Misha’s POV“This isn’t just about creating products,” I began. “We’re building a story. When guests take these home, they won’t just remember Tani Luxury Hotel—they’ll remember how they felt. Luxurious. Pampered. Exclusive. This isn’t about selling items; it’s about preserving memories.”Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Lahat ng mata ay nasa akin, at alam kong naabot ko ang gusto nilang marinig. Pero kasi, sa totoo lang, puwede ko naman nang ma-push agad ito nang hindi sila kailangan, for me, gusto kong marinig ang mga suggestion nila kung tama ba ang pinaplano kong ito o hindi, maganda na ‘yung matulungan nila ako.Habang lumalalim ang usapan, hindi maiwasang magkaiba ang opinyon sa ilang aspeto.“Do we really need to include travel-sized items?” tanong ni Claire. "Most of our VIP guests prefer full-sized products. Travel-sized feels less premium.”Maxine quickly defended our choice. “Travel-sized doesn’t mean less premium. It’s about convenience without sacrificing quality. Plus
Misha’s POVMagaan ang pakiramdam ko ngayong hapon pag-uwi ko sa manisyon. Parang ang gaan lang ng paligid—walang masyadong alalahanin, walang masyadong iniisip, kahit na kakatapos ko lang makipaglaban kaninang umaga. Siguro, dahil sanay na ako sa mga panganib.Matagal-tagal ko na ring hindi naramdaman ang ganito. Kaya naisipan kong umuwi nang maaga para ipagluto si Everett ng isang espesyal na hapunan. Alam kong busy rin siya nitong mga nakaraang linggo, at gusto kong magpakaasawa sa kanya, kahit ngayong gabi lang.Pagpasok ko ng mansiyon, diretso agad ako sa kusina. Tinawag ko agad ang mga kasambahay namin, naglista ako ng mga ipapamili nila sa bayan. Sinabi ko rin na dalian nila kasi gusto ko, bago makauwi si Everett, luto na ang mga pagkain.Habang namimili sila, nagbuhos muna ako ng katawan para ma-fresh na rin ako. Pagkatapos, nagbihis na rin ako ng pambahay.Sakto naman na pagbaba ko, kararating lang ng mga kasambahay ko. Mukhang mga hinihingal pa.“Okay, menudo, adobong pusit,
0255: Lintek lang ang walang gantiEverett’s POVNgayong araw, parang nakakatuyot ng lakas at utak, na tila ba isa sa mga araw na gusto kong tapusin agad ang mga gawain ko. Napakarami kong trabaho sa opisina, hindi ko na nga namalayan na halos wala na akong pahinga. Ang daming paper na dapat pirmahan at tapusin.Ngunit sa kabila ng lahat, heto si Garil, ang kaibigan kong tila may ibang misyon sa buhay ngayon—ang pilitin akong sumama sa bonding namin sa private yate ko. Wala akong ideya kung anong pumasok sa utak niya at bigla na lang siyang naging makulit ngayong araw. Pero sino ba naman ako para tumanggi, lalo na’t ilang beses na rin niyang sinakripisyo ang oras niya para samahan ako noon, kahit gaano rin siya ka-busy. Kaya kahit ayoko at abala ako ngayong araw, pumayag ako.Pagdating namin sa yate, tumahimik muna kaming dalawa habang lumalayag ito. Umiinom na naman kami ng wine na madalas naming gawin kapag nandito. Puno na naman ng mga pagkain ang lamesa. Napakaganda ng tanawin, ka
Everett’s POVKinabukasan, maagang-maaga pa lang ay nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang un-register number sa phone ko. Sino naman kaya ito?“Hello?” sagot ko, halatang bagong gising pa.“Good morning, Everett,” ang boses na narinig ko ay kakaiba, parang wala itong emosyon. Agad tuloy akong kinabahan. “I hope you’re ready for some excitement today.”“Who is this?” tanong ko habang pinipilit na gawing hindi takot ang boses ko.“That’s not important. What’s important is that you have exactly one hour to save your dear friend Garil.”Napabalikwas ako ng bangon. “What are you talking about? Where is he?”“Oh, he’s fine… for now. But he won’t be for long if you don’t find him. I’ve planted a bomb in a warehouse, and he’s tied up there. You have one hour before it explodes.”“Huwag kang magbiro sa akin ng ganyan!” sigaw ko, pero nanatili ang boses sa kabilang linya na walang emosyon.“I’m not joking, Everett. Here are five addresses. One of them
Misha’s POVNasa sementeryo kami ngayon ni Everett. Kasalukuyan nang inihuhulog ang puting kabaong ni Garil sa hukay, at bawat bagsak ng lupa sa kahoy ay parang martilyong tumatama sa dibdib ko, lalo na para sa asawa ko. Hindi ko kilala nang lubusan si Garil, pero sa mga kwento ni Everett, alam kong hindi lang siya basta kaibigan. Si Garil ang naging sandalan ng asawa ko sa napakaraming pagkakataon na lugmok siya. Kaya ngayong wala na siya, damang-dama ko ang kawalan sa puso ni Everett.Tahimik si Everett sa tabi ko, pero ramdam ko ang bigat ng bawat hininga niya. Pinagmasdan ko siya. Nakatayo siya nang diretso, nakasuot ng itim na suit na tila masyadong masikip dahil sa tensyon na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung umiiyak siya sa ilalim ng suot niyang salamin, pero nang mapansin ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang balikat, sigurado akong pinipigilan niyang humagulhol.“Everett,” bulong ko habang inaabot ang kamay niya.Tumingin siya sa akin, at doon ko nakita ang mga luha na
Misha’s POVHindi ako pumasok sa trabaho ngayong araw. Mula kagabi, hindi na ako mapakali. Paulit-ulit ang naiisip ko—ang mga magulang ko, naisip ko na baka sila naman ang guluhin at gawan ng masama ni Tito Gerald. Alam kong hindi pa rin tapos ang gulo, at mas lalong lumalala ang mga banta sa amin mula kay Tito Gerald. Alam kong kailangan kong kumilos, kahit gaano kahirap ang desisyong ito.Habang nag-aalmusal ako kanina, tumingin ako sa litrato ng pamilya namin na nakasabit sa dingding ng dining area. Magkahawak-kamay kaming lahat—ako, si Everett, si Everisha. Napangiti ako nang bahagya, pero agad ding napawi iyon ng isang malalim na buntong-hininga. Sa likod ng larawang iyon ay isang masalimuot na katotohanan: ang panganib na dulot ni Tito Gerald sa mga mahal ko sa buhay.Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumawag ako sa office at sinabi ko kay Marie na hindi ako makakapasok ngayong araw kaya cancel muna ang mga appointment at meeting. Alam kong mas mahalaga ang araw na ito kaysa sa
Misha’s POVDapat sana’y pauwi na ako matapos kumbinsihin ang mga magulang ko na sumama na kay Ate Ada at Everisha sa ibang bansa. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kahit papaano dahil pumayag na rin sila sa wakas. Kaya lang. Nasa may gate na ako, palapit na sa sasakyan ko, nang mapansin kong tila may tatlong anino sa ‘di kalayuan na nag-aabang na umalis ako.Agad akong napalingon, at doon ko sila nakita—tatlong lalaki, armado, at palapit sa akin nang dahan-dahan.“Good evening, Mrs. Tani,” sabi ng isa habang ang boses niya nakakatakot. Naka-maskara silang lahat, pero kita ko ang galaw ng baril sa kamay niya.Parang bumagal ang oras. Tumindig ang balahibo ko, pero hindi ako nagpatinag. Tumalikod ako at dali-daling tumakbo pabalik sa loob ng bahay ng mga magulang ko.“Mama! Papa! Magtago kayo! Bilis!” sigaw ko habang pilit na sinasara ang pinto.“Misha, ano’ng nangyayari?!” sigaw ni Mama mula sa kusina.“Huwag na po kayong magtanong! Basta magtago kayo sa likod ng pantry! Now na!” Sini
Everett’s POVSabi ni Misha, pagplanuhan ko raw ang pagkikita namin ng tito ko. Kaya lang, ngayon ko na naisipang planuhing kitain siya. Kaya ko naman na, alam ko na sa sarili ko na kaya ko nang labanan sila, kahit ilan pa sila. Sa galing mag-training ng mga assassin na na-hire ni Misha para sa akin, gumaling talaga ako. Sa galing din magturo sa akin ni Misha sa paggamit ng baril, talagang natuto rin ako. At ngayon ko rin sasabihin na halos pantay na ang galing naming mag-asawa.Imbis na pumasok sa trabaho, heto, patungo ang kotse ko sa manisyon ng magaling kong tito. Pagdating sa harap ng mansiyon, doon na ako nag-park ng kotse. May guard na agad akong sinita kaya agad ko rin siyang pinatamaan ng baril.Sa bawat ko paglalakad ko sa labas mansiyon ng tito Gerald ko, ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may bumubulong sa akin na ito na ang araw para sa hustisya. Hindi ko na pinansin ang takot o alinlangan. Sabi nga ni Misha, hindi raw dapat ako makaramdam ng takot kapag sasabak ako s
Everisha's POVPagmulat pa lang ng mga mata ko ngayong umaga, diretso na agad ang kamay ko sa cellphone. Alam ko na ang una kong hahanapin—ang bagong video ni CD Borromeo dahil trending ‘yun ngayong umaga. Nang buksan ko ang social media niya, tumambad sa akin ang thumbnail niya. Walang maskara, at sa unang pagkakataon, ipinakita niya ang mukha niya sa publiko.Kinakabahan akong pinindot ang play button. Kahit alam ko na ang totoo, hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa na talaga ni Czedric ang bagay na matagal niyang itinago. Habang pinapanood ko ang video, parang bumalik lahat ng alaala namin. Ang mga plano, ang mga sikreto, at ang mga dahilan kung bakit kailangang manatili siyang anonymous dati.Pero ngayon, nagbago na ang lahat.Pagdating sa bahagi kung saan hinubad niya ang maskara, tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa screen, parang hindi ko pa rin maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Seryoso ang mukha ni Czedric, pero kitang-kita mo ang confidence niya ha
Czedric's POVPagdilat ng aking mga mata, unti-unti akong nag-adjust sa maliwanag na ilaw ng kwarto. Amoy na amoy ko ang disinfectant, tanda na nasa ospital ako. Napabuntong-hininga ako. Buhay pa ako. Tagumpay kaming lahat. Pero pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko—parang pinagbagsakan ng daigdig.Napansin ko ang dalawang pamilyar na mukha sa gilid ng kama. Si Edric, ang kapatid kong sumalo sa akin kanina at si Marco, ang pinsan naming parating nakaalalay sa amin. Pareho silang nakangiti nang mapansin nilang gising na ako.“Finally, bro,” sabi ni Edric. May bahagyang ginhawa sa boses niya na parang binagsakan ng bato ang balikat niyang matagal niyang kinikimkim. “You're awake.”“Kumusta?” mahinang tanong ko habang ramdam ang pagod sa boses ko. Halos lumabas lang ito bilang bulong.“You're fine now,” ani Marco. “We made it, Czedric. Tapos na ang lahat. Nabawi na natin ang lahat—lahat ng pera, ari-arian, pati mga negosyo. They're back where they belong—sa inyo ng kapatid mo.”Napaluno
Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa mapa, tinitiyak ang bawat detalye. Si Edric at Mishon ay tahimik, pero kita sa mga mata nila ang kaseryosohan sa magaganap na huling laban. “Everyone ready?” tanong ni Marco. “Always,” sagot ni Edric, sabay sulyap kay Everisha na ngumiti nang bahagya bilang sagot. Napabuntong-hininga ako. Hindi ito ang oras para magpaka-distracted, pero ang pag-aalala ko para kay Everisha ay masyadong malakas. At si Edric—alam kong kapwa ko siya maaasahan, pero hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may masamang nangyari kay Everisha. Pagdating namin sa resort, nagpaikot muna kami sa harapan. Tahimik ang paligid, pero alam kong hindi iyon nangangahulugang ligtas kami. Pagbuka
Czedric POVMatagal ko nang alam na hahantong kami sa ganitong punto, pero iba pa rin ang bigat na nararamdaman ko habang tahimik na nakaupo sa loob ng bulletproof na sasakyan. Tumitingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse, pinagmamasdan ang tanawin ng mga bundok at kalangitan na tila tahimik ngunit puno ng tensyon.“Czedric, nakikinig ka ba?” tanong ni Marco na nasa tabi ko at mukhang seryoso.“Ha?” sagot ko habang umiwas ng tingin mula sa bintana.“I said,” ulit niya, “Raegan and Jonas are practically on their knees. Ilang linggo nang umaatras ang mga tauhan nila. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis—ang mga taong sumuporta sa kanila pero bigla na lang bumaliktad, o ang katotohanang matagal bago nangyari ito.”Napatingin ako kay Marco. Kita sa mukha niya ang bahagyang saya, pero mas nangingibabaw ang pagod.“Takot na silang madamay,” dagdag niya. “Sino ba naman ang hindi matatakot, eh halos ubos na ang mga tauhan nila dahil sa atin?”Ang mga huling linggo ay parang mahabang
Everisha POV Pagkatapos ng matagumpay naming misyon, ramdam ko ang gaan ng paligid habang naglalakad pabalik ng villa. Parang ang bigat ng buong happn ay biglang nawala, at kahit pagod ang katawan namin, masaya ang puso ko. Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami nina Mama at Papa sa hardin ng villa. Ang bango ng litson ang unang tumama sa ilong ko, kasunod ang halimuyak ng iba’t ibang pagkain na nakahain sa mesa. Siguradong nabalita na agad sa kanila nila Marco o Czedric ang nangyari kaya masarap ang hapunan namin. “Naghanda kami ng kaunting salo-salo para sa inyo,” sabi ni Papa habang yakap-yakap ako. “Deserve niyong lahat ang masarap na hapunan.” Napangiti ako habang tinitingnan ang bawat isa sa amin. Ang tagumpay ng laban ay hindi lamang dahil sa galing ng isa, kundi dahil sa sama-sama naming pagkilos. Sa ilalim ng mga ilaw na nakasabit sa paligid ng hardin, umupo kami sa isang mahabang mesa. Ang tunog ng mga halakhak at kwentuhan ay sumasabay sa kaluskos ng mga dahon na hin
Czedric POVPagdating namin sa hideout ng mga assassin na tauhan ni Raegan, hindi ko maiwasang makaramdam ng tensyon. Hindi dahil sa naduduwag kundi dahil inaalala ko pa rin si Everisha. Iniisip ko kung kaya ba niya talaga?Kahit pa sinasabi ni Marco na hindi pa bihasa ang karamihan sa kanila, hindi ko kayang mag-relax. Masyadong mahalaga ang laban na ito. Isa itong hakbang para maubos na ang mga tauhan ni Raegan na patuloy na nagpapahirap sa amin.Lahat kami ay nakasuot ng maskara, bawat isa sa amin handa nang kumilos. Ang bawat galaw namin ay planado. Si Marco ang nanguna, sinusuri ang paligid. Si Edric, laging nasa tabi ni Everisha, tila ba personal niyang misyon na protektahan ito anuman ang mangyari. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na alam kung ang tensyon ba ng laban o ang selos ang bumabagabag sa akin. Pero misyon ko rin na tignan din sa lahat ng oras si Everisha para ma-protektahan din siya.Pinasok namin ang hideout mula sa gilid, sa isang sirang pader na hindi nila nabigy
Everisha POV Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa amin sa villa. Kakatapos ko lang mag-almusal at nagdesisyon akong magpunta sa garden para magpaaraw. Ako ang naunang nagising kaya ako na rin ang nagpasyang magluto ng almusal. May mga stock na kami kasi ng pagkain dahil namilo na kagabi sina Marco at Czedric. Nagluto ako ng fried rice at tapa. Nagluto na rin ako sarsiadong tilapia kasi nami-miss ko na ‘yun. Nagagawa ko tuloy gumawa sa kusina dahil wala kaming kasambahay ngayon sa villa. Natututo kami ngayong kumilos ng walang mga alalay at para sa akin, okay lang kasi minsan ay maganda na may ginagawa kami sa bahay. Nakaka-stress lang ang mga naiwang trabaho sa mga company namin kasi gabi-gabi, kausap namin ang mga executive assistant at mga secretary namin para asikasuhin muna ang lahat habang nagtatago kami. Pagkaluto, nauna na akong nag-almusal kasi hinahabol ko ang unang sikat ng araw. Kailangan kong maging malakas kasi may labanan na magaganap mamayang hapon. First sabak k
Czedric POVAng hapon ay punong-puno ng tensyon sa villa nila Everisha. Sa pagdating ni Marco, bitbit ang bagong balita tungkol kay Raegan at Jonas, ramdam ko na parang bumigat pa ang sitwasyon. Habang nakaupo kami sa malaking mesa sa sala, inilatag ni Marco ang bawat detalye ng kanyang nalaman."Raegan's men are growing in number," sabi ni Marco, seryoso ang mukha habang iniisa-isa ang impormasyon na nasagap niya. "They’re no longer just fifty. There are seventy assassins being trained in one of their hideouts. If we wait too long, they’ll be unstoppable."Napatingin ako kay Marco habang ramdam ang bigat ng binitawan niyang balita. Alam kong tama siya. Hindi puwedeng patagalin pa ang sitwasyong ito. Kailangan nang madaliin ang lahat kasi masyado nang marami ang nadadamay.“Kailangan natin silang sugurin bago pa sila maging mas malakas,” sabi ni Edric na malalim ang boses niya na tila ba naghahanda na para sa laban.Napatingin kami kay Tito Everett at sa kanyang asawa. Alam naming lah
Czedric POVSa paglapit ko sa gate ng villa, damang-dama ko ang kaba sa aking dibdib. Ang pamilyang Tani—sina Everisha, ang kanyang mga magulang, at isa pang lalaking hindi ko pa kilala—ay nakatayo sa may pintuan, halatang inaabangan ang pagdating ko. Ang kanilang mga ngiti ay tila isang malugod na pagtanggap sa akin, pero may kung anong kakaiba sa presensya ng lalaking kasama nila.Habang papalapit ako, mas nagiging malinaw ang mga detalye ng mukha niya. Bigla akong napatigil sa paglalakad. Tumigil din ang mundo ko sa isang iglap. Ang mga mata niya, ang kanyang postura at ang kanyang ekspresyon—parang pamilyar lahat ng iyon sa akin.“Edric?” mahinang tanong ko na halos hindi ko marinig ang sarili ko.Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumitig siya sa akin, na parang iniisip kung dapat ba niyang kumpirmahin ang hinala ko.Nang makita ko siyang bahagyang tumango, parang may kung anong sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang mga luha ko ay kusang bumagsak