Misha’s POVNakahinga na rin ako nang maluwag matapos kong masiguradong ligtas at maayos na nakalipad ang eroplano na sinasakyan nina Mama at Papa. Kanina pa kami dito sa airport ni Everett, nag-aabang sa oras ng pag-alis nila. Nang mag-final boarding call na at tuluyang nawala sila sa paningin ko sa departure gate, doon ko naramdaman ang tunay na kaginhawahan. Parang natanggal ang bigat sa dibdib ko.“Are you okay now?” tanong ni Everett habang magaan niyang hinahaplos ang likod ko.Tumingin ako sa kaniya at pinilit ngumiti. “Oo, salamat talaga at marami tayong connection, sa ngayon, alam kong ligtas na ang mga magulang ko.”Napatingin ako sa malinis at modernong disenyo ng airport. Napakahirap para sa ordinaryong tao na makalipad palabas ng bansa nang mabilis, pero dahil sa mga koneksyon ni Everett, napabilis ang lahat.“Sabi ko naman sa’yo, I’ll handle it,” sabi niya na may kasamang ngiti. Napakagaan niyang magsalita, pero alam ko kung gaano kahalaga ang ginawa niya para sa mama at
Misha’s POVNakagayak na ako at papasok na sa trabaho nang tumunog ang telepono ko sa gitna ng katahimikan nang pag-aalmusal namin ni Everett. Hindi ko inaasahan ang tawag na iyon, lalo na’t galing sa isang unregistered number. Sa una, nag-alinlangan pa akong sagutin, pero sa huli, pinindot ko ang green button.“Hello?”“Misha,” malamig at baritono ang boses sa kabilang linya. “You have one hour to save your friend Jaye.”Napasinghap ako st agad na napatingin kay Everett. Ganitong-ganito ang nangyari kay Garil.Tumayo ang balahibo ko sa kaba. “What? Who is this? What are you talking about?”“Five addresses. Isa sa mga ito ang kinaroroonan niya. Find her before it’s too late,” dire-diretsong sabi ng lalaki. Nagbigay siya ng limang address, isa-isa, at mabilis kong sinulat ang mga ito sa isang piraso ng papel na nakuha ko sa bag ko.“Wait! Why are you doing this?!” tanong ko habang nanginginig ang boses.“Time is ticking, Misha. If you fail, the warehouse will explode,” malamig na sabi
Misha’s POVNakalabas na sa ospital si Jaye. Kausap ko na ang parents niya, sinabi ko na ako munang bahala sa kaniya, habang sila ay lumipad na sa ibang bansa dahil sa business meeting nila, tamang-tama, ilang buwan silang mawawala kaya ako na muna ang bahala sa kaibigan ko.Nasa sala si Jaye, naka-recover pa rin mula sa nangyari sa kaniya. Mukhang mas maayos na siya ngayon, pero halata pa rin ang pagod sa kaniyang mukha.“Are you sure you’re okay here?” tanong ko habang inaayos ang unan niya sa sofa.Tumango siya. “I’m fine, Misha. Stop worrying. I owe you and Everett my life.”Napabuntong-hininga ako. “Just rest. You’re safe here.”Aalis na dapat ako para sana kumuha ng juice kasi nauuhaw ako, pero bigla niyang kinuha ang kamay ko. “Sorry sa pag-iwan namin ni Conrad sa iyo, sorry, bff,” sabi niya at saka tumulo ang luha sa mga mata niya.Naupo tuloy ako sa tabi niya habang hawak pa rin ang kamay niya. “No, ako dapat ang mag-sorry kasi nadadamay kayo sa gulong mayroon ang pamilya nam
Misha’s POV“Misha at Marie, mag-ingat kayo, ah!” sabi ni Jaye nang paalis na kami sa manisyon. Siya ang maiiwan doon kasama ni Conrad. Silang dalawa muna ang ite-train ng mga assassin na na-hire ko para mas lalo silang gumaling.“Salamat, kayo na muna ang bahala sa bahay,” sagot ko at saka ko sila niyakap. Maaga kasing umalis si Everett para pumasok na sa trabaho. Marami siyang dapat asikasuhin, masyado na naming napapabayaan ang mga company namin. Safe naman sa mga work namin kasi marami-rami na rin kaming mga tauhan ngayon na nagkalat sa mga ari-arian namin, kaunting galaw lang ng mga kalaban, patay sila at agad na mahuhuli. Umuubos na ng pera ang asawa ko para mahuli na kung talaga bang si Tito Gerald ang malaking kaaway namin o baka iba pa.Mainit ang simoy ng hangin nang magpasya na akong dalhin si Marie sa Maynila. Nais ko nang subukan ang mga natutunan niya sa nakaraang linggo ng matinding training na ginawa namin sa kaniya. Ang mga galaw niya ay puno ng kumpiyansa habang magk
Everett’s POVNakaupo ako sa sala, nagbabasa ng isang lumang libro habang hinihintay si Conrad. Today is the day na gusto kong subukan ang tibay niya—hindi lang sa lakas, kundi pati sa tiyaga. Umuwi siya kahapon para I-check ang lola niya, may mga tauhan naman kami na nagbabantay sa lola niya pero gusto pa rin niya itong makita kaya pumayag naman kami. Isa pa, kaya naman na niya. Alam kong malakas na siya sa labanan, pero gusto kong makita kung kaya niyang gamitin ang utak at puso niya sa mahihirap na sitwasyon.Nang dumating siya, seryoso ang mukha, at halatang hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.“Everett, ano ba ang plano natin ngayon?” tanong niya na halos parang handang-handa na sa magiging mission niya.Ngumiti ako. “Relax, Conrad. Tonight, we’re going to the bar.”Napakunot ang noo niya. “Bar? Akala ko mission?”Tumayo ako at sinuot ang jacket ko. “Exactly. Sa bar gagawin ang mission mo. You’re going to calm down at least ten drunk people tonight. No fighting. Ju
Misha’s POVUmaga pa lang nang ibigay ko kay Jaye ang kaniyang mission para ngayong araw. Sinigurado kong naiintindihan niya ang bigat ng gagawin niya. Mahalaga ang bawat segundo, at gusto kong makita kung hanggang saan ang kakayahan ng best friend ko sa ilalim ng matinding pressure. Matagal-tagal na nung may dumukot sa kaniya at dalhin siya sa bodega. Ang sabi niya, ilang kalalakiha ang bumubog sa kaniya, pinahirapan at walang awa na pinagsusuntok at tadyakan siya. Kaya ngayong malakas na siya, gagawin niya ang lahat para balikan ang mga iyon. Hindi na siya natatakot pang madukot ulit, subukan lang daw nila, makikita nila ang hinahanap nila.“Jaye, today’s your mission day,” sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko, tinitignan ko kung saan sa Maynila kami maghahanap ng ipangmi-mission ko sa kaniya.Natawa siya, pero halata sa mata niya ang kaba. “What’s the plan this time? More training drills?”Umiling ako. “No drills. Real action. We’ll be heading to Manila. You need to find and r
Misha’s POVNgayong araw, napagdesisyunan naming mag-asawa na mag-relax muna. Wala munang mga mission, plano, o kung ano pa mang stressful na bagay. Sa wakas, may pagkakataon din kaming huminga at magpahinga mula sa lahat ng gulong nangyayari. Wala pa rin namang paramdam si Tito Gerald, siguro nag-iisip na naman ng bago niyang plano.Nasa swimming pool kami ng bahay, ang init ng araw ay sakto lang para sa isang maaliwalas na paglalangoy. Hawak ni Everett ang isang baso ng juice habang nakasandal sa gilid ng pool. Ako naman, nakalutang sa tubig, pinagmamasdan ang mga ulap sa langit. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig.“Finally, a normal day,” sabi ni Everett, sabay inom mula sa baso niya.Ngumiti ako, pero ramdam ko na may gusto siyang itanong. Nakikita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin, parang nag-aalinlangan. Alam ko na, siguro dahil ito sa tatlo.“What’s on your mind, Everett?” tanong ko, diretso sa punto.Nagkibit-balikat siya, parang
Misha’s POVTignan mo nga naman, kahit na maraming kaguluhang nangyayari sa buhay namin, heto, tuloy ang pagpapalago ng pera. Hindi hadlang ang buwisit na si Tito Gerald para mauntol ang lahat ng pangarap namin ni Everett.Habang hindi pa rin siya nagpaparamdam, heto, magsasaya muna kami ng kaunti kasi isa na naman sa mga pangarap ko ang natupad ko.Pagbukas ng malalaking double doors ng ballroom, tumingin ang lahat sa akin. Naka-floor-length emerald green gown ako na dinisenyo ng isang sikat na fashion designer, habang si Everett naman, ang guwapo sa kaniyang custom tuxedo. He held my hand as we walked in, his eyes brimming with pride.“You’ve outdone yourself, Misha,” bulong niya habang papunta kami sa stage.Ngumiti ako at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “We did this together. This is as much your achievement as it is mine.”Si Everett ang mas tinitignan, bakit nga ba hindi, eh, para akong may asawang hollywood artista. Nakaayos pa siya ngayon kaya mas lalong guwap
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi
Mishon POVSa gitna ng malamig na hapon sa city ng Paris, naglalakad ako sa cobblestone street ng Rue Saint-Honoré, ang lugar na puno ng mga boutique at café. Ang layunin ko sana sa araw na iyon ay simple lang…bisitahin ang bagong bukas na tindahan ng strawberry wine. May rekomendasyon ang ilang kaibigan ko sa Pinas tungkol sa tindahan iyon at bilang tagahanga ng mga ganitong klase ng alak, naisip kong bakit hindi ko nga subukang puntahan?Habang papunta ako sa direksyon ng tindahan, napansin ko ang isang magarang itim na kotse na naka-park malapit sa isa sa mga café. Ang eleganteng disenyo nito ay bagay lamang sa isang taong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ang sasakyan ang nakakuha ng pansin ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumaba mula rito—isang ginang na babaeng maganda, elegante at pamilyar sa mga mata ko. Sa unang tingin, parang imposibleng maging siya iyon, pero habang binubuo ng isip ko ang bawat detalye, napagtanto kong hindi ako puwed
Ada POV Matapos ang masayang hapunan, nagpasya akong bigyan si Mishon ng tour sa kuwarto ko. Natapos na ang mahaba at makabuluhang usapan sa dining table at mukhang na-impress naman ang mama at papa ko sa kanya. Nang iminungkahi ni Mishon ang ideya, nagkatinginan muna ang mga magulang ko. Tumango ang papa ko at ngumiti naman ang mama ko. "Of course, Mishon. Go ahead," sabi ng mama ko. "Just make sure to behave, young man." Tumawa si Mishon. “I will, Mrs. Hill.” Habang umaakyat kami ng hagdan papunta sa kuwarto ko, ramdam ko ang kaba. Hindi dahil sa pagpunta niya sa kuwarto ko, pero dahil sa hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa sinabi ni Taris kanina. Bakit kaya niya iyon sinabi? At totoo ba iyon? Pero itinaboy ko muna ang mga alalahaning iyon. Ang focus ko ngayon ay si Mishon. Pagbukas ko ng pinto, tumambad kay Mishon ang kuwarto kong para bang isang feature sa isang high-end na lifestyle magazine. Ang silid ko ay malawak, halos kasinlaki ng isang living are na. Sa kaliwang ba
Ada POVDumating na si Mishon kaya agad akong tumayo mula sa sofa at pumunta sa pinto para salubungin siya. Sa likod ko, naramdaman ko ang mga mata ni Verena at Taris na nakasunod sa akin. Halatang excited na rin silang makita si Mishon.Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang pogi nga ngiti ni Mishon. Simple lang ang suot niya—isang plain white button-down shirt na naka-roll up ang manggas, dark jeans at pares ng clean white shoes. Walang kahit anong flashy accessory, pero para siyang isang model na galing mula sa isang magazine cover. Ang lakas ng dating niya kahit hindi siya nag-effort magpa-pogi.“Good evening, Ada,” bati niya sa akin kasabay ng pagbigay ng isang bouquet ng white tulips. Ang sweet talaga.“Good evening, Mishon. Come in,” sagot ko habang hinahayaan siyang pumasok sa loob ng bahay namin.Pagpasok niya, naabutan niyang nakaupo ang mama at papa ko sa living room. Tumayo agad ang mama ko, habang ang papa ko naman ay tumingin nang maigi kay Mishon, tila sinusuri i
Ada POVNgayong gabi na ang dinner na matagal ko nang pinagpaplanuhan. Sa wakas, ipakikilala ko na si Mishon sa pamilya ko. Alam kong bago ito para sa kanila kasi ngayon lang ako maghaharap ng boyfriend ko sa kanila, lalo na sa papa ko, kaya ginawa ko ang lahat para maging perpekto ang gabing ito. Dati kasi kapag nagbo-boyfriend ako ay gusto ko, ako lang ang nakakaalam. Hindi ko hinaharap sa kanila.Maaga pa lang, Nagpa-ready na ako ng paghahanda. Nagpa-cater ako ng mga masasarap na putahe, pero nagdagdag din ako ng ilang personal touch. Gusto kong ipakita na espesyal ang gabing ito, hindi lang para kay Mishon kundi para sa buong pamilya ko, kahit na lang toxic silang kasama sa buhay.Ang papa ko ay nasa living room, nakaupo sa kanyang paboritong armchair habang nagbabasa ng isang business magazine. Nag-half day siya sa trabaho para lang makaharap si Mishon mamaya. Hindi niya ginagawa ito madalas, kaya alam kong seryoso siyang makilala ang taong mahal ko ngayong gabi.Si Verena naman
Ada POVNakakakilig talaga kapag tuwing may mga brand events na tulad ng eksena ngayon. Kahit ilang beses ko nang nagawa ang ganitong trabaho, hindi nawawala ang excitement ko. Parang bagong mundo ang binubuksan ko sa tuwing may high-profile event akong dadaluhan, lalo na kung tungkol ito sa isang sikat na luxury brand.Ngayong gabi, ang event ay para sa bagong koleksyon ng isang kilalang luxury bag brand. Isa itong malaking fashion event na ginaganap sa isang five-star hotel dito sa Paris. Maliban sa mga runway shows, may cocktail party, photo ops at mga interactive exhibits na nagpapakita ng creative process ng brand.Habang naglalakad papasok sa venue, naramdaman ko ang dami ng mga camera at flash sa bawat paglalakad ko. Suot ko ang isang strapless emerald green gown na tumutugma sa kulay ng bag na hawak ko—isa sa mga bagong piraso mula sa koleksyon. Naramdaman ko ang confidence ko habang papalapit sa entrance. Ganito raw kasi dapat para magaganda ang lalabas na kuha ko sa kanila.