Guys, nais kong humingi ng tawad sa lahat nang nakapag-unlock ng chapter 244 na double chapter. Hindi ko na napansin kagabi dahil sa kaantukan ko. Sorry po talaga, pinapa-delete ko na po sa editor ko, kaya lang sabado ngayon kaya walang office, baka sa monday pa siya ma-delete. Sorry po talaga, ngayon lang nangyari yan kaya nagulat talaga ako. sorry po ng maraming-marami. promise ko na hindi na mangyayari 'yan.
Misha’s POVKinabukasan, hindi na ako nagulat nang makita kong mas maaga pa sa oras ng training ay nasa labas na si Everett. Dumadagundong pa ang hampas ng mga kamao niya sa makapal na kahoy na poste na ginawa ng mga assassin bilang bahagi ng conditioning niya. May mga bakas ng dugo sa binti niya mula sa mga sugat na hindi pa tuluyang naghihilom, pero hindi iyon naging hadlang.“Mas maaga ka pa ngayon,” bati ng babaeng assassin, si Nadia, habang dumating na may dalang bagong kutsilyo. Ang bawat galaw ni Nadia ay puno ng kumpiyansa at tikas, para bang wala siyang oras para magpahinga o makaramdam ng awa.“You’re showing improvement,” dagdag niya habang pinupunasan ang kutsilyo ng panyo. “But don’t let it get to your head. Today’s training will push you beyond your limits. If you want to survive your enemies, you must be stronger than your fears.”Napatingin si Everett sa akin, parang humihingi ng lakas. Tumango lang ako, sinubukan kong itago ang nararamdaman kong pag-aalala. Ayokong ma
Misha’s POVNapakaganda ng panahon. Ang liwanag ng araw ay parang pinipilit na sumilip sa pagitan ng mga ulap, at ang init nito ay sakto lang para makadama ng saya. Hindi ko maikakaila, excited ako na isama si Everett sa beach ngayong Linggo. Ngunit sa ilalim ng ngiti at lambing ko, may mas malalim akong binabalak. Hindi ito simpleng bonding lang.“Honey, excited ka na ba?” tanong ko habang inaayos ang bag na puno ng mga gamit para sa beach. Nakangiti siya habang pinapanood ako. Ang mga mata niya ay puno ng saya, pero ramdam kong wala siyang ideya sa pinaplano ko. Sa ilang araw na nagdaan ay puro training lang ang inaatupag niya kaya masaya siya na akala niya ay may pahinga siya ngayong linggo, pero nagkakamali siya.“Of course. I’ve been waiting for this all week!” sagot niya na may halo pang tawa. Lumapit siya at tinulungan akong ilagay ang ibang gamit sa kotse. “It’s just you and me today, right?”Ngumiti ako at tumango. “Oo naman, tayo lang.” Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi
Misha’s POVTahimik ang biyahe pauwi. Ang dating masayahin at madaldal na si Everett ay ngayon tahimik, nakatingin lang sa labas ng bintana habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga puno at bahay sa gilid ng kalsada. Hindi ko rin magawang basagin ang katahimikan. Alam kong naguguluhan siya, at ayoko namang pilitin siyang magsalita kung hindi pa siya handa.Ngunit ang totoo, ang bigat din sa dibdib ko. Alam kong hindi tama ang ginawa ko, pero naniniwala akong mas mabuti nang malaman niya ngayon kung saan siya nagkukulang. Ayoko siyang malagay sa mas seryosong sitwasyon kung saan totoong buhay na ang nakataya, at wala na siyang oras para matuto.“Why did you do it?” tanong niya bigla, halos pabulong ngunit ramdam ang bigat sa boses. Hindi siya tumingin sa akin, nanatili ang mga mata niya sa kalsada.Huminga ako nang malalim, pilit pinipili ang tamang mga salita. “Everett, I needed to know if you’re ready to protect yourself—and me. Hindi ito para ipahiya ka o saktan ka, pero…” Nap
Misha’s POVHindi ko alam kung ilang ulit kong inayos ang planong ito, ang bagong room dito sa mansiyon namin ni Everett. Mula sa tamang posisyon ng mga panel na lululon ng tunog ng bala, hanggang sa malalaking salamin para makita ang bawat anggulo ng paggalaw ni Everett, lahat ay pinag-isipan kong mabuti.Kung noon, simpleng library o entertainment room ang laman ng utak ko kapag nag-iisip ng bagong project, ngayon ay puro practical na. Dapat lang, kasi alam kong malaking laban ang paghahandaan namin dahil kikilos na si Tito Gerald.“Are you sure about this?” tanong ni Everett habang tinitingnan niya ang mga lalaking nagkakabit ng reinforced walls sa bagong room sa second floor.“Yes naman,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan, hawak ang blueprint na gawa ng architect. “If you want to keep me safe, Everett, you need to learn more than just hand-to-hand combat. Guns are practical. They’re efficient. And they save lives.”Napabuntong-hininga siya, pero nakita ko ang bahagyang pag-anga
Misha’s POVInayos ko pa ang posisyon ng mga kamay niya. “Better. Now, align the sights. The front sight post should be centered between the rear sights, and level with the top.”Tumango siya, halatang siniseryoso na ang bawat detalyeng tinuturo ko. “Okay. Ready to shoot?”“Not yet,” sagot ko. “Breathe first. Inhale, then exhale slowly. Huwag kang magmadali. Ang paghinga mo ang magdidikta ng stability ng baril mo. Relax your shoulders. Now, pull the trigger slowly. Don’t jerk it.”Pumikit siya saglit, parang iniintindi ang lahat ng sinabi ko, bago siya tumutok ulit sa target. Pinutok niya ang baril, at agad kong narinig ang tunog ng bala na tumama sa metal target.Tumayo ako sa tabi niya, sinusuri ang resulta. Ang bala ay tumama sa bandang balikat ng target dummy. “Not bad,” sabi ko, pero hindi ko naitago ang kunot sa noo ko. “Pero hindi rin sapat. Aim for the center mass. That’s the most effective area to neutralize a threat.”Napakamot siya sa ulo, halatang naiinis sa sarili. “This
Misha’s POV“Hello, Marie, kumpleto na ba ang lahat diyan sa meeting room?” tanong ko sa pinsan kong executive assistant ko habang kausap ko siya sa phone.“Yes, nandito na po ang lahat, ikaw na lang ang wala,” sagot niya.“On the way naman na ako,”“Okay, mag-ingat ka.”Mabilis akong nagmamaneho papunta sa isang mahalagang meeting para sa bagong collaboration ko. Isang luxury cosmetics line ang pinaplano naming ilunsad, at malaki ang inaasahan ng lahat sa proyektong ito. Yes, gusto ko ng something na kakaibang pagkakaabalahan naman, bukod sa pagte-training namin ni Everett. Well, naisip ko kasi, sa ibaba ng mga tani Luxury hotel ay magkaroon na ng mga cosmetic shop, at ito ang mahalagang meeting na pupuntahan ko ngayon.Ngunit sa kabila ng excitement na nararamdaman ko, may bahagi sa akin na parang hindi mapakali dahil sa buwisit na kotse na kanina ko pa napapansin na tila sinasadya akong sundan.Tumigil ako sa stoplight, at saglit kong sinilip ang rearview mirror. Napansin kong may
Misha’s POVParang walang nangyaring aberya kanina. Fresh akong dumating sa meeting.Nakaupo na ako sa isa sa mga private conference rooms ng Tani Luxury Hotel. Kahit matagal na akong sanay sa ganitong klaseng eksena, hindi pa rin nawawala ang excitement ko tuwing may bagong proyekto. Sa pagkakataong ito, pinag-uusapan na namin ang magiging collaboration ng Tani Luxury Hotel at ng aking cosmetics brand na ilalabas na rin soon. Isa itong proyektong pinangarap ko simula nang maging magaling na rin ako sa pagme-makeup ng sarili ko. Actually, nung una, bago ko tanggapin ang Tani Luxury hotel, gusto kong hilingin kay Everett na sana ay makeup at skincare company ang gusto kong itayo, kaya lang naunang nagsabi si Everett na hotel ang hawakan ko kaya pumayag agad ako, sabi ko sa sarili ko, soon, magagawa ko rin, parang gagawin ko munang pagte-training ang paghahawak sa Tani Luxury hotels. Kaya nung matuto ako kung paano humawak ng company, heto, maglalakas loob na akong gumawa ng sarili kong
Misha’s POV“This isn’t just about creating products,” I began. “We’re building a story. When guests take these home, they won’t just remember Tani Luxury Hotel—they’ll remember how they felt. Luxurious. Pampered. Exclusive. This isn’t about selling items; it’s about preserving memories.”Nagkaroon ng saglit na katahimikan. Lahat ng mata ay nasa akin, at alam kong naabot ko ang gusto nilang marinig. Pero kasi, sa totoo lang, puwede ko naman nang ma-push agad ito nang hindi sila kailangan, for me, gusto kong marinig ang mga suggestion nila kung tama ba ang pinaplano kong ito o hindi, maganda na ‘yung matulungan nila ako.Habang lumalalim ang usapan, hindi maiwasang magkaiba ang opinyon sa ilang aspeto.“Do we really need to include travel-sized items?” tanong ni Claire. "Most of our VIP guests prefer full-sized products. Travel-sized feels less premium.”Maxine quickly defended our choice. “Travel-sized doesn’t mean less premium. It’s about convenience without sacrificing quality. Plus
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para