Nakakailang malalim na buntong hininga na si Lera ngunit hindi niya pa din magawang palakasin ang loob.
"Lera, ano na?" Nayayamot na ang kaibigan niyang si Maris sa paghihintay sa kan'ya. Kanina pa sila nasa loob ng sasakyan sa tapat ng bar na pag-aari ni Samuel.
"Bakit ko ba kasi siya inimbitahan?" Wala sa sariling tanong ni Lera habang ang mata'y nagmamasid sa labas.
"Ano ka ba? Ang ganda nga ng style mo. S'yempre nasa bar tayo, madaming alak, which means pwede ka magkunwaring lasing, then pupunta ka kay Sir Lucas mo. 'Yong tipong hirap ka nang maglakad tapos matutumba ka sa kan'ya. Kaso wala ka'ng kasama at hindi niya alam kung saan ka nakatira. Wala siyang choice kun'di iuwi ka sa mansyon nila. Ito ang main event! Maaakit mo na siya."
Nagkatinginan si Lera at Peter, na nasa driver's seat, nang marinig ang mga pinagsasabi ng kanilang kaibigan.
Isinama niya ang mga ito dahil hindi siya sanay sa mga parties, lalo na sa alak.
"Wait! Te
Hindi lubos maisip ni Lucas kung bakit sa isang iglap ay nasa kama niya na ang babaeng nais niya sanang iwasan, si Lera.Mahimbing ang pagkakatulog nito sa kan'yang condo unit.Ano na lamang ang mangyayari sa babae kung hindi niya ito nakita?Naalala niya pa kung paano siya nito inimbitahan sa soft opening ng bar ng kan'yang estudyante. Tumugon siyang pupunta subalit ang totoo'y hindi.Kasama niya ang kapatid na si Alexis at Dominic kagabi sa kan'yang condo upang mag-usap tungkol sa negosyo. Pauwi na sana sila sa Sta. Ignacia at si Alexis sa bahay nito sa syudad, nang hindi inaasahang makita nila si Lera sa basement parking habang akay-akay ng apat na lalaki.Mabilis itong nakilala ni Lucas. Masama kaagad ang kutob niya nang makitang walang malay ang babae, kung kaya't walang pag-aalangan siyang lumapit sa mga ito.Naamoy niya ang alak tanda na nanggaling sila sa bar. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng tatl
Kailanman ay hindi akalain ni Lera na ang isang maliit na litrato ay magbibigay sa kan'ya ng pag-asa.Laman ng frame ang larawan ng kan'yang anak. Kitang-kita niya ang saya sa ngiti ng bata. Malungkot siyang napangiti. Kahit papaano'y natutuwa siyang nagawang maging masaya ng anak kahit pa magkalayo sila. Mabuti iyon, dahil higit sa kahit ano pa man ay nais niya ang kasiyahan ng anak."Hindi ko naman alam na may hidden talent ka pala sa pagnanakaw. 'Yong picture ng anak mo mauunawaan ko pa kung bakit mo kinuha. Pero pati ba naman jacket ni Lucas? Ikaw ha, may pagnanasa ka din d'yan sa ama ng anak mo. Aminin mo na kasi!"Sapilitan na hinila ni Lera ang jacket ni Lucas kay Maris nang sininghot-singhot nito iyon ng amoy.Hindi niya akalaing ibabalot iyon sa kan'ya ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay umeepekto ang kan'yang plano."So, ano nga? Ano'ng ginawa n'yo?"Nakapatong pa ang baba ni Maris sa kan'yang kamay habang hinintay na magkwento ang
Usap-usapan kinabukasan sa kanilang klase ang sinapit ni Samuel, ngunit nang makita nila ang maliit na sugat sa mukha ni Lucas ay ito na ang naging topic nila."Gwapo pa din si Sir kahit may pasa sa mukha. Mukha siyang bad boy.""Mafia boss.""Baka naman si Sir Lucas ang tumulong sa'yo," bulong ng katabi ni Lera.Umiling siya, hindi bilang sagot kun'di pagkayamot sa kakulangan ng tsismis ng kan'yang mga kaklase. Sana'y hindi niya na kailangan pa'ng sagutin ang tanong ng mga ito.Kagaya kahapon ay hinintay niya si Lucas nang makalabas na ang lahat ng estudyante."Dinner?" tanong niya dito.Tumingin si Lucas sa telepono, wala sa kan'ya ang atensyon. "I'm sorry, I can't."Inaasahan na ni Lera na magbabago ang sagot nito. Mahirap pala na mapa-oo ang isang Lucas Valle.Naalala niya ang sinabi ni Maris na loyal ang lalaki sa nobya nito."Bukas?" Subalit susubok siya.Wala naman itong malisya, pa
Isang simpleng tanong ang binitiwan ni Lera ngunit kakaibang kaba ang naidulot nito para kay Lucas."He's fine. Arim's fine with me. You don't have to be worried about him."Marahan na tumango si Lera. Marami pa siyang nais itanong ngunit pinili niya ang itikom ang bibig. Tumayo siya at napagpasyahan na magpaalam na dito.Naiwan si Lucas na mayroong kaunting awa para kay Lera. Pinagkaitan niya ang babae para maging ina sa kan'yang anak. Subalit hindi niya pinagsisisihan ang nangyari. Ito ang unang bumali sa pag-uusap nila. Tinangka nitong ipagdamot sa kan'ya ang bata. Isa pa'y hindi dapat siya lubos na magtiwala dito lalo pa't mukhang mayroon nang kakayahan ang babae para kalabanin siya.Hindi pumasok si Lera sa kan'yang klase kinahapunan. Hindi niya kayang makita si Lucas at pakitunguhan ito nang naaayon sa kan'yang plano. Napupuno ng galit ang kan'yang puso, natatakot siyang sumabog sa harap nito.Nang mga sumunod na araw ay nakontento siyang sul
"Hindi pa ba sapat na muntik ka nang mahuli kanina? Pagkatapos ngayon ay gusto mo pa'ng pumunta sa condo unit ni Lucas? Okay ka lang ba?"Halos hindi na mailagay nang maayos ni Maris ang mask sa kan'yang mukha dahil sa pangungulit ni Lera na pumunta sila sa condo unit ni Lucas.Nakapuslit kanina si Lera sa clinic ngunit hindi pa rin siya nadadala. Higit ang kan'yang pag-aalala sa anak lalo pa't hindi pumasok si Lucas sa klase nila kanina.Hindi niya alam kung sa Sta. Ignacia ba o sa condo unit nito dinala ang anak, kung kaya't nais niyang puntahan. Gusto niyang masiguro kung maayos na ba si Arim.Binalot niya ang nilutong sopas ng kan'yang ina. Sinamahan niya din iyon ng ginawang cupcake."Mag-iingat ka anak. Hayaan mo at makukuha din natin ang apo ko." Hinaplos pa ni Aling Nora ang balikat ng anak. Katulad nito'y nasasabik na din siya kay Arim.Kinuha ni Lera ang susi ng kotse at dire-diretsong lumabas ng kan'yang bahay nang habulin siya ni
"I don't know if I had to tell you this, but Tito Lucas is settling Arim's school documents, and I heard they'll be back in America by the end of the month."Ang balitang iyon mula kay Chesca ang sumalubong kay Lera.Naalarma siya. Hindi maaaring malayo muli sa kan'ya ang anak. Nakapagsimula na siya sa plano ngayon, hindi niya hahayaan na magsimula muli siya sa wala. Maraming taon at araw na ang ipinagkait sa kan'ya ni Lucas na makapiling ang bata. Hindi niya papayagan na muli itong madagdagan."Bakit daw?"Nagkibit-balikat si Chesca."Ang sabi po ni mommy dahil daw sa nangyari nang isang araw. Mild lang naman ang hika ni Arim dahil nag-a-adjust pa ito sa klima dito, pero gustong-gusto na talaga ni Tito Lucas na bumalik sa America."Kinutuban si Lera, pakiramdam niya'y dahil iyon sa kan'ya."Ate Chesca!"Mula sa malalim na pag-iisip ay napabalikwas siya ng upo sa cafeteria nang marinig ang boses ng anak. Tumat
Nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang larawan nila ng anak na kinuhanan niya kahapon. Kapwa sila masaya doon."Dahil masaya ka, may sulat ka."Tila nakapaskil na sa labi niya ang ngiti nang bumaling siya kay Maris.Kinuha niya ang sulat at binuksan iyon. Court hearing laban sa kasong isinampa niya kay Samuel."Oo nga pala." Nakaligtaan niya na ito dahil sa pagiging abala sa anak."Tumawag din nga pala si attorney kanina. Nagpadala daw siya ng imbitasyon kay Lucas para maging witness kaso mukhang walang balak um-attend ang lalaking iyon."Sa halip na sumimangot ay mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Lera. Minsan lang umayon ang tadhana sa kan'ya ngunit nilulubos-lubos naman nito.Isang ideya ang pumasok sa kan'yang isipan upang mapigilan ang pagbalik ni Lucas at Arim sa America."Sir Lucas, court hearing na sa susunod na araw. Pwede ka ba'ng magbigay ng statement laban kay Samuel? Dalawang beses mo naman akong in
"What's with that face Lera? You won the case!" tanong ni Peter sa kaibigan nang sumakay sila ng kotse galing sa korte. Isinandal ni Lera ang ulo sa bintana ng shotgun seat habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. "If the case involved my child's custody, I'd be overjoyed to win it." Nanalo siya sa kaso laban kay Samuel. Mabuti na lamang ay dumating ang mga kaibigan nito upang magbigay ng statement pabor sa kan'ya. Hindi sumipot si Lucas ngunit nasa Pilipinas pa ito. Natatakot lamang si Lera na anumang oras ay maaari na itong umalis ng bansa kasama ang anak. Malapit nang matapos ang semestre kaya nawawalan na siya ng pag-asa. "Kung kidnap-in na lang kaya natin ang anak mo?" suhestyon ni Maris na sa likod nila nakaupo. "What a helpful suggestion Marissa," sarkastikong sabat dito ni Peter. Sumagi na iyon sa isipan ni Lera at inaamin niya na kaunti na lamang ay gagawin niya na. "Peter, dumiretso tayo sa Sta.