Katulad ng kan'yang inang si Ginang Juana, mahirap makuha ang tiwala ni Lucas. Sa oras na pagkatiwalaan niya ang isang tao at biguin siya nito ay hindi siya magdadalawang isip na gamitin ang kapangyarihan upang maturuan ito ng leksyon.
Halos mabasag na ang telepono niya sa paulit-ulit na pag-dial sa numero ni Lera, subalit hindi ito sumasagot.
Matalim niyang tinitigan ang susi ng kan'yang sasakyan sa side table habang hinihintay na sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya, ngunit sa huling pagkakataon ay pinatayan ulit siya.
Kinuha niya ang susi at marahas na binuksan ang pintuan ng kwarto palabas. Sinalubong siya ni Maica pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Ang isip niya'y nasa anak.
"Where are you going Lucas?" Pinigil siya ni Maica, ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa kan'yang kotse.
"I'm worried about my son because Lera isn't returning my calls." Posible na mayroong nangyaring masama dito, iyon ang nasa isip niya.
<Wala nang mas sasakit pa sa isang ina kun'di ang malayo sa kan'yang anak.Halos palitan na ni Lera ang driver ng bus na sinasakyan upang mabilis na makarating sa Sta. Ignacia. Hindi niya akalain na sa isang iglap matatagpuan sila ni Lucas at mababawi nito si Arim sa kan'ya nang walang kahirap-hirap.Pinalis niya ang panibagong luha na tumulo sa kan'yang mga mata. Masakit na ang kan'yang ulo sa kakaiyak subalit kaya niyang indahin iyon kumpara sa sakit ng puso na nadarama niya.Nangyayari na ang kinatatakutan niyang gamitin ni Lucas ang pera nito upang ipagdamot sa kan'ya ang bata."Papasukin mo ako! Kailangan ko'ng makuha ang anak ko!" Dumiretso siya sa mansyon ng mga Valle, kahit pa malalim na ang gabi.Hinarangan siya ng mga tauhan ni Ginang Juana na makapasok sa mataas nitong bakod. Kung dati'y manghang-mangha siya sa ganda ng labas ng mansyon, ngayo'y tila impyerno na ang pagtingin niya dito."Lucas! Lucas! Ilabas mo ang anak ko!" Halos
Puting kisame. Ito ang bumungad sa kan'ya. Buhay siya pero para na din siyang pinatay nang hindi makita ang anak sa loob ng apat na sulok ng kwarto."Inay, nasaan po si Arim?"Tandang-tanda niya pa kung paano naaninag ang mukha ng anak at narinig ang pagtawag nitong 'mama' sa kan'ya.Malungkot na umiling ang ina.Panaginip ba iyon?"Dinala ka dito ng mga tauhan ni Ginang Juana."Nawalan siya nang malay kung kaya nasa ospital siya.Nagpumilit siyang bumangon upang balikan ang anak subalit mariin siyang pinigilan ng ina."Anak, tama na. Huwag ka nang bumalik doon. Napapabayaan mo na ang sarili mo." Lumuluha na ang kan'yang ina."Inay, hindi pwede! Babawiin ko si Arim. Hindi nila pwedeng ilayo sa akin ang anak ko." Puno ng hinagpis ang puso ni Lera subalit pinipili niya ang lumaban."Ano ba Lera! Hindi mo ba nakikita? Wala tayong laban sa mga Valle!" Hindi na nakatiis si Manong Leroy, nahihirapan siyang makita
AFTER THREE YEARS...Niyakap ni Lera ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Sa loob ng halos tatlong taon na pamamalagi sa Hongkong ay nasanay na siya sa klima dito.Matapos mag-alay ng taimtim na panalangin sa puntod ng kan'yang yumaong amo ay bumalik na siya sa kotse kung saan naghihintay ang kaibigan niyang si Maris.Si Maris ang tumulong sa kan'ya upang makapagtrabaho sa Hongkong. Napag-alaman niyang lumipat ito mula Japan dahil mas mataas ang pasahod at higit na maganda ang trabaho dito."Ano'ng plano mo ngayon?"Tiningnan niya ang kaibigan. Sa tuwing tinatanong siya nito noon ay wala siyang maisagot.Namasukan siya bilang tagapangalaga ng isang matandang ginang. Mabait ito. Sa katunayan ay sinuportahan nito ang pagkuha niya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo.Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, subalit sa dalawang taon na nagdaan ay bigo siyang makapag-ipon ng pera na hihigit sa kayamanan ng mga Valle.
Hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo. Wala siyang ideya kung paano makuha ang loob ng isang lalaki. Hindi siya marunong mang-akit. Hindi siya malandi. Halos maubos na ang damit sa cabinet ni Lera subalit 'ni isa ay wala pa din mapili si Maris para sa kaibigan. "Sigurado ka ba d'yan sa 'seduce-seduce' na sinasabi mo? Napakadisente ng mga damit mo. Baka imbes na ang nasa ibaba ni Lucas ang sumaludo sa'yo, ay literal na kamay ang gumawa n'on." Natatawang napairap si Lera sa tinuran ng kaibigan. Ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niyang akitin si Lucas ngunit sa damit pa lang ay bagsak na siya. "Tara bawasan natin 'yang kayamanan mo!" Natagpuan niya ang sarili sa isang sikat na mall sa siyudad. Samu't saring mga revealing na damit ang ipinasukat sa kan'ya ni Maris na kaagad niya din naman binili. "Maris, ano ba? Hindi ko naman iyan magagamit." Napangiwi siya at pilit na ipinapabalik kay Maris ang kinuha nitong pul
Nagsisimula pa lamang ang laro ngunit pakiramdam ni Lera ay panalo na siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Lucas.Malinaw pa ang mata ni Lucas subalit tila nais niya nang magpatingin sa espesyalista. Hindi niya akalaing si Lera ang nasa kan'yang harapan. Ang ina ng kan'yang anak, ang bago niyang estudyante.Pinakiusapan siya bilang substitute instructor ng kan'yang kapatid na si Zeus sa unibersidad na tinuturuan nito ng part time. Hindi niya matanggihan ang kapatid dahil maselan ang pagbubuntis ng asawa nito at kailangan na nasa tabi ito. Sa tatlong taon na lumipas, siya na lamang ang bukod tanging walang asawa sa kanilang magkakapatid.Kun'di lamang sana ..."Sir?"Ang kan'yang sarili ay nanumbalik sa ulirat nang matamis na ngumiti sa kan'ya ni Lera, na animo'y walang kahit anumang nangyari sa kanila sa nakaraan. Para ba'ng hindi niya inilayo ang anak dito."Yes? I mean you may take a seat Miss Santilan."Hindi niya alam
Nakakailang malalim na buntong hininga na si Lera ngunit hindi niya pa din magawang palakasin ang loob."Lera, ano na?" Nayayamot na ang kaibigan niyang si Maris sa paghihintay sa kan'ya. Kanina pa sila nasa loob ng sasakyan sa tapat ng bar na pag-aari ni Samuel."Bakit ko ba kasi siya inimbitahan?" Wala sa sariling tanong ni Lera habang ang mata'y nagmamasid sa labas."Ano ka ba? Ang ganda nga ng style mo. S'yempre nasa bar tayo, madaming alak, which means pwede ka magkunwaring lasing, then pupunta ka kay Sir Lucas mo. 'Yong tipong hirap ka nang maglakad tapos matutumba ka sa kan'ya. Kaso wala ka'ng kasama at hindi niya alam kung saan ka nakatira. Wala siyang choice kun'di iuwi ka sa mansyon nila. Ito ang main event! Maaakit mo na siya."Nagkatinginan si Lera at Peter, na nasa driver's seat, nang marinig ang mga pinagsasabi ng kanilang kaibigan.Isinama niya ang mga ito dahil hindi siya sanay sa mga parties, lalo na sa alak."Wait! Te
Hindi lubos maisip ni Lucas kung bakit sa isang iglap ay nasa kama niya na ang babaeng nais niya sanang iwasan, si Lera.Mahimbing ang pagkakatulog nito sa kan'yang condo unit.Ano na lamang ang mangyayari sa babae kung hindi niya ito nakita?Naalala niya pa kung paano siya nito inimbitahan sa soft opening ng bar ng kan'yang estudyante. Tumugon siyang pupunta subalit ang totoo'y hindi.Kasama niya ang kapatid na si Alexis at Dominic kagabi sa kan'yang condo upang mag-usap tungkol sa negosyo. Pauwi na sana sila sa Sta. Ignacia at si Alexis sa bahay nito sa syudad, nang hindi inaasahang makita nila si Lera sa basement parking habang akay-akay ng apat na lalaki.Mabilis itong nakilala ni Lucas. Masama kaagad ang kutob niya nang makitang walang malay ang babae, kung kaya't walang pag-aalangan siyang lumapit sa mga ito.Naamoy niya ang alak tanda na nanggaling sila sa bar. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng tatl
Kailanman ay hindi akalain ni Lera na ang isang maliit na litrato ay magbibigay sa kan'ya ng pag-asa.Laman ng frame ang larawan ng kan'yang anak. Kitang-kita niya ang saya sa ngiti ng bata. Malungkot siyang napangiti. Kahit papaano'y natutuwa siyang nagawang maging masaya ng anak kahit pa magkalayo sila. Mabuti iyon, dahil higit sa kahit ano pa man ay nais niya ang kasiyahan ng anak."Hindi ko naman alam na may hidden talent ka pala sa pagnanakaw. 'Yong picture ng anak mo mauunawaan ko pa kung bakit mo kinuha. Pero pati ba naman jacket ni Lucas? Ikaw ha, may pagnanasa ka din d'yan sa ama ng anak mo. Aminin mo na kasi!"Sapilitan na hinila ni Lera ang jacket ni Lucas kay Maris nang sininghot-singhot nito iyon ng amoy.Hindi niya akalaing ibabalot iyon sa kan'ya ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay umeepekto ang kan'yang plano."So, ano nga? Ano'ng ginawa n'yo?"Nakapatong pa ang baba ni Maris sa kan'yang kamay habang hinintay na magkwento ang
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,