Thank you po sa inyong lahat ❤️
MEC-MECNaiwan akong nakatulala dito sa unit ko. Pakiramdam ko ay totoo ang sinasabi niya na mahal niya ako. Pero ayaw ko ng maniwala dahil baka masaktan lang ako. Baka sinabi na naman niya ‘yon para bilugin ang ulo ko. At paikutin ako sa palad niya. O para patawarin ko siya.Nang mahimasmasan na ako ay pumasok ako sa silid ko. Umiyak ako ng umiyak. Alam ko na hindi maganda na palagi akong umiiyak pero hindi ko naman kayang pigilan ang sarili ko. Pinipilit ko ang sarili ko na maging malakas pero alam ko rin na mahina ako. “Sorry, baby. Sorry kasi umiiyak na naman si mommy. I’m sorry po.” sabi ko habang hinahaplos ko ang tiyan ko.****Masama ang pakiramdam ko nang gumising ako. Kaya naman tanghali na ako bumangon. Mommy: Anak, alam ko na masama ang pakiramdam mo tuwing umaga. Kaya simula sa lunes ay may pupunta na diyan para magluto ng breakfast mo. And one more thing, ‘wag mong pilitin na pumasok sa boutique kapag masama ang pakiramdam mo.Basa ko sa mensahe na pinadala ni mommy. M
MEC-MEC“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kapatid ko.“Simula ngayon ay dito na ako titira. Sasamahan kita, ate.” nakangiti na sagot niya sa akin.“Bakit?” naguguluhan na tanong ko sa kanya.“Kasi wala kang kasama dito. Baka kasi malungkot ka. Baka malungkot kayo ni baby.” nakangiti pa rin siya sa akin.“Hindi ka ba galit sa akin?”“Bakit naman ako magagalit sa ‘yo, ate? Dahil ba kay Kuya Mark? Bakit ako magagalit?” tanong rin niya sa akin.“I’m sorry,” sabi ko sa kanya ay may pumatak na luha sa mga mata ko.“Don’t cry, Ate. Kasi umiiyak rin ang baby mo. We don’t have the right to judge you. Kasi hindi naman namin alam ang nararamdaman mo. Kung ako ang tatanungin ay wala namang mali kung minahal mo si kuya ng higit pa sa isang kapatid. Pero hindi rin naman natin mababago ang katotohanan na may asawa na siya ngayon. And we understand kung bakit ito nangyari. Kasi kasalanan ni kuya. He lied to you, hindi niya sinabi ang totoo. Pero hindi rin naman namin masisi si kuya kasi kahit kam
MEC-MEC“Hindi ka ba nakakatulog, lately?” tanong sa akin ni Tita Mireya.Nandito siya ngayon para i-check ako. Ayaw naman niya na pumunta pa ako sa clinic niya. Dahil mainit raw ang panahon at baka mapagod lang ako.“Hindi po ako makatulog sa gabi.” sagot ko sa kanya.“Alam mo naman na bawal magpuyat ang buntis. Mukhang stress ka at may iniisip. Mababa ang dugo mo. Kailangan mong inumin ang folic acid vitamins mo.” sabi niya sa akin.“Sorry po, tita.” sabi ko sa kanya.“Si Mark, siya ba ang dahilan?Nag-aalala ka ba sa kanya?” tanong niya sa akin.“Galit po ako sa kanya. Pero nami-miss ko po siya. Palagi ko pong hinahanap ang amoy niya. Gusto ko po siyang makita, pero alam ko naman na hindi puwede. Naiinis ako sa sarili ko, tita.” pag-amin ko sa kanya.“Bakit hindi mo siya tawagan?” “Hindi po puwede.” sagot ko sa kanya.“Mahirap kalaban ang puso diba? Lalo na mahal mo,” sabi niya sa akin.“Gusto ko na po siyang kalimutan, tita. Gusto kong mabuhay na masaya. Mabuhay na tulad ng dati.”
MEC-MEC“Are you sure apo na sasama ka sa akin sa Batangas?” tanong sa akin ni lola.“Opo, lola.” sagot ko sa kanya.“Okay, apo ko.” nakangiti na sabi niya sa akin.Kumapit ako kay mamita habang naglalakad kami papunta sa may kotse. Ihahatid kami ni Theo sa Batangas. Habang nasa biyahe kami ay nagkukwento si lola. Ako naman ay nakikinig lang sa kanya.“Are you hungry?” tanong sa akin ni Theo.“Hindi,” sagot ko sa kanya.“Are you sure?”“Opo,” mataray na sagot ko sa kanya.“Kayo talagang dalawa. Hindi pa rin kayo nagbabago. Mula noon hanggang ngayon nag-aaway pa rin kayo.” sabi ni lola.Hindi kami kumibo na dalawa. Kasi tama naman si lola. Simula pa lang noong mga bata pa kaming dalawa ni Theo ay palagi na kaming nag-aaway. Wala yatang araw na hindi kami nagkaka-pikunan. Minsan nga iniisip ko na ganito yata ang lambingan naming dalawa. Malambing siya sa mga kapatid namin pero sa akin hindi. Kaya minsan iniisip ko na may samasiya ng loob sa akin.“Alam niyo malalaki na kayo. Dapat nagkak
MEC-MEC “Lola, nakauwi na po ako–” Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin. Si Mark, nandito siya at katabi niya si lola na nakaupo sa sofa. “Apo, dinalaw ako ni Mark.” sabi niya sa akin. “Hi,” bati niya sa akin na para bang nahihiya siya sa akin. I didn’t respond to him. Hindi ko siya binati pabalik. Hindi naman kasi kailangan. Umiwas rin ako ng tingin sa kanya. “Pasok po muna ako sa silid ko, lola.” paalam ko kay lola. “Sige, apo. Napagod ka ba sa kakalakad mo?” nakangiti na sabi niya sa akin. Mabilis akong pumasok sa room ko. “Bakit siya nandito?” tanong ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit. Ilang linggo rin kaming hindi nagkita. Napansin ko na parang pagod na pagod ang mukha niya. Aaminin ko na may saya akong nararamdaman ngayon. Ilang araw ko na rin kasi talang gusto na makita siya. Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil gusto ni baby. “Baby, nakita mo ba ang daddy mo? Siguro naman ngayon ay masaya kana?” kausap ko sa anak ko. “Lihim na lang tayon
MEC-MEC“Nagsisinungaling ka na naman sa akin.” sabi ko sa kanya.“Alam ko na mahirap paniwalaan pero ‘yon ang totoo, baby. Maniwala ka man o hindi pero totoo ang sinasabi ko.” nakangiti na sabi niya sa akin.“Tama na nga, ayaw ko ng marinig pa. Sinasabi mo na naman ‘yan dahil paglalaruan mo na naman ako.” sabi ko sa kanya.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo, baby. Pero isa lang ang sigurado ako hindi ka naging kabit.” sabi niya sa akin at walang pasabi akong hinalikan sa labi.“Ano ba?! Huwag mo nga akong halikan.” naiinis na sabi ko sa kanya.“Sorry, baby.” hingi niya ng paumanhin sa akin.“Umalis kana.” sabi ko sa kanya.“Sige, aalis na ako. Ayaw ko na dagdagan pa ang galit mo sa akin. Babalik ako dito, baby.” sabi niya.“Kahit ‘wag ka ng bumalik.” sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.Dumiretso ako sa silid ko at hindi na ako lumingon pa. Umupo ako sa kama ko. Naguguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Kaya naman mabilis kong tinawagan ang daddy ko.
MARKAlam ko na galit siya akin. At tanggap ko na malamig ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi ko inaasahan na malalaman ko. She hid her pregnancy sa ‘kin. Ganoon siya ka galit sa akin. At nasaktan ako nang sumagot siya na may balak siyang itago ang bata sa akin. At isa ‘yon sa mga masasakit na salita na narinig ko.Wala akong pakialam kung lumuhod man ako sa harapan niya. Alam ko na hindi niya ako kayang patawarin pero ayaw ko na mawala sa akin ang anak ko. Sobrang saya ko. Masaya ako dahil sa wakas ay may dahilan pa ako para lumaban. Para makuha ulit siya. “Tumayo ka na d’yan at umalis ka na. Ngayon ay alam mo na ang tungkol sa anak mo. Hindi ko ipagkakait ang karapatan mo sa kanya. Ayaw ko lang na guluhin mo ang buhay ko.” sabi niya sa akin.“Thank you,” sabi ko sa kanya.“Lumabas kana,” utos niya sa akin.Hindi na ako kumontra pa. Lumabas ako sa silid niya. At malungkot na nakatingin sa akin si lola. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Umiyak ako ng umiyak. “Ok
MEC-MECMaaga ulit akong gumising para maglakad. Gusto ko na itong gawin na daily routine ko. Ang sabi ni Tita Mireya ay maganda rin daw itong exercise. Kung noon ay bihira lang akong magpa-araw. Ngayon naman ay gusto ko na itong gawin palagi.“Apo, sasama ka ba sa akin mamaya?” tanong sa akin ni lola.“Saan po, lola?”“Sa bahay ni Mayor. May party kasi at imbitado ako.” sagot niya sa akin.“Sige po, lola.” saad ko sa kanya.“Sige, apo umalis kana baka mamaya ay sobrang init na sa labas.” sabi niya sa akin.“Sige po, alis na ako lola.” Habang palabas ako sa bahay ay biglang dumating si Mark. May dala na naman siyang bulaklak.“Good morning, baby.” bati niya sa akin habang nakangiti.“Bakit ka nandito? Wala kana bang hang-over?” tanong ko sa kanya.“Wala na,” sagot niya sa akin.“For you,” sabi niya sabay abot ng bulaklak.Nakatingin lang ako sa bulaklak na hawak niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi?“Paki-lagay na lang sa loob.” sabi ko sa kanya at nilagpasan ko siya.“S
HELLO po sa inyong lahat,Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumubaybay sa story na ito. Alam ko na marami po akong absent dito at humihingi po ako ng pasensya sa inyong mga naghintay ng matagal. Masaya po ako na kahit medyo matagal akong nawala ay hindi niyo ako iniwan. Ang story po ni Theo ay ihihiwalay ko po dito. Hindi ko pa po alam kung kailan ko isusulat dahil may bago akong story na ilalabas soon. Sana ay suportahan niyo rin po ito kapag lumabas na. Thank you po sa inyong mga nag-add nitong story, sa mga nagbigay ng Gems, sa mga comments. at sa inyong lahat na nagbabasa sa story na ito. May mga pagkakataon na nakakapagod magsulat pero dahil sa inyo kaya ko pinipili pa rin na magsulat. Magpapahinga pero magsusulat pa rin. Thank you so much po sa inyong lahat and God bless you!STAY HAPPY AND HEALTHY!LIST OF MY COMPLETED STORIES1. MY SECRETARY IS A SINGLE MOM2. LOVING, MR. CHEF3. MR. BLAKE, THE MYSTERIOUS BILLIONAIRE4. PROFESSOR'S MAID5. TRAPPED BY A HOT PROFESSOR6.
MEC-MEC3 YEARS LATER…“Mama, may gusto ka po bang kainin?” tanong sa akin ni Macky.“Wala po,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Hindi po ba nagugutom si baby?” nakangiti na tanong niya at hinaplos ang tiyan ko.“Hindi pa po siya nagugutom.” malambing na sagot ko sa panganay kong anak.“Kapag may gusto ka po ay sabihin mo po sa akin, mama. Ang sabi ni papa ay ako po muna ang mag-aalaga sa ‘yo habang wala siya. Ako po muna ang mag-aalaga sa inyo.” “Ang galing naman ng Kuya Macky namin. Maasahan na talaga ni papa. Sigurado ako na matutuwa ang papa mo kapag nalaman niya na sobrang maasahan na ang kuya namin,” sabi ko sa kanya.Nasa business trip kasi ang asawa ko at limang buwan na akong buntis. Sa dami ng nangyari sa buhay namin talagang hindi naging madali ang lahat. Mahirap pero kinaya namin.Minsan ay naaalala ko pa ang nangyari three years ago. Parang bangungot pero dahil nasa tabi ko ang mag-ama ko ay nalagpasan namin ni Macky ang lahat. Hindi lang ako ang nahihirapan kundi pati na
MEC-MEC Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na may nangyari sa anak namin. Mabuti na lang at mabilis namin siyang nadala sa pinakamalapit na ospital. Ligtas na siya ngayon dahil ang tubig na iniinom niya kanina ay may lason pala. “Kasalanan ko ito, sana hindi ko na lang siya pinainom ng tubig niya.” umiiyak na sabi ko habang nakaupo sa tabi ng anak ko at hawak ko ang kamay niya. “Mahal, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan, okay. Pina-imbestigahan ko na ito. At hindi ko hahayaan na hindi managot ang tunay na may gawa nito. Kahit pa kilala ko na kung sino.” sabi sa akin ni Mark. “Huwag siyang magpapakita sa akin dahil baka mapatay ko siya. Baliw siya, papatayin niya ang anak natin.” umiiyak na sambit ko. “Sorry, mahal. Alam ko na may pagkukulang ako. Alam ko na ako ang may kasalanan kaya ito nangyayari. I’m really sorry dahil wala na naman akong nagawa,” umiiyak na sabi ng asawa ko. “Wala kang kasalanan at may ginawa ka. Kung hindi natin dinala agad ang anak natin dito
MEC-MEC“Mahal, sa tingin mo tama ang ginawa natin?” tanong ko sa asawa ko na ngayon ay paakyat na kami sa office niya.Tinawagan niya kasi ako kung gusto ko daw siyang puntahan. Hindi ko naman alam na nasa labas pala si Tina kaya tuloy hindi ko na napigilan ang sarili ko na magmaldita sa kanya.Nakaramdam rin ako ng awa sa anak niya pero kasi kaysa ang anak ko naman ang pagbantaan niya. Umaasa kami na sa ginawa ng asawa ko ay mapapaalis namin siya sa school. Sila ng anak niya, gustong-gusto ko ang tahimik na buhay pero itong mga babae na baliw sa asawa ko ang nagiging dahilan kaya kami nagugulo.“May problema ba?” tanong niya sa akin.“Nag-aalala lang ako kay Macky.” sagot ko sa kanya.“Okay lang siya, sinabihan ko na rin ang school na tingnan nila ang anak natin. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak natin.” malambing na sabi niya sa akin.“Pinapunta mo ako dito. Ano naman ang gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya.“Wala, gusto lang kitang kasama dito.” sabi niya sa akin.“Akala ko p
THIRD PERSON POV Lihim na napangiti si Tina dahil ang buong akala niya ay natalo na niya si Mec-mec. Alam niya na natatakot na ito sa kanya dahil pinagbantaan niya ang anak nito. Napahawak siya sa kanyang pisngi dahil sa sampal sa kanya ni Mec-mec.. Hindi niya hahayaan na maging masaya ito. Dahil sa babaeng ito ay nawala sa kanya ang lahat. Nawala ang trabaho niya at higit sa lahat ay nawala sa kanya si Mark. Ang lalaking mahal na mahal niya. Ngayon lang siya naging baliw sa isang lalaki. Ito kasi ang nagparamdam sa kanya na kamahal-mahal siya. Ang nagbigay halaga sa kanya at sa anak niya. Napangiti siya dahil nakita niya na tumatawag sa kanya si Mark. mabilis niya itong sinagot. “Hello, Sir.” “What do you want?” tanong ni Mark sa kanya. “I want you, Sir.” nakangiti na sagot niya pero bigla na lang pinatay ni Mark ang tawag kaya nakaramdam ng inis si Tina. “Bwisit!” bulalas niya. “Miss Tina, pinapatawag po kayo sa principal’s office.” saad ng isang teacher. “Bakit po?” “Hindi
WARNING: THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! MATURE CONTENT! FOR ADULT ONLY…MEC-MECHinalikan niya muna ako bago siya pumwesto sa pagitan ng mga hita ko. Aaminin ko na nakakaramdam ako ng kaba at excitement. Kinakabahan kasi alam ko kung gaano kalaki ang ipinagmamalaki ng asawa ko at excitement dahil sa loob ng limang taon ay magagawa namin ito ulit.Sa loob ng limang taon ay umiikot lang ang buhay ko sa anak ko. Ni hindi ko man lang naisip ang ganitong bagay.“Are you nervous?” nakangisi na tanong niya sa akin.“Hindi ah,” sagot ko agad sa kanya.“Really?” panunukso pa niya sa akin.“Bakit naman ako kakabahan? Baka ikaw ang kinakabahan d’yan?” nakangiti na sabi ko sa kanya at pilit na tinatago ang nararamdaman ko.“Okay, sabi mo.” nakangiti na sabi niya at naramdaman ko ang pagk*lalaki niya sa bukana ko.Napalunok ako habang nakatingin ako sa kanya. “Sh*t! Hindi pa nga ako nakapasok pero ang sarap na.” sabi niya habang ikinikiskis ang ulo ng pagk*l
MEC-MEC (PRESENT TIME)“Alam mo ang hirap ng buhay ko doon dahil may mga bagay ako na hindi ko maibigay sa anak natin. Pero kahit ganun ay hindi ko alam kung paano ba kami naka-survive na dalawa. Basta ang alam ko ay umasa ako. May mga pagkakataon na iniisip ko na baka hindi na ako hahanapin ng pamilya ko. Na hindi na ako hahanapin ni Mark. Ang pangalan na nakaukit dito sa singsing ko. Minsan pa nga ay naisip ko na ibenta ito para lang may pambili ako ng damit at pagkain namin. Pero pinigilan ako ni nanay. Kasi naniniwala siya na ito ang magdadala sa akin sa pamilya ko.” umiiyak na sabi ko sa asawa ko.“Sorry, mahal. Sorry kung wala ako sa tabi. Pero hinahanap kita, hindi ako tumigil na ipa-hanap ka. Kasi naniniwala ako na buhay ka pa.” sabi niya sa akin.“Aaminin ko na nakaramdam ako ng inis dahil iniisip ko noon na hindi niyo man lang ba ako hinanap? Wala man lang ba naghahanap sa akin? Pero nang malaman ko kung gaano kalayo ang Maynila sa Isla ay doon ko naintindihan na imposible ng
(CONTINUATION OF FLASHBACK)MEC-MECNagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Mag-isa lang ako dito at sa naamoy ko ay nasa ospital ako. Ibig sabihin ay dinala nila ako dito. Pero malayo ito sa isla. Ilang oras na ba akong tulog? Nahihilo pa rin ako kaya naman humiga ako pero bumangon rin ako ulit dahil na-aalala ako sa anak ko.Hanggang sa bumungad sa akin ang lalaki at hawak niya ang kamay ng anak ko. Tinanong niya ako kung nagugutom ako at ang totoo ay gutom na nga ako. Bumili siya ng pagkain at naiwan si Macky sa tabi ko.“Mama, kumain po kami sa labas. Ang sarap po ng mga pagkain na binili sa akin ni papa.” sabi niya sa akin.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil sa narinig ko mula sa anak ko. Ngayon lang kasi siya nakakain ng masarap. Masarap naman ang isda at gulay pero laging ganun ang ulam namin. At nakakain lang yata siya ng karne ay isang beses pa lang.“Marami ba ang kinain mo?” tanong ko sa kanya.“Opo, marami po. Ang sabi po sa akin ni papa ay k
(CONTINUATION OF FLASHBACKS)MEC-MECLimang taon ang lumipas at hindi ko ito namalayan. Hindi ko alam kung paano kami naka-survive ng anak ko. Oo mahirap pero ang mahalaga ay malusog ang anak ko. Malaki na si Macky at natutuwa ako dahil naiintindihan niya ang lahat ng sinasabi ko sa kanya. Ipinaliwanag ko ang tungkol sa akin. Na wala akong naalala sa nakaraan ko at naiintindihan naman niya ito. Malambing at mabait ang anak ko. Nawawala ang pagod ko kapag niyayakap ako ng anak ko.Sa patag ay may sideline ako. Nag-tutor ako doon every weekend. Doon ako kumukuha ng ng pambili ko ng bigas namin dito sa isla. Ang halaga sa akin palagi ay may bigas kami. Marami namang ulam dito sa isla. Maraming isda at gulay ang narito na puwede naming i-ulam.“Mama, may mga dumating po na dayo.” Sabi sa akin ng anak ko.“Anak, dito ka lang. ‘Wag kang pumunta sa kung saan.” Sabi ko sa anak ko.“Opo, mama.” Sagot niya sa akin.Pero may kakulitan talaga na taglay ang anak ko. Kahit pa sinabi ko sa kanya na ‘