Misha’s POVNagtawanan at nagkuwentuhan ang mga tao. Si Conrad at Jaye, siyempre, kinikilig sa mansion at sa mga exclusive na mga bisita.“Girl, ang suwerte mo talaga kay Everett!” bulong ni Jaye sabay hampas ng mahina sa braso ko. “Billionaire, successful, tapos sobrang guwapo pa!”Sa tuwi-tuwina, ganoon na lang palagi ang bukambibig niya. Hindi niya alam, suwerte rin naman siya kay Conrad. Kung bakit ba naman kasi pakipot pa itong si Jaye. Ayaw pang sagutin ang ilang buwan nang nanliligaw na si Conrad. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya.“Nah, suwerte rin siya sa ‘kin!” biro ko pa sabay tawa.Dumating na ang oras para magbigay ng speeches. Everett took the stage, humawak ng microphone habang nakatayo sa harap ng lahat ng bisita.“I just want to thank everyone for being here today,” he began, his voice calm but commanding. “This house, as beautiful as it is, would be empty without the people who matter the most. My wife, Misha, who has made everything more meaningful; my friends
Misha’s POVNakatitig ako sa malalaking maleta ni Everett na nakalinya sa tabi ng pinto. Limang araw siyang mawawala—may importanteng business trip siya sa ibang bansa. Siguro nga sanay na ako sa mga ganitong pagkakataon, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na may kulang kapag wala siya. Wala lang, parang ibang-iba kasi kapag hindi ko siya kasama sa bahay na ‘to—sa mansiyon na parang laging may naghihintay na mangyayari.“Take care, love,” sabi ko habang yakap siya. Ang init ng katawan niya kahit sobrang lamig ng aircon sa loob.“I will. Just make sure to keep yourself busy, okay? Para hindi mo ako masyadong ma-miss,” pabirong sabi ni Everett habang hinahawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang bigat ng kaniyang mga salita kahit may halong biro. Alam niyang mabo-bore ako nang sobra kapag wala siya.“I invited Jaye and my parents over. So don’t worry, hindi ako mag-iisa sa mansion,” sabi ko sabay tawa. I mean, seriously, hindi ko talaga kaya mag-isa dito. Lalo na’t sobrang laki ng
Misha’s POV“Okay, so here’s what we’re gonna do,” sabi ko nang dumating kami sa dining area. “I want you guys to relax, and I’ve asked the chef to prepare something really special for tonight.”“Oh my God, may chef ka na ngayon?!” tili ni Jaye. Tumatawa siya habang hinampas ang braso ko. “I feel so rich already!”Tumawa rin ako. “Siyempre, kailangan natin mag-celebrate kahit wala si Everett.”Hindi nagtagal, dumating na ang mga pagkain. A full course meal na sobrang sosyal at mukhang pang-hotel. May steak na perfectly cooked, salmon with caviar, at kung anu-ano pang mga fancy dishes na hindi ko mabanggit kasi hindi ko nga alam ang tawag. Pero basta masarap!“Grabe naman ‘to, anak. Hindi ko akalaing kakain ako ng ganito karami ng masasarap na pagkain,” sabi ni Mama habang natatawa. Si Papa naman, tahimik lang na umiinom ng wine, pero alam kong sobrang na-appreciate niya ang lahat.Pagkatapos ng dinner, dumiretso kami sa poolside. Naghanda ako ng mga inumin at dessert habang nag-uusap-
Misha’s POVMadaling-araw na, tahimik ang buong paligid, pero ako ay biglang nagising sa isang matinding kirot sa aking tiyan. Para bang biglang may bumabaluktot na lubid sa loob ng aking katawan, at hindi ko kayang balewalain iyon.“Oh God…” naiusal ko habang pilit kong bumangon mula sa kama. Tumayo ako, hawak ang aking tiyan, nagbabakasakaling hindi ito ang oras na iniisip ko. Pero alam kong hindi na ito simpleng paghilab lang. Ang mga oras na ito ay para sa kaniya—ang anak naming hinihintay ni Everett na lumabas.Muntik na akong mapaupo muli dahil sa bigat ng kirot, pero naglakas-loob akong maglakad. Halos kasabay ng pagbukas ko ng ilaw sa kuwarto, biglang bumukas ang pinto. Nandoon si Everett, bagong dating mula sa business trip niya sa ibang bansa. Naka-suit pa siya, mukha ring pagod at puyat, pero sa kabila ng lahat ng iyon, bumakas ang kaba at pag-aalala sa kaniyang mukha nang makita niya akong nakangiwi at halos hindi makahinga sa sakit.“Misha, what’s wrong?” tanong niya nang
Misha’s POVNang imulat ko ang aking mga mata, pakiramdam ko ay para akong galing sa malalim na tulog—isang tulog na tila naglayo sa akin sa lahat ng aking nararamdaman. Parang bumalik ako sa realidad nang unti-unti, tila nagising mula sa isang panaginip. Ang ilaw sa kisame ng silid ay malamlam, banayad, at sumasabay sa mga tunog ng mga monitor na nasa tabi ko. Naririnig ko ang mahinang tunog ng aking paghinga, may kaunting hirap pa, pero alam kong normal iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari.Nang mapansin ko ang paligid, naisip ko agad: Private room. Siyempre, hindi papayag si Everett na sa simpleng room lang ako dadalin. The hospital suite was luxurious—kahit pa nasa ospital kami, ramdam ko ang kaibahan. Ang mga pader ay puti, pero hindi malamig sa pakiramdam. Parang pinong-pino ang disenyo, may art pieces sa gilid, at ang mga kasangkapan ay parang nasa isang five-star hotel. The bed I was lying on was soft and comfortable, and there was a large window to my right, giving me a view
Misha’s POVPaglabas ko ng ospital, masayang-masaya ako kasi kasama na naming uuwi sa bahay ang baby namin ni Everett. Ang init ng araw ay sumalubong sa amin sa labas, pero hindi masakit sa balat, hindi nakakasilaw—tamang-tama lang, parang sumasalamin sa bagong kabanata ng buhay namin. Kasama si Everett, bitbit niya ang car seat kung saan nakahiga si Everisha, ang unang anak namin. Napaka-cute na baya ni Everisha. Pinaghalong itsura namin ni Everett siya, sobrang cute.Tumingin ako sa paligid habang nakahawak sa braso ni Everett, ramdam ko pa rin ang banayad na sakit mula sa panganganak, pero alam kong maghihilom din ito kapag tumagal. Ang mahalaga, kasama ko na ang anak namin. Our baby girl. Nakatingin ako sa maliit na mukha ni Everisha, tulog siya, ang payapa ang itsura niya. Sa bawat malalim niyang paghinga, nararamdaman kong kumpleto na ang buhay ko.Nandito si Everett, ang lalaking mahal ko, at si Everisha, ang bunga ng pagmamahalan namin.Habang papasok kami sa aming sasakyan, t
Misha’s POVNagpalitan kami ng mga yakap at ngiti, at pagkatapos ay narinig ko ang boses ng best friend ko, si Conrad. “Finally, Misha! You’re home!”Napalingon ako at nakita ko si Conrad, kasama ang isa pa isa ko pang bestfriend na si Jaye. Pareho silang nakangiti, punong-puno ng saya sa mga mata nila. Si Conrad ay may dala pang mga lobo at bulaklak, na parang eksakto sa pagdiriwang sa pag-uwi namin dito sa bahay. Si Jaye naman ay abalang kumukuha ng mga larawan gamit ang kaniyang cellphone.“You look amazing, considering you just gave birth!” biro ni Jaye sabay kuha ng candid shot namin ni Everett habang bitbit pa rin niya si Everisha.“Thank you!” Tumawa ako ng mahina, alam kong sinisikap lang nilang gawing masaya ang sandali. “Pero I definitely don’t feel amazing right now.”“Trust me, you do!” sagot ni Conrad habang inabot niya ang isang maliit na stuffed toy na kulay pink para kay Everisha. “For the baby. I wasn’t sure what to get, but I thought this was cute.”Ngumiti ako dahil
Everett’s POVThe sun had just barely risen, casting a golden hue over the skyline as I stared out the floor-to-ceiling windows of my office. Today’s the day. I could feel the anticipation building in my chest, a sense of triumph that I hadn’t felt in a long time. The final step had been taken. I had fulfilled my father’s last will and testament. I had gotten married to Misha, and now, we had a daughter—our little Everisha. The stipulations were clear: as soon as I married and had a child, everything my father built would officially be passed down to me.And that meant today, I would finally take full control of everything. The entire company—all of it, rightfully mine. I couldn’t help but smile. Years of preparation, of waiting, and now, it was happening. The legacy that my father started, one of the largest luxury car empires in the Philippines, would be in my hands.“Sir, the board meeting is set for 10 AM,” sabi ng assistant ko habang naglalagay ng isang folder sa ibabaw ng desk.
Ada POVTahimik ang buong mansiyon nang magising ako kinabukasan. Walang ingay ng mga hakbang ng papa ko na kadalasan ay napakaingay talaga kapag gagayak. Wala ring malakas na boses ni Verena sa hallway kapag naghahanap ng mga gamit niya na nawawala. Ngayong umaga, kami lang ng mama ko ang nandito.Pagkalabas ko ng kuwarto, sinalubong ako ng sikat ng araw mula sa malalawak na bintana ng mansiyon namin. Ang amoy ng mamahaling kape at tinapay ay umaalingasaw mula sa dining area. Nakagayak na pala agad ‘yung inutos ko sa kasambahay namin na kape ko.Nang makita ako ng mama ko, agad siyang ngumiti, pagbaba ko sa hagdan.“Good morning, anak.” Nilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa sa living area. “You were stunning last night.”Nasa mood ang magaling kong mama kasi nabigyan ko siya ng pera na sure akong binigay niya lang sa lintek na Oliver na iyon.Umupo ako sa tapat niya at kinuha ang baso ng orange juice. “Thank you. The event was amazing.”Napangiti siya habang tumutuloy sa pagsandok
Ada POVIto ang klase ng event na hindi basta-basta matutunghayan ng kung sino lang. Isang grand opening ng pinakamahal at pinakaprestihiyosong luxury hotel sa Paris—isang landmark na tinaguriang The Crown Jewel of Parisian Luxury.At isa ako sa mga VIP guest. Pagdating ko sa venue, bumungad agad sa akin ang nakasisilaw na mga ilaw mula sa media. Ang buong lugar ay puno ng red carpet, mamahaling floral arrangements at isang golden chandelier sa mismong entrance. Sa bawat paglalakad ko, naririnig ko ang pag-click ng mga camera. Mga litratistang nagmamadaling makuha ang perpektong anggulo ng mga gaya kong big star na.I was wearing a custom Versace gown—deep red, elegant and sculpted perfectly to my figure. Sa bawat paggalaw ko, ang tela ay parang dumadaloy na tubig sa aking katawan. Classic. Timeless. Unforgettable.“Miss Ada! Look here!”“Ada, how does it feel to be invited as one of the top international models for this event?”“Who designed your gown tonight?”I smiled slightly, jus
Mishon POVSi Oliver, ang lalaking kabit ng mama ni Ada ay kasalukuyang nakapulupot sa isang lalaking hindi ko kilala. Ang lalaki ay matangkad, may malapad na balikat at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita ang mga muscle nito sa ilalim ng dim na ilaw ng private room. Pero ang higit na nakapagpahinto ng paghinga ko ay ang paraan ng pagtingin nila sa isa’t isa—parang may isang lihim na mundo sila na hindi puwedeng pakialaman ng iba. Wala rin silang pake kahit nandito ako sa loob at nagse-serve ng alak. Siguro ay matagal na nila itong ginagawa kaya hindi na sila nahihiya.Parang bumagal ang oras habang pinagmamasdan ko sila habang kunyari ay inaayos ko ang mga alak at pagkain sa lamesa. Halos dumikit si Oliver sa katawan ng lalaki at kita kong nakangiti siya habang binubulongan ito. Ang isang kamay niya ay dumadausdos sa dibdib ng lalaki, at ang kabila naman ay nakapulupot sa leeg nito.Hindi nagtagal ay pinasok na ni Oliver ang kamay niya sa loob ng zipper ng pantalon ng lalaki.“Ugh
Mishon POVHabang wala pa akong ibang pinagkakaabalahan, sinimulan ko na agad ang plano ko. Hindi ko hahayaang makatakas ang lalaking iyon—si Oliver—na hindi ko pa alam kung anong surname. Pero isang bagay ang sigurado ako. Filipino siya. At mukhang sanay na sanay siyang magpaikot ng mga mayayamang ginang.Sinimulan ko sa pinakamadaling paraan: surveillance. Nag-hire ako ng dalawang tauhan ko para sundan siya palagi. Kahit saan siya magpunta, siguradong may mata akong nakabantay sa kanya. Hindi ko hahayaan na hindi ko malaman ang baho ng lalaking ito.Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa galit ko sa kanya, kundi dahil gusto kong tulungan si Ada. Kitang-kita at ramdam ko kasi na sobra siyang na-stress dahil sa nalaman niyang pangangabit ng mama niya.Hindi ko hahayaang masira ang pamilya niya nang dahil lang sa isang manloloko. At kung kinakailangang gibain ko ang mundo ng Oliver na ‘yon para protektahan si Ada, gagawin ko.Sa unang mga araw, walang masyadong kakaiba. Walang permanenten
Ada POVPagkatapos ng dinner nila, naghiwalay na si Mama at ang lalaking iyon. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya—at hindi ko rin alam kung gusto ko siyang makilala. Ang alam ko lang ay hindi pa rito natatapos ‘to ang lahat. Hindi ko pa puwedeng bitawan ang araw na ito na wala akong nalalaman sa buwisit na kabit ng mama ko. Hindi pa puwedeng matapos ang gabing ‘to nang hindi ko nalalaman kung sino talaga siya.“Tara,” sabi ni Mishon habang mahina lang ang boses. “We follow him.”Tumango ako. ‘Yun din ang gusto kong mangyari. “Yeah. We need to know who he is.”Habang nakasakay pa rin kami sa sasakyan, sinundan namin ang lalaki. Hindi siya nagmamadali, pero halata sa kilos niya na aware siyang may nakatingin sa kanya. Ilang beses siyang palingon-lingon sa paligid, lalo na sa likod niya, na parang tinitingnan kung wala na bang nakasunod.Napakunot-noo si Mishon. “Something’s off.”Tumingin ako sa kanya. “What do you mean?”“He’s too cautious. He’s looking back too often, but not at u
Ada POVHindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko, biglang may sumakal sa lalamunan ko. Hindi dahil sa iyak, kundi sa biglaang buhos ng galit at pagkabigo na nararamdaman ko sa mama ko ngayon. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig sa screen ng phone ni Mishon. Kitang-kita ko ang mukha ni Mama sa video—eleganteng naka-make-up, naka-red dress at mukhang masaya. Hindi lang basta masaya. Kinikilig pa.Hindi ko kilala ang lalaking kasama niya. Mas bata ito sa kanya, siguro nasa late twenties o early thirties. Matangkad, matikas ang katawan at mukhang sanay sa marangyang buhay. Sa video, nakasandal ito sa upuan habang nakangiti, nakikinig kay Mama na tila aliw na aliw sa kuwento niya.At sa dulo ng video, dumating ang bill. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Mama ang resibo, inilabas ang kanyang credit card at siya ang nagbayad. Ano ‘to, nagpapaka-sugar mommy siya sa binatang iyon? My God, nakakahiya si Mama.Nag-init talaga ang dugo ko. Akala ko napakatino niya pero may ganito palang
Ada POVAng bango.Halos hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa kusina ni Mishon, pero ang amoy ng bagong lutong pizza ay parang yakap na mainit sa akin at nakakagutom talaga sa pang-amoy. Nasanay na ako na sa tuwing dadalaw ako sa mansiyon niya, palaging may nakahandang pizza na siya mismo ang gumagawa. Alam na alam ni Mishon ang paborito kong pagkain.Pero may kakaiba ngayon. Nakatayo siya sa harap ng lamesa sa dirty kitchen, abala sa paglagay ng toppings sa nilulutong pizza. “This is a new flavor,” aniya nang makita niya akong dumating. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. “I made this especially for you.”Napangiti ako at lumapit sa kanya. “What’s the flavor this time?”Hinila niya ang apron niya at nagbigay ng maliit ngiti sa akin. “You’ll see. It’s a surprise.”Umupo ako sa high chair na nasa gilid ng lamesa habang pinagmamasdan siyang magtrabaho. Ang sarap panoorin ni Mishon habang nagluluto—maayos, malinis at parang may sarili
Ada POV“Papa, pwede po bang mag-overnight ako sa mansiyon nila Mishon?” tanong ko habang tinutulungan siyang maglagay ng kape sa tasa niya. Kahit na pure american siya, sa tagal na niyang kasama kami ni mama na pinay pareho ay kahit pa paano ay nakakaintindi na siya ng pure pinoy na lengguwahe.Ngumiti lang si Papa. Alam naman niya na good girl ako. Isa pa, hindi naman kailanman naging problema ang paghingi ko ng permiso sa kanya, lalo na’t kasama si Mishon na kilala niyang matino naman. Saka, sabi pa niya minsan, hindi ko naman na kailangang magpaalam dahil matanda na ako. Nasanay kasi ako dahil lagi akong pinaghihigpitan ni mama.“Of course, Ada. You don’t even have to ask,” sagot niya. Napaka-simple ng tono, parang natural na natural lang na pumayag siya. Hindi ko na nga kailangang magpaliwanag pa. Sanay si Papa sa mga ganitong paalam ko, lalo na’t alam niyang safe ako sa piling ni Mishon.Kinuha ko ang bag ko na nakahanda na sa sofa. “Thank you, Pa! I’ll see you tomorrow,” sabi
Mishon POVSa gitna ng malamig na hapon sa city ng Paris, naglalakad ako sa cobblestone street ng Rue Saint-Honoré, ang lugar na puno ng mga boutique at café. Ang layunin ko sana sa araw na iyon ay simple lang…bisitahin ang bagong bukas na tindahan ng strawberry wine. May rekomendasyon ang ilang kaibigan ko sa Pinas tungkol sa tindahan iyon at bilang tagahanga ng mga ganitong klase ng alak, naisip kong bakit hindi ko nga subukang puntahan?Habang papunta ako sa direksyon ng tindahan, napansin ko ang isang magarang itim na kotse na naka-park malapit sa isa sa mga café. Ang eleganteng disenyo nito ay bagay lamang sa isang taong may sinasabi sa buhay. Ngunit hindi ang sasakyan ang nakakuha ng pansin ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang isang pamilyar na mukha na bumaba mula rito—isang ginang na babaeng maganda, elegante at pamilyar sa mga mata ko. Sa unang tingin, parang imposibleng maging siya iyon, pero habang binubuo ng isip ko ang bawat detalye, napagtanto kong hindi ako puwed