Misha’s POV“Misha at Marie, mag-ingat kayo, ah!” sabi ni Jaye nang paalis na kami sa manisyon. Siya ang maiiwan doon kasama ni Conrad. Silang dalawa muna ang ite-train ng mga assassin na na-hire ko para mas lalo silang gumaling.“Salamat, kayo na muna ang bahala sa bahay,” sagot ko at saka ko sila niyakap. Maaga kasing umalis si Everett para pumasok na sa trabaho. Marami siyang dapat asikasuhin, masyado na naming napapabayaan ang mga company namin. Safe naman sa mga work namin kasi marami-rami na rin kaming mga tauhan ngayon na nagkalat sa mga ari-arian namin, kaunting galaw lang ng mga kalaban, patay sila at agad na mahuhuli. Umuubos na ng pera ang asawa ko para mahuli na kung talaga bang si Tito Gerald ang malaking kaaway namin o baka iba pa.Mainit ang simoy ng hangin nang magpasya na akong dalhin si Marie sa Maynila. Nais ko nang subukan ang mga natutunan niya sa nakaraang linggo ng matinding training na ginawa namin sa kaniya. Ang mga galaw niya ay puno ng kumpiyansa habang magk
Everett’s POVNakaupo ako sa sala, nagbabasa ng isang lumang libro habang hinihintay si Conrad. Today is the day na gusto kong subukan ang tibay niya—hindi lang sa lakas, kundi pati sa tiyaga. Umuwi siya kahapon para I-check ang lola niya, may mga tauhan naman kami na nagbabantay sa lola niya pero gusto pa rin niya itong makita kaya pumayag naman kami. Isa pa, kaya naman na niya. Alam kong malakas na siya sa labanan, pero gusto kong makita kung kaya niyang gamitin ang utak at puso niya sa mahihirap na sitwasyon.Nang dumating siya, seryoso ang mukha, at halatang hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya.“Everett, ano ba ang plano natin ngayon?” tanong niya na halos parang handang-handa na sa magiging mission niya.Ngumiti ako. “Relax, Conrad. Tonight, we’re going to the bar.”Napakunot ang noo niya. “Bar? Akala ko mission?”Tumayo ako at sinuot ang jacket ko. “Exactly. Sa bar gagawin ang mission mo. You’re going to calm down at least ten drunk people tonight. No fighting. Ju
Misha’s POVUmaga pa lang nang ibigay ko kay Jaye ang kaniyang mission para ngayong araw. Sinigurado kong naiintindihan niya ang bigat ng gagawin niya. Mahalaga ang bawat segundo, at gusto kong makita kung hanggang saan ang kakayahan ng best friend ko sa ilalim ng matinding pressure. Matagal-tagal na nung may dumukot sa kaniya at dalhin siya sa bodega. Ang sabi niya, ilang kalalakiha ang bumubog sa kaniya, pinahirapan at walang awa na pinagsusuntok at tadyakan siya. Kaya ngayong malakas na siya, gagawin niya ang lahat para balikan ang mga iyon. Hindi na siya natatakot pang madukot ulit, subukan lang daw nila, makikita nila ang hinahanap nila.“Jaye, today’s your mission day,” sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko, tinitignan ko kung saan sa Maynila kami maghahanap ng ipangmi-mission ko sa kaniya.Natawa siya, pero halata sa mata niya ang kaba. “What’s the plan this time? More training drills?”Umiling ako. “No drills. Real action. We’ll be heading to Manila. You need to find and r
Misha’s POVNgayong araw, napagdesisyunan naming mag-asawa na mag-relax muna. Wala munang mga mission, plano, o kung ano pa mang stressful na bagay. Sa wakas, may pagkakataon din kaming huminga at magpahinga mula sa lahat ng gulong nangyayari. Wala pa rin namang paramdam si Tito Gerald, siguro nag-iisip na naman ng bago niyang plano.Nasa swimming pool kami ng bahay, ang init ng araw ay sakto lang para sa isang maaliwalas na paglalangoy. Hawak ni Everett ang isang baso ng juice habang nakasandal sa gilid ng pool. Ako naman, nakalutang sa tubig, pinagmamasdan ang mga ulap sa langit. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng tubig at huni ng mga ibon ang maririnig.“Finally, a normal day,” sabi ni Everett, sabay inom mula sa baso niya.Ngumiti ako, pero ramdam ko na may gusto siyang itanong. Nakikita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin, parang nag-aalinlangan. Alam ko na, siguro dahil ito sa tatlo.“What’s on your mind, Everett?” tanong ko, diretso sa punto.Nagkibit-balikat siya, parang
Misha’s POVTignan mo nga naman, kahit na maraming kaguluhang nangyayari sa buhay namin, heto, tuloy ang pagpapalago ng pera. Hindi hadlang ang buwisit na si Tito Gerald para mauntol ang lahat ng pangarap namin ni Everett.Habang hindi pa rin siya nagpaparamdam, heto, magsasaya muna kami ng kaunti kasi isa na naman sa mga pangarap ko ang natupad ko.Pagbukas ng malalaking double doors ng ballroom, tumingin ang lahat sa akin. Naka-floor-length emerald green gown ako na dinisenyo ng isang sikat na fashion designer, habang si Everett naman, ang guwapo sa kaniyang custom tuxedo. He held my hand as we walked in, his eyes brimming with pride.“You’ve outdone yourself, Misha,” bulong niya habang papunta kami sa stage.Ngumiti ako at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “We did this together. This is as much your achievement as it is mine.”Si Everett ang mas tinitignan, bakit nga ba hindi, eh, para akong may asawang hollywood artista. Nakaayos pa siya ngayon kaya mas lalong guwap
Everett’s POVPagod kami ni Misha, pero masaya. Success itong ginawa ng asawa ko kahit na maraming nangyaring problema nitong mga nagdaang linggo.Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Misha habang sabay kaming naglalakad palabas ng grand ballroom ng Tani Luxury Hotel. Kakatapos lang ng matagumpay na collaboration event ng M&E Skincare at ng Tani Luxury Hotels, at ramdam ko pa rin ang init ng mga ilaw, ang tunog ng mga palakpak, at ang matamis na ngiti ng mga bisita habang nagkakainan at nagtatawanan.“Everett, are you sure hindi na muna tayo uuwi?” tanong niya, bahagyang bumubulong. Parang nahihiya siyang marinig ng ibang staff niya rito na rito kami mag-stay. Eh, bakit ba, mag-asawa naman na kami. Siguro, dahil ayaw niyang makita ng mga staff niya ang ganoong side niya. Naalala ko, strikto na nga pala siya sa mga tauhan niya rito.Tumigil ako at humarap sa kaniya. Nakapulupot ang buhok niya sa kanyang balikat, at ang kanyang mata, parang bituin sa kalangitan, kumikislap sa ilalim ng d
Misha’s POVPagdilat ng mga mata ko, bumungad agad ang liwanag ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng presidential suite. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam ko ang presensiya ni Everett sa tabi ko. Nakayakap ang isang braso niya sa aking baywang, mahigpit ngunit banayad, habang ang kaniyang mukha ay guwapo pa rin kahit nakanganga siyang matulog.Ngunit hindi ko maiwasang bumalik sa realidad. Bumaling ako sa gilid, kinuha ang cellphone ko, at doon ko nakita ang umaapaw na mga notification. Social media posts, comments, at mentions—halos lahat ay tungkol sa event kagabi.“Everett,” mahina kong tawag sa kaniya habang bahagyang iniuga ang balikat niya.“Hmm?” ungol niya, hindi man lang dumilat.“Wake up, we’re viral,” sabi ko, kahit alam kong kalahati lang ang naiintindihan niya habang nasa pagitan ng tulog at gising.Dumilat siya, bahagyang napakunot ang noo. “Viral? What do you mean?”“It’s all over social media. The launch of M&E Skincare is the talk of the town. People are post
Misha’s POVHabang tumatakbo ang araw, abala ang bawat miyembro ng team sa iba’t ibang gawain. Ang mga PR package ay maingat na na-load sa mga delivery van, habang ibang staff ko ay patuloy na nakikipag-coordinate sa logistics team ni Everett para matiyak na ang bawat package ay makarating sa tamang destinasyon. Habang pinapanood ko ang lahat mula sa gilid, hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. Sa kabila ng pagod mula sa event kagabi, ramdam ko ang sigla at kasabikan na parang bagong simula para sa akin. Lumapit si Everett na may dalang dalawang tasa ng kape. Inabot niya sa akin ang isa habang ngumiti. “Here, take a break for a minute. You’ve been working non-stop since this morning.”“Thank you, honey,” sabi ko, tinanggap ang tasa. Saglit akong tumingin sa kaniya, nagpapasalamat ako sa kaniya kasi palagi niyang naaalala ang maliliit na bagay na tulad nito.“Everything’s running smoothly. By the end of the day, those packages will be in the hands of the top influencers in the coun
Czedric’s POVMukhang gumana talaga ang tsaa mula sa dilaw na luya na pinakuluan ni Everisha kahapon kasi maayos na maayos na ang pakiramdam ko ngayon.Napabuntong-hininga ako habang nakahiga pa rin sa banig. Isang bagay ang tumatak sa isip ko habang pinapanood kong abala siya sa pag-aayos sa harap ng tent niya—hindi ko na kayang magkunwari pa. Natauhan ako nung makita ko kung gaano kabuti ang puso niya habang inaalagaan ako kahapon. Lalo na nung kumbinsihin niyang isama na sa kanila at tutulungan akong makaganti sa mga kalaban ko. Kahit kakakilala palang niya sa akin, handa siyang tumulong. Naisip ko tuloy, paano kung masamang tao ako, paano kung gawan ko siya ng masama, madali siyang mauto at maloko. Iyon ang kahinaan ni Everisha, masyado siyang mabait.“Good morning,” ako ang unang bumati nang makita kong lumabas na siya sa camping tent niya.“Good morning,” matamlay naman niyang sagot habang humihikab pa.Habang nakaupo kami sa isang malaking bato at tinatapos ang aming agahan, na
Everisha’s POVTuyo na ang banig na ginawa ni Czedric para sa akin, at nang makita ko ito, hindi ko maiwasang mapangiti. Ang ganda ng pagkakagawa niya—mukhang matibay at ang disenyo ay simple lang pero ginawa niyang parang elegante. Nang ilatag ko ito bilang sapin sa loob ng tent ko, saktong-sakto ang sukat. Ang galing niya talaga.“This is perfect!” bulalas ko habang inaayos ang kumot sa ibabaw ng banig. “You really know your craft, Czedric.”Napadaan siya sa harap ng tent habang bitbit ang ilang tuyong kahoy na gagamitin sana niya para sa bonfire mamaya. Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Of course, I do,” sagot niya habang bahagyang nakangiti. “But I’m glad you like it.”Matapos kong ayusin ang tent, napansin kong parang inaantok si Czedric. Nakaupo siya sa harap ng kubo na tila nawalan ng gana sa ginagawa niya. Lumapit ako at tumabi sa kaniya.“Hey, are you okay?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya.Umiling siya nang mahina. “Not really. I think I’m coming down with a
Everisha’s POVTanghali na ako nagising, siguro dahil ay napagod ako sa pagtatanim kahapon ng mga bulaklak.Habang gumagawa ng maiinom si Czedric, kumuha ako ng panguhan ng tubig para magdilig ng mga bulaklak na tinanim ko. Kahit medyo malayo ang ilog, ayos lang, inisip ko na nag-e-exercise na lang ako. Pagkatapos kong magdilig, halos tagaktak ang pawis ko, pero okay lang kasi nakita kong sumigla lalo ang mga tanim naming bulaklak dito.Naglaga ng saging na saba si Czedrick at saka siya gumawa ng salabat o ‘yung pinakuluang luya. Habang tumatagal, nasasanay na ako sa mga kinakain namin dito. Ayos lang, ang mahalaga naman ay nakakakain kami minsan ng karne at isda. At lahat ng ito ay libre dito sa bundok. Hindi kailangan dito ng pera para mabuhay, ang kailangan ay tiyaga at ang galing kung paano ka makakahanap ng pagkain.Habang umiinom ako ng mainit na salabat na gawa ni Czedric, naglaro ang imahinasyon ko sa iba’t ibang aktibidad na puwede naming gawin ngayong araw para lang hindi ma
Everisha’s POVHabang nakaupo kami sa mahabang bangko sa labas ng kubo, tahimik naming nilalantakan ang nilagang kamote na bagong hango sa apoy. Dati, ayoko sa ganitong pagkain, pero nung masanay ako, masarap pala. Kahit walang asukal, masarap siya kasi natural na matamis ang kamote. ‘Yun nga lang, mamaya, mag-uutot na naman ako.Ang tunog ng mga ibon sa malapit at ang malamig na ihip ng hangin ang nagbigay ng aliwalas sa hapong iyon, pero ramdam kong may bumabagabag kay Czedric.Kagat-kagat ko ang kamote nang magsalita ako.“Czedric,” bungad ko, tinitigan ko siya habang abala siyang ngumunguya. “Have you ever thought about taking back everything that was stolen from you?” kasi kung magaling siyang mag-english, hindi rin talaga maikakaila na galing siya sa mayamang pamilya.Tumingin siya sa akin habang ang mga kilay niya ay bahagyang nagtaas. “What do you mean?”“I mean,” sabi ko at saka binaba ang hawak kong kamote. “What if someone helps you? Someone who knows how to fight, someone
Everisha’s POVMaaga akong nagising nang umagang iyon. Hindi pa rin ako sanay sa ingay ng mga kuliglig at huni ng ibon, pero today, tila stress ako sa pag-aakalang totoo ang panaginip ko, akala ko totoong nakauwi na ako. Akala ko totoong nasa kuwarto na ako, nakahiga sa malambot na kama, akala ko totoong nasa dining area na kami ng mansiyon at kumakain ng maraming masasarap na pagkain.Napabuntong-hininga na lang ako. Sa tingin ko, parang bumabalik sa dati ang sakit kong ‘yon, pero dahil sanay na ako, alam ko na kung paano ito mawawala. Gagawa ako ng paraan para mawala ito.Paglingon ko, napansin kong wala si Czedric sa kubo niya.“Hmm, probably off hunting again,” bulong ko habang nag-aayos ng buhok.Paglabas ko ng tent, naglakad-lakad ako, naisip kong kilalanin ang ibang lugar dito, habang naglalakad ako, tumambad sa akin ang mga ligaw na bulaklak na nagkalat sa gilid ng daan. May dilaw, pula, at lila. Maliliit man ang iba, sobrang ganda naman nilang pagmasdan. At sa tingin ko, naka
Czedric’s POVMainit ang tanghali nang bumalik ako sa kubo dala ang ilang sanga’t kahoy na gagamitin para sa bonfire mamayang gabi. Nakasanayan at gusto kasi ni Everisha na bago kami matulog, nagpapa-init kami sa bonfire, para na rin may liwanag sa paligid kapag gabi.Pero nang makarating ako ulit sa kubo, napansin kong wala si Everisha.“Where is she this time?” tanong ko sa sarili ko habang iniayos ang mga kahoy. Tumingin-tingin ako sa paligid ng kubo. Wala.Bigla kong naisip, baka nasa ilog siya. Lately, mukhang paborito niyang tambayan iyon, lalo na’t malapit lang sa waterfalls.“She’s probably fishing again,” bulong ko habang natatawa na para bang naging favorite na niya ang isda.Kung ganoon nga, siguradong magkakagulo na naman ang mga isda sa kakulitan niya.Dahan-dahan akong naglakad papunta sa ilog, iniisip na baka magulat siya kung bigla akong sumulpot agad. Nagdala pa ako ng mga puno’t baging, baka sakaling kailanganin namin mamaya sa campfire.Pagdating ko malapit sa ilog,
Czedric’s POVNapansin kong kanina pa nagrereklamo si Everisha tungkol sa likod niyang masakit dahil sa tent na laging ang lupa lang ang sapin. Natural lang naman, hindi siya sanay sa ganoong kondisyon. Kaya naisip kong ipakita sa kaniya ang isang bagay na siguradong ikakabilib niya, ang paggawa ng banig.Nang dumating ang oras ng hapon, sinama ko siya sa isang bahagi ng bundok kung saan tumutubo ang puno ng buri. Ang mga dahon nito ang ginagamit ko para gumawa ng banig.“Czedric, what are we doing here?” tanong ni Everisha habang iniangat ang kamay niya para protektahan ang mukha niya mula sa mga sanga. “Don’t tell me you’re going to make me climb that tree.”Tumawa tuloy ako. Mainam talaga na umaalis kami sa kubo para makapaglibang, nang hindi rin siya nalulungkot. “Relax. Hindi ka naman kailangan umakyat. Ako na bahala. Panoorin mo lang ako para matuto ka.”Tinuro ko ang mga dahon ng buri na mataas at malalapad. Tumalon ako, hinila ang isa at mabilis na pinutol ito. “Ganito lang ‘y
Everisha’s POVMaagang-maaga pa lang ay gising na ako. Wala akong orasan, wala na rin kasing battery ang phone ko kaya hindi na magamit. Tinignan ko ang kalangitan paglabas ko ng camping tent ko, sa tingin ko ay baka alas singko at ala sais palang ng umaga. Medyo mahimbing pa ang tulog ni Czedric sa maliit na kubo niya. Naisip ko, bakit hindi ko naman siya gulatin ngayong umaga? Palagi na lang siyang ang bida sa mga survival adventures namin. Ngayong umaga, ako naman. Kahit baguhan ako, alam kong kaya kong magpakitang gilas sa kaniya.Hindi na rin ako nakakapag-gym kaya iisipin kong ito na lang ang exercise ko ngayong umaga.Habang inaayos ko ang buhok ko gamit ang daliri at kinukuha ang tsinelas na ipit-ipit ng tent ko, biglang pumasok sa isip ko: Ano kayang pakiramdam ng makahuli ng isda? Kaya ko kaya?Umalis na ako sa kubo at camping tent ko para pumunta sa target ko, pagdating doon, nakita ko ang maliit na ilog malapit sa waterfalls. Ang linaw ng tubig, at kitang-kita ko ang mga i
Everisha’s POVHabang iniinom ko ang sabaw ng buko na hinanda ni Czedric, napansin ko ang simpleng ngiti niya habang abala sa pag-aayos ng mga halamang ugat na tinanim niya malapit sa kubo. Ilang araw na rin mula nang ma-stranded ako rito, at kahit paano, nasasanay na rin ako.Pero may isang bagay na hindi ko kayang tiisin, ang diet ko na puro prutas at gulay.“Czedric,” bungad ko habang pinagmamasdan siyang nagkakalikot ng palakol na gawa sa matibay na kahoy at talim ng bato.“Yes?” tanong niya nang hindi man lang nilingon, abala kasi ito sa ginagawa niya.“Do you think we can eat something else? Like… meat or fish?” diretsahan kong tanong habang nakapamewang, umaasang makukuha niya ang ibig kong sabihin.Napatingin siya sa akin habang bahagyang nakakunot ang noo. “You’re tired of fruits already?”Tumango ako. “Yes, and the leaves. I feel like a goat,” sagot ko sabay kindat para medyo mas magaan ang dating. Pero seryoso ako! Kung makakain lang siguro ako ng chicken drumstick o kahit a