Hindi lubos maisip ni Lucas kung bakit sa isang iglap ay nasa kama niya na ang babaeng nais niya sanang iwasan, si Lera.
Mahimbing ang pagkakatulog nito sa kan'yang condo unit.
Ano na lamang ang mangyayari sa babae kung hindi niya ito nakita?
Naalala niya pa kung paano siya nito inimbitahan sa soft opening ng bar ng kan'yang estudyante. Tumugon siyang pupunta subalit ang totoo'y hindi.
Kasama niya ang kapatid na si Alexis at Dominic kagabi sa kan'yang condo upang mag-usap tungkol sa negosyo. Pauwi na sana sila sa Sta. Ignacia at si Alexis sa bahay nito sa syudad, nang hindi inaasahang makita nila si Lera sa basement parking habang akay-akay ng apat na lalaki.
Mabilis itong nakilala ni Lucas. Masama kaagad ang kutob niya nang makitang walang malay ang babae, kung kaya't walang pag-aalangan siyang lumapit sa mga ito.
Naamoy niya ang alak tanda na nanggaling sila sa bar. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng tatl
Kailanman ay hindi akalain ni Lera na ang isang maliit na litrato ay magbibigay sa kan'ya ng pag-asa.Laman ng frame ang larawan ng kan'yang anak. Kitang-kita niya ang saya sa ngiti ng bata. Malungkot siyang napangiti. Kahit papaano'y natutuwa siyang nagawang maging masaya ng anak kahit pa magkalayo sila. Mabuti iyon, dahil higit sa kahit ano pa man ay nais niya ang kasiyahan ng anak."Hindi ko naman alam na may hidden talent ka pala sa pagnanakaw. 'Yong picture ng anak mo mauunawaan ko pa kung bakit mo kinuha. Pero pati ba naman jacket ni Lucas? Ikaw ha, may pagnanasa ka din d'yan sa ama ng anak mo. Aminin mo na kasi!"Sapilitan na hinila ni Lera ang jacket ni Lucas kay Maris nang sininghot-singhot nito iyon ng amoy.Hindi niya akalaing ibabalot iyon sa kan'ya ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay umeepekto ang kan'yang plano."So, ano nga? Ano'ng ginawa n'yo?"Nakapatong pa ang baba ni Maris sa kan'yang kamay habang hinintay na magkwento ang
Usap-usapan kinabukasan sa kanilang klase ang sinapit ni Samuel, ngunit nang makita nila ang maliit na sugat sa mukha ni Lucas ay ito na ang naging topic nila."Gwapo pa din si Sir kahit may pasa sa mukha. Mukha siyang bad boy.""Mafia boss.""Baka naman si Sir Lucas ang tumulong sa'yo," bulong ng katabi ni Lera.Umiling siya, hindi bilang sagot kun'di pagkayamot sa kakulangan ng tsismis ng kan'yang mga kaklase. Sana'y hindi niya na kailangan pa'ng sagutin ang tanong ng mga ito.Kagaya kahapon ay hinintay niya si Lucas nang makalabas na ang lahat ng estudyante."Dinner?" tanong niya dito.Tumingin si Lucas sa telepono, wala sa kan'ya ang atensyon. "I'm sorry, I can't."Inaasahan na ni Lera na magbabago ang sagot nito. Mahirap pala na mapa-oo ang isang Lucas Valle.Naalala niya ang sinabi ni Maris na loyal ang lalaki sa nobya nito."Bukas?" Subalit susubok siya.Wala naman itong malisya, pa
Isang simpleng tanong ang binitiwan ni Lera ngunit kakaibang kaba ang naidulot nito para kay Lucas."He's fine. Arim's fine with me. You don't have to be worried about him."Marahan na tumango si Lera. Marami pa siyang nais itanong ngunit pinili niya ang itikom ang bibig. Tumayo siya at napagpasyahan na magpaalam na dito.Naiwan si Lucas na mayroong kaunting awa para kay Lera. Pinagkaitan niya ang babae para maging ina sa kan'yang anak. Subalit hindi niya pinagsisisihan ang nangyari. Ito ang unang bumali sa pag-uusap nila. Tinangka nitong ipagdamot sa kan'ya ang bata. Isa pa'y hindi dapat siya lubos na magtiwala dito lalo pa't mukhang mayroon nang kakayahan ang babae para kalabanin siya.Hindi pumasok si Lera sa kan'yang klase kinahapunan. Hindi niya kayang makita si Lucas at pakitunguhan ito nang naaayon sa kan'yang plano. Napupuno ng galit ang kan'yang puso, natatakot siyang sumabog sa harap nito.Nang mga sumunod na araw ay nakontento siyang sul
"Hindi pa ba sapat na muntik ka nang mahuli kanina? Pagkatapos ngayon ay gusto mo pa'ng pumunta sa condo unit ni Lucas? Okay ka lang ba?"Halos hindi na mailagay nang maayos ni Maris ang mask sa kan'yang mukha dahil sa pangungulit ni Lera na pumunta sila sa condo unit ni Lucas.Nakapuslit kanina si Lera sa clinic ngunit hindi pa rin siya nadadala. Higit ang kan'yang pag-aalala sa anak lalo pa't hindi pumasok si Lucas sa klase nila kanina.Hindi niya alam kung sa Sta. Ignacia ba o sa condo unit nito dinala ang anak, kung kaya't nais niyang puntahan. Gusto niyang masiguro kung maayos na ba si Arim.Binalot niya ang nilutong sopas ng kan'yang ina. Sinamahan niya din iyon ng ginawang cupcake."Mag-iingat ka anak. Hayaan mo at makukuha din natin ang apo ko." Hinaplos pa ni Aling Nora ang balikat ng anak. Katulad nito'y nasasabik na din siya kay Arim.Kinuha ni Lera ang susi ng kotse at dire-diretsong lumabas ng kan'yang bahay nang habulin siya ni
"I don't know if I had to tell you this, but Tito Lucas is settling Arim's school documents, and I heard they'll be back in America by the end of the month."Ang balitang iyon mula kay Chesca ang sumalubong kay Lera.Naalarma siya. Hindi maaaring malayo muli sa kan'ya ang anak. Nakapagsimula na siya sa plano ngayon, hindi niya hahayaan na magsimula muli siya sa wala. Maraming taon at araw na ang ipinagkait sa kan'ya ni Lucas na makapiling ang bata. Hindi niya papayagan na muli itong madagdagan."Bakit daw?"Nagkibit-balikat si Chesca."Ang sabi po ni mommy dahil daw sa nangyari nang isang araw. Mild lang naman ang hika ni Arim dahil nag-a-adjust pa ito sa klima dito, pero gustong-gusto na talaga ni Tito Lucas na bumalik sa America."Kinutuban si Lera, pakiramdam niya'y dahil iyon sa kan'ya."Ate Chesca!"Mula sa malalim na pag-iisip ay napabalikwas siya ng upo sa cafeteria nang marinig ang boses ng anak. Tumat
Nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang larawan nila ng anak na kinuhanan niya kahapon. Kapwa sila masaya doon."Dahil masaya ka, may sulat ka."Tila nakapaskil na sa labi niya ang ngiti nang bumaling siya kay Maris.Kinuha niya ang sulat at binuksan iyon. Court hearing laban sa kasong isinampa niya kay Samuel."Oo nga pala." Nakaligtaan niya na ito dahil sa pagiging abala sa anak."Tumawag din nga pala si attorney kanina. Nagpadala daw siya ng imbitasyon kay Lucas para maging witness kaso mukhang walang balak um-attend ang lalaking iyon."Sa halip na sumimangot ay mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Lera. Minsan lang umayon ang tadhana sa kan'ya ngunit nilulubos-lubos naman nito.Isang ideya ang pumasok sa kan'yang isipan upang mapigilan ang pagbalik ni Lucas at Arim sa America."Sir Lucas, court hearing na sa susunod na araw. Pwede ka ba'ng magbigay ng statement laban kay Samuel? Dalawang beses mo naman akong in
"What's with that face Lera? You won the case!" tanong ni Peter sa kaibigan nang sumakay sila ng kotse galing sa korte. Isinandal ni Lera ang ulo sa bintana ng shotgun seat habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. "If the case involved my child's custody, I'd be overjoyed to win it." Nanalo siya sa kaso laban kay Samuel. Mabuti na lamang ay dumating ang mga kaibigan nito upang magbigay ng statement pabor sa kan'ya. Hindi sumipot si Lucas ngunit nasa Pilipinas pa ito. Natatakot lamang si Lera na anumang oras ay maaari na itong umalis ng bansa kasama ang anak. Malapit nang matapos ang semestre kaya nawawalan na siya ng pag-asa. "Kung kidnap-in na lang kaya natin ang anak mo?" suhestyon ni Maris na sa likod nila nakaupo. "What a helpful suggestion Marissa," sarkastikong sabat dito ni Peter. Sumagi na iyon sa isipan ni Lera at inaamin niya na kaunti na lamang ay gagawin niya na. "Peter, dumiretso tayo sa Sta.
"Class dismissed."Umingay ang buong klase ni Lucas nang bitbitin niya na ang mga testpapers upang lumabas ng silid."Sir! Hindi na po ba talaga kayo magtuturo kahit isang subject lang?""Dito na lang po kayo sir sa university. Mas masaya po mag-aral kapag ikaw ang nagtuturo."Ngumisi si Lucas nang marinig ang pambobola ng kan'yang mga estudyante kahit pa para sa mga ito ay totoo iyon.Tapos na ang semestre, hudyat para bumalik na ang kan'yang kapatid na si Zeus sa pagtuturo. Isa pa'y nakahanda na din ang plane ticket nila ng anak pabalik ng America.Hindi sinasadyang huminto ni Lucas sa harapan ng upuan ni Lera upang lingunin ang mga estudyante."Thank you class. Your grades will be released next week."Naglagay siya nang kaunting ngiti sa labi ngunit hindi pa rin tapos ang mga ito sa pangungulit sa kan'ya."Night out tayo sir!""Please sir!""Pa-despidida n'yo po!"Buong klase ay nagkakagulo habang
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,