Share

0250: Ma’am Honey II

last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-18 13:18:36

Misha’s POV

Inayos ko pa ang posisyon ng mga kamay niya. “Better. Now, align the sights. The front sight post should be centered between the rear sights, and level with the top.”

Tumango siya, halatang siniseryoso na ang bawat detalyeng tinuturo ko. “Okay. Ready to shoot?”

“Not yet,” sagot ko. “Breathe first. Inhale, then exhale slowly. Huwag kang magmadali. Ang paghinga mo ang magdidikta ng stability ng baril mo. Relax your shoulders. Now, pull the trigger slowly. Don’t jerk it.”

Pumikit siya saglit, parang iniintindi ang lahat ng sinabi ko, bago siya tumutok ulit sa target. Pinutok niya ang baril, at agad kong narinig ang tunog ng bala na tumama sa metal target.

Tumayo ako sa tabi niya, sinusuri ang resulta. Ang bala ay tumama sa bandang balikat ng target dummy. “Not bad,” sabi ko, pero hindi ko naitago ang kunot sa noo ko. “Pero hindi rin sapat. Aim for the center mass. That’s the most effective area to neutralize a threat.”

Napakamot siya sa ulo, halatang naiinis sa sarili. “This
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0870: Season 5 (Chapter 153)

    Ahva’s POVHindi pa sumisikat ang araw nang ipatawag kami ni Eryx. Doon palang sa maagang patawag niya sa amin ay ramdam ko agad na may maganda o masama siyang balita. Hindi kasi normal na magpatawag siya ng meeting ng umagang-umaga. Lalo na’t alam niyang puyat kami nila Amon at Kara dahil nag-movie marathon kami kagabi sa cinema room.Nadatnan kong nakatayo si Eryx sa harap ng mahabang lamesa. Nandoon na rin sina Tito Sorin at Tito Zuko, na seryoso ang mga mukha. Tila masama rin ang bangon sa pagkakahiga dahil sa maagang patawag ni Eryx.Si Amon naman ay katabi ko, tahimik lang din. habang si Kara, naka-cross arms, medyo parang masungit din ang awra kasi nabitin ang tulog.“May nahanap na ulit kami,” bungad ni Eryx nung mapansin niyang handa na kaming makinig sa kaniya.Tila naman nagising ako bigla sa magandang sinabi niya. Ibig sabihin, isa sa mga kaibigan ko ang mapupuntahan na naman namin.“Isa sa mga tinataguan ng mga nadukot na student ang nakita namin,” dugtong ni Tito Sorin.

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0869: Season 5 (Chapter 152)

    Ahva POVMakalipas ang tatlong araw, pakiramdam ko ay nakakahinga na ako nang mas maluwag. Hindi na mukhang hinang-hina si Kara tuwing gumigising siya. Kaninang umaga nga, nagulat na lang ako nang bigla siyang humawak sa balikat ko para lang ipakitang kaya na niyang tumayo nang hindi ako sinasalubong ng hilong parang ipo-ipo na dati niyang reklamo.“Hoy, look,” sabi niya, proud na proud pa, halos nakapamaywang pa habang nakatayo sa tabi ng kama. “I can walk alone na.”Napangiti na lang ako, at hindi ko napigilan ang pag-angat ng dibdib ko sa tuwa. “Eh ‘di wow, malakas ka na nga talaga ulit,” puri ko, sabay kurot nang mahina sa pisngi niya. “Pero huwag ka munang magmalakas-lakasan masyado. Baka mamaya bigla kang sumubsob sa sahig, chill lang muna hanggang lumakas ka na talaga ng tuluyan.”Kumunot ang ilong niya pero tumawa rin. “Hindi na ako ganoon kahina. Masarap kasi pagkain dito. Tsaka—” tumingin siya saglit sa hallway kung nasaan ang iba— “mas safe dito. Sabi nga ng parents ko, dit

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0868: Season 5 (Chapter 151)

    Ahva POVKung dati, si Eryx lang ang inaasikaso ko dito sa bahay niya, ngayon may nadagdag na. Oo, pati si Kara, kailangan ko ring intindihin dahil kailangan niya. Ayoko namang si Eryx pa ang mag-alaga sa kaniya, kaya mainam pang ako na lang.Pagbaba ko sa hallway papunta sa guest room, narinig ko agad ang boses ni Amon.“Huy! Ahva! Ang aga mo ah!” sigaw niya mula sa loob, na para bang pag-aari niya na ang buong bahay.Pumasok ako at bumulaga sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan. Si Kara, nakaupo sa kama, nakasandal sa malambot na headboard, naka-braid pa ang buhok, si Amon ang nagbraid. Pinag-trip-an daw niya ang buhok nito.Si Amon naman, nakasalampak sa carpet, may hawak na maliit na lalagyan ng moisturizer.“Ahva, tingnan mo!” sabi ni Kara, proud na proud. “Si Amon nakaka-braid pala! Akala ko puro suntukan lang alam nito.”Si Amon, kunwari pa-cool. “Madali lang naman. Nanood lang ako dati sa video at hindi ko inaakalang kaya ko palang magaya.”Napangiti na lang ako, natutuwa ka

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0867: Season 5 (Chapter 150)

    Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0866: Season 5 (Chapter 149)

    Eryx POVMagulo ang umaga ko, pero mas magulo ang isip ko habang nakaupo sa mahabang lamesa sa hall ng mansiyon. Nasa kanan ko si Amon na mas maayos na ang itsura niya ngayon kumpara noong araw na sinagip siya ni Ahva. Sa kaliwa ko naman ay nadoon ang mga kapatid kong sina Sorin, Zuko, pati na rin Ramil, lahat sila ay seryoso, parang mga sundalong naghahanda para sa isang malalang labanan.Habang nasa itaas si Ahva, abala kakalakad sa hallway papunta sa guest room para alagaan si Kara, kami naman ang busy sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng nasagip namin. Isang daan sila kahapon, pero ngayon… kalahati na lang ang nakaupo sa harap namin. ‘Yung iba, umuwi na. Hindi ko sila masisisi. Hindi biro ang pinagdaanan nila at hindi lahat ng tao pinanganak para lumaban.Pero itong mga naiwan? Iba ang apoy sa mga mata nila.Huminga ako nang malalim bago nagsimula. “Okay,” sabi ko habang nakasandal sa upuan. “Isa-isa namin kayong kakausapin. Hindi namin kayo pipilitin. Pero kung magpapaiwan kayo,

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0865: Season 5 (Chapter 148)

    Ahva POVMag-a-alas nuebe na ng umaga nang tuluyan akong magising, pero pakiramdam ko parang hindi ako natulog. Siguro dahil puyat na puyat at umaga na rin nakatulog kanina.Nasa guest room na si Kara, ayon Kay Eryx. Hindi pa siya malakas tulad ng dati pero at least, may kulay na ‘yung pisngi niya, at medyo nakakatayo na siya nang hindi nanginginig nang sobra. At dahil ayaw niyang magpaalaga kahit kaninong kasambahay namin dito, ako na mismo ang sumalo ng role na iyon dahil nagawa ko na ito sa kaniya noong nasa school pa kami.Pagbukas ko ng pinto ng guest room, una kong naamoy ang malinis na linen at ang mabangong candle na nakabukas ngayon. Malinis, malamig at tahimik ang buong kuwarto, malayo sa takot at ingay ng kulungang pinagdaanan niya ng ilang araw.Nasa kama si Kara, naka-upo, nakabalot sa kumot na kulay beige. Suot niya ‘yung pajama na pinili ko mismo na malambot, warm at pink.“Aba, gising ka na pala,” bati ko, sabay lapit sa kanya.Ngumuso siya. “Kanina pa, nagising na ako

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status