Misha’s POVPagbaba namin mula sa magara kong sasakyan, bumungad agad ang engrandeng ballroom ng isa sa mga pinakasikat na luxury hotel sa Pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang entrance pa lang ay puno na ng mga puting rosas, peonies, at orchids na parang bumubuo ng isang arko ng kaluwalhatian. Tila isang paraiso na iniligay sa harapan ko, na bawat detalye ay masusing inayos upang maging perpekto ang araw na ito. Lahat ng gusto ko ay nasunod kaya tuwang-tuwa ako.Habang lumalakad kami ni Everett papasok sa ballroom, isang grand piano ang tumutugtog ng malumanay na melody, at ang mga kristal na chandelier ay kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan. Ang mga ilaw ay malumanay na bumababa, nagbibigay ng romantikong ambiance sa paligid. Ang bawat mesa ay may centerpiece na mga bulaklak na ipinadala pa mula sa ibang bansa, at ang mga plato’t kubyertos ay gawa sa gintong lining.“Galing nung pagkakaayos dito, ang galing mong magplano, tiyak na manghang-mangha ang mga bisi
Misha’s POVHabang nagkakainan, isa-isang tumayo ang mga kaibigan at pamilya namin para magbigay ng mga salita ng pagbati. Ang maid of honor ko, si Jaye, ay hindi nakapagpigil sa kanyang emosyon. “Misha, masaya ako sa inyo ni Everett. Congrats sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Maganda at pogi. Pero, simula pa lang, nakikita ko na ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Hindi lang kayo magkasama dahil sa kasikatan o kayamanan, kundi dahil totoo ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa.”Tumawa ako, sabay punas ng luha sa sulok ng aking mata. “Salamat, Jaye. Mahal na mahal kita."Sunod na tumayo si Conrad, ang nauna kong naging bestfriend. “Misha, Everett, congrats. Uhmm, Everett, mahalin mo ng todo ang bestfriend ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya, ingatan mo siya palagi at huwag mong ipaparamdam na hindi siya mahalaga sa iyo. Misha, suwerte ka kasi mabait at mapagmahala si Everett. Suwerte ka kasi napunta ka sa mabuting tao. At doon palang ay masayang-masaya na ako para sa inyo.”Lal
Misha’s POVPagkatapos ng ilang minutong paglipad mula sa reception, tanaw na namin ni Everett ang mala-paraisong private island na inihanda niya para sa aming honeymoon. Mula sa taas, ang isla ay tila isang piraso ng paraiso—napapalibutan ng turquoise na tubig, pinong puting buhangin, at mga matatayog na puno ng niyog na parang nagsasayaw sa hangin. Ang mga villa ay naka-set up sa tabi ng buhanginan, lahat ay gawa sa glass at wood na may modernong arkitektura ngunit may halong rustic na charm.Paglapag namin sa isla, sinalubong kami ng isang team ng mga staff na handang maghatid sa amin sa villa. Ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng linen uniforms na parang parte ng isang high-end na resort. May mga flower leis na agad nilang isinabit sa aming mga leeg, at ang simoy ng dagat ay parang nagbigay ng bagong sigla sa akin.“Welcome, Mr. and Mrs. Tani,” bati ng head butler habang binibigyan kami ng malamig na mga inumin na may mga sariwang prutas at herbs. “Everything has been prepared j
Misha’s POV“Are you happy, Misha?” tanong ni Everett habang hinahawakan ang kamay ko.“More than happy,” sagot ko habang ramdam ko ang saya sa puso ko. “Lahat ng ito... it’s more than I could ever dream of.”Hinaplos niya ang tiyan ko at ngumiti. “And soon, it will be the three of us. I can’t wait to meet our baby.”Napangiti ako lalo ng masaya. “I know, Everett. I can’t believe we’re finally here... married and starting a family.”Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng malambing. “You’re going to be the best mom.”Nakakainis, naiyak ako lalo sa sinabi niya. Sana nga maging best mom ako sa anak namin. Pero, isu-sure ko iyon kasi talagang mamahalin ko ang anak namin. Mamahalin ko siya kung paano rin ako minahal ng papa at mama ko.**Nung pumasok na kami sa room namin, hindi puwedeng wala kaming mainit-init na honeymoon. Nasa banyo kami kapwa, hubu’t hubad habang nagkakainan sa isa’t isa. Subo-subo ko ang titë niya habang nakatapat siya sa shower. Maugat na naman ang ari nito
Misha’s POVHindi ko inakala na ganito kabilis ang mga pangyayari. Parang kailan lang, nakaluhod si Everett sa harap ko, hawak ang engagement ring na halos magpahinto sa tibok ng puso ko. Ilang buwan lang ang nakalipas, ikinasal na kami. Ngayon, eto kami—mga bagong kasal na nagse-celebrate ng isa pang milestone: ang house blessing ng bagong mansion namin. Ang napakalaking mansion na halos dalawang buwan pa lang simula nang matapos.Tila palasyo ang bawat sulok. White marbles ang sahig, may malalaking chandelier na parang mga hiyas na kumikinang sa bawat silid, at ang mga glass walls ay nagbibigay ng perfect view ng mga bundok sa likod ng property. Para kaming nasa bakasyon lang. This was more than just a house—it was a symbol of Everett’s success and, somehow, of our union. I have to admit, even though I tried to keep it cool, I still felt a rush of excitement. Sino ba namang hindi kikiligin kapag alam mong ang buhay mo ay ganito kalaki ang pagbabago?“Good morning, sweetheart,” bati
Misha’s POVNagtawanan at nagkuwentuhan ang mga tao. Si Conrad at Jaye, siyempre, kinikilig sa mansion at sa mga exclusive na mga bisita.“Girl, ang suwerte mo talaga kay Everett!” bulong ni Jaye sabay hampas ng mahina sa braso ko. “Billionaire, successful, tapos sobrang guwapo pa!”Sa tuwi-tuwina, ganoon na lang palagi ang bukambibig niya. Hindi niya alam, suwerte rin naman siya kay Conrad. Kung bakit ba naman kasi pakipot pa itong si Jaye. Ayaw pang sagutin ang ilang buwan nang nanliligaw na si Conrad. Hindi ko alam kung anong pinaplano niya.“Nah, suwerte rin siya sa ‘kin!” biro ko pa sabay tawa.Dumating na ang oras para magbigay ng speeches. Everett took the stage, humawak ng microphone habang nakatayo sa harap ng lahat ng bisita.“I just want to thank everyone for being here today,” he began, his voice calm but commanding. “This house, as beautiful as it is, would be empty without the people who matter the most. My wife, Misha, who has made everything more meaningful; my friends
Misha’s POVNakatitig ako sa malalaking maleta ni Everett na nakalinya sa tabi ng pinto. Limang araw siyang mawawala—may importanteng business trip siya sa ibang bansa. Siguro nga sanay na ako sa mga ganitong pagkakataon, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na may kulang kapag wala siya. Wala lang, parang ibang-iba kasi kapag hindi ko siya kasama sa bahay na ‘to—sa mansiyon na parang laging may naghihintay na mangyayari.“Take care, love,” sabi ko habang yakap siya. Ang init ng katawan niya kahit sobrang lamig ng aircon sa loob.“I will. Just make sure to keep yourself busy, okay? Para hindi mo ako masyadong ma-miss,” pabirong sabi ni Everett habang hinahawakan ang kamay ko. Naramdaman ko ang bigat ng kaniyang mga salita kahit may halong biro. Alam niyang mabo-bore ako nang sobra kapag wala siya.“I invited Jaye and my parents over. So don’t worry, hindi ako mag-iisa sa mansion,” sabi ko sabay tawa. I mean, seriously, hindi ko talaga kaya mag-isa dito. Lalo na’t sobrang laki ng
Misha’s POV“Okay, so here’s what we’re gonna do,” sabi ko nang dumating kami sa dining area. “I want you guys to relax, and I’ve asked the chef to prepare something really special for tonight.”“Oh my God, may chef ka na ngayon?!” tili ni Jaye. Tumatawa siya habang hinampas ang braso ko. “I feel so rich already!”Tumawa rin ako. “Siyempre, kailangan natin mag-celebrate kahit wala si Everett.”Hindi nagtagal, dumating na ang mga pagkain. A full course meal na sobrang sosyal at mukhang pang-hotel. May steak na perfectly cooked, salmon with caviar, at kung anu-ano pang mga fancy dishes na hindi ko mabanggit kasi hindi ko nga alam ang tawag. Pero basta masarap!“Grabe naman ‘to, anak. Hindi ko akalaing kakain ako ng ganito karami ng masasarap na pagkain,” sabi ni Mama habang natatawa. Si Papa naman, tahimik lang na umiinom ng wine, pero alam kong sobrang na-appreciate niya ang lahat.Pagkatapos ng dinner, dumiretso kami sa poolside. Naghanda ako ng mga inumin at dessert habang nag-uusap-
Czedric’s POVPagdating namin sa ospital, dali-dali nilang isinugod si Marco sa emergency room. Ang mukha niya ay maputla at ang dugong tumutulo mula sa sugat niya ay tila hindi tumitigil. Kasabay ng pagpasok niya sa ER, parang sumabay din ang kaba at takot sa dibdib ko.Habang naghihintay sa labas, napansin kong hindi mapakali si Everisha. Palakad-lakad siya at paminsan-minsang sinusulyapan ang pinto ng emergency room. Sa kabila ng tensyon, naisip ko na siguro’y ito na ang tamang oras para tanungin siya tungkol sa mga bagay na bumabagabag sa akin.“Everisha,” tawag ko sa kanya.Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Yes?”“Alam mo na pala ang lahat, hindi ba?” tanong ko habang pilit na kinakalma ang boses ko kahit gusto kong sumabog dahil sa dami ng tanong sa isip ko.Tumango siya habang halatang nag-aalangan. “Yes, I’ve known for a while now. I know that you and CD are the same person.”Napaatras ako ng bahagya sa gulat. “Paano? Kailan mo pa nalaman?”Hinilot niya ang senti
Everisha’s POvPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, naisip kong diretso na sana ako sa bahay para makapagpahinga dahil ang daming meeting na nangyari ngayon. Pero hindi iyon ang nangyari. Biglang nag-text si Marco sa akin, pinapapunta niya ako sa mansiyon niya.“Everisha, I need you to come over,” sabi niya sa mensahe. “Let’s have dinner. I need to tell you something important, and I know you don’t fully trust me yet. But after tonight, you will.”Nag-alangan ako. Bagama’t marami na siyang nasabi tungkol sa impostor ni Czedric, hindi ko pa rin lubos na naiintindihan ang mga motibo niya. Pero isang bahagi ko ang nagsasabing pumunta ako—baka may nalalaman nga siya na makakatulong kina Czedric.Pagdating ko sa bahay ni Marco, sinalubong niya ako sa pinto. Sa unang tingin pa lang, halata nang seryoso siya sa usapan.“Let’s eat first,” sabi niya habang inaakay ako papunta sa dining room. “Then I’ll tell you everything you need to know.”Impyernes, napalaki ang mga mata ko sa dami ng ma
Czedric’s POVMagdamag akong hindi mapakali matapos kong aralin ang lahat ng impormasyon tungkol kay Marco. Kahapon, ginugol ko ang buong araw sa pagsisiyasat: saan siya nakatira, ano ang pinagkakakitaan niya ngayon at kung anong yaman na ang nakuha niya sa impostor ko. Pero may isang bagay na hindi ko mawari—walang negosyo si Marco. Sa kabila ng lahat, ang bahay niya ay tila mas lumaki at naging isang engrandeng mansyon pa. Hindi gaya nila Jeric, Mark Joseph at Jonas na halos may kani-kaniyang kompanya na. Natatanging si Marco lang ang parang napag-iwanan.Ngayon, ako na ang gagawa ng hakbang. Kasama ko si Tita Marie at siya mismo ang nag-alok na sumama sa akin.Parang bihasang assassin na rin kasi ngayon si Tita Marie. Sa kanila, natatangi ang galing niya sa lahat ng labanan at sa kung paano siya gumamit ng mga sandata.“Marco is dangerous, Czedric,” sabi niya habang binabasa ang isang mapa ng mansyon. “He’s not just a man with secrets. He’s an assassin. You can’t do this alone.”“K
Everisha’s POVNanlalata akong nagising habang ang ulo ko ay parang mabigat na bato habang sinusubukan kong idilat ang mga mata ko. Nang tuluyan akong magkamalay, napansin kong nasa loob ako ng kotse. Malamig ang paligid at ang amoy ng bagong linis na kotse ang unang bumungad sa akin.Nasa likod ako ng sasakyan, nakahiga sa upuang may malambot na unan. Napaupo ako, hawak-hawak ang ulo ko habang iniisip kung anong nangyari.Paano ako napunta rito? Nasaan si ang impostor na si Reagan?Habang ang kaba ko ay unti-unting bumabalot sa akin, sinilip ko ang driver’s seat. Ang nagmamaneho ay isang lalaking hindi ko agad nakilala. Ang akala ko ay si Reagan iyon—ang impostor ni Czedric.Galit na galit akong bumangon at agad na sinugod ang lalaking hayop na ‘to. Pinaghahampas ko siya sa balikat habang sumisigaw. “What did you do to me?!” sigaw ko. “Let me out of here!”“Stop it, Everisha!” sabi niya habang pilit akong nilalayo sa sarili niya. “I’m not who you think I am!”Hindi ko siya pinakingg
Everisha’s POVPagod ako mula sa trabaho nang araw na iyon. Hapon na at pauwi na ako mula sa opisina, pilit na nilalabanan ang antok habang nagmamaneho.Nang malapit na ako sa subdivision namin, napatigil ako nang makita ko ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.Napakunot ang noo ko. Sino naman kaya ito? Pero bago pa ako makaisip ng kung ano, bumukas ang bintana ng kotse at bumungad ang pamilyar na mukha—ang impostor ni Czedric.Anong ginagawa niya rito? Ewan ko ba pero ayoko na. Ayaw nila papa at Czedric na lumalapit ako sa kaniya kaya hindi na talaga. Ayoko na kasi baka nga mapahamak pa ako sa taong ‘to.“Everisha,” tawag niya sa akin. “Join me. Let’s have merienda at the resort.”Ayokong pumayag. Alam kong delikado ang bawat paglapit ko sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng iyon, alam ko rin na baka may makuha ulit akong impormasyon, tulad ng nakuha ko dati. Kaya, kahit mabigat ang loob ko, tumango ako. At pinapangako kong last na talaga ‘to.Tahimik ang biy
Czedric’s POVDalawang araw na akong subsob sa matinding training kasama si Tito Everett. Walang tigil ang paghasa ko ng aking kakayahan, ngunit sa kabila nito, isang tanong pa rin ang gumugulo sa akin: Paano ko makikilala ang dalawang assassin na kaalyado ng impostor ko?“Hindi sila basta nagpapakita ng totoong mukha,” sabi ni Tito Everett noong huling usapan namin. “Every fight, they wear masks. No names, no identities. Kaya kahit anong gawin mo, you won’t win this fight unless you figure out who they are.”Napabuntong-hininga ako habang iniisip ang sinabi niya. Hindi biro ang hamon na ito. Kung sila ang pinaka-alas ng impostor ko, malinaw na hindi sila basta ordinaryong kalaban. Pero sa ganitong sitwasyon, isang bagay ang sigurado: Kailangan ko ng tulong.Kaya lang ay sino? Eh, wala naman akong kaibigan o kahit kapangyarihan na mag-hire ng tauhan ko. Masyado na akong nahihiya kina Tito Everett kung pati ang pagha-hire ng mga tauhan ko ay iaasa ko pa sa kaniya.Pagkatapos ng dalawan
Czedric’s POVPagdating ni Tito Everett sa mansiyon, agad kong naramdaman na masama ang timpla niya. Ang mukha niya kasi ay seryoso, halatang may iniindang problema. Tumayo tuloy agad ako mula sa sofa at sinalubong siya."Good day po, Tito," bati ko na may pagkukumbaba sa tono. Alam kong hindi magiging magaan ang usapan naming dalawa.“Good day? What’s good about it, Czedric?” diretsong tanong niya habang nilalapitan ako. “Do you even realize what Everisha has been doing because of you?”Napakamot ako ng ulo. Alam kong hindi ako ang direktang may kasalanan, pero hindi ko rin maipagkaila na ako ang dahilan kung bakit sinusugal ni Everisha ang sarili niya.“I’m really sorry, Tito,” sagot ko. “I didn’t mean for her to get involved. I’ve tried stopping her, but you know how she is. Gamit ang account ni CD, sinusubukan kong pigilan siya pero talaga po atang matigas ang ulo niya.”Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at umiling. “She’s too stubborn for her own good. But you… you n
Everisha’s POVTahimik kong pinagmasdan ang paligid habang naglalakad papunta sa isang five-star resort na dati ay pagmamay-ari ng pamilya ni Czedric. Nakakapanghinayang. Sa unang tingin pa lang, halatang maganda pa rin ang pamamalakad dito. Ang malalaking puno ng palm, ang maaliwalas na tanawin ng dagat at ang tila walang katapusang luntiang hardin—lahat iyon ay parang buhay na testamento ng kayamanan at tagumpay ng pamilya Borromeo. Ngunit ngayon, nasa kamay na ito ng impostor ni Czedric.Nang makarating ako sa entrance, sinalubong ako ng isang pamilyar na tao. Ang impostor. Grabe, kahit saan talaga tignan ay magkamukha sila ng mukha. Pati laki ng katawan magkamukha. Mas malaki na nga lang ngayon ang katawan ng totoong Czedric.“Everisha,” bati niya sa akin habang ang ngiti niya ay tila mapagpakumbaba ngunit may halong yabang. “Welcome to my resort. I hope you like what you see.”“I do,” sagot ko habang pinipilit magpakaswal kahit na ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan namin.
Everisha’s POVPauwi na ako mula sa engrandeng fashion show na iyon. Ang mga ilaw, ang runway at ang misteryosong boses ni Czedric—lahat iyon ay parang panaginip na hindi ko pa gustong matapos. Pero kailangan ko nang umuwi dahil tapos na ang event.Habang naglalakad ako patungo sa parking area ng hotel, inaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. Halata masyado si Czedric na nakatitig sa akin kanina habang kumakanta. Bakit kaya? Ah, siguro dahil nagulat siya na nakita niyang maganda ang ayos ko ngayon. Sabagay, first time niya akong makita na ganoon kaganda."Miss Everisha, your car is waiting," sabi ng valet habang iniabot ang susi. Tumango ako at nagpasalamat bago nagpatuloy sa paglalakad.Bigla akong napatigil. May isang pamilyar na mukha ang lumabas mula sa dilim ng parking lot.Oh shït! Hindi ako puwedeng magkamali. Si Czedric ito na impostor. Bakit ko nalaman na impostor, well, hindi kasi nagtatanggal ng maskara si Czedric sa ganitonh public na lugar. "Good evening," bati niya,