Misha’s POVAng dami-daming lugar rito sa company na puwede naming pagkitaan, dito pa talaga sa loob ng banyo na kung saan ay tanging kaming dalawa lang ang naroon. Natakot na naman ako. Masamang tao ang isang ‘to, iyon na ang tumatak sa isip ko kaya hindi puwedeng ‘di ako kakabahan. Mamaya niyan, bigla niya akong saksakin, paano na ang baby ko, lagot ako tiyak kay Everett kapag nangyari ‘yon.“Akala mo ba ay mahal ka talaga ni Everett?’ bigla niyang tanong sa isang malamig na boses. Ang mga mata niya, tila ba sumusuri sa bawat galaw ko. “Akala mo ba totoo siya sa’yo?”Hindi ako nakapagsalita agad. Ang tono ng boses niya, matalim. Ramdam kong may mabigat na dahilan kung bakit niya ito sinasabi. Sinubukan kong maglakad papunta sa pinto, pero hinarangan niya ako habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Anumang oras, naiisip ko na sasaktan niya ako.“No,” she continued. “Because once he gets what he wants, you and that child you’re carrying… you’ll be nothing. Right now, he need
Everett’s POVPagdating namin sa White sand na private beach, ramdam ko ang excitement ni Misha. Hindi lang dahil sa photoshoot, kundi dahil dito na rin kami mag-overnight. Dito naming gagawin ang prenup video at photoshoot namin. Sa totoo lang, ayaw ng may ganito, si Misha lang ang nagpumilit. Hindi ko naman siya matanggihan kaya sinunod ko na lang.The setup was simple yet elegant. White tents adorned with flowing fabric stood on the beach, swaying gently with the breeze. Flowers, mostly white roses, were scattered everywhere. The team did an amazing job setting the mood—romantic, intimate, and completely us.Misha stood in front of me, her back turned as the stylist adjusted the soft fabric of her dress. I couldn’t help but stare at her, my heart racing as I realized how lucky I was. Minsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti tuwing titignan ko siya—simple lang pero ang lakas ng dating. She turned slightly, catching me watching her.“You’re staring,” she said with a playful sm
Everett’s POVLater that night, we decided to stay on the beach. The team set up a small tent for us, complete with soft cushions, candles, and a small table with food and drinks. It was cozy and romantic—exactly what we needed. The tent was open enough to allow us a full view of the stars, which were now twinkling brightly in the dark sky.“I can’t believe we’re spending the night here,” Misha said, her voice filled with excitement. “It’s like something out of a movie.”“It’s better than a movie,” I replied, pulling her close to me as we sat on the soft cushions. “Because it’s real. And because I get to be with you.”She rested her head on my shoulder as we both looked out at the ocean. “I never imagined I’d have something like this,” she admitted softly. “This life… with you.”I turned to her, taking her face in my hands. “This is just the start, Misha. We’re going to have so much more. More adventures, more memories… a lifetime together.”I kissed her forehead, and she closed her e
Misha’s POVKumalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan ng malaking event hall na pina-rent-ahan ni Jaye para sa bridal shower ko. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito magiging reaksyon ko. Hindi ako kinakabahan dahil sa gaganapin ngayong gabi, kundi dahil alam kong marami sa mga imbitado ay mga taong may malalalim na koneksyon sa akin—mga dating kaibigan, mga kaklase sa college, at ang ilan sa kanila ay dating mga basher ko.Ang buong lugar ay punung-puno ng eleganteng dekorasyon. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang napakaraming bodyguard para lang maprotektahan ako.Ang bawat sulok ay kumikislap sa liwanag ng mga crystal chandeliers na tumutulay mula sa kisame, habang ang mga lamesa ay binalutan ng mga puting tela na may halong pink na tela. Sa gitna, may isang malaking mesa ng pagkain, puno ng mga masasarap at mamahaling putahe—mula sa mga gourmet cheese hanggang sa mga pinakamagandang prutas na dinala pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibang kla
Misha’s POVIto na ang araw na pinakahihintay ko. Isang araw na hindi ko inakalang mangyayari, ngunit heto na. Sa loob ng mahabang panahon, pinangarap kong makasal sa isang taong tulad ni Everett Tani—isang bilyonaryo, matagumpay, at higit sa lahat, mapagmahal. Ngayon, ang araw na iyon ay dumating na talaga. Ramdam ko ang kaba at saya sa dibdib ko habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Napakaganda ng glam team na kinuha ni Everett para sa akin. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko sa sobrang ganda ng makeup at hairdo ko.“Napakaganda niyo po, Ma’am Misha,” sabi ng isang stylist habang inaayos ang buhok ko. Eleganteng nakapulupot ang mga wavey ng buhok ko sa isang intricate na bun, at may mga maliliit na perlas na isinisingit bilang detalye. Perfect ang bawat strand, bawat anggulo pasabog talaga.“Thank you,” sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko sa dahil excitement. Hindi ko maialis ang tingin ko sa sarili ko—ang bawat piraso ng damit, ang mga detalye ng wedd
Misha’s POVAt dahil kasal ito ng magiging CEO ng mga luxury car, ‘yung pinakamaganda at pinakamahal na kotse ang ginamit ko. Habang papunta kami sa simbahan, nakikita ko ang mga kalsada na puno ng mga tao—lahat sila ay nakatingin at nagpapalakpakan dahil sa gara ng sasakyan ko. Sabi ni Everett sa akin nung isang gabi, pinasadya niya raw na walang kamukha itong sasakyang lulan ko. Ito talaga ay para lang sa araw ng kasal naming dalawa. At ito na rin daw ang isa sa mga regalo niya sa akin. Kaya naman kitang-kita ko ang bawat pagningning ng mga mata ng tao habang tinitignan ang sasakyan na lulan ko. Nakikita ko ang mga flashing lights ng media at mga photographer na abala sa pagkuha ng bawat detalye.Pagdating sa simbahan, bumungad sa akin ang St. Benedict Chapel—ang perpektong lokasyon para sa kasal namin. Ito ay isang napakalaking simbahan na gawa sa puting marmol at may malalaking stained glass windows. Ang buong paligid ng simbahan ay puno ng mga makukulay na bulaklak, bawat sulok a
Misha’s POVPagbaba namin mula sa magara kong sasakyan, bumungad agad ang engrandeng ballroom ng isa sa mga pinakasikat na luxury hotel sa Pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang entrance pa lang ay puno na ng mga puting rosas, peonies, at orchids na parang bumubuo ng isang arko ng kaluwalhatian. Tila isang paraiso na iniligay sa harapan ko, na bawat detalye ay masusing inayos upang maging perpekto ang araw na ito. Lahat ng gusto ko ay nasunod kaya tuwang-tuwa ako.Habang lumalakad kami ni Everett papasok sa ballroom, isang grand piano ang tumutugtog ng malumanay na melody, at ang mga kristal na chandelier ay kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan. Ang mga ilaw ay malumanay na bumababa, nagbibigay ng romantikong ambiance sa paligid. Ang bawat mesa ay may centerpiece na mga bulaklak na ipinadala pa mula sa ibang bansa, at ang mga plato’t kubyertos ay gawa sa gintong lining.“Galing nung pagkakaayos dito, ang galing mong magplano, tiyak na manghang-mangha ang mga bisi
Misha’s POVHabang nagkakainan, isa-isang tumayo ang mga kaibigan at pamilya namin para magbigay ng mga salita ng pagbati. Ang maid of honor ko, si Jaye, ay hindi nakapagpigil sa kanyang emosyon. “Misha, masaya ako sa inyo ni Everett. Congrats sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Maganda at pogi. Pero, simula pa lang, nakikita ko na ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Hindi lang kayo magkasama dahil sa kasikatan o kayamanan, kundi dahil totoo ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa.”Tumawa ako, sabay punas ng luha sa sulok ng aking mata. “Salamat, Jaye. Mahal na mahal kita."Sunod na tumayo si Conrad, ang nauna kong naging bestfriend. “Misha, Everett, congrats. Uhmm, Everett, mahalin mo ng todo ang bestfriend ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya, ingatan mo siya palagi at huwag mong ipaparamdam na hindi siya mahalaga sa iyo. Misha, suwerte ka kasi mabait at mapagmahala si Everett. Suwerte ka kasi napunta ka sa mabuting tao. At doon palang ay masayang-masaya na ako para sa inyo.”Lal
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,