Mahirap magtanim ng galit dahil sa oras na anihin mo na ito, makakalimutan mo kung gaano kahalaga ang pag-ibig na nabuo mo sa panahong pinili mong itago ito.
Isang dokumentong matagal nang nakatago ang walang pag-iingat na pinirmahan ni Lera sa tapat ng kan'yang kaibigang si Maris. Iniabot niya ito dito pagkatapos.
"Alam mo na ang gagawin mo," seryoso niyang saad kasabay nang walang humpay na pagtunog ng kan'yang telepono.
Pinatay niya din kaagad nang makitang mula iyon kay Lucas.
"Sigurado ka na ba?" maingat na tanong ni Maris.
"Oo." Hindi man lang siya kumurap nang sabihin iyon.
Kinakain ng galit ang kan'yang puso sa tuwing naaalala ang tagpo kahapon. Wala nang pag-asang magbago si Ginang Juana.
Maghahain siya ng kaso laban sa ginang. Matagal niya nang ginawa iyon subalit ibinasura lamang ito ng korte. Magbabasakali muli siya. Mataas ang kumpyansa niyang papabor na ito ngayon sa kan'ya dahil mayroon na siyang pera.
Hindi tinanggap ng korte ang kasong isinampa ni Lera. Wala itong matibay na ebidensya kagaya nang una siyang sumubok na sumampa ng kaso noon. Walang pananagutan si Ginang Juana sa pagkamatay ng kan'yang ama dahil pumasok ang huli sa loob ng mansyon nang wala'ng pahintulot ng may-ari.Malaki ang ngiting pinunit ni Ginang Juana ang dokumento sa tapat ni Lera. Magkasabay silang dumating kanina sa opisina ng judge upang pag-usapan ang kaso subalit wala din nangyari. Ngayon nga'y hindi niya akalain na susunod ang ginang pauwi sa mansyon. Kung alam niya lang sana'y sa kan'yang bahay siya dumiretso.Ipinagpasalamat niyang wala ang anak dahil malaya niyang masasabi sa ginang ang hindi kaaya-ayang mga pananalita."Napakasama mo talaga!"Humalakhak si Ginang Juana. Animo'y kontrabida sa isang pelikula."Kung masama ako, sana'y nasa kulungan na at pinaparusahan na ako ngayon."Taas noong hinarap ni Lera ang ginang. Gustong-gusto niyang putulin an
Hindi lahat ng laro ay masaya, dahil kapag tadhana ang naglaro ay gagawin nitong miserable ang dapat sana'y magandang takbo ng iyong buhay.Gulong-gulo ang isipan ni Lucas. Hindi niya mawari kung paanong dahil sa kanila ni Ginang Juana ay namatay ang ama ni Lera.Sinundan niya nang tingin ang papalayong kotse na sinasakyan ni Lera at ng kan'yang anak na si Arim. Gusto niyang humabol at pigilan itong umalis ngunit mas nananaig sa kan'yang isipan na makausap muna ang ina.Mabilis siyang sumakay sa kotse. Inihatid niya na ang ina sa bahay ng kan'yang kapatid na si Alexis mula sa ospital. Wala itong bali o pasa sa balakang kagaya nang iniinda nito nang makita niya kanina.Naabutan niya si Ginang Juana na abala sa pakikipag-usap sa mga apo. Taliwas kanina na hirap itong tumindig at makalakad nang maayos ay balik na sa normal ang pagtayo at paggalaw ng mga paa nito.Ayaw niyang isipin na nagsisinungaling nga ang ina sa kan'ya upang magalit siya kay
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H