AFTER THREE YEARS...
Niyakap ni Lera ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. Sa loob ng halos tatlong taon na pamamalagi sa Hongkong ay nasanay na siya sa klima dito.
Matapos mag-alay ng taimtim na panalangin sa puntod ng kan'yang yumaong amo ay bumalik na siya sa kotse kung saan naghihintay ang kaibigan niyang si Maris.
Si Maris ang tumulong sa kan'ya upang makapagtrabaho sa Hongkong. Napag-alaman niyang lumipat ito mula Japan dahil mas mataas ang pasahod at higit na maganda ang trabaho dito.
"Ano'ng plano mo ngayon?"
Tiningnan niya ang kaibigan. Sa tuwing tinatanong siya nito noon ay wala siyang maisagot.
Namasukan siya bilang tagapangalaga ng isang matandang ginang. Mabait ito. Sa katunayan ay sinuportahan nito ang pagkuha niya ng dalawang taong kurso sa kolehiyo.
Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, subalit sa dalawang taon na nagdaan ay bigo siyang makapag-ipon ng pera na hihigit sa kayamanan ng mga Valle.
Hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo. Wala siyang ideya kung paano makuha ang loob ng isang lalaki. Hindi siya marunong mang-akit. Hindi siya malandi. Halos maubos na ang damit sa cabinet ni Lera subalit 'ni isa ay wala pa din mapili si Maris para sa kaibigan. "Sigurado ka ba d'yan sa 'seduce-seduce' na sinasabi mo? Napakadisente ng mga damit mo. Baka imbes na ang nasa ibaba ni Lucas ang sumaludo sa'yo, ay literal na kamay ang gumawa n'on." Natatawang napairap si Lera sa tinuran ng kaibigan. Ang lakas ng loob niyang sabihin na kaya niyang akitin si Lucas ngunit sa damit pa lang ay bagsak na siya. "Tara bawasan natin 'yang kayamanan mo!" Natagpuan niya ang sarili sa isang sikat na mall sa siyudad. Samu't saring mga revealing na damit ang ipinasukat sa kan'ya ni Maris na kaagad niya din naman binili. "Maris, ano ba? Hindi ko naman iyan magagamit." Napangiwi siya at pilit na ipinapabalik kay Maris ang kinuha nitong pul
Nagsisimula pa lamang ang laro ngunit pakiramdam ni Lera ay panalo na siya nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Lucas.Malinaw pa ang mata ni Lucas subalit tila nais niya nang magpatingin sa espesyalista. Hindi niya akalaing si Lera ang nasa kan'yang harapan. Ang ina ng kan'yang anak, ang bago niyang estudyante.Pinakiusapan siya bilang substitute instructor ng kan'yang kapatid na si Zeus sa unibersidad na tinuturuan nito ng part time. Hindi niya matanggihan ang kapatid dahil maselan ang pagbubuntis ng asawa nito at kailangan na nasa tabi ito. Sa tatlong taon na lumipas, siya na lamang ang bukod tanging walang asawa sa kanilang magkakapatid.Kun'di lamang sana ..."Sir?"Ang kan'yang sarili ay nanumbalik sa ulirat nang matamis na ngumiti sa kan'ya ni Lera, na animo'y walang kahit anumang nangyari sa kanila sa nakaraan. Para ba'ng hindi niya inilayo ang anak dito."Yes? I mean you may take a seat Miss Santilan."Hindi niya alam
Nakakailang malalim na buntong hininga na si Lera ngunit hindi niya pa din magawang palakasin ang loob."Lera, ano na?" Nayayamot na ang kaibigan niyang si Maris sa paghihintay sa kan'ya. Kanina pa sila nasa loob ng sasakyan sa tapat ng bar na pag-aari ni Samuel."Bakit ko ba kasi siya inimbitahan?" Wala sa sariling tanong ni Lera habang ang mata'y nagmamasid sa labas."Ano ka ba? Ang ganda nga ng style mo. S'yempre nasa bar tayo, madaming alak, which means pwede ka magkunwaring lasing, then pupunta ka kay Sir Lucas mo. 'Yong tipong hirap ka nang maglakad tapos matutumba ka sa kan'ya. Kaso wala ka'ng kasama at hindi niya alam kung saan ka nakatira. Wala siyang choice kun'di iuwi ka sa mansyon nila. Ito ang main event! Maaakit mo na siya."Nagkatinginan si Lera at Peter, na nasa driver's seat, nang marinig ang mga pinagsasabi ng kanilang kaibigan.Isinama niya ang mga ito dahil hindi siya sanay sa mga parties, lalo na sa alak."Wait! Te
Hindi lubos maisip ni Lucas kung bakit sa isang iglap ay nasa kama niya na ang babaeng nais niya sanang iwasan, si Lera.Mahimbing ang pagkakatulog nito sa kan'yang condo unit.Ano na lamang ang mangyayari sa babae kung hindi niya ito nakita?Naalala niya pa kung paano siya nito inimbitahan sa soft opening ng bar ng kan'yang estudyante. Tumugon siyang pupunta subalit ang totoo'y hindi.Kasama niya ang kapatid na si Alexis at Dominic kagabi sa kan'yang condo upang mag-usap tungkol sa negosyo. Pauwi na sana sila sa Sta. Ignacia at si Alexis sa bahay nito sa syudad, nang hindi inaasahang makita nila si Lera sa basement parking habang akay-akay ng apat na lalaki.Mabilis itong nakilala ni Lucas. Masama kaagad ang kutob niya nang makitang walang malay ang babae, kung kaya't walang pag-aalangan siyang lumapit sa mga ito.Naamoy niya ang alak tanda na nanggaling sila sa bar. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang magkakapatid at ng tatl
Kailanman ay hindi akalain ni Lera na ang isang maliit na litrato ay magbibigay sa kan'ya ng pag-asa.Laman ng frame ang larawan ng kan'yang anak. Kitang-kita niya ang saya sa ngiti ng bata. Malungkot siyang napangiti. Kahit papaano'y natutuwa siyang nagawang maging masaya ng anak kahit pa magkalayo sila. Mabuti iyon, dahil higit sa kahit ano pa man ay nais niya ang kasiyahan ng anak."Hindi ko naman alam na may hidden talent ka pala sa pagnanakaw. 'Yong picture ng anak mo mauunawaan ko pa kung bakit mo kinuha. Pero pati ba naman jacket ni Lucas? Ikaw ha, may pagnanasa ka din d'yan sa ama ng anak mo. Aminin mo na kasi!"Sapilitan na hinila ni Lera ang jacket ni Lucas kay Maris nang sininghot-singhot nito iyon ng amoy.Hindi niya akalaing ibabalot iyon sa kan'ya ng lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay umeepekto ang kan'yang plano."So, ano nga? Ano'ng ginawa n'yo?"Nakapatong pa ang baba ni Maris sa kan'yang kamay habang hinintay na magkwento ang
Usap-usapan kinabukasan sa kanilang klase ang sinapit ni Samuel, ngunit nang makita nila ang maliit na sugat sa mukha ni Lucas ay ito na ang naging topic nila."Gwapo pa din si Sir kahit may pasa sa mukha. Mukha siyang bad boy.""Mafia boss.""Baka naman si Sir Lucas ang tumulong sa'yo," bulong ng katabi ni Lera.Umiling siya, hindi bilang sagot kun'di pagkayamot sa kakulangan ng tsismis ng kan'yang mga kaklase. Sana'y hindi niya na kailangan pa'ng sagutin ang tanong ng mga ito.Kagaya kahapon ay hinintay niya si Lucas nang makalabas na ang lahat ng estudyante."Dinner?" tanong niya dito.Tumingin si Lucas sa telepono, wala sa kan'ya ang atensyon. "I'm sorry, I can't."Inaasahan na ni Lera na magbabago ang sagot nito. Mahirap pala na mapa-oo ang isang Lucas Valle.Naalala niya ang sinabi ni Maris na loyal ang lalaki sa nobya nito."Bukas?" Subalit susubok siya.Wala naman itong malisya, pa
Isang simpleng tanong ang binitiwan ni Lera ngunit kakaibang kaba ang naidulot nito para kay Lucas."He's fine. Arim's fine with me. You don't have to be worried about him."Marahan na tumango si Lera. Marami pa siyang nais itanong ngunit pinili niya ang itikom ang bibig. Tumayo siya at napagpasyahan na magpaalam na dito.Naiwan si Lucas na mayroong kaunting awa para kay Lera. Pinagkaitan niya ang babae para maging ina sa kan'yang anak. Subalit hindi niya pinagsisisihan ang nangyari. Ito ang unang bumali sa pag-uusap nila. Tinangka nitong ipagdamot sa kan'ya ang bata. Isa pa'y hindi dapat siya lubos na magtiwala dito lalo pa't mukhang mayroon nang kakayahan ang babae para kalabanin siya.Hindi pumasok si Lera sa kan'yang klase kinahapunan. Hindi niya kayang makita si Lucas at pakitunguhan ito nang naaayon sa kan'yang plano. Napupuno ng galit ang kan'yang puso, natatakot siyang sumabog sa harap nito.Nang mga sumunod na araw ay nakontento siyang sul
"Hindi pa ba sapat na muntik ka nang mahuli kanina? Pagkatapos ngayon ay gusto mo pa'ng pumunta sa condo unit ni Lucas? Okay ka lang ba?"Halos hindi na mailagay nang maayos ni Maris ang mask sa kan'yang mukha dahil sa pangungulit ni Lera na pumunta sila sa condo unit ni Lucas.Nakapuslit kanina si Lera sa clinic ngunit hindi pa rin siya nadadala. Higit ang kan'yang pag-aalala sa anak lalo pa't hindi pumasok si Lucas sa klase nila kanina.Hindi niya alam kung sa Sta. Ignacia ba o sa condo unit nito dinala ang anak, kung kaya't nais niyang puntahan. Gusto niyang masiguro kung maayos na ba si Arim.Binalot niya ang nilutong sopas ng kan'yang ina. Sinamahan niya din iyon ng ginawang cupcake."Mag-iingat ka anak. Hayaan mo at makukuha din natin ang apo ko." Hinaplos pa ni Aling Nora ang balikat ng anak. Katulad nito'y nasasabik na din siya kay Arim.Kinuha ni Lera ang susi ng kotse at dire-diretsong lumabas ng kan'yang bahay nang habulin siya ni