Pag-aalala, isang pakiramdam ng pangangamba na mararamdaman mo lang para sa taong sa buhay mo ay mahalaga.
Matapos ihatid si Arim sa mansyon ay nagtungo si Lera sa farm. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan upang sundan si Lucas doon. Madilim na subalit wala pa din ito sa mansyon at wala din ipinadalang mensahe sa kan'ya.
Ilang metro ang layo sa farm ay natanaw niya ang sasakyan ng lalaking sadya. Nakita niyang sumakay ito sa kotse, subalit hindi ito nag-iisa. May kasamang babae na sumakay din sa shotgun seat. Hindi niya iyon namukhaan.
Mabagal na umandar ang sasakyan. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ito.
"I'll wait for you, Lera." Wala sa sariling ginaya niya ang sinabi sa kan'ya noon ni Lucas. Hindi niya na makontrol ang kakaibang emosyon na naglalaro sa kan'yang damdamin.
"Manloloko! Hindi ako mahuhulog sa patibong mo. Akin ang panalo sa laban na ito, hindi sa'yo." Humigpit ang kapit niya sa manibela na para ba'ng si Lucas
Paano mo kokontrolin ang puso kung taliwas ito sa sinasabi ng isipan?Hindi malaman ni Lucas kung paano papatahanin si Lera. Maingat niyang pinunasan ang luhang nag-uunahan sa pagtulo sa pisngi nito. Subalit hindi iyon matapos-tapos dahil napapalitan din ito ng bago."Kung hindi ko iyon ginawa baka isang pamilya na ang nawalan ng ama." Alam niyang ikakapahamak niya ang pagsangga ng patalim na sana'y tatama sa kan'yang magsasaka subalit hindi niya iyon pinagsisihan dahil kagaya ng kan'yang ama, labis ang pagpapahalaga niya sa mga trabahador nila."Alam ko, pero paano naman kami?" Ang mga mata ni Lera ay puno ng luha na animo'y nagsusumamo.Binalot ng kakaibang emosyon ang puso ni Lucas. Totoo nga na nag-aalala ang babae sa kan'ya. Masuyo niyang ikinulong ang mukha nito sa kan'yang magkabilang palad."I won't do that kung alam ko'ng ikakamatay ko. Malayo ito sa bituka. Pangako, hindi na ito mauulit. Tumahan ka na. Hindi ako mawawala sainyo."M
Hindi magkandaugaga si Lera sa pag-aayos ng gamit na kakailanganin ni Arim para sa foundation day sa paaralan nito. Magkahalong excitement at kaba ang kan'yang nararamdaman. Ito ang unang beses na makikita niyang mag-perform ang anak sa harap ng maraming tao.Lumubog ang parte ng kama kung saan niya inaayos ang bag na dadalhin. Umupo doon si Lucas at itinukod pa ang dalawang kamay sa likod habang mataman siyang pinagmamasdan sa ginagawa. Na-di-distract si Lera pero pinilit niyang huwag itong tingnan."Hindi mo naman siguro pinapalayas ang anak natin n'yan, 'di ba?" biro nito na ikinairap niya lang."Baka naman pagbabakasyunin mo si Arim para masolo mo ako."Sinalubong niya na ang titig nito at binato ng damit na hawak niya.Nang mga nagdaang araw ay nagagawa na nilang magbiruan sa bawat isa. Habang tumatagal ay gumagaan ang loob ni Lera para dito subalit hangga't maaari ay pilit niyang ipinapaalala sa sarili ang sinapit ng ama."Tulungan mo
Ang kulay kahel na langit ay dumagdag sa pagiging romantiko ng lugar. Kaliwa't kanan ang mga magkasintahan at pamilya na pinapanood ang paglubog ng araw. May mga batang nagtatakbuhan sa paligid at mga tawanan ng mga magkakaibigan na nagkwekwentuhan. Iba't-ibang ingay subalit hindi iyon naririnig ni Lera, dahil ang banayad na pagtibok ng kan'yang puso ang tangi niya lamang pinapakinggan."When I was a kid, my dad used to take me to the farm just to watch the sun set behind the mountain."Napabaling si Lera kay Lucas nang magsalita ito. Nakatuon ang tingin ng lalaki sa papalubog na araw.Kumikinang ang dagat mula sa repleksyon ng araw, kagaya nang pagkinang ng mga mga mata ni Lucas. Katulad ni Lera ay panatag ang kan'yang kalooban."Pero nang magtungo ako sa states at mawala si daddy, I forgot how to appreciate this things. Dinaraanan ko na lang ang mga ganito. Wala akong pakialam sa paligid."Ibinalik ni Lera ang tingin sa karagatan. Kalmado i
Posible ba'ng sundin ang puso sa araw-araw? P'wede ba'ng kalimutan ang sakit ng nakaraan at manatili sa kasiyahan ng kasalukuyan?Hindi maramdaman ni Lera ang lamig ng aircon sa loob ng kwarto ni Lucas dahil nananaig ang init na hatid ng mga bisig na bumabalot sa kan'ya. Bahagya siyang gumalaw upang sana'y abutin ang telepono sa side table nang higpitan ng katabi ang pagkakayakap sa kan'ya."Dito ka lang."Ito na yata ang pinakamasayang gising niya. Walang problema. Walang iniisip. Sana ay palaging ganito.Masuyo niyang hinaplos ang mukha ni Lucas at ginawaran ito ng halik.Sumilay ang malaking ngiti sa labi ng lalaki habang nakapikit."Isa pa."Pinitik niya ang ilong nito nang humirit pa ng isa."Bumangon ka na. Hinahanap na tayo ni Arim. Hindi tayo umuwi kagabi."Sila lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari kagabi. "Best night ever. I love you," ani Lucas nang dumilat ito.Mahal kita. Dalawan
Hanggang kailan mo kayang panindigan ang sinisigaw ng puso? Hanggang hindi ba sa'yo ipinapaalala ng mundo ang katotohanan ay lalaban ka? O susuko sa oras na muling ipamulat sa'yo ng tadhana na sa likod ng kasiyahan na iyong tinatamasa ay ang sugat na pilit mo'ng tinatapalan? Masuyong hinaplos ni Lucas ang kamay ni Lera sa ilalim ng lamesa habang sabay-sabay silang naghahapunan sa mansyon ng huli. Pinapagaan nito ang loob ng babae dahil kanina niya pa napapansin na ito ay tila balisa. Sa kabilang banda, hindi ang pag-amin ng kanilang relasyon ang bumabagabag sa loob ni Lera, kun'di ang katotohanan na minahal niya ang taong puno't dulo ng pagkawala ng kan'yang ama. Huminga siya nang malalim at pilit na isinasaksak sa isipan na walang kasalanan si Lucas sa nangyari noon. "Nanay Nora, may sasabihin po sana kami ni Lera." Humigpit ang pagkakahawak ni Lera sa kamay ng nobyo nang magsalita ito. Nagkatinginan sila na animo'y nag-uusap kung sino ang unang mags
Mahirap magtanim ng galit dahil sa oras na anihin mo na ito, makakalimutan mo kung gaano kahalaga ang pag-ibig na nabuo mo sa panahong pinili mong itago ito. Isang dokumentong matagal nang nakatago ang walang pag-iingat na pinirmahan ni Lera sa tapat ng kan'yang kaibigang si Maris. Iniabot niya ito dito pagkatapos. "Alam mo na ang gagawin mo," seryoso niyang saad kasabay nang walang humpay na pagtunog ng kan'yang telepono. Pinatay niya din kaagad nang makitang mula iyon kay Lucas. "Sigurado ka na ba?" maingat na tanong ni Maris. "Oo." Hindi man lang siya kumurap nang sabihin iyon. Kinakain ng galit ang kan'yang puso sa tuwing naaalala ang tagpo kahapon. Wala nang pag-asang magbago si Ginang Juana. Maghahain siya ng kaso laban sa ginang. Matagal niya nang ginawa iyon subalit ibinasura lamang ito ng korte. Magbabasakali muli siya. Mataas ang kumpyansa niyang papabor na ito ngayon sa kan'ya dahil mayroon na siyang pera.
Hindi tinanggap ng korte ang kasong isinampa ni Lera. Wala itong matibay na ebidensya kagaya nang una siyang sumubok na sumampa ng kaso noon. Walang pananagutan si Ginang Juana sa pagkamatay ng kan'yang ama dahil pumasok ang huli sa loob ng mansyon nang wala'ng pahintulot ng may-ari.Malaki ang ngiting pinunit ni Ginang Juana ang dokumento sa tapat ni Lera. Magkasabay silang dumating kanina sa opisina ng judge upang pag-usapan ang kaso subalit wala din nangyari. Ngayon nga'y hindi niya akalain na susunod ang ginang pauwi sa mansyon. Kung alam niya lang sana'y sa kan'yang bahay siya dumiretso.Ipinagpasalamat niyang wala ang anak dahil malaya niyang masasabi sa ginang ang hindi kaaya-ayang mga pananalita."Napakasama mo talaga!"Humalakhak si Ginang Juana. Animo'y kontrabida sa isang pelikula."Kung masama ako, sana'y nasa kulungan na at pinaparusahan na ako ngayon."Taas noong hinarap ni Lera ang ginang. Gustong-gusto niyang putulin an
Hindi lahat ng laro ay masaya, dahil kapag tadhana ang naglaro ay gagawin nitong miserable ang dapat sana'y magandang takbo ng iyong buhay.Gulong-gulo ang isipan ni Lucas. Hindi niya mawari kung paanong dahil sa kanila ni Ginang Juana ay namatay ang ama ni Lera.Sinundan niya nang tingin ang papalayong kotse na sinasakyan ni Lera at ng kan'yang anak na si Arim. Gusto niyang humabol at pigilan itong umalis ngunit mas nananaig sa kan'yang isipan na makausap muna ang ina.Mabilis siyang sumakay sa kotse. Inihatid niya na ang ina sa bahay ng kan'yang kapatid na si Alexis mula sa ospital. Wala itong bali o pasa sa balakang kagaya nang iniinda nito nang makita niya kanina.Naabutan niya si Ginang Juana na abala sa pakikipag-usap sa mga apo. Taliwas kanina na hirap itong tumindig at makalakad nang maayos ay balik na sa normal ang pagtayo at paggalaw ng mga paa nito.Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling nga ang ina sa kan'ya upang magalit siya kay
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,