Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVKabado at halos hindi ako mapakali. Narito na ako sa hotel room kung saan hinihintay ang hindi ko kakilalang babae na makaka-sëx ko ngayong gabi. Ayoko talaga sa mga ganitong gawain. Ayokong nakikipag-sëx kung kani-kanino. Pero dahil kailangan ko ang mana ko, kailangan kong gawin ito. Kailangan ko ng anak at asawa sa lalong madaling panahon.Sa totoo lang, malungkot pa rin ako sa pagkawala ni papa. Sa mga ganitong panahon pa talaga siya nawala. Kung kailan nag-e-enjoy palang ako sa pagiging binata, saka pa siya namatay. Kaya lang, wala, mukhang tadhana ang gustong mangyari ‘to. Gusto niyang maaga akong magkaroon ng asawa at anak. Hindi naman ako ‘yung klaseng lalaki na madalas manloloko ng babae. Ang totoo niyan, magalang ako sa mga babae, lalo na kapag mahal ko na.Kung sino man itong nakita ni Garil na aanakan at papakasalan ko, bahala na. Sabi niya ay mabait at maganda naman ito, tapos single at virgin pa kaya hindi na masama. Ang gusto ko lang naman din ay mabait ang
Misha’s POVUmuwi ako sa bahay na lugmok na lugmok si papa habang nakaupo sa sala. Ang saya-saya ko pa naman kasi kakatapos ko lang makipag-bonding sa mga kaibigan ko.Napatingin tuloy ako kay mama para magtanong kung anong nangyari sa kaniya. Sinabi niya na niloko si papa ng mga supplier sa mga farm namin. Halos milyon-milyon ang nalugi sa amin kaya naman ngayong araw lang din, lima sa mga malalaking farm namin ay nakasanla na. Hindi na raw alam ni papa ang gagawin para mabawi ang lahat ng ‘yon. Daig pa nito ang natalo sa sugal. Masyado siyang nagtiwala sa mga taong ‘yon na mga scammer pala.Lumapit ako sa kaniya. Ngayon ko lang kasi nakitang ganitong si papa. Siya kasi, madalas masaya lang, palangiti at maingay kapag masaya siya. Ngayon, tulala at parang sinukluban ng langit at lupa.“Papa, huwag ka nang malungkot diyan. Makakaisip din tayo ng paraan para mabawi ang mga nawala sa atin,” sabi ko sa kaniya nang tabihan ko siya sa sofa.Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “Mayroon n
Misha’s POVSabi ni Jake, mag-bar muna raw kami bago kami tumuloy sa hotel na pina-book niya. Natuwa ako kasi gusto niya raw sa hotel kami mag-check in ngayong gabi. Pumayag ako. Gusto ko ring makalimot din kaya nagpakalasing kaming dalawa. Ang saya-saya rin palang mag-bar.Nung malasing na ako, pinauna niya ako sa hotel na sinabi niya. Kahit lasing na lasing na ako, nakaya kong pumunta roon. Ang galante ni Jake kasi ang laki nung hotel na kinuha niya para sa amin. Pagdating ko rito sa hotel, hindi na need ng susi kasi bukas at hindi naka-lock ang pinto. Bedroom agad ‘yung hinanap ko. Gusto ko na muna kasing umidlip habang wala pa siya.Nung makita ko na ang kama, pinatay ko muna ang mga ilaw. Tiyak naman kasi na bubuksan niya ang ilaw pagdating niya rito. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama nung madilim na ang buong paligid. Kukuha muna ako ng lakas sa pagtulog, para pagkagising ko mamaya, ready na akong magpaangkin sa kaniya.Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang lumipas. N
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu
Misha’s POVTahimik akong tumayo sa tabi ng kama ni Marlyn, ang malamig na hawak kong baril ay nakapaloob pa rin sa aking jacket. Ang ilaw ng buwan ay nagbibigay ng kakaunting liwanag sa kaniyang mukha. Ang bawat paghinga niya, ang bawat kaluskos ng kumot, parang musika na nagdaragdag sa tensyon ng gabi.Hinugot ko ang facemask ko nang bahagya para makahinga nang mas maayos. Kasabay nito, hinugot ko rin ang baril mula sa jacket at itinutok ito sa mukha niya. Sa pagkakataong ito, alam kong wala nang atrasan. Napuno ng adrenaline ang bawat hibla ng katawan ko.“Marlyn!” Ang mabigat kong tinig ay sapat para gulatin siya mula sa mahimbing niyang tulog. Ang kaniyang mga mata ay mabilis na bumukas, at ang takot ay agad na bumalot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung dahil ito sa baril o sa itim na cap at facemask na suot ko. Pero ang mahalaga, nakuha ko na ang atensyon niya.“S-sino ka po? Huwag po!” natatakot niya agad na sabi.“Nasaan ang pantal?” tanong ko habang malamig ang boses ko, p
Misha’s POVAng bigat ng gabi ay parang nagpapasan ng bawat galit na kinikimkim ko. Tahimik kong tinanaw ang mukha ni Everett habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Wala siyang kamalay-malay sa plano kong gawin ngayong gabi. Mahal ko siya, pero sa pagkakataong ito, hindi ko kayang humingi ng tulong mula sa kanya kasi alam kong kayang-kaya ko na ang mahinang babaeng iyon. Alam kong pipigilan niya ako, pero hindi ako papayag na palampasin ang ginawa ni Marlyn.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin. Binayaran man siya o hindi, ginawa niya ang imposible para sirain ako at ang lahat ng pinaghirapan ko. Kaya ngayon, gagawin ko rin ang imposible. Tiyak na manginginig siya sa takot ngayong gabi kapag nagkaharap kami.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, iniingatang huwag makagawa ng kahit anong ingay para hindi magising ang asawa ko. Nang maibalik ko ang kumot sa katawan ni Everett, tinitigan ko siya nang saglit, malalim ang tulog niya kaya sure na akong hindi siya magigising. Sa is
Misha’s POVSa kabila ng dapat ay masayang selebrasyon, nanatili akong nakaupo sa harap ng laptop, ramdam ang bigat sa dibdib habang pinapanood ang video ng babaeng nagrereklamo laban sa M&E skincare. Sa video, nanginginig pa siya habang ipinapakita ang namumula, namamantal, at sugat-sugat niyang balat. “Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Sinubukan ko lang kasi viral sa social media. Pero tingnan niyo naman... ang sakit-sakit!”Tumigil ako sandali sa paghinga. May parte ng sarili kong naniniwala sa kasinungalinga niya, pero kasi one hundred percent akong sure na safe sa all skin type ang product namin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niya. Pero sa likod ng pagiging magaling niyang umarte, alam kong may mali. Napakabilis ng mga pangyayari. Kahapon lang, trending sa social media ang M&E skincare, ang produktong taon kong inaral, pinaghirapan, at sinigurong ligtas gamitin. Pero ngayon, parang lumalabas na may mali sa product namin.Dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d