitan ng mga kilay niya na para bang may bumabagabag sa kaniya.“Your f