Misha’s POVKumalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan ng malaking event hall na pina-rent-ahan ni Jaye para sa bridal shower ko. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito magiging reaksyon ko. Hindi ako kinakabahan dahil sa gaganapin ngayong gabi, kundi dahil alam kong marami sa mga imbitado ay mga taong may malalalim na koneksyon sa akin—mga dating kaibigan, mga kaklase sa college, at ang ilan sa kanila ay dating mga basher ko.Ang buong lugar ay punung-puno ng eleganteng dekorasyon. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang napakaraming bodyguard para lang maprotektahan ako.Ang bawat sulok ay kumikislap sa liwanag ng mga crystal chandeliers na tumutulay mula sa kisame, habang ang mga lamesa ay binalutan ng mga puting tela na may halong pink na tela. Sa gitna, may isang malaking mesa ng pagkain, puno ng mga masasarap at mamahaling putahe—mula sa mga gourmet cheese hanggang sa mga pinakamagandang prutas na dinala pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibang kla
Misha’s POVIto na ang araw na pinakahihintay ko. Isang araw na hindi ko inakalang mangyayari, ngunit heto na. Sa loob ng mahabang panahon, pinangarap kong makasal sa isang taong tulad ni Everett Tani—isang bilyonaryo, matagumpay, at higit sa lahat, mapagmahal. Ngayon, ang araw na iyon ay dumating na talaga. Ramdam ko ang kaba at saya sa dibdib ko habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Napakaganda ng glam team na kinuha ni Everett para sa akin. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko sa sobrang ganda ng makeup at hairdo ko.“Napakaganda niyo po, Ma’am Misha,” sabi ng isang stylist habang inaayos ang buhok ko. Eleganteng nakapulupot ang mga wavey ng buhok ko sa isang intricate na bun, at may mga maliliit na perlas na isinisingit bilang detalye. Perfect ang bawat strand, bawat anggulo pasabog talaga.“Thank you,” sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko sa dahil excitement. Hindi ko maialis ang tingin ko sa sarili ko—ang bawat piraso ng damit, ang mga detalye ng wedd
Misha’s POVAt dahil kasal ito ng magiging CEO ng mga luxury car, ‘yung pinakamaganda at pinakamahal na kotse ang ginamit ko. Habang papunta kami sa simbahan, nakikita ko ang mga kalsada na puno ng mga tao—lahat sila ay nakatingin at nagpapalakpakan dahil sa gara ng sasakyan ko. Sabi ni Everett sa akin nung isang gabi, pinasadya niya raw na walang kamukha itong sasakyang lulan ko. Ito talaga ay para lang sa araw ng kasal naming dalawa. At ito na rin daw ang isa sa mga regalo niya sa akin. Kaya naman kitang-kita ko ang bawat pagningning ng mga mata ng tao habang tinitignan ang sasakyan na lulan ko. Nakikita ko ang mga flashing lights ng media at mga photographer na abala sa pagkuha ng bawat detalye.Pagdating sa simbahan, bumungad sa akin ang St. Benedict Chapel—ang perpektong lokasyon para sa kasal namin. Ito ay isang napakalaking simbahan na gawa sa puting marmol at may malalaking stained glass windows. Ang buong paligid ng simbahan ay puno ng mga makukulay na bulaklak, bawat sulok a
Misha’s POVPagbaba namin mula sa magara kong sasakyan, bumungad agad ang engrandeng ballroom ng isa sa mga pinakasikat na luxury hotel sa Pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang entrance pa lang ay puno na ng mga puting rosas, peonies, at orchids na parang bumubuo ng isang arko ng kaluwalhatian. Tila isang paraiso na iniligay sa harapan ko, na bawat detalye ay masusing inayos upang maging perpekto ang araw na ito. Lahat ng gusto ko ay nasunod kaya tuwang-tuwa ako.Habang lumalakad kami ni Everett papasok sa ballroom, isang grand piano ang tumutugtog ng malumanay na melody, at ang mga kristal na chandelier ay kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan. Ang mga ilaw ay malumanay na bumababa, nagbibigay ng romantikong ambiance sa paligid. Ang bawat mesa ay may centerpiece na mga bulaklak na ipinadala pa mula sa ibang bansa, at ang mga plato’t kubyertos ay gawa sa gintong lining.“Galing nung pagkakaayos dito, ang galing mong magplano, tiyak na manghang-mangha ang mga bisi
Misha’s POVHabang nagkakainan, isa-isang tumayo ang mga kaibigan at pamilya namin para magbigay ng mga salita ng pagbati. Ang maid of honor ko, si Jaye, ay hindi nakapagpigil sa kanyang emosyon. “Misha, masaya ako sa inyo ni Everett. Congrats sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Maganda at pogi. Pero, simula pa lang, nakikita ko na ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Hindi lang kayo magkasama dahil sa kasikatan o kayamanan, kundi dahil totoo ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa.”Tumawa ako, sabay punas ng luha sa sulok ng aking mata. “Salamat, Jaye. Mahal na mahal kita."Sunod na tumayo si Conrad, ang nauna kong naging bestfriend. “Misha, Everett, congrats. Uhmm, Everett, mahalin mo ng todo ang bestfriend ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya, ingatan mo siya palagi at huwag mong ipaparamdam na hindi siya mahalaga sa iyo. Misha, suwerte ka kasi mabait at mapagmahala si Everett. Suwerte ka kasi napunta ka sa mabuting tao. At doon palang ay masayang-masaya na ako para sa inyo.”Lal
Misha’s POVPagkatapos ng ilang minutong paglipad mula sa reception, tanaw na namin ni Everett ang mala-paraisong private island na inihanda niya para sa aming honeymoon. Mula sa taas, ang isla ay tila isang piraso ng paraiso—napapalibutan ng turquoise na tubig, pinong puting buhangin, at mga matatayog na puno ng niyog na parang nagsasayaw sa hangin. Ang mga villa ay naka-set up sa tabi ng buhanginan, lahat ay gawa sa glass at wood na may modernong arkitektura ngunit may halong rustic na charm.Paglapag namin sa isla, sinalubong kami ng isang team ng mga staff na handang maghatid sa amin sa villa. Ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng linen uniforms na parang parte ng isang high-end na resort. May mga flower leis na agad nilang isinabit sa aming mga leeg, at ang simoy ng dagat ay parang nagbigay ng bagong sigla sa akin.“Welcome, Mr. and Mrs. Tani,” bati ng head butler habang binibigyan kami ng malamig na mga inumin na may mga sariwang prutas at herbs. “Everything has been prepared j
Misha’s POV“Are you happy, Misha?” tanong ni Everett habang hinahawakan ang kamay ko.“More than happy,” sagot ko habang ramdam ko ang saya sa puso ko. “Lahat ng ito... it’s more than I could ever dream of.”Hinaplos niya ang tiyan ko at ngumiti. “And soon, it will be the three of us. I can’t wait to meet our baby.”Napangiti ako lalo ng masaya. “I know, Everett. I can’t believe we’re finally here... married and starting a family.”Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng malambing. “You’re going to be the best mom.”Nakakainis, naiyak ako lalo sa sinabi niya. Sana nga maging best mom ako sa anak namin. Pero, isu-sure ko iyon kasi talagang mamahalin ko ang anak namin. Mamahalin ko siya kung paano rin ako minahal ng papa at mama ko.**Nung pumasok na kami sa room namin, hindi puwedeng wala kaming mainit-init na honeymoon. Nasa banyo kami kapwa, hubu’t hubad habang nagkakainan sa isa’t isa. Subo-subo ko ang titë niya habang nakatapat siya sa shower. Maugat na naman ang ari nito
Misha’s POVHindi ko inakala na ganito kabilis ang mga pangyayari. Parang kailan lang, nakaluhod si Everett sa harap ko, hawak ang engagement ring na halos magpahinto sa tibok ng puso ko. Ilang buwan lang ang nakalipas, ikinasal na kami. Ngayon, eto kami—mga bagong kasal na nagse-celebrate ng isa pang milestone: ang house blessing ng bagong mansion namin. Ang napakalaking mansion na halos dalawang buwan pa lang simula nang matapos.Tila palasyo ang bawat sulok. White marbles ang sahig, may malalaking chandelier na parang mga hiyas na kumikinang sa bawat silid, at ang mga glass walls ay nagbibigay ng perfect view ng mga bundok sa likod ng property. Para kaming nasa bakasyon lang. This was more than just a house—it was a symbol of Everett’s success and, somehow, of our union. I have to admit, even though I tried to keep it cool, I still felt a rush of excitement. Sino ba namang hindi kikiligin kapag alam mong ang buhay mo ay ganito kalaki ang pagbabago?“Good morning, sweetheart,” bati
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para