Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling linggo, ang gulo na dinadala sa buhay namin ni Everett ay parang walang katapusan. Ako, masaya lang dahil sa pagbuhos ng blessing sa mga business ko, kaya lang habang nakikita kong stress sa kakaisip ng asawa ko, hindi ko makuhang magsaya tuloy. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marco, ‘yung taong inutusan ni Everett na magmasid kay Tito Gerald. Ang ulat niya ay malinaw: nagdadalamhati si Tito Gerald, at wala siyang ginagawa laban sa amin. Kaya kung hindi siya, sino?Isa lang ang natitira sa listahan ng mga posibleng kalaban—si Tita Maloi.Ayoko sanang nagpupunta sa ganitong lugar kasi, ewan, parang kinikilabutan ako sa mga presong nakikita. Naisip ko tuloy, paano kaya nasanay n
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, abala na ang buong team sa pag-aayos ng malaking event hall ng Tani Luxury Hotel sa Manila. Ito ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang unang monthsary ng M&E Skincare. Ito rin ang araw na magaganap ang pa-raffle ng isang luxury car para sa aming mga loyal na customers. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ko pinahahalagahan ang kanilang suporta.Pagdating ko sa venue, bumungad sa akin ang napakagandang dekorasyon—mga pastel-colored na bulaklak, eleganteng mga ilaw, at isang malaking LED screen na nagpapakita ng logo ng M&E Skincare. Ang buong lugar ay tila nagliliwanag, puno ng energy at excitement.“Ma’am Misha, everything is set,” sabi ni Andrea, ang aking event coordinator ngayon, habang inaayos ang kaniyang headset.“Perfect. Let’s make this day unforgettable,” sagot ko habang tinuturo ang ilang huling detalye sa stage setup.Alas-dos ng hapon nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang mga media representatives ay nagkakagulo sa e
Misha’s POVTahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay dumadampi sa kurtina ng aming kuwarto, at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon. Nakahiga pa ako sa kama, ini-enjoy ang ilang minuto ng kapayapaan bago bumangon para harapin ang mga bagong hamon ngayong araw.Pero ang katahimikan ay mabilis na naglaho nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito na nakalapag sa may table na nasa gilid ng kama namin ni Everett.Pagkakita ko sa screen, may isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng message. Pagbukas ko ng message, agad akong kinabahan. Isang larawan ang nakita ko—ang bahay namin sa ibang bansa na kung saan ay doon nakatira sina Everisha at ang mga magulang ko. Sa larawan, kitang-kita ang malaking manisyon, pero may kakaiba dito. Parang sinadya ng kumuha ang anggulo para ipakitang sinusubaybayan ang loob at labas ng bahay.Kasama sa larawan ang mama at papa ko sa hardin, at sa gilid nila ay si Everisha at si Ate Ada. Nanlamig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa
Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Mishon POVHindi ako puwedeng manatili sa isang tabi lang at hintayin na lang na bumalik si Ada sa akin. Alam kong mali ako. Alam kong may rason siya para lumayo. Pero hindi ibig sabihin no’n na susuko na lang ako nang basta-basta.Kaya habang inaayos nina Marlo at Claire ang lahat ng negosyo rito sa Paris, may plano na ako.Dahil lumalakas ang demand ng Tani Wines, panahon na para palawakin ang negosyo.Next stop?South Korea.“You’re planning to open wine shops in Korea?” tanong ni Marlo habang nakaupo sa harap ko.Tumango ako. “Not just shops. I want to build a company there, too.”Nagkatinginan si Marlo at Claire.“You’re moving too fast, Sir Mishon.” Napailing si Claire.Ngumiti lang ako. “The vineyards in Paris are thriving. We have enough supply. If we enter Korea now, we’ll be ahead of the competition.”“And Ada is in Korea.” Marlo raised an eyebrow..Tama siya.Hindi lang negosyo ang dahilan kung bakit ako pupunta roon.Kaya naman binilin ko nang mabuti ang lahat sa kaniya h
Mishon POVPagod na pagod ako. Pero kahit anong stress ang bumalot sa akin ngayong araw, hindi ko kayang hayaan si Raya na walang matutuluyan. Mahal daw kasi ang hotel sa Paris. Malamang, mahal talaga rito.Pinatuloy ko siya sa guest room ng mansiyon habang hinihintay ang flight niya pabalik ng Pilipinas bukas.Kahit hindi ko pa rin matanggap nang buo ang lahat, hindi ko rin siya kayang balewalain.Pero, bago pa siya makabalik sa Pilipinas, kailangan naming ayusin ang lahat para wala nang guluhan. Ayoko rin naman na magkaroon pa ng pangalang pangyayaring ito, lalo na kapag naging okay na kami ni Ada. Kaya, bago ko ayusin ang amin ni Ada, uunahin ko na itong kay Raya para matigil na siya.Kaya nitong umaga lang, nagkaroon kami ng pormal na usapan.“This is what’s best para sa anak natin,” sabi ni Raya habang hawak ang papel.Tiningnan ko siya, saka pinirmahan ang kasunduan.“Yes. But this contract also means you’ll stop interfering in my relationship with Ada.”Napatingin siya sa akin.
Mishon POVBuong biyahe sa himpapawid, para akong ina-anxiety. Lahat ay tulog, pero ako, nag-iisip kung ano na ang magiging plano ni Ada. Hiwalay na ba kami kaya hindi niya ako kinibo? Hindi ko alam ang sagot kasi hindi niya ako kinakausap. Nawawalan na ako ng lakas ng loob na kausapin siya kasi para lang akong nagsayang ng oras sa pagta-type sa phone at pagtawag sa kaniya.Pati tuloy ang business ko ay apektado na kasi hindi ko nasasagot ang mga tawag ng mga staff ko.Malaking gulo ang ginawa ni Raya sa pagpasok ulit sa eksena sa buhay ko.Hindi naman siya pala-away, pero alam kong mukha siyang pera kasi alipin siya ng salapi. Mabait siya pero pagdating sa pera, matinik na siya.Paglapag sa airport ng Paris, nakaabang agad si Marlo sa akin. Siya na ang nagbuhat ng mga maleta ko at pagkatapos ay tumuloy na ako sa loob ng kotse.**Pagpasok ko sa mansiyon, hindi ko na kailangang magtanong. Naroon siya.Si Raya Gomez, nakaupo sa sala, tahimik pero halatang may hinihintay.Ako.At sa una
Ada POVMadilim pa ang liwanag ng kalangitan, pero gising na ako.Nakaupo ako sa gilid ng kama, tinitingnan ang cellphone ko. Alas dos y media pa lang ng madaling-araw, pero kailangan ko nang gumayak dahil mabagal akong kumilos.Handa na ang almusal nung bumaba ako kasi usapan na namin iyon ng kasambahay namin kagabi, kailangan nilang gumising ng maaga para sa almusal ko.Pagkakain ko ng almusal, bumalik na ako sa kuwarto ko para maligo at gumayak.Nakakalata at nakakalungkot gumayak kasi alam kong ito na ang huling araw ko rito sa Paris. Sa labas ng bahay, may kaunting lamig sa hangin.Nakahanda na ang mga maleta ko. Hawak-hawak ng mga kasambahay namin ang iba pang gamit ko habang isa-isang inilalagay sa likod ng van na maghahatid sa akin sa airport.Hindi na ako lumingon sa bahay namin.Wala rin namang silbi. Nagpaalam na ako kagabi sa kanila. Alam kong kung may gigising man ngayon, malamang si Mama Franceska o si Papa Ronan, pero sinabihan ko silang huwag nang gumising.Mas gusto
Mishon POVHanda na ang lahat. Ang mga maleta ko. Ang flight ko pabalik ng Paris. Ang sarili ko.Ngayong gabi, ito na ang huling bonding ko kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko bago ako bumalik sa Paris.Nagpa-cater ako ng pagkain, may cocktails, may sounds system—lahat ng bagay para maging masaya ang gabi ay pinahanda ko.Pero hindi na ako uminom. Maaga kasi akong aalis bukas.Sa isang sulok, naririnig ko ang mga tawanan ng mga kaibigan ko. Minsan, sumasabay ako sa halakhak nila. Nakaka-miss din kasi silang ka-bonding. Napansin ko na ang dating mga siraulo noon, nagtinuan na ngayon. Marami ang nagkaroon na ng pamilya at nagkaroon ng magandang career.Pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Bukas, iiwan ko na ulit ang lahat ng ito. Bukas, babalik na ako sa Paris.Babalik na ulit ako sa buhay na nakasanayan ko na sa Paris. Trabaho at ang lovelife ko roon.Pero sa kabila ng lahat...Bakit parang may bumabagabag sa akin?Nasa kalagitnaan ako ng kasiyahan na
Ada POVHindi ko alam kung paano ko sisimulan. Alam kong magugulat sila. Alam kong marami silang tanong, pero sigurado rin akong wala sa kanila ang magtatanong tungkol kay Mishon.Kasi alam nilang iiwasan ko lang iyon.Hapon palang, kausap ko na ang mga kusinera. Binigyan ko sila ng pera at inutusang mamili at maghanda ng mga masasarap na pagkain.Si Yanna ay tinawagan ko para sumama na rin sa hapunan namin mamaya, ganoon din sina mama at papa na maaga kong sinabihan na maagang uuwi at mag-dinner.Mabuti na lang at hindi busy si Verena, maghapon lang siyang nandito sa manisyon.Pagdating ng hapunan, masaya ang lahat. Si Mama Franceska ay abala sa pag-aayos ng lamesa, si Papa Ronan naman ay nagbabasa ng balita sa phone niya habang hinihintay ang pagkain.Si Verena at Yanna ay nagkukulitan, tulad ng dati.Parang isang ordinaryong gabi lang.Pero para sa akin, ito na ang huling gabi ko kasama sila bago ako umalis. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“I have an announcement to make.”
Ada POVHindi ko alam kung ilang beses na akong napagalitan nang hindi ko namamalayan. Minsan nasa mansiyon ako, minsan nasa flower farm ni Mama Franceska, pero wala talaga ako sa sarili. Para akong naglalakad sa loob ng isang panaginip na hindi ko kayang gisingin ang sarili ko.Kahit anong gawin ko, kahit anong ingay sa paligid ko, iisa lang ang umiikot sa utak ko.Ang sinabi ni Raya.Hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na si Mishon sa iba.Parang paulit-ulit kong naalala iyon, sa isip ko, sa panaginip ko, kahit sa katahimikan ng gabi.Napansin iyon nina Mama Franceska at Papa Ronan.“A-ada, anak, are you okay?” tanong ni Mama Franceska habang tinitingnan ako habang abala siya sa mga bagong bulaklak sa farm niya.Hindi ko alam kung paano ako sasagot nang maayos. Pumupunta ako sa flower farm para kahit pa paano ay malibang ako sa mga magagandang bulaklak dito.“I’m just stressed with work. There’s too much of it, sunod-sunod po kasi, ngayon lang wala.”“Then don’t accept everyth
Mishon POVTatlong araw na ah.Tatlong araw na akong abala sa grape farms at winery na ipinapatayo ko sa Pilipinas. Tatlong araw na rin akong hindi nakakatanggap ng kahit isang message mula kay Ada.Noong una, inisip ko lang na busy siya. Alam kong marami siyang commitments, lalo na sa modeling at endorsements niya. Pero habang lumilipas ang oras, parang may bumabagabag sa akin.Hindi na ito normal.Kahit gaano siya ka-busy, lagi siyang may oras para sa akin. Kahit mabilis na tawag o isang simpleng Goodnight message sa chat, hindi siya pumapalya.Pero ngayon? Wala. Kahit isa. Kaya naman nag-aalala na rin talaga ako.Nagri-ring ang phone ko, pero hindi iyon galing kay Ada. Mabilis ko pa ring sinagot, umaasang baka may kinalaman ito sa mga negosyo ko rito."Mishon, we need your approval for the winery storage expansion."Tumingin ako sa malawak na lupain sa harapan ko, kung saan abala ang mga tauhan ko sa pagtatayo ng bagong wine storage facility."Give me the full report," sagot ko.Bi
Ada POV Habang palabas ako ng mansyon, may napansin akong babae sa tapat ng gate namin. Nakasakay na ako sa kotse ko, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Tila may hinihintay siya, mukhang matagal na siyang naroon dahil panay ang silip niya sa paligid. Naawa ako. Naisip ko rin kasi na baka fan ko. Kawawa naman kung gano’n. Mainit pa naman ngayon. Kaya bago tuluyang lumayo ang sasakyan ko, pinahinto ko ito at binuksan ang bintana. "Miss, may kailangan ka ba?" tanong ko nang malumanay ang boses. Mukha siyang pinay kaya nagtagalog na rin ako. Pagkakita niya sa akin, biglang nabuhayan ang mukha niya. Maganda siya. Sexy. Mukhang mabait din. "Hello po. Mabuti po at nakita niyo po ako. We need to talk… about Mishon po." Nagulat ako. Agad niyang nakuha ang atensyon ko. Dapat ay papunta na ako sa shooting para sa collab project ko sa isang luxury jewelry brand, pero hindi ko magawang balewalain ang sinabi niya. Bakit tungkol kay Mishon? Pero doon palang ay may kutob na ako n