Misha’s POVInabot niya ang envelope kay papa, at tila nanginginig pa ang mga kamay ni papa nang tanggapin ito. Dahan-dahan itong binuksan ni papa, at nang makita niya ang laman, bumungad ang mga dokumentong agad niyang kinilala.“T-Titulo…?” gulat na tanong ni papa na halos hindi makapaniwala.Napatingin ako kay Everett, na nakangiti lang. “Opo,. Ang lahat ng titulo ng mga lupa n’yo na nakasangla sa bangko. Nabayaran ko na ang mga iyon.”Parang tumigil ang oras. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Ang mga lupa namin—ang apat na farm na matagal nang ipinangakong babayaran pero hindi namin magawa dahil sa kakulangan ng pera—nabayaran na ni Everett?!“M-Misha, totoo ba ito?” tanong ni mama ba halos hindi makapagsalita sa sobrang gulat.Tumango ako, hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sa bawat araw na dumadaan, alam kong pasama nang pasama ang kalagayan ng mga farm namin dahil hindi namin mabayaran ang pagkakautang. Pero ngayon, parang isang himala—lahat ng iyon, naayos na!“
Misha’s POVNasa opisina ako ngayon ng kompanya ni Everett. Parang panaginip lang talaga ang mga nagaganap. Ilang beses na akong nakapunta dito dati pero hanggang ibaba lang, hanggang doon lang sa mga display area ng mga old luxury car niya, pero iba na ngayon, nandito ako sa mga office nila at ang pakiramdam ngayong opisyal na akong ipinakilala bilang kanyang magiging asawa ay talaga namang nakakataba ng puso. Pagpasok pa lang namin, lahat ng empleyado ay tumigil sa kanilang ginagawa para batiin kami. Pero ang totoo, ako ang binabati nila.“Good morning, ma’am,” sabi ng isa. Sumunod ang iba,lahat sila ay panay ang pagbati sa bawat paglalakad namin. Para akong nanunuod ng Korean drama kung saan kasama ng CEO ang mapapangasawa niya.Tumataas ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang saya ko. Minsan iniisip ko pa rin kung totoo ba ito—ako, magiging asawa ng isang tulad ni Everett. Ako, isang simpleng babae na hindi naman galing sa marangyang pamilya, ngayon ay naglalakad sa tabi n
Misha’s POVAng dami-daming lugar rito sa company na puwede naming pagkitaan, dito pa talaga sa loob ng banyo na kung saan ay tanging kaming dalawa lang ang naroon. Natakot na naman ako. Masamang tao ang isang ‘to, iyon na ang tumatak sa isip ko kaya hindi puwedeng ‘di ako kakabahan. Mamaya niyan, bigla niya akong saksakin, paano na ang baby ko, lagot ako tiyak kay Everett kapag nangyari ‘yon.“Akala mo ba ay mahal ka talaga ni Everett?’ bigla niyang tanong sa isang malamig na boses. Ang mga mata niya, tila ba sumusuri sa bawat galaw ko. “Akala mo ba totoo siya sa’yo?”Hindi ako nakapagsalita agad. Ang tono ng boses niya, matalim. Ramdam kong may mabigat na dahilan kung bakit niya ito sinasabi. Sinubukan kong maglakad papunta sa pinto, pero hinarangan niya ako habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata. Anumang oras, naiisip ko na sasaktan niya ako.“No,” she continued. “Because once he gets what he wants, you and that child you’re carrying… you’ll be nothing. Right now, he need
Everett’s POVPagdating namin sa White sand na private beach, ramdam ko ang excitement ni Misha. Hindi lang dahil sa photoshoot, kundi dahil dito na rin kami mag-overnight. Dito naming gagawin ang prenup video at photoshoot namin. Sa totoo lang, ayaw ng may ganito, si Misha lang ang nagpumilit. Hindi ko naman siya matanggihan kaya sinunod ko na lang.The setup was simple yet elegant. White tents adorned with flowing fabric stood on the beach, swaying gently with the breeze. Flowers, mostly white roses, were scattered everywhere. The team did an amazing job setting the mood—romantic, intimate, and completely us.Misha stood in front of me, her back turned as the stylist adjusted the soft fabric of her dress. I couldn’t help but stare at her, my heart racing as I realized how lucky I was. Minsan, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti tuwing titignan ko siya—simple lang pero ang lakas ng dating. She turned slightly, catching me watching her.“You’re staring,” she said with a playful sm
Everett’s POVLater that night, we decided to stay on the beach. The team set up a small tent for us, complete with soft cushions, candles, and a small table with food and drinks. It was cozy and romantic—exactly what we needed. The tent was open enough to allow us a full view of the stars, which were now twinkling brightly in the dark sky.“I can’t believe we’re spending the night here,” Misha said, her voice filled with excitement. “It’s like something out of a movie.”“It’s better than a movie,” I replied, pulling her close to me as we sat on the soft cushions. “Because it’s real. And because I get to be with you.”She rested her head on my shoulder as we both looked out at the ocean. “I never imagined I’d have something like this,” she admitted softly. “This life… with you.”I turned to her, taking her face in my hands. “This is just the start, Misha. We’re going to have so much more. More adventures, more memories… a lifetime together.”I kissed her forehead, and she closed her e
Misha’s POVKumalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan ng malaking event hall na pina-rent-ahan ni Jaye para sa bridal shower ko. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito magiging reaksyon ko. Hindi ako kinakabahan dahil sa gaganapin ngayong gabi, kundi dahil alam kong marami sa mga imbitado ay mga taong may malalalim na koneksyon sa akin—mga dating kaibigan, mga kaklase sa college, at ang ilan sa kanila ay dating mga basher ko.Ang buong lugar ay punung-puno ng eleganteng dekorasyon. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang napakaraming bodyguard para lang maprotektahan ako.Ang bawat sulok ay kumikislap sa liwanag ng mga crystal chandeliers na tumutulay mula sa kisame, habang ang mga lamesa ay binalutan ng mga puting tela na may halong pink na tela. Sa gitna, may isang malaking mesa ng pagkain, puno ng mga masasarap at mamahaling putahe—mula sa mga gourmet cheese hanggang sa mga pinakamagandang prutas na dinala pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibang kla
Misha’s POVIto na ang araw na pinakahihintay ko. Isang araw na hindi ko inakalang mangyayari, ngunit heto na. Sa loob ng mahabang panahon, pinangarap kong makasal sa isang taong tulad ni Everett Tani—isang bilyonaryo, matagumpay, at higit sa lahat, mapagmahal. Ngayon, ang araw na iyon ay dumating na talaga. Ramdam ko ang kaba at saya sa dibdib ko habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Napakaganda ng glam team na kinuha ni Everett para sa akin. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko sa sobrang ganda ng makeup at hairdo ko.“Napakaganda niyo po, Ma’am Misha,” sabi ng isang stylist habang inaayos ang buhok ko. Eleganteng nakapulupot ang mga wavey ng buhok ko sa isang intricate na bun, at may mga maliliit na perlas na isinisingit bilang detalye. Perfect ang bawat strand, bawat anggulo pasabog talaga.“Thank you,” sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko sa dahil excitement. Hindi ko maialis ang tingin ko sa sarili ko—ang bawat piraso ng damit, ang mga detalye ng wedd
Misha’s POVAt dahil kasal ito ng magiging CEO ng mga luxury car, ‘yung pinakamaganda at pinakamahal na kotse ang ginamit ko. Habang papunta kami sa simbahan, nakikita ko ang mga kalsada na puno ng mga tao—lahat sila ay nakatingin at nagpapalakpakan dahil sa gara ng sasakyan ko. Sabi ni Everett sa akin nung isang gabi, pinasadya niya raw na walang kamukha itong sasakyang lulan ko. Ito talaga ay para lang sa araw ng kasal naming dalawa. At ito na rin daw ang isa sa mga regalo niya sa akin. Kaya naman kitang-kita ko ang bawat pagningning ng mga mata ng tao habang tinitignan ang sasakyan na lulan ko. Nakikita ko ang mga flashing lights ng media at mga photographer na abala sa pagkuha ng bawat detalye.Pagdating sa simbahan, bumungad sa akin ang St. Benedict Chapel—ang perpektong lokasyon para sa kasal namin. Ito ay isang napakalaking simbahan na gawa sa puting marmol at may malalaking stained glass windows. Ang buong paligid ng simbahan ay puno ng mga makukulay na bulaklak, bawat sulok a
Mishon POVNang umagang iyon, maaga akong nagising upang ihanda ang araw na ito para sa amin naman ni Miro. Alam kong bihira lang kami magkaroon ng pagkakataon na makasama nang ganito, kaya gusto kong sulitin ang araw na ito para sa kanya.Bago ang kasal, dapat lang na mapagbigyan ko na siya sa request niya sa akin na bonding naming mag-ama lang.Pagkalabas ko ng kuwarto, nadatnan ko si Ada sa kusina, nagtitimpla ng kape. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti.“You’re up early,” aniya.Tumango ako. “Yeah. Gusto kong sorpresahin si Miro. Ilalabas ko siya ngayon habang nandito pa tayo sa Baguio.”Hindi naman siya tumutol. Alam kong gusto rin niyang magkaroon kami ng oras na magkasama bilang mag-ama. Kaya matapos kong magpaalam, agad akong nagtungo kay Ate Everisha upang humiram ng sasakyan na dala nila ni Czedric.Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Miro mula sa kuwarto niya, suot ang isang makapal na jacket at jogging pants. Nakita ko siyang nag-stretching habang nag-aantay sa
Ada POVPag-uwi namin sa Villa, agad naming naabutan sina Marco at Edric na nasa garden, abala sa paghahanda ng malaking lamesa para sa gagawin naming DIY samgyup. Sabi kanina ni Marco, dinaan nila sina Verena at Yanna sa mall, doon daw sila nakakita ng mga karne na gagawin samyup, tapos doon din daw nila nakita ang ilan sa mga side dish kaya natuloy ang balak ni Yanna na mag-samgyup talaga dito Baguio.Sa loob naman ay nadatnan namin sina Yanna at Verena na maingat na inaayos ang mga hiniwang karne ng baboy, baka at manok. Si Everisha at Czedrick ay nakaupo sa sofa, kapwa nagpapahinga matapos makarating dito sa Baguio kasama sina Miro at Czeverick. Sa wakas ay nakasunod na rin sila rito sa Baguio. Na-late sila ng husto kasi may shooting pang pinuntahan si Czedrick.Pagkakita pa lang ni Miro sa papa niyang si Mishon, agad itong tumakbo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi rin niya ako kinalimutan, niyakap din niya ako na tila ba isa na rin akong pangalawang magulang sa paningin niya.
Ada POVMula nang ipakita sa akin ni Mama ang ayos ng magiging flower bouquet ko sa magiging kasal namin ni Mishon, hindi ko na napigilang tumawag agad sa flower farm sa Atok na pinuntahan namin kahapon. Gustung-gusto ko ang kombinasyon ng mga bulaklak, mga pulang rosas, puting lisianthus at baby’s breath na bumagay sa tema ng kasal namin ni Mishon.Habang kausap ko ang may-ari ng flower farm, tinanong ko kung kaya nilang mag-supply ng sapat na bulaklak para sa buong entourage. Mabuti na lang at kaya naman daw kaya wala na akong problema doon. Matapos naming magkasundo sa presyo at delivery date, agad akong nagpa-reserve.“Thank you so much! I’ll see you a few days before the wedding,” masaya kong sabi bago ibaba ang tawag.“Sigurado ka na sa mga pinili mong flowers?” tanong ni Mama Franceska habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Opo, Ma. Ang ganda ng arrangement mo, kaya iyon na ang pina-order ko,” sagot ko habang ngiting-ngiti ako na sinusulyapan ang phone ko kung saan
Mishon POVPagdating namin ni Papa Ronan sa La Trinidad Strawberry Farm, agad kaming naglakad-lakad sa loob ng farm. Malamig ang simoy ng hangin at kahit umaga pa lang, ramdam na ang preskong klima ng Baguio. Natutuwa nga si Papa Ronan kasi may malamig ng lugar daw pala dito sa Baguio. Akala niya ay puro tag-init lang dito kasi puro beach daw kasi ang sikat dito sa Pilipinas.Ako ang nag-tour sa kanya, ipinapakita ko sa kaniya ang iba’t ibang bahagi ng farm habang nagkukuwento tungkol sa lugar.“Wow, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Papa Ronan habang tinitingnan ang mga hanay ng strawberry plants. “I can already smell the freshness.”Ngumiti ako. “You’ll love it po even more once you start picking them yourself, Papa.”Pagdating sa bayaran ng entrance, ako na rin ang nagbayad ng 300 pesos para sa basket, kaya may sarili kaming lalagyan para sa mga pipitasin naming strawberries. Nakakatawa nga si Papa Ronan dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga tao. Sabi niya, ayaw daw niyang
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba a
Ada POVMalalim na ang gabi nang lapitan ako ni Mama Franceska sa veranda ng aming mansiyon. Tahimik siyang umupo sa tabi ko, hawak ang isang tasang mainit na tsaa. Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tanging ang malamig na hangin lamang ang naririnig ko kasama ang paglagaslas ng fountain sa may garden sa ibaba.“Ada, anak,” malumanay niyang simula habang seryosong nakatingin sa akin. “Gusto kong ako ang gumawa ng bouquet mo sa kasal mo.”Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti kasi alam kong magaling siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Talaga, Mama? Gusto mo?” tanong ko habang nakangiti ng husto sa kaniya.Tumango siya. “Oo, anak. Gusto kong ako mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na hahawakan mo sa araw ng kasal mo. Gusto kong makita sa araw ng mismong kasal mo na ako ang gumawa ng bulaklak na dala-dala mo sa altar.”Napakasaya talaga ng mayroong ganitong mama. Simula talaga nung malaman kong siya ang tunay kong mama, walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin n
Ada POVHalos alas dos na ng madaling-araw nang makita kong umaandar papasok ng mansyon ang lumang sasakyang inarkila nila Mishon para sa paghahanap kay Miro at Raya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang antok at pagod. Tumakbo agad ako palabas at hindi na inalintana ang lamig ng gabi, para salubungin sila.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, unang lumabas si Mishon. Pagod na pagod ang itsura niya, may ilang galos at sugat sa braso, pero buhay. Buhay siya. Buhay silang lahat. Kaya maluha-luha ako sa tuwa.“Miro’s okay,” bulong niya sa akin gaya lalo nang gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, pero ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan niya. Napaluha ako sa tuwa.“Thank God…” Pumatak ang mga luha ko kahit hindi ko gusto. Hinawakan ko ang mukha niya, tinignan ko kung may malalang pinsala, pero ang mga mata niya ang unang nakahuli ng atensyon ko. Pagod, halos maiyak ako lalo kasi ang dungis niya at mukhang nasaktan pa rin siya sa naging labanan nila. Masakit makita sa ganitong istu
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga