0255: Lintek lang ang walang gantiEverett’s POVNgayong araw, parang nakakatuyot ng lakas at utak, na tila ba isa sa mga araw na gusto kong tapusin agad ang mga gawain ko. Napakarami kong trabaho sa opisina, hindi ko na nga namalayan na halos wala na akong pahinga. Ang daming paper na dapat pirmahan at tapusin.Ngunit sa kabila ng lahat, heto si Garil, ang kaibigan kong tila may ibang misyon sa buhay ngayon—ang pilitin akong sumama sa bonding namin sa private yate ko. Wala akong ideya kung anong pumasok sa utak niya at bigla na lang siyang naging makulit ngayong araw. Pero sino ba naman ako para tumanggi, lalo na’t ilang beses na rin niyang sinakripisyo ang oras niya para samahan ako noon, kahit gaano rin siya ka-busy. Kaya kahit ayoko at abala ako ngayong araw, pumayag ako.Pagdating namin sa yate, tumahimik muna kaming dalawa habang lumalayag ito. Umiinom na naman kami ng wine na madalas naming gawin kapag nandito. Puno na naman ng mga pagkain ang lamesa. Napakaganda ng tanawin, ka
Everett’s POVKinabukasan, maagang-maaga pa lang ay nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang un-register number sa phone ko. Sino naman kaya ito?“Hello?” sagot ko, halatang bagong gising pa.“Good morning, Everett,” ang boses na narinig ko ay kakaiba, parang wala itong emosyon. Agad tuloy akong kinabahan. “I hope you’re ready for some excitement today.”“Who is this?” tanong ko habang pinipilit na gawing hindi takot ang boses ko.“That’s not important. What’s important is that you have exactly one hour to save your dear friend Garil.”Napabalikwas ako ng bangon. “What are you talking about? Where is he?”“Oh, he’s fine… for now. But he won’t be for long if you don’t find him. I’ve planted a bomb in a warehouse, and he’s tied up there. You have one hour before it explodes.”“Huwag kang magbiro sa akin ng ganyan!” sigaw ko, pero nanatili ang boses sa kabilang linya na walang emosyon.“I’m not joking, Everett. Here are five addresses. One of them
Misha’s POVNasa sementeryo kami ngayon ni Everett. Kasalukuyan nang inihuhulog ang puting kabaong ni Garil sa hukay, at bawat bagsak ng lupa sa kahoy ay parang martilyong tumatama sa dibdib ko, lalo na para sa asawa ko. Hindi ko kilala nang lubusan si Garil, pero sa mga kwento ni Everett, alam kong hindi lang siya basta kaibigan. Si Garil ang naging sandalan ng asawa ko sa napakaraming pagkakataon na lugmok siya. Kaya ngayong wala na siya, damang-dama ko ang kawalan sa puso ni Everett.Tahimik si Everett sa tabi ko, pero ramdam ko ang bigat ng bawat hininga niya. Pinagmasdan ko siya. Nakatayo siya nang diretso, nakasuot ng itim na suit na tila masyadong masikip dahil sa tensyon na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung umiiyak siya sa ilalim ng suot niyang salamin, pero nang mapansin ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang balikat, sigurado akong pinipigilan niyang humagulhol.“Everett,” bulong ko habang inaabot ang kamay niya.Tumingin siya sa akin, at doon ko nakita ang mga luha na
Misha’s POVHindi ako pumasok sa trabaho ngayong araw. Mula kagabi, hindi na ako mapakali. Paulit-ulit ang naiisip ko—ang mga magulang ko, naisip ko na baka sila naman ang guluhin at gawan ng masama ni Tito Gerald. Alam kong hindi pa rin tapos ang gulo, at mas lalong lumalala ang mga banta sa amin mula kay Tito Gerald. Alam kong kailangan kong kumilos, kahit gaano kahirap ang desisyong ito.Habang nag-aalmusal ako kanina, tumingin ako sa litrato ng pamilya namin na nakasabit sa dingding ng dining area. Magkahawak-kamay kaming lahat—ako, si Everett, si Everisha. Napangiti ako nang bahagya, pero agad ding napawi iyon ng isang malalim na buntong-hininga. Sa likod ng larawang iyon ay isang masalimuot na katotohanan: ang panganib na dulot ni Tito Gerald sa mga mahal ko sa buhay.Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tumawag ako sa office at sinabi ko kay Marie na hindi ako makakapasok ngayong araw kaya cancel muna ang mga appointment at meeting. Alam kong mas mahalaga ang araw na ito kaysa sa
Misha’s POVDapat sana’y pauwi na ako matapos kumbinsihin ang mga magulang ko na sumama na kay Ate Ada at Everisha sa ibang bansa. Medyo magaan na ang pakiramdam ko kahit papaano dahil pumayag na rin sila sa wakas. Kaya lang. Nasa may gate na ako, palapit na sa sasakyan ko, nang mapansin kong tila may tatlong anino sa ‘di kalayuan na nag-aabang na umalis ako.Agad akong napalingon, at doon ko sila nakita—tatlong lalaki, armado, at palapit sa akin nang dahan-dahan.“Good evening, Mrs. Tani,” sabi ng isa habang ang boses niya nakakatakot. Naka-maskara silang lahat, pero kita ko ang galaw ng baril sa kamay niya.Parang bumagal ang oras. Tumindig ang balahibo ko, pero hindi ako nagpatinag. Tumalikod ako at dali-daling tumakbo pabalik sa loob ng bahay ng mga magulang ko.“Mama! Papa! Magtago kayo! Bilis!” sigaw ko habang pilit na sinasara ang pinto.“Misha, ano’ng nangyayari?!” sigaw ni Mama mula sa kusina.“Huwag na po kayong magtanong! Basta magtago kayo sa likod ng pantry! Now na!” Sini
Everett’s POVSabi ni Misha, pagplanuhan ko raw ang pagkikita namin ng tito ko. Kaya lang, ngayon ko na naisipang planuhing kitain siya. Kaya ko naman na, alam ko na sa sarili ko na kaya ko nang labanan sila, kahit ilan pa sila. Sa galing mag-training ng mga assassin na na-hire ni Misha para sa akin, gumaling talaga ako. Sa galing din magturo sa akin ni Misha sa paggamit ng baril, talagang natuto rin ako. At ngayon ko rin sasabihin na halos pantay na ang galing naming mag-asawa.Imbis na pumasok sa trabaho, heto, patungo ang kotse ko sa manisyon ng magaling kong tito. Pagdating sa harap ng mansiyon, doon na ako nag-park ng kotse. May guard na agad akong sinita kaya agad ko rin siyang pinatamaan ng baril.Sa bawat ko paglalakad ko sa labas mansiyon ng tito Gerald ko, ramdam ko ang bigat ng hangin, parang may bumubulong sa akin na ito na ang araw para sa hustisya. Hindi ko na pinansin ang takot o alinlangan. Sabi nga ni Misha, hindi raw dapat ako makaramdam ng takot kapag sasabak ako s
Misha’s POVNakahinga na rin ako nang maluwag matapos kong masiguradong ligtas at maayos na nakalipad ang eroplano na sinasakyan nina Mama at Papa. Kanina pa kami dito sa airport ni Everett, nag-aabang sa oras ng pag-alis nila. Nang mag-final boarding call na at tuluyang nawala sila sa paningin ko sa departure gate, doon ko naramdaman ang tunay na kaginhawahan. Parang natanggal ang bigat sa dibdib ko.“Are you okay now?” tanong ni Everett habang magaan niyang hinahaplos ang likod ko.Tumingin ako sa kaniya at pinilit ngumiti. “Oo, salamat talaga at marami tayong connection, sa ngayon, alam kong ligtas na ang mga magulang ko.”Napatingin ako sa malinis at modernong disenyo ng airport. Napakahirap para sa ordinaryong tao na makalipad palabas ng bansa nang mabilis, pero dahil sa mga koneksyon ni Everett, napabilis ang lahat.“Sabi ko naman sa’yo, I’ll handle it,” sabi niya na may kasamang ngiti. Napakagaan niyang magsalita, pero alam ko kung gaano kahalaga ang ginawa niya para sa mama at
Misha’s POVNakagayak na ako at papasok na sa trabaho nang tumunog ang telepono ko sa gitna ng katahimikan nang pag-aalmusal namin ni Everett. Hindi ko inaasahan ang tawag na iyon, lalo na’t galing sa isang unregistered number. Sa una, nag-alinlangan pa akong sagutin, pero sa huli, pinindot ko ang green button.“Hello?”“Misha,” malamig at baritono ang boses sa kabilang linya. “You have one hour to save your friend Jaye.”Napasinghap ako st agad na napatingin kay Everett. Ganitong-ganito ang nangyari kay Garil.Tumayo ang balahibo ko sa kaba. “What? Who is this? What are you talking about?”“Five addresses. Isa sa mga ito ang kinaroroonan niya. Find her before it’s too late,” dire-diretsong sabi ng lalaki. Nagbigay siya ng limang address, isa-isa, at mabilis kong sinulat ang mga ito sa isang piraso ng papel na nakuha ko sa bag ko.“Wait! Why are you doing this?!” tanong ko habang nanginginig ang boses.“Time is ticking, Misha. If you fail, the warehouse will explode,” malamig na sabi
Misha’s POVHindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Ang bagong message na natanggap ko ay para bang isang dagok na muli sa aming pamilya. “Kung gusto niyong makabalik si Everisha, palayain niyo si Maloi sa kulungan.”Hindi na namin kailangan pang mag-usap ni Everett. Alam naming dalawa na wala kaming ibang pagpipilian. Para sa anak namin, handa kaming gawin ang kahit ano.“Everett,” tawag ko sa kaniya habang nasa kabilang kuwarto siya, hawak ang laptop niya. Pumasok siya agad sa kuwarto namin, kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.“What is it?” tanong niya habang pinupunasan ang mga mata niya. Halatang hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi.Ipinakita ko ang text message. Agad na tumalim ang tingin niya, at parang gusto na niyang basagin ang telepono sa galit.“This is absurd!” sigaw niya. “Do they think they can control us like this? But we have no choice, do we?”Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Hindi ako kailanman naging
Misha’s POVAng oras ay tila naging kalaban ko. Ang bawat minuto na lumilipas ay parang kutsilyong bumabaon sa dibdib ko. Nasa sala ako, nakaupo sa gilid ng sofa, hawak ang cellphone na halos hindi ko na mabitiwan mula nang mawala si Everisha. Sa kabilang bahagi ng kuwarto, si Everett ay nakatayo, halatang hindi mapakali habang kausap ang isa na namang investigator sa telepono.Ilang oras na kaming tumatawag sa iba’t ibang tao—mga kakilala, kaibigan, koneksyon sa negosyo, at maging ang mga taong hindi namin kilala pero maaaring makatulong. Sa bawat tawag namin, pilit kong pinipigilan ang manginig ang boses ko. Pero kahit anong gawin ko, ramdam pa rin ng kausap ko ang takot at pag-aalala ko.“Please, kung may alam ka kung paano kami matutulungan, sabihin mo na agad,” sabi ko sa isa sa mga kakilala kong nasa abroad.“Wala akong masyadong impormasyon, Misha. Pero itutuloy ko ang pagtatanong dito. I’ll call you if I find anything,” sagot niya sa kabilang linya.Pagkababa ko ng tawag, napa
Misha’s POVTahimik ang umaga. Ang liwanag ng araw ay dumadampi sa kurtina ng aming kuwarto, at ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon. Nakahiga pa ako sa kama, ini-enjoy ang ilang minuto ng kapayapaan bago bumangon para harapin ang mga bagong hamon ngayong araw.Pero ang katahimikan ay mabilis na naglaho nang tumunog ang cellphone ko. Dinampot ko ito na nakalapag sa may table na nasa gilid ng kama namin ni Everett.Pagkakita ko sa screen, may isang hindi kilalang numero ang nagpadala ng message. Pagbukas ko ng message, agad akong kinabahan. Isang larawan ang nakita ko—ang bahay namin sa ibang bansa na kung saan ay doon nakatira sina Everisha at ang mga magulang ko. Sa larawan, kitang-kita ang malaking manisyon, pero may kakaiba dito. Parang sinadya ng kumuha ang anggulo para ipakitang sinusubaybayan ang loob at labas ng bahay.Kasama sa larawan ang mama at papa ko sa hardin, at sa gilid nila ay si Everisha at si Ate Ada. Nanlamig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa
Misha’s POVMaagang-maaga pa lang, abala na ang buong team sa pag-aayos ng malaking event hall ng Tani Luxury Hotel sa Manila. Ito ang araw na matagal ko nang pinaghahandaan—ang unang monthsary ng M&E Skincare. Ito rin ang araw na magaganap ang pa-raffle ng isang luxury car para sa aming mga loyal na customers. Gusto kong ipakita sa lahat kung gaano ko pinahahalagahan ang kanilang suporta.Pagdating ko sa venue, bumungad sa akin ang napakagandang dekorasyon—mga pastel-colored na bulaklak, eleganteng mga ilaw, at isang malaking LED screen na nagpapakita ng logo ng M&E Skincare. Ang buong lugar ay tila nagliliwanag, puno ng energy at excitement.“Ma’am Misha, everything is set,” sabi ni Andrea, ang aking event coordinator ngayon, habang inaayos ang kaniyang headset.“Perfect. Let’s make this day unforgettable,” sagot ko habang tinuturo ang ilang huling detalye sa stage setup.Alas-dos ng hapon nang magsimulang magdatingan ang mga bisita. Ang mga media representatives ay nagkakagulo sa e
Misha’s POVTahimik ang biyahe ko papunta sa kulungan kung saan nakakulong si Tita Maloi. Stress na sa kakaisip si Everett kung sino ba ang nanggugulo, kaya naisip kong kausapin na nang masinsinan si Tita Maloi.Ang araw ay maaliwalas, ngunit tila mas mabigat ang hangin sa paligid ko. Sa mga huling linggo, ang gulo na dinadala sa buhay namin ni Everett ay parang walang katapusan. Ako, masaya lang dahil sa pagbuhos ng blessing sa mga business ko, kaya lang habang nakikita kong stress sa kakaisip ng asawa ko, hindi ko makuhang magsaya tuloy. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Marco, ‘yung taong inutusan ni Everett na magmasid kay Tito Gerald. Ang ulat niya ay malinaw: nagdadalamhati si Tito Gerald, at wala siyang ginagawa laban sa amin. Kaya kung hindi siya, sino?Isa lang ang natitira sa listahan ng mga posibleng kalaban—si Tita Maloi.Ayoko sanang nagpupunta sa ganitong lugar kasi, ewan, parang kinikilabutan ako sa mga presong nakikita. Naisip ko tuloy, paano kaya nasanay n
Everett’s POVHindi ko matanggal sa isip ko ang mga huling salitang sinabi ni Tito Gerald noong huli kaming mag-usap. Ang boses niya, puno ng hinanakit, ay paulit-ulit na tumutunog sa isipan ko.Nag-aalangan ako. Ano nga ba ang totoo? Sa lahat ng bagay na nangyari sa amin ni Misha nitong mga nakaraang linggo, hindi ko na alam kung sino ang kaibigan at sino ang kaaway. Pero isang bagay ang sigurado—kailangan kong malaman ang katotohanan.Nagpasya akong mag-hire ng tao para magbantay sa mansiyon ni Tito Gerald. May kilala akong dating pulis na ngayo’y gumagawa na ng freelance intelligence work. Si Marco, isang maingat at tahimik na lalaki na bihasang magmasid nang hindi napapansin.Sa opisina ko sa Tani Luxury Car Company, ipinaliwanag ko sa kaniya ang plano.“Marco, I need you to infiltrate my uncle’s mansion. Apply as a security guard. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya araw-araw. I need to confirm if he’s really behind all the chaos happening to me and Misha,” sabi ko.“Un
Misha’s POVLumipas ang isang linggo matapos kong linisin ang pangalan ng M&E Skincare product laban kay Marlyn. Hindi ko inakala ang bilis ng epekto nito—mula sa pagiging trending topic sa buong Pilipinas. Sa bawat branch ng Tani Luxury Hotel, halos araw-araw nang nagkakaubusan ng stock. Ang bawat shelf, parating bakante sa loob lamang ng ilang oras.Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagbabasa ng mga email mula sa marketing team.“Ma’am, out of stock na naman po ang lahat ng branches as of 10 AM,” sabi ng isa sa mga reports.Sa Boracay branch, minuto lang ang tinatagal, out of stock agad, ganoon din sa Palawan kaya kinikilig talaga ako.Pero kasabay ng tagumpay kong ito ay ang mga bago na naman akong responsibilidad. Kailangang samantalahin ang momentum. Ito ang tamang panahon para palawakin ang reach ng M&E.Agad akong umupo sa opisina ko. Nakalatag sa harap ko ang iba’t ibang dokumento: supply agreements, lease contracts, at mga inventory reports. Hinawakan ko ang ballpen ko at na
Everett’s POVPagmulat ng mata ko, unang bumungad sa akin ang tulog na tulog pa rin na si Misha na akala mo ay puyat, samantalang nauna pa siyang makatulog sa akin, saka kadalasan, mas maaga siyang nagigising kaysa sa akin.Nag-inat ako, pilit na binabalikan ang mga balita kagabi na naging trending sa social media, tulog na tulog pa rin siya dahil siguro sa stress nang inabot kahapon. Ang saya-saya pa naman niya nitong mga nagdaang araw tapos may biglang susulpot na maninira.Kinuha ko ang cellphone sa may table para sana mag-check ng mga email o kung anong message na pumasok kagabi habang tulog pa ako. Mabuti na lang at wala.Pero pagdating ko sa social media, nakita ko agad ang isang trending na video. Lumabas na ang katotohanan tungkol sa kasinungalingan ni Marlyn laban sa M&E skin care product. Isang video ang umikot sa social media, kung saan umiiyak si Marlyn habang inaamin ang lahat ng kaniyang ginawa.Napalingon ako kay Misha. Nagulat ako na gising na agad siya, tila narinig
Misha’s POVPinapanood ko ang bawat galaw ni Marlyn habang naka-upo siya sa gilid ng kama. Nanginginig ang kaniyang katawan, namumula ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Alam kong takot na takot siya, pero wala akong pakialam. Ang ginawa niya ay hindi simpleng kasalanan—sinubukan niyang sirain ang pangalan ng M&E, ang produkto kong pinaghirapan at pinundar mula sa dugo’t pawis. Hindi ko papayagan ang katimawaang ginawa niya.Hinawakan ko siya sa braso at marahas na hinila palabas ng kuwarto. Tumilapon ang mga kumot at unan mula sa kama, pero hindi ko iyon inintindi. Ang mahalaga, makuha ko ang hustisya.“Tumayo ka!” utos ko sa malamig at mabagsik na tono. Sumunod naman siya, pero halata ang panginginig ng kanyang mga tuhod.Pagdating namin sa sala, itinutok ko ang baril sa mukha niya. Kasabay nito, inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang camera.“Upo,” sabi ko habang itinuturo ang sofa. Naupo siya agad, tila sunod-sunuran, habang patuloy na umaagos ang luha sa kaniyang pisngi.“Bu